KABANATA 09 - Booking Cancelation?

3258 Words
           Tahimik na pinanood ni Shellany ang pagkamustahan ng magkapatid pagdating nila sa dalawang palapag na beach house sa katabing bayan ng Batangas. Mahigit apatnapung minuto rin ang binyahe nila bago marating iyon, at inabutan na sila ng dilim.        It was almost six in the evening, subalit kahit papaano ay may liwanag pa. Malinaw pa niyang nakikita ang kapaligiran.       The house was painted in white from top to bottom, ang mamahaling roofing ay kulay asul at ang front yard ay pinaliligiran ng mga mayayabong na halaman. Simple lang ang itsura ng bahay, subalit mukhang payapa; mukhang puno ng ligaya. Mukhang inaalagan, at mukhang tinitirhan ng masayang pamilya.       Marami rin siyang plano noon para sa condo unit na binili nila ni Knight upang magmukhang masaya. Marami na siyang mga interior designs na kinuha mula sa internet upang gawing batayan sa pagre-renovate ng unit. She was planning on adding another room for their future baby. Plano na rin niyang bumili ng mga gamit na safe para sa bata...       Nahinto siya sa pag-iisip at ipinilig ang ulo.       Bakit ba ang hilig niyang saktan ang sarili niya?          Ibinalik niya ang tingin sa bahay na nasa kaniyang harapan at sinuri ng tingin ang istruktura. Sigurado siyang matibay ang pagkakagawa niyon upang may panlaban sa bagyo. Ang disenyo ng beach house ay moderno; yaong mga bahay na nakikita niya sa mga western magazines.         Inalis niya ang tingin sa bahay saka sinulyapan ang lalaking kausap ni Cerlance.        And my, oh my.         The man had the same body built as Cerlance, and as strikingly gorgeous, too! Ang suot nitong asul na Hawaiian shirt ay bumagay sa maamo itong mukha at mapulang balat. He had a smiling face as opposed to Cerlance who was always scowling.          Pero nagtataka siya…          Magkapatid ang mga ito pero hindi magkahawig. Ni hindi niya makita kahit katiting na pagkakapareho ng mga ito-- sa pisikal na aspeto.          Bigla siyang nahinto sa pag-iisip nang lumingon si Cerlance sa direksyon niya. Naroon pa rin siya sa loob ng kotse at nakatanaw lang mula sa bintana. Nang makita nitong hindi pa rin siya bumababa ay kinunutan ito ng noo. And somehow... she knew what it meant.           Sandali niyang niyuko ang sarili at inayos ang suot na turtleneck shirt. Inisuklay din niya ang mga daliri sa kulot na buhok na nag-riot na dahil wala siyang dalang brush. Her face was void of makeup, at hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkailang.        Should I put light lip tint? Pero nasa loob pa ng maleta ko ang makeup kit ko. Kagat-kagatin ko na lang kaya ang labi ko para pumula nang kaunti?       Muli siyang natigilan sa itinatakbo ng isip.        Why would she bother, anyway?          Gaga ka Shellany, umayos ka nga! suway ng isang bahagi ng isip niya. Ba't kailangan mong magpaganda? Nasa eye-ball ka?        Napasimangot siya sa sariling pang-uuyam.           Parang gusto ko lang na magmukhang presentable sa harap ng isa pang anak ni Bathala, eh. Kay Knight pa rin naman ako kahit gago ‘yon…            Ibinalik niya ang tingin sa labas, at nang makitang pareho nang nakaantabay sa pagbaba niya ang dalawang lalaki'y lalo siyang nataranta.         Mabilis niyang binuksan ang pinto sa backseat at humugot muna ng sunud-sunod na malalim na paghinga bago lumabas ng kotse. Muli siyang inayos ang damit bago nag-umpisang maglakad palapit sa dalawang lalaking naghihintay sa kaniya sa harap ng front door.           Ilang dipa mula sa mga ito ay huminto siya at nagpakawala ng tipid na ngiti.            “Hi.”          “Hi,” sagot ng lalaking katabi ni Cerlance, na kung sa malapitan ay mukhang Hollywood star. Doon niya napagtantong hindi rin ito purong Pinoy. O baka nga wala pang dugong Pinoy.         Why? Because the guy had a pair of blue eyes!         At katulad ng grey eyes ng driver niya, siguradong hindi rin contact lenses ang mga iyon.       "Welcome to my humble home, Miss...?"         “Her name is Shellany Marco,” pakilala ni Cerlance sa kaniya "She is my client. “       Ngumiti ang lalaki at humakbang palapit saka itinaas ang isang palad upang iabot sa kaniya. "Hi, Miss Shellany. My name is Free Phillian; and I am your driver's brother."          Free Phillian's smile caught her off guard; sandali siyang natulala sa kinatatayuan. At hindi niya alam kung gaano siya ka-tagal na tulala lang hanggang sa marinig niya ang pagtikhim ni Cerlance na gumising sa diwa niya.        She blinked and forced a smile. "H-Hi, Free Phillian... Nice to meet you." Sa nanginginig na kamay ay tinanggap niya ang palad ng lalaki.        Free Phillian shook her hand in a friendly manner, at muntik nang umikot ang mundo niya nang maramdaman ang init ng palad nito sa kaniya.       Maryosep, nagde-deliryo na naman siya.       "Please come in; we have prepared dinner." Banayad na pinakawalan ni Free Phillian ang kaniyang kamay saka inilahad ang kamay sa direksyon ng pinto upang paunahin siya sa pagpasok.           Kaagad siyang tumalima. Naramdaman niya ang pagsunod nito at ni Cerlance.            Sa loob ay sinuri niya ng tingin ang paligid. Walang pinagkaiba ang lugar na iyon sa ibang malalaking bahay na napuntahan na niya, but there was something particular in the house that she had never seen before. Ang floor to ceiling na glass wall sa living area, it was overlooking the ocean behind the beach house. At dahil pagabi na sa mga oras na iyon ay malaya niyang nakikita ang paglubog ng haring araw sa likod ng karagatan. It was a beautiful sight that rendered her speechless.           “Beautiful, isn’t it?”          Binawi niya ang tingin mula sa glasswall at ibinaling kay Free Phillian na nahinto sa pagpasok sa dining area. Nakatingin din ito sa glasswall.           “I love watching the ocean, most especially during the golden hour. Wala pa ang glasswall na iyan dati, kamakailan ko lang ipinagawa para kahit saang sulok ako ng bahay ko pumunta ay nakikita ko ang dagat. Hindi ba at kay payapa sa pakiramdam kapag nakatingin ka sa payapang paghampas ng mga alon sa dalampasigan?"          Ngumiti siya at sasang-ayunan sana ang sinabi nito nang lumampas ang tingin niya sa likuran ni Free Phillian. Mula sa entrada ng dining area ay may lumabas na babaeng nakasuot ng puting summer dress. She was a pretty woman with a pinky cheeks and a friendly smile. Ang kutis nito'y maihahalintulad niya sa porselana... o labanos ba? Sobrang kinis; sobrang puti.        Lihim siyang napalabi.        Gusto niya ang balat ng babae. Mula pa noong nagdalaga siya ay gusto na niyang pumuti, pero hindi nakikisama ang mga whitening products na binibili niya. Ayaw din naman niyang magpaturok ng gluta...        Gluta ba ang balat ng babaeng ito o natural?        Bumaba ang tingin niya sa makinis na braso ng babae. Pababa pa sa katawan nito... at pababa sa mga binti nito. Ang summer dress ay umabot lang hanggang tuhod. Bumaba pa ang mga mata niya sa talampakan nito at doon ay lalo siyang napasimangot.        Ang pula-pula ng sakong niya!         “Hi there.”        Ibinalik niya ang mga mata sa mukha ng babae. Doon ay nakita niya ang paglipat-lipat ng tingin nito sa kaniya at kay Cerlance.          Si Free Phillian ay nilapitan ang babae saka inakbayan. And with eyes sparkling in happiness, he said,           “This is Calley, my fiancee and the mother of my son."       "Finally," ani Cerlance na lumapit sa dalawa. "I am happy to finally meet you."         Para siyang sinuntok sa sikmura nang marinig ang mga salitang binitiwan ni Free Phillian kanina.        Fiancee.        Kay bigat sa dibdib at kay sakit sa tenga pakinggan.        Pero lalong bumigat ang pakiramdam niya nang makita ang kaligayang nasa mga mata ni Free Phillian habang ipinakikilala nito ang babaeng katabi kay Cerlance.          Knight used to look like how Free Phillian looked; proud and happy. Eyes full of devotion, voice full of excitement, actions full of love.         Muli na namang bumabalik sa isip niya ang dating sila ng ex-fiance niya.         Hindi niya akalaing masasaktan siya sa nakikitang ekspresyon sa mukha ni Free Phillian.           And then, there’s his fiancee, Calley. Looking so happy and content.          Ganoong-ganoon din siya ka-saya noon. Baka nga mas higit pa.        Because she thought she had found the one that she would spend her whole life with. The one who she would grow old with.     Pero hindi pala.        Pantasya lang pala ang lahat.               At binasag ni Knight ang pantasyang iyon sa araw na akala niya ay pinakamaligaya sa lahat.            “Miss Marco?”          Napakurap siya at ibinalik ang pansin sa mga kasama na ngayon ay nakatitig sa kaniya. Parehong nagtaka sa sandaling pagkatigalgal niya. Si Cerlance ay salubong ang mga kilay.           Napaatras siya. She felt like cursing, stumping her feet, yelling at the two love birds. Alam niyang walang kasalanan ang mga ito sa nangyari sa buhay niya, pero hindi niya mapigilan ang damdamin.        Mahapdi sa mga mata ang pag-ibig na nakikita niya sa anyo ng dalawa. Parang babaliktad ang sikmura niya.         Muli ay paatras siyang humakbang.            “Bakit, ano’ng problema?” si Cerlance na nagsalubong ang mga kilay.           “Na-Nawalan ako ng ganang kumain. N-Nakaramdam ako ng pagkahilo...”          “Ano?”          “C-Can I just take a nap in the car?"       "We have a guest room upstairs," suhestiyon ni Free Phillian na pumigil sa pagsagot sana ni Cerlance sa kaniya. "You can use it, Miss Shellany. Mas komportable iyon kaysa sa backseat ng kotse."         Napayuko siya. Ayaw niyang patuloy na tingnan ang dalawa.        "I'll walk you there," sabi ni Calley. At anong gulat niya nang maramdaman ang paghawak nito sa isang braso niya. "Let's go?" * * *       "Dalawa lang dati ang silid dito sa itaas, pero pina-renovate ni Phillian ang buong beach house para magdagdag ng isa pang silid. Our baby is using it now; kasama niya sa silid ang Ninang Nelly niya."       Napatitig siya kay Calley nang marating nila ang second floor. Nasa harap na sila ngayon ng isang pinto na ayon dito ay ang guest room.        Si Calley ay hinarap siya; ang ngiti'y nanatiling matamis. "You look pale. Sinabi mong nahihilo ka—napagod ka ba sa biyahe?"       Hindi siya sumagot.        "Are you sick? Do you need medication?"       Doon siya umiling.       "I'm a doctor; I could help you if--"       "I'm fine, I just want to be alone."        "But you don't look fine. I think you are--"       "Gosh, I just need rest. Salamat sa pag-aalala at sa pagpapatuloy sa akin dito sa beach house ninyo. I am willing to pay for the accommodation, but please give me some space.”       Huminga nang malalim si Calley. “You don’t have to pay anything. Maputla ang mukha mo at tuyo ang iyong mga labi. As a doctor, I couldn’t just ignore this—"        “Uulitin ko—okay lang ako. Wala akong dinaramdam. Kung mayroon man ay ang pagiging-ampalaya ko sa inyo ng syota mo." Natigilan siya sa huling sinabi, pero huli na para bawiin iyon. Sinapo niya ang ulo sa pagka-irita. Bwisit.       "I… have no idea what you mean?"       Huminga siya nang malalim at akmang sasagutin ito nang bumukas ang isa pang silid sa kaniyang likuran ay iniluwa ang isang babaeng kaedad lang marahil niya.        Sandali siya nitong sinuri ng tingin bago hinarap si Calley. "Bitter. Iyon ang ibig sabihin ng ampalaya."       "I still don't get it, Nelly," sabi naman ni Calley.        Ang babaeng tuluyang lumabas sa pinanggalingang silid ay napakamot ng ulo. Inisara na muna nito ang pinto sa likuran bago muling nagsalita. "Ito talaga ang mahirap kapag laking 'Merica, eh. Ampalaya ang tawag ng mga Pinoy sa mga taong inggit sa kapwa nila, Calley."       Nanlaki ang mga mata niya sa paliwanag ng babaeng tinawag na 'Nelly' ni Calley. Bagaman may punto naman ang paliwanag nito'y hindi siya makapaniwalang magiging straightforward ito at harap-harapang sabihin na naiinggit siya.       "Inggit?" ulit pa ni Calley na pinaglipat-lipat ang tingin sa kaniya at sa babaeng ang pangalan ay 'Nelly'. "Bakit naman maiinggit ang bisita natin?"       "Tanong mo sa kaniya," si Nelly na nakaangat ang kilay na sinuri siya ng tingin bago muling hinarap si Calley. "Kasama ba siya ni Ser Lance?"       "Yes, Her name is Shellany and she is Cerlance's client."       "Ahhh. Pasahero." Muli siya nitong sinuri ng walang-ganag tingin. "Kadalasang tina-transport ni Ser eh kabit ng mga pulitiko o bastardang anak ng mga mayayamang negosyante. Alin ka sa mga iyon?"       Napa-singhap siya sa harap-harapang pang-iinsulto, at akma siyang sasagot nang banayad na hilahin ni Calley ang kasama.        "Nelly, shush your mouth!" Calley hissed. "Nakakahiya sa bisita--"       "Eh siya naman 'yong may problema, Calley, eh. Tinanong mo lang naman siya kung ano ang nararamdaman niya, pero pabalang kang sinagot."       "She's just tired-- hindi natin alam kung saan pa sila nanggaling. And she look like she hadn't eaten for a week. I could tell, she's dehydrated." Muli siyang binalingan ni Calley; nasa magandang anyo nito ang pag-aalala. "Magpahinga ka na muna sa guest room. Dadalhan kita ng pagkain at gamot para makabawi ka. Kahit sabihin mo pang ayos ka lang ay nakikita ko sa anyo at balat mong kulang ka sa tubig at energy. And please don't argue with me about it."       Hindi na siya nakasagot pa nang tumalikod na si Calley upang bumalik sa ibaba.        Habang nakasunod ang tingin niya rito ay nakaramdam siya ng guilt.        Nang dahil sa masamang alaalang gumulo sa utak niya kanina ay nakaramdam siya ng inggit na hindi naman dapat.        Lihim siyang nagpakawala ng buntonghininga. She really needed closure with Knight. Kung hindi ay baka hindi na siya tantanan ng mga alaalang unti-unting sumisira sa ugali at breeding niya.        "Pfft," ismid ng babae sa tabi niya.       Ibinalik niya ang tingin dito at nakita ang nakauuyam na tinging ipinupukol nito sa kaniya.       "Ako nga rin ay namamangha sa relasyon nina Calley at Ser Phill, pero hindi ako nainggit, eh. Alam mo kung bakit?"       Aba-- sino ba 'tong babaeng ito at kung umasta ay parang ako si Princess Sara at siya si Miss Minchin sa pamamahay na ito?       Itinaas niya ang mukha, humalukipkip, saka tinaasan ng kilay ang kaharap.        "At bakit?"       "Dahil may lablayp ako at hindi ko kailangang mainggit sa relasyon ng iba. Ikaw, mukhang wala."        Muling umawang ang bibig niya. "And who told you na wala akong love—"       "Halata r’yan sa eyebags at tuyot na mga labi mo, ‘no." Inirapan siya nito saka tinalikuran sa labis na pagkamangha niya.        Gusto niya itong habulin at sabunutan dahil pinaalala na naman nito kung gaano ka-lungkot ang buhay niya, pero bago niya maisakatuparan ang nasa isip ay nahinto ito at muli siyang nilingon,        "Maghanap ka ng syota para hindi ka naiinggit sa iba. Pero h'wag si Ser Lance, ha? Akin 'yon." Inirapan siya nitong muli bago tuluyang bumaba sa hagdan.         * * *                     Napaupo nang tuwid si Shellany nang makarinig ng katok mula sa labas ng pinto ng guest room na pinagdalhan sa kaniya ni Calley. Could it be her outside that door? Sinabi nitong babalik upang dalhan siya ng pagkain at gamot.       Napabuntonghininga siya at napatitig sa pinto. Hindi niya alam kung papaano haharapin si Calley matapos ang ugaling ipinakita niya rito kanina.        Isa pang malalim na paghinga ang ginawa niya bago tumayo at naglakad patungo sa pinto. Inihanda niya ang sarili sa paghingi ng paumanhin. She had to. And if Calley would listen, she would explain to her why she acted rude earlier.        Binuksan niya ang pinto at inihanda ang sarili sa paghingi ng paumanhin nang matigilan sa nakita.        It wasn’t Calley waiting outside the door.        It was her driver—Cerlance.               And he was holding a tray of food.       “I’m charging you for this, as well,” bungad sa kaniya ng lalaki na ikina-lukot ng noo niya. “Kung alam ko lang na all-around ang serbisyong gagawin ko para sa’yo ay ni-presyohan sana kita ng mas malaki.”       Napasimangot siya at pumihit pabalik sa loob ng silid. Hinayaan niya itong pumasok upang dalhin sa loob ang pagkain.        “What’s the matter with you?”       Padabog siyang naupo sa kama at tiningala ang lalaking nahinto ilang dipa sa harapan niya. “Lahat ba talaga ng kilos mo ay de-metro?”       Nagsalubong ang mga kilay ni Cerlance. “May mali ba kung i-charge kita sa dagdag serbisyong ginagawa ko sa’yo? Noong tinanggap ko ang booking mo ay transporter lang ang alam kong gagawin ko. Pero naging babysitter ako at ngayon ay bellboy mo. And you expected me not to charge you for it?”       Lalong nalukot ang mukha niya at walang maisip na isagot.       “And I drove all the way here just to feed you proper food, tapos pagdating dito ay sasabihin mo lang na nawalan ka ng gana? Pasalamat ka pa nga at libre itong pagkain at accommodation mo, wala kang babayarang ni cinco. And this meal was cooked by my brother’s fiancee; she had put a lot of effort for this.” Humakbang ito patungo sa sidetable at doon ay pabalang na inilapag ang food tray. Ang mainit na sabaw na nasa bowl ay muntik pang matapon sa ginawa nito. “There. Feed yourself.”       Tinapunan niya ito ng masamang tingin. “Ganito mo ba tratuhin ang kliyente mo?”       “No. Tulad ng sinabi ko kanina ay hindi ko tinatrato nang ganito ang mga kliyente ko. Because you know why? They were all proper. Hindi nila ako binigyan ng sakit sa ulo.” Sinulyapan nito ang pagkaing nasa tray. “Eat everything on that plate. Inumin mo rin ang gamot na ibinigay ni Calley. She’s a licensed doctor and she could tell by the look on your face that you don’t feel well. Kung ayaw mong matuyuan ng dugo ay ubusin mo rin ang laman ng bottled water at ang sabaw sa bowl. Bukas ng tanghali na ang sunod nating kain kaya magpakabusog ka.”       Tumalikod na ito at tinungo ang pintong nanatiling nakabukas. Pero bago ito tuluyang makalabas ay muli niya itong tinawag.        “Hey.”       Cerlance looked over his shoulders. “What? If you’re going to apologize, you’re just wasting your breath. I’d rather have you pay me for all the trouble you’ve caused.”       She gritted her teeth in annoyance. Hindi siya makapaniwala sa pagiging buraot nito.        Matapos nitong mag-apologise sa kaniya kanina ay inakala niyang magiging ayos na ang pakikitungo nito sa kaniya.        But then, hindi rin niya ito masisi kung bakit ito muli itong nagsusuplado.        She closed her eyes and took a deep, calming breath.        Makalipas ang ilang sandali ay muli siyang nagmulat at sinalubong ang mga mata nito “Sino ang babaeng kasama nina Free at Calley rito?”       Kinunutan ito ng noo. “Si Nelly?”         “Yes. Ang bruhildang ‘yon ay sinungitan ako.”       Sandaling natahimik si Cerlance bago siya sinagot. “Yeah. Nelly told me. And to be honest, you deserved it. Nagmamagandang-loob lang si Calley pero binastos mo.”       “Hindi ko siya binastos!” Oh well, she did. Pero hindi niya aaminin iyon. “Kung tutuusin ay ang Nelly na iyon ang bastos sa akin. Ang daming sinasabi. Sino ba siya?”              “She’s the real boss of this house.” Muli na itong tumalikod. “Eat your meal. Gigisingin kita mamayang madaling araw kapag oras na para bumalik tayo sa port.”       Napa-ismid siya nang tuluyang makaalis ang lalaki at sumara ang pinto ng silid.       Unang araw pa lang ng byahe pero kotang-kota na siya sa init ng ulo. Lahat ng taong nakakaharap niya ay sumisira sa mood niya.       She could already tell that this trip wouldn’t be a great experience.       Should she cancel now? Pwede pa naman siguro siyang mag-rebook, tutal ay isang araw pa lang naman.       Mukhang hindi niya kakayanin ang pitong araw pa na kasama ang antipatikong driver niya.       Yeah. She should just cancel and request a r****d.        * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD