Bahagyang napa-atras si Cerlance matapos marinig ang sinabi niya. Tila ba may tumulak dito at kung hindi lang naibalanse kaagad ang sarili ay baka natumba na sa buhanginan.
He didn't see that coming, for sure. Sigurado siyang nagulat ito sa narinig.
Sino bang hindi? Kahit nga siya ay nagulat sa salitang lumabas sa kaniyang bibig.
She had lost control over her body, over her words. Para siyang lasing na hindi alam ang mga sinasabi at inaakto. Pakiramdam niya sa mga sandaling iyon ay tila siya nalulunod sa sama ng loob, sa lungkot at pangungulila.
At kailangan niya ng saklolo upang makaahon…
Saklolo mula kay Cerlance.
Ito ang kasama niya sa loob ng tatlong araw at kahit papaano ay napapalapit na ang loob niya rito sa kabila ng pagiging antipatiko nito paminsan-minsan. She had seen the good side of him... somehow. At kahit papaano ay palagay na ang loob niya rito. Thus, she was able to speak her mind.
Or was it really her mind talking just now? Wasn't it the heart?
Hearts normally make bad decisions.
And she was vulnerable, damn it. She was disappointed about the result of their trip to Guimaras. Tama si Cerlance, dapat ay inasahan na niya ang ganito. Dapat ay handa na siya.
But she was desperate to see Knight and hear his explanations. Umasa siyang hindi na humaba pa ang biyaheng ito at sa Guimaras pa lang ay magkaharap na sila.
But he wasn't there at his grandparents' house, thus the disappointment.
And she wanted to forget how hurt and disappointed she was, hence, she said those words.
Ang tanong… papatulan ba ng driver niya ang sinabi niya?
Cerlance Zodiac seemed to have no interest in her. Walang kainte-interes ang mga tingin nito lagi sa kaniya. Na tila ba wala na itong nakitang maganda sa kaniya.
Oh well... maaaring wala. She was a mess these past few days. Kahit siya ay hindi nagagandahan sa sarili.
But still.
Lalaki pa rin ito. At ang mga lalaki ay pare-pareho lang.
Ang laman ay pare-pareho lang din. Karne ng manok man 'yan, baboy, isda--pare-pareho lang na pangsahog. Kahit sinong lalaki, kapag nilapitan ng palay ay tumutuka. Kahit poste, paldahan lang ay papatulan na. Anong pinagkaiba ni Cerlance Zodiac sa mga lalaking iyon?
Pinagkaiba...?
Lihim niyang sinuyod ng tingin ang lalaking kaharap.
Cerlance Zodiac was... a perfection if she would be honest to herself. He was... every woman's dream. Physically at least. Hindi lang niya alam sa ugali.
Mukha itong galing sa disenteng pamilya, may pinag-aralan, may maayos at marangal na trabaho. Mukhang kaya nitong bumuhay ng dalawang pamilya, at mukhang masarap.
Natigilan siya sa huling naisip.
Masarap.
Yes. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit niya nasasabi ito sa kaharap.
She found this guy... appetizing. Nakabubuhay ng natutulog na lamang-lupa.
His grey eyes were his best asset, and they weren't even the best about him. His raven-black, silky hair was and his handsome face was already a giveaway. Ang katawan naman nito na kay laki at kay tigas... ang grand prize.
Sa dating at itsura nito, may karapatan itong pumili ng babaeng paliligayahin. At ramdam niyang kay taas-taas ng standard nito pagdating sa aspetong iyon. He looked like someone who would only go to bed with a model, or an actress, a celebrity. Or a boss-woman.
Mga ganoong kalibre.
Malayong-malayo sa kaniya.
Oh well, kahit naman hindi siya matangkad… kahit hindi pang-commercial model ang ganda niya, at kahit hindi siya kasing puti ng bondpaper ay alam niyang may ganda rin naman siyang ibubuga.
Kung wala ay hindi niya magiging syota si Knight na habulin din ng mga babae.
Pero… kung talagang maganda siya, bakit siya iniwan?
Shit. She was overthinking again.
“Are you crazy?”
Napakurap siya nang marinig ang naging tugon ni Cerlance sa sinabi niya. Ibinalik niya ang pansin dito at nakita ang pagsalubong ng mga kilay nito.
“God help me,” usal pa ni Cerlance bago tinapik ang noo. “Are you out of your mind now? Tuluyan na bang nilamon ng desperasyon ang utak mo?” Nagpakawala ito ng buntonghiniga saka muling naupo sa tabi niya. Hinarap siya nito, ang itsura’y tila napipikon pero pilit lang na sinusupil. “Look. I understand you're upset, but don't do this to yourself. Masyado mong binababa ang sarili mo."
Wala siyang naririnig sa mga sinasabi nito. Ang atensyon niya'y nasa simpatiko nitong mukha na ilang pulgada lang ang layo mula sa kaniya. She could even smell his breath... sweet and minty. Nagtu-toothbrush ba ito kada limang minuto? Ano ba ang sekreto ng hayup na 'to at wala siya ni isang maipintas sa pisikal na aspeto?
"See what happens to you? Dahil sa kabaliwan mo sa lalaking iyon ay dinadala mo ang sarili mo sa kapahamakan," patuloy ni Cerlance na ikina-kurap niya. She heard that one. "And this isn’t the first time you did this, Shellany. Paano kung masama akong tao?”
“Bakit hindi ka maging masamang tao just for once at patulan ako?” Tang*na, saan ko ba kinukuha ang lakas ng loob para magsalita ng ganito? Oh, damn you, Knight. This is all your fault!
“Hindi ako pumapatol sa mga desperada.”
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig na sinabi ni Cerlance. Doon ay nagising siya sa kagagahan niya.
“Three things you need to remember about me and my rules, Miss Shellany Marco.” Sumeryoso ang mukha nito. “One—I am commited to my job. Kahit sa ganoong kondisyon kita kinuha sa pick up location ay maayos kitang ihahatid sa final drop off location. Two—hindi ako ang tipong pinagsasamantalahan ang kahinaan ng kliyente ko. I may be rude to you at times, but I would never cross the line. Third— you are not my type. Kahit ano pa ang gawin mo ay hindi kita papatulan.”
Hindi niya napigilang magtaas ng kilay. Palalampasin niya ang huling sinabi nito.
“Hindi kasama sa mga nabanggit mo ang pagpatol sa mga kliyente. Ibig bang sabihin ay may kliyente ka nang pinatulan noon?” Geez... bakit ba ayaw pa niyang tumigil? Wasak na wasak na siya sa huling sinabi ni Cerlance, ah?
“What?” Muling nagsalubong ang mga kilay nito. Nakikita niyang bumabangon na ang inis nito para sa kaniya.
She raised her chin. “I was somehow expecting na sasabihin mong 'I don’t flirt with my clients'. But you never did. Ibig bang sabihin ay hindi iyon kasama sa mga rules mo? Have you ever flirted with a client? Have you ever had s*x with a client?”
Hindi ito kaagad na nakasagot, at ang ilang segundong pananahimik nito ay sapat na upang ma-kompirma ang mga huling sinabi niya.
She couldn’t help but smirk.
“Mukhang hindi mo nga ako type.” Napanguso siya saka ibinalik ang tingin sa dagat. Doon niya napagtantong kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam niya. At kahit papaano ay natatauhan na siya. “Dahil kung type mo ako ay baka kinagat mo ang mga panunukso ko sa’yo.”
She saw him turn to her through her peripheral vision. “Why are you doing this, Shellany?"
“I was lonely. But I’m all good now.” Tumayo siya at pinagpagan ang mga buhanging dumikit sa suot na bestida. “Gusto kong maligo sa dagat.”
“Wala kang dalang pambi—” Nahinto ito sa pagsasalita nang makitang hinawakan niya ang laylayan ng suot niyang bestida saka itinaas. Wala siyang pakialam sa mga sasabihin nito. Malapit na niya iyong mahubad nang maramdaman niya ang paghawak nito sa kaniyang kamay upang pigilan siya. Kasunod niyon ay ang pagbaba nito sa kaniyang bestida. “What made you think na papayagan kitang maligo sa kondisyon mong ito?"
Hinarap niya ito. “Hindi ako magpapakalunod, I just want to dip—”
“No. Dip yourself in the bathtub instead." Tumayo na rin ito , ang kamay ay nanatiling nakahawak sa kaniya. "Let’s head to the resto and get some food first. Baka mahimasmasan ka kapag nakakain na.”
“Iniisip mong wala ako sa sarili kong katinuan ngayon?” She forced a chuckle. “I’m fine, okay? Bumalik na ako sa katinuan ko. Tawagin mo ba naman akong desperada, eh.” Banayad niyang binawi ang kamay mula sa pagkakahawak nito. “But fine. Kakain ako. At kung ayaw mong maligo ako sa dagat ay hayaan mo akong uminom ng beer habang kumakain.”
“No.”
“Ano ba? Lagi na lang No ang sagot mo. Tatay ba kita?"
“Nasaksihan ko na kung paano kang dapuan ng espirito ng alak, at tulad ng sinabi ko’y wala akong balak na mag-alaga ng lasing ngayong gabi. Now, I need you to obey me; this is for your own fvcking good. Don’t make this hard for both of us. Bukas ay kailangan nating magising nang maaga para abutan ang first trip ng bangka pabalik sa mainland. We are traveling to Bacolod tomorrow.”
Napanguso siya. “Fine!” aniya. Humalukipkip saka sinalubong ang kulay abong mga mata nito. Cerlance Zodiac was really a gorgeous man. Perpektong instrumento sana talaga para kahit papaano ay panandalian niyang makalimutan ang walang’ya niyang ex-fiance. Sayang lang at hindi siya nito type at wala itong balak patulan ang mga panunukso niya.
Geez. She didn’t know what she had become anymore. Bakit ba pabalik-balik sa isip niya ang pagnanais na tuksuhin ito?
Bakit ba init na init ang pakiramdam niya?
Was she just sad and vulnerable? Or there was something else behind this craziness?
Hindi naman talaga siya malandi; hindi siya dating ganito.
Kasalanan talaga ito ni Knight. Nang dahil dito ay nakakalimutan na niya ang dignidad niya. At nang dahil sa kagandahan ng lalaking kasama niya ay nagiging desperada na siya.
Bakit ba kay rupok niya sa mga magagandang lalaki?
“Sige, ganito na lang, Cerlance. Kung hindi mo ako papayagang maligo at uminom ng alak ay halikan mo na lang ako.”
Oh s**t, where the hell did it come from?
Muli niyang nakita ang pagsalubong ng mga kilay ni Cerlance. Mukhang kaunti na lang at mapupuno na ang salop.
“Hindi ka ba talaga titigil?”
“Hindi ako titigil hanggang sa hindi mo ako payagang uminom. Ano, papayagan mo ba akong uminom o hahalikan mo na lang ako?”
Matagal na nakipagtitigan sa kaniya ang lalaki. Nakikita niya ang pag-igting ng panga nito. Alam niyang umiiksi na ang pisi nito, she could see it. She could feel it. And if Cerlance was a cartoon character, his ears would surely be smoking in rage right now.
Lihim siyang napangiti. Hindi niya akalaing imbes na mabahala sa reaksyon ni Cerlance sa mga nasabi niya'y naaaliw pa siya.
This guy was an entertainment, indeed. Nawawala sa isip niya si Knight sa tuwing nakikipag-bangayan siya kay Cerlance.
Whenever she and Cerlance would get into an argument, her attention was somehow diverted into something else, making her forget about the pain that Knight had inflicted on her. Nakatutulong ang presensya ni Cerlance para maiwasan niyang tuluyang malunod sa lungkot at pangungulila.
“Fine.”
Nanlaki ang mga mata niya sa sagot ni Cerlance.
“Fine?” she repeated. As in, hahalikan niya ako?
“Yes,” anito saka tuluyang humarap sa kaniya.
Mariin siyang napalunok. Ang kaniyang dibdib ay kumabog nang malakas.
Would he really kiss her?
Sh*t, she couldn’t believe it.
And she couldn't wait.
Sa labis na antisipasyon ay itinaas niya ang sarili upang ilapit ang mukha kay Cerlance. Unti-unti rin niyang ipinikit ang mga mata saka inihanda ang sarili.
Cerlance's hands landed on her shoulders.
Sh*t, hahapitin ba niya ako? Aba, iba rin…
Tuluyan na niyang ipinikit ang mga mata at inihanda ang sarili.
And then... she heard him speak,
“Ilang bote ng beer ang kaya mo hanggang sa makatulog ka at tantanan mo na ako?”
Bigla siyang napamulat, at doon ay nakita niya ang pag-taas ng isang sulok ng labi ni Cerlance.
Napasimangot siya saka iritang tinabig ang mga kamay nitong nasa kaniyang mga balikat.
“Spoilsport,” usal niya saka inirapan ito. Siya naman ngayon ang napikon sa pambibitin nito. “Isang case ng Red Horse, iced cold.”
“Okay, deal. Pagbibigyan kita sa kagustuhan mo, pero may isang kondisyon.”
Muli niya itong inirapan. “Ang dami mong rules and regulations. Sisiguraduhin ko talagang mababa ang review na ibibigay ko sa serbisyo mo, akala mo ba?”
Cerlance just smirked and said, “Pagbibigyan kitang uminom ngayong gabi, sa kondisyong titigilan mo na ang panunukso sa akin dahil naaawa na ako sa’yo. How long do you intend to do this when you know I would never flirt back?”
She gritted her teeth in annoyance. Kailangan ba talaga nitong isampal sa kaniya ang katotohanang iyon? At naaawa na 'ka mo ito sa kaniya? Aba naman talaga... apaka-punyeta.
Padabog niya itong tinalikuran. “Hali ka na nga at pakainin mo na akong hayop ka. Napipikon ako sa’yo, baka ma-tubo pa kita.”
*
*
*