Nahinto sa pagpupumiglas si Shellany matapos ang ginawa ni Cerlance. Hindi nito inasahang gagawin iyon ng huli. Pero ang pagkagulat ng dalaga ay sandali lang. Nang mag-umpisang humakbang si Cerlance palayo ay doon muling kumawag-kawag si Shellany.
“Ibaba mo ako! Ibaba mo ako, Cerlance!”
“No,” matigas na tugon ng binata na kung buhatin si Shellany ay tila ba nagbubuhat lang ng isang sako ng patatas.
Si Shellany ay nag-iiiyak na hinampas ang likod ni Cerlance kasabay ng pagluha. She was frustrated, and desperate, and enraged all at the same time. Maliban sa hampas sa likod ay sinisipa rin nito sa tiyan ang binata subalit hindi iyon ni-inda ni Cerlance.
He thought he would rather take the physical torture than the humiliation. Hindi nito kayang manatili sa harap ng gate na iyon habang pinag-pi-piyestahan sila ng mga kapitbahay. Kung si Cerlance lang ang masusunod ay iiwan nito roon si Shellany at bahala na ito sa buhay nito. But if he did that, he would be breaking his terms. Kahit baliktarin niya ang mundo, kliyente niya pa rin si Shellany. It was his responsibility to look after her--whether he liked it or not.
“Ibaba mo ako!” patuloy na panlalaban ni Shellany. "Ibaba mo ako sabi, eh!"
Mahigit dalawampung metro na ang inilayo nila sa gate nang huminto si Cerlance at ibinaba sa kalsada si Shellany. Pagbaba na pagbaba pa lang ay tatakbo sana pabalik ang dalaga nang maagap na hawakan ni Cerlance ang kwelyo ng suot nitong bestida. Muntik nang mapunit ang damit ni Shellany kaya huminto ito at hinarap ang binata.
"Ano ba?!"
“You can’t go back."
Inis na inalis ni Shellany ang kamay ni Cerlance na nakahawak sa damit nito saka tinapunan ng matalim na tingin ang binata. “I hired you to drive me to my destination, not hinder my plans!”
“Your plans? Is this your plan?” Salubong ang mga kilay ni Cerlance. “Plano mong ipahiya ang sarili mo sa harap ng marami?"
“Who cares? They don’t know me!”
“Some of them were carrying their mobile phones! Kung hindi pa tayo umalis doon ay siguradong makaiisip ang ilan sa kanila na-i-film tayo. And then what? Magiging viral ka sa social media? Not that I care about you—but I was with you! Ibig sabihin ay madadamay rin ako!”
“Wala akong pakialam!” Muling pumihit pabalik si Shellany nang muli itong pigilan sa braso ni Cerlance. This time, Shellany was even more persistent, kaya marahas nitong hinila ang kamay mula sa binata. At nang mapakawalan nito ang sarili ay mabilis itong tumakbo pabalik, not minding her three inches wedge!
Subalit bago pa man ito tuluyang makalayo ay inabutan na ito ni Cerlance at mahigpit na hinawakan sa bewang.
“Stop making yourself look even more pathetic!”
"You don't know how I feel!"
"I probably don't, but it's not the point! Can't you see? I'm saving your ass from humiliation!"
Subalit nagbingi-bingihan si Shellany. Wala itong pakialam sa mga sinasabi ni Cerlance. Nagpatuloy ito sa pagpupumiglas kahit na nasasaktan na rin ito. Sa higpit ng pagkakahawak ng binata sa bewang nito, kahit ipu-ipu ang tumama sa kanila ay hindi hihiwalay ang katawan ni Shellany mula kay Cerlance.
Dumami lalo ang mga tao sa kalsada. Ang ilan sa mga kapitbahay ay nagtawag pa ng mga kamag-anak na nasa loob ng mga bahay nila upang saksihan ang komosyon sa labas. At napansin iyon ni Cerlance kaya lalo itong nagpursige na ilayo si Shellany.
Sa unahan ay may nakahintong tricycle na hindi makausad dahil nasa gitna na halos ng kalsada ang dalawa. Napansin ni Cerlance na wala iyong laman na pasahero, kaya iyon ang tinumbok ng binata. Halos kaladkarin nito si Shellany na patuloy sa pagpupumiglas. Nang makasakay ay mabilis na nag-utos si Cerlance na ilayo na sila roon.
Ang tricycle driver na sandaling napamaang sa dalawa'y tumalima. Pinaandar nito ang tricycle palayo roon. Gustuhin man ni Shellany na patuloy na magwala ay hindi na nito nagawa pa dahil halos magsumiksik na ito sa loob katabi si Cerlance na halos sakupin na ang espasyo sa harapan ng trayk.
Nang makalayo na sila sa pinanggalingan ay saka pa lang binitiwan ni Cerlnace si Shellany na nagpupuyos sa galit. Lalo nitong ini-siksik ang sarili sa sulok at yumuko; ang mga braso ay ini-yakap nito sa sarili, ang nagulong buhok ay nakatakip sa mukha nito na pabor sa dalaga dahil nais nitong ikubli sa katabi ang pagluha.
Si Cerlance ay napabuntong hininga saka ini-tuon ang tingin sa labas. “The man you are looking for is not in that house. Bumalik na lang tayo sa mainland ay magpahinga para maaga tayong makaalis bukas patungong Tacloban. Alas otso ng umaga ang alis ng RORO."
Hindi sumagot si Shellany.
Minabuti ni Cerlance na manahimik hanggang sa marating nila ang port. Naunang bumaba ang binata saka binayaran ang tricycle driver na napatingala rito. Si Shellany ay walang kibo at tila walang balak na umalis sa kinauupuan. Nanatili itong nakayuko, ang mga braso’y mahigpit pa ring nakayakap sa sarili.
Si Cerlance na nanatiling nakatayo sa gilid ng trayk driver ay napayuko upang silipin ang kasama. "Stop sulking. Let's go now."
Hindi tuminag si Shellany.
Nagpakawala ng malalim na buntonghininga si Cerlance saka nilingon ang port kung saan may nakadaong na isang pump boat na sa hula nito'y siyang pabalik ng mainland. At kung tama ang estima ni Cerlance ay iyon ang huling pump boat na bi-biyahe sa hapong iyon.
Ang operator niyon ay pinupunasan ang mga upuan, habang ang kasama nitong lalaki sa loob ay bumaba bitbit ang isang tali at nag-umpisang itali ang bangka sa naka-usling bakal sa dock.
Nagsalubong ang mga kilay ni Cerlance nang makita iyon, lalo nang bumaba ang operator matapos maglinis. Ang mga katabing pumpboats ay naka-daong at nakatali na rin, ang iba'y may mga takip na ang upuan badya na hindi na magsasakay pa ng pasahero pabalik. Kakaunti na rin ang mga tao roon, at halos puro mga bangkero na lang ang natira.
Nilingon ni Cerlance ang trayk at tinapunan ng tingin si Shellany na wala pa ring imik bago inilipat ang tingin sa driver ng tricyle na napapakamot na lang habang hinihintay ang pagbaba ng dalaga.
“Manong, hindi ba at alas sinco pa ang huling byahe pabalik sa mainland?”
Itinuon ng driver ang tingin sa pangpang. “Kadalasan ay iyon ang oras ng last trip, pero madalas na nagbabago depende sa sitwasyon."
"Sitwasyon?"
"Kung masama ang panahon o kung may sira ang bangka at kailangang ipahinga na." Muli niyang nilingon ang bangkang inakala niyang siyang magdadala sa kanila pabalik sa mainland. "Hindi ba iyon ang huling trip?"
"Palagay ko'y hindi na aalis 'yan. Itinatali na, eh."
"What?" marahas na ibinalik ni Cerlance ang tingin sa trayk driver. "Hindi na aalis?"
"Kapag itinali na sa bakal ang lubid at kapag nilinisan na ang mga upuan, hindi na aalis 'yan. Hindi naman masama ang panahon, kaya baka may problema sa makina kaya hindi na babalik sa mainland."
Hindi napigilan ni Cerlance na hagurin ang buhok patalikod. Unti-unting bumabangon ang inis.
"Paano kung may emergency, paano kung may mga pasaherong kailangang bumalik sa mainland?"
"Kapag emergency, kailangang tumawag sa barangay captain at mag-request ng pribadong bangka na maghahatid sa mainland. Pero depende sa emergency, kasi may clinic naman dito kung--"
"It's nothing like a medical emergency, we just need to travel early tomorrow."
"Ano po, Sir?"
Inis na nagpakawala ng paghinga si Cerlance, muling hinagod patalikod ang buhok. "Paano ang ibang bangka, hindi ba sila bibiyahe?"
"Naku, eh naka-schedule po ang byahe ng mga pumpboats."
Tahimik na nagmura si Cerlance. Wala na itong magagawa.
“Kahit bayaran namin ang buong trip pabalik sa mainland, hindi pa rin sila bibiyahe?”
“Hindi rin, Sir. Magmumulta sila ng malaki. Isa pa, kapag bumiyahe sila ngayon, wala na rin silang makukuhang mga pasahero mula mainland dahil ang madalas na mga pasahero’y mga taga-lokal lang din, at alam nilang ganitong oras umaalis ang last trip. Maliban pa roon ay gagabihin na sila sa pagbalik, at kapag gabi na’y malalaki na ang alon. Pero pwede niyo rin pong kausapin yung bangkero, baka sakali lang.”
Cerlance groaned in frustration. “Nah. Nevermind. Ayaw kong isapanganib ang kaligtasan ng bangkero. Anong oras ang first trip bukas?"
"Alas seis ng umaga, Sir."
"Okay, I guess I could live with that. May motel ba rito?”
“Aba, maraming magagandang resorts dito sa Guimaras, Sir. Mas magaganda pa sa Boracay—"
“Hind ko kailangan ng maganda, kailangan ko lang ng matutulugan malapit dito sa port. Mayroon ba?”
“Mayroon, Sir. Dadalhin ko po kayo roon ngayon.”
Muling sinilip ni Cerlance si Shellany. “Hey, crybaby."
Tulad kanina'y wala pa ring imik si Shellany.
"We are staying here tonight. We're going back to the mainland at 6am tomorrow."
Again, Shellany had no words to say.
Isang buntonghininga ang muling pinakawalan ni Cerlance bago ibinalik ang pansin sa driver na nag-aantabay lang ng kasunod na instruction.
“Dalhin mo kami sa pinaka-malapit na resort."
*
*
*
“Wala ka pa rin bang planong magsalita o kumilos d’yan sa kinauupuan mo?” tanong ni Cerlance kay Shellany nang balikan niya ito sa bamboo bench sa beach na pinag-iwanan nito sa dalaga upang kumuha ayusin ang booking nila sa gabing iyon.
Dinala sila ng driver ng trayk sa pinakamalapit na resort, hindi pa gaanong kilala dahil katatayo pa lang. Walang ipinagkaiba ang resort na iyon sa iba pang mga resorts na napuntahan na niya. It was a typical white-beach resort with nipa hut cottages and two-storey main building. Sa building na iyon naroon ang ilang mga pribadong silid, ang maliit na seafood restaurant, at reception hall. Mayroong maliliit na mga cottages na tulad ng sabi ng staff na nakausap niya ay pwedeng rentahan upang tulugan sa buong gabi. Every cottage had a double-sized bed and a private shower area. Hindi iyon gaanong malaki subalit sapat para sa kanilang dalawa ni Shellany.
Yes. Sa kondisyon ngayon ng kliyente niya ay hindi niya ito maaaring iwang mag-isa. Hindi niya ito maaring iwang mag-isa sa silid dahil baka kung ano ang gawin nito sa sarili at baka um-order na naman ito ng alak at magpakalasing. Wala siyang balak na mag-alaga ng lasing sa gabing iyon.
And for the nth time, this wasn’t what he signed for, goddamnit.
“Walang bakanteng silid sa main building kaya sa isa sa mga cottages tayo mananatili sa buong gabi. We aren’t going to share a bed; you take it and I’ll sleep on the matress.”
Wala pa ring kibo si Shellany matapos ang pahayag niya. Nanatili itong nakatingin sa dagat; blankly staring at the waves as they crash to the shore. Sigurado siyang sa mga sandaling iyon ay ang magaling nitong nobyo na naman ang laman ng isip nito.
Naupo siya sa tabi nito at tinanaw rin ang dagat. Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila bago siya muling nagsalita.
“Kaysa nagmumukmok ka riyan, bakit hindi ka na lang maging positibo at isiping nasa Tacloban ang lalaking iyon? O nasa Tagum City. Ito ang unang lugar na napuntahan natin, may dalawa pa. You should be expecting this to happen, so I don’t understand why you're sulking.”
“Nasaktan ka na ba dati?”
Napalingon siya nang marinig ang sinabi nito. Wala pa ring pagbabago sa anyo ni Shellany, ang tingin ay blangkong nakatutok pa rin sa dagat.
“No. Never have been,” sagot niya.
“Then I guess you would never understand how I feel.”
“Hindi ko kailangang masaktan para maintindihang ang kailangan ko sa mga sandaling ito ay maging positibo. Kung wala ang ex-fiance mo sa tatlong lokasyong pupuntahan natin, it is still not the end of the world. Use your money to hire a private investigator. Sit in your couch and fix yourself as you wait for the result. H’wag na h’wag mong ipakikita sa lalaking iyon na sirang-sira ka nang iwan ka niya. Some men would find it facsinating because if you didn’t know, men are insecure bunch of shits. Gusto nilang hinahawakan sa palad nila ang mga babae, gusto nilang kontrolado ang sitwasyon, gusto nilang baliw na baliw sa kanila ang mga ka-relasyon nila. And if you allowed that guy to find you in this condition—broken—you would just give him the right to control you more. Lalo ka niyang sisirain, paglalaruan, mamanipulahin. Kung hindi man ay baka madismaya lang siya kapag nakita kang ganiyan." He paused and took a long, deep breath. "My point is, heal yourself. Be a better version of yourself and don't allow that guy to see the vulnerable side of you.”
Iyon na yata ang pinakamahabang salitang binitiwan niya simula nang tanggapin niya ang booking ni Shellany Marco. He wasn’t the type who would give advices, most especially to his clients. But this woman needed it and he had to. Kung hindi ay siya rin ang mahihirapan. Ayaw niyang mag-alaga at umalalay sa babaeng sawi.
Shit, this was a lesson he learned big time.
Hindi na siya tatanggap ng booking mula sa babaeng iniwanan!
"And are you one of those men, Mr. Zodiac?” Shellany asked after a while.
“An insecure s**t? No."
Napa-ismid ito.
Nagkibit-balikat siya at ibinalik ang tingin sa dagat. Unti-unti nang lumulubog ang haring araw, at ang kulay ng langit ay nag-iiba na.
"Aaminin kong isa ako sa mga lalaking gustong nababaliw ang mga ka-relasyon ko sa akin, pero isa rin ako sa iilan na nadi-dismaya kung makikita kong ganito ang babaeng iniwan ko." Muli niya itong sinulyapan. "I would like to see my women smiling, lifting their chin up as we end our relationship. It’s easier that way."
"Huh?" Doon na tuluyang nabasag ang pader na inilagay ni Shellany magmula pa kanina. Sa unang pagkakataon matapos itong mag-shut down ay nilingon siya. At sa naguguluhang tinig ay, "You expect your women to smile at you after breakup? Sinong babae ang matutuwa na ang karelasyon nila ay iiwan na sila? Gago ka ba?"
"Be careful with your choice of words," he warned, pointing his index finger at her.
Umikot lang ang mga mata ni Shellany bago nito ibinalik ang pansin sa dagat.
"Great time lasts, Shellany. There is no such thing as happy ever after; my women knew that, at iyon din ang dapat mong tandaan."
Shellany sneered. "Wait 'till you meet my grandparents."
"Iba ang buhay noon sa buhay ngayon. H'wag mong i-kompara ang dalawang magkaibang henerasyon."
Hindi sumagot si Shellany, pero nakita niya sa mukha nitong hindi pa rin ito sang-ayon sa mga sinasabi niya.
Nagpatuloy siya. "Nauwi kayo sa paghihiwalay, tanggapin mo. He left you without a single word, which means he wasn’t into you that much. So, why chase the man?"
Nanatiling tahimik ang kaniyang katabi kaya nagpatuloy siyang muli.
"What you did back there was such a big turn-off, Shellany. Men don't find that attractive, you know?”
“Your words don’t help me feel better at all, Cerlance."
“I know." He smirked. "That’s why I don’t give advice and don’t speak to my clients about personal stuff.” Tumayo siya at niyuko si Shellany na ang tingin ay muling pinanatili sa dagat. “Let’s grab some food. I'll treat you this time."
“Hindi ako gutom.”
“You have to eat somehow.”
“I’d rather have a bottle of Chardonnay.”
“Well, what a shame. Because I won’t let you drink anymore. Ayaw kong mapagod sa pag-aalaga at pagbabantay sa'yo ngayong gabi."
“Just invoice me for the additional service, Cerlance. Kapag nalasing ako ay alalayan mo na lang ulit ako.”
"No, I'm done with the babysitting service. The additional fee is not even worth it. All I wanted to do from now on is to drive and transport you. That's it.”
“Okay," ani Shellany bago humugot ng malalim na buntonghininga. “Would you drive me then?”
Kasabay ng tanong na iyon ay ang paghampas ng malakas na alon sa buhanginan. Hindi niya alam kung tama ang pagkakadinig niya o gutom lang?
But he wasn't even that hungry...
And what the heck did she mean by that?
“What?” he asked, hoping that she would repeat what she said.
Si Shellany ay dahan-dahang pumihit paharap sa kaniya. Ang mga mata’y muling naging blangko, ang anyo’y nanatiling malungkot.
“I want to forget, kahit ngayong gabi lang. So... Would you… sleep with me tonight?”
*
*
*