KABANATA 08 - Truce

2634 Words
“Uhm… Mr. Zodiac, pwede bang…” Nahinto si Shellany sa sasabihin nang makita si Cerlance nag-angat ng tingin at napatitig sa kaniya mula sa rearview mirror. Blanko pa rin ang mga mata nito at ang noo'y bahagyang naka-kunot. Mag-a-alas seis na ng gabi at nakararamdam na siya ng matinding gutom. Isuka ba naman niya lahat ng laman ng sikmura niya kaninang umaga Tumila na ang ulan sa labas at ang mga bus na bi-biyahe patungong Visayas at Mindanao ay patuloy sa pagdating. Mino-monitor na ng mga staff ng port ang alon at patuloy ang mga ito sa pag-radyo sa mga staff ng Mindoro port. Kanina pa niya pinipilit na matulog pero dahil sa gutom ay hindi siya maka-idlip. Gusto niyang kumain--at sa panahong ito ay parang gusto niya ng mainit na sabaw. Sopas kaya o nilagang baka. Anything would do; she was famished. At dahil hindi na niya matiis ang gutom ay napilitan na siyang kausapin ang kasamang kanina pa abala sa pagtipa sa cellphone nito. She had a glimpsed of his cellphone screen and saw him answering an email. Mukhang nag-aasikaso ito ng panibagong booking... "What do you need?" tanong nito. Tumikhim siya bago nagpatuloy. “Nagugutom na kasi ako. Baka pwede tayong umalis muna rito at maghanap ng pinakamalapit na fastfood chain? Kahit burger at fries lang, okay na ako.” "Kapag umalis tayo ngayon ay mawawalan tayo ng parking slot. Parami nang parami ang mga dumarating na sasakyan." Napangiwi siya. "Pero gutom na gutom na ako... May restaurant ba dito o karinderyang malapit?" "Mayroong karinderya, but I don't recommend it. Nagkaroon ako ng kliyenteng pinahintulutan kong kumain sa restaurant ng port sa Davao at nagkaroon siya ng diarrhea. The place and food they sell were clean and safe, but we can never tell." "What am I supposed to eat then...?" Para siyang batang nagmamaktol. "They sell instant coffee and cupped noodles." "I don't eat cupped noodles; bawal dahil may UTI ako. Ayaw ko ring magkape nang walang laman ang sikmura. I need solid food." Hindi sumagot si Cerlance at ibinalik ang pansin sa cellphone upang ituloy ang pagtipa roon. Halatang wala itong pakealam sa nararamdaman niya. She made a face and turned her attention back to the window. Boring na ngang kasama, napaka-inconsiderate pa, reklamo niya sa isip sabay halukipkip. Mas mainam pa yatang matandang driver na lang ang kasama ko pero marunong makisama at may pagpapahalaga sa kliyente, eh. Kaysa sa isang 'to na may itsura nga, gago naman. Oh, lalo akong nalulumbay sa biyahe na ‘to. Ipinatong niya ang siko sa bintana ng kotse saka nakangalumbabang itinuon ang pansin sa labas. Aabalahin na lang niya ang sarili sa pag-bibilang ng mga pumapasok na transport bus hanggang sa makatulog siya. Baka sakaling mawala ang gutom niya kapag nakaidlip siya. Kailan ba ang huling kain niya? She didn't remember much about last night. Maliban sa uminom siya habang naghihintay sa oras ay wala siyang naalalang sumubo siya ng kahit na anong pagkain. Did she eat breakfast yesterday? Or maybe the night before? Ugh. She was famished. Nagsisi tuloy siya kung bakit niya tinanggihan ang pagyaya nitong kumain kanina matapos niyang maligo. Oh, she would kill for a two-piece chicken and a Hawaiian burger of Macs. Gutom na gutom siya at naririnig na niya ang pagrereklamo ng mga bulate niya sa tiyan. Sa nakalipas na mga araw sa condo, kapag gutom siya’y alak ang ipinanlalaman niya sa tiyan. Nagiging suki na nga siya roon sa wine shop hindi kalayuan sa condo. Minsan, kapag mahapdi na ang kaniyang sikmura ay saka niya iinitin ang pagkaing dinadala ni Ivan sa kaniya. Gabi-gabing pumupunta sa kaniya si Ivan upang kumustahin siya’t dalhan ng pagkain. Minsan ay napipilit siya nitong sumubo, pero madalas ay nagmamatigas siya kaya iniiwan na lamang nito ang dalang pagkain sa fridge. Oh, wala pang beinte-cuatro oras na umalis ito upang lumipad sa Hongkong ay nami-miss na niya ang kaibigan. Ganoon rin si Dabby na noong tawagan siya matapos malaman ang nangyari sa kasal ay iyak nang iyak. Ito ang madalas niyang kausap tungkol sa maraming bagay na hindi niya magawang sabihin kay Ivan, most especially her s*x life with Knight. Dabby was so helpful, lalo na sa mga posisyong nagbibigay ng ligaya sa mga lalaki. Dabby was also the one who suggested birth control dahil... ano bang malay niya sa mga birth contro pills? Ang alam lang niya’y condom na ayaw namang gamitin ni Knight. Kung naroon ang kaibigan niyang si Dabby, siguradong sasamahan siya nito sa trip na iyon. 'Di sana’y hindi siya namamatay sa boredom kasama ang lalaking ito. Muli siyang napasulyap sa rearview mirror upang sana’y tapunan ng nang-uuyam na tingin ang lalaki nang mapaigtad siya. Si Cerlance ay nakatingin din sa kaniya. Sandaling nag-salubong ang kanilang mga mata bago nito ini-itsa ang cellphone sa nakabukas na compartment. Tumikhim siya at naiilang na ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. Bakit ba siya napapa-igtad kapag nagsasalubong ang mga mata nila? May gayuma pa yata ang grey eyes ng hayop na ‘to… “Narinig ko ang pagrereklamo ng sikmura mo,” ani Cerlance makaraan ang ilang sandali. Niyakap niya ang sarili saka muling napanguso. “I can also feel your tension." It's your fault! Nang dahil sa pagiging antipatiko mo'y hindi ako komportable sa kinaroroonan ko ngayon! "I am not a bad person, Miss Marco. And I don't usually act this way towards a client. But our first meeting was so terrible it pissed me off all day." Napairap siya sa sinabi nito. "I've never had a client who I needed to pick up drunk. Wala rin akong naging kliyente na sumuka sa loob ng kotse ko, at lalong wala akong naging kliyenteng binuhat papasok sa kotse ko. Nang dahil sa mga karanasang iyon ay naging bastos ako sa'yo sa buong araw, and for that, I apologize." Natigilan siya sa huling narinig. Hindi siya makapaniwalang hihingi ito ng dispensa sa naging ugali nito sa kaniya. At nang muli siyang sulyapan ni Cerlance mula sa rearview mirror ay muli siyang napa-igtad, kasunod ng pagtuwid niya sa kaniyang kinauupuan. His face wasn't as cold as earlier; kahit papaano ay naging maamo ang ekspresyon ng mukha nito. "And also... I don’t talk to clients about other stuff but business. Kung wala akong tugon sa mga sasabihin mo tungkol sa ibang bagay ay sana maintindihan mo kung bakit. That's just how I operate." Pilit niyang itinaas ang noo. Now's her chance to reprimand him. “So, nararamdaman mo ang tensyon ko?" “Somehow, yes." “At inaamin mong nagiging bastos ka sa akin kaya ako natetensyon ng ganito?” Cerlance shrugged his shoulders nonchalantly. She puckered her lips. “I could use some kindness, you know? Alam mo nang may pinagdadaanan ang client mo, eh…” Hindi na ito sumagot pa at itinuon na ang pansin sa labas. Wala siyang ideya kung saan ito nakatingin, pero sigurado siyang tapos na ito sa pakikipag-usap sa kaniya kaya hindi na ito nagsalita pa. Sa simpleng approach na iyon ni Cerlance ay gumaan nang kaunti ang kanina’y mabigat niyang pakiramdam. “Naiintindihan kong hindi mo gustong mangealam sa problema ng kliyente mo; you are just trying to be professional and I appreciate that. Pero… sa pinagdadaanan ko ngayon, parang gusto ko ng kausap. I could use someone to listen to me, you know? Since wala rito ang mga kaibigan ko para tumayong sounding board ko, baka pwedeng kahit papaano ay pakisamahan mo ako nang maayos?” “I will have to charge you for that.” Nanlaki ang mga mata niya sa pagkamangha. “Grabe, mas malala ka pa sa negosyanteng instik, ah?” Kibit-balikat lang muli ang naging sagot nito. Ang tingin ay nanatili sa labas. “Parang gusto ko lang ng kausap at makikinig sa akin, eh... Bawat pagkilos at paghinga mo ba'y may presyo?" “Serbisyo pa rin iyong gagawin kong pakikinig sa pagdadaldal ninyo, Miss Marco. Kung ayaw n'yo namang icharge ko kayo ay malaya kayong kausapin ang sarili ninyo.” Sandali siyang natigilan sa huling sinabi nito--hanggang sa nauwi siya sa banayad na paghagikhik. She didn't know why, but his last sentence made her chuckle. Kahit na may pag-galang sa paraan ng pagkakasabi nito'y naroon pa rin ang pagiging sarkastiko. “Baka nga kausapin ko na ang sarili ko maya-maya dahil sa labis na gutom,” she said, still chuckling. “I don’t remember the last time I ate solid food. Gutom na gutom ko, Mr. Zodiac.” “Please don’t call me that. Tawagin n'yo na lang ako sa pangalan ko.” “Kung ganoon ay h’wag mo na rin akong tawaging Miss Marco.” “I must, kliyente kita—” “And since kliyente mo ako, I have the right to give orders, don’t I?” Sandali itong natahimik bago siya muling sinulyapan sa rearview mirror. “Fine.” Napangisi siya at komportableng ini-sandal ang sarili sa backrest ng upuan. Doon niya napagtantong totoo ang sinabi nito kaninang nate-tensyon siya. Hindi niya iyon namalayan hanggang sa sinabi nito. “Kung gusto mong kumain nang matinong pagkain ay may alam akong lugar pero kailangan nating bumiyahe ng kalahati hanggang isang oras patungo roon,” wari ni Cerlance makaraan ang ilang sandali. “Malalaki ang alon sa dagat at imposibleng hayaan nilang bumiyahe ang mga cargo vessells palabas ng Mindoro port ngayong gabi. Baka nga bukas ng madaling araw pa darating ang kasunod na barko na magkakarga sa atin." Umayos ito ng upo sa saka ikinabit ang seatbelt. "We have our ticket and we will be able to get onto the next vessell as soon as it arrives. Kung aalis tayo para puntahan ang lugar na alam kong pwede nating mapagpahingahan buong gabi ay kailangan ko ng direct contact mula rito sa port upang i-radyo ako sa oras na makaalis ang vessell mula sa Mindoro." "Wait, what's the plan?" Napatuwid siya ng upo nang buksan nito ang makina ng sasakyan. "Aalis tayo ngayon para bumiyahe patungo sa lugar na alam ko. Bago tayo lumabas ng terminal ay dadaan muna ako sa opisina nila para humingi ng contact person na magpapaalam sa akin na paparating na rito sa Batangas ang cargo vessell mula sa Mindoro. I'll wake you up in the middle of the night once I got a call from them." "Saan tayo pupunta?" Sa halip na sagutin ang tanong niya ay inabot ni Cerlance ang compartment upang kunin ang cellphone. Nakita niya mula sa kinauupuan ang ginawang pag-scroll ni Cerlance sa mga naka-save na contacts nito sa cellphone, at nang mahanap ang taong kailangan ay kaagad nito iyong tinawagan. Cerlance then placed the phone onto the dashboard and put the call in speaker mode. Habang hinihintay ang pagsagot ng nasa kabilang linya ay minaniobra na ni Cerlance ang sasakyan. Maingat nitong pinatakbo ang kotse upang hindi mabangga ang mga nasa katabing sasakyan na halos magsiksikan na sa parking space ng terminal. At nang nasa exit lane na sila ay saka may sumagot sa tawag. “Yo. Long time no talk, brother.” Muli siyang napatuwid ng upo nang marinig ang baritonong tinig sa kabilang linya. A voice that sounded like a latenight radio DJ. “Hey, Free," sagot ni Cerlance. "Dude, I haven't spoken to you for what-- four months?" "Seven. I haven't spoken to anybody aside from mom for seven months." "What have you been doing, Cerlance Zodiac?" "Traveling, brother." Tinapakan ni Cerlance ang accelerator upang bilisan ang pagpapatakbo ng kotse. "Hey, listen. I’ll be at your house in an hour or so. I'm with a client. Would you be kind to prepare us something to eat?" “Gladly, Lance. What would you like?’ “Anything but fancy.” Muli siyang napa-igtad nang tapunan siya nito ng tingin sa rearview mirror. “I think kakain siya ng simpleng putahe lang. Please ask Nelly to prepare her specialty.” “Nelly would be thrilled. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakapagluto ng tapang baka.” Ibinalik ni Cerlance ang tingin sa daan. “Why?” “Because my partner cooks for us; and Nelly is learning a whole new recipe from her. Oh, do you know?” “I know what? I don’t even know you have a partner until I got that invitation card the other day.” Napalunok siya nang marinig ang mahinang pagtawa ng kausap ni Cerlance sa kabilang linya. Bakit ba kay rupok niya sa mga lalaki ngayon? Kasalanan pa rin ba ito ni Knight o talaga lang na nasa ibang lebel itong kasama niya at ang kausap nito? Geez... Nau-ulol na nga talaga yata siya. “Kung bakit kasi hindi ka masyadong umuuwi sa Asteria, eh ‘di sana ay matagal mo na siyang nakilala. Marami kang drama at balita na pinalampas.” “What drama?” “Ahhh, too many to mention.” “Gah. Laging fully booked ang schedule ko; huling uwi ko ay anim na buwan na ang nakararaan at wala ka naman doon. Had she met our brothers?” “Most of them, yes. Isa ka sa hindi pa niya nakikilala. Viren and Sage, too.” Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Cerlance mula sa rearview mirror. “You didn’t mention Sacred’s name. Don’t tell me na umuwi siya at nakilala siya ng syota mo?” The guy on the other line chuckled again. “I told you, marami kang dramang pinalampas. But that’s fine. You’ll meet my fiancee when you get here. I have lots of stories to share with you.” “Is she in your house now?” “Yep. We live together.” “Modern couple, huh.” Nakita niya ang bahaw na pagngiti ni Cerlance, at pinigilan niya ang sariling mapasinghap sa pagkamangha. Iyon ang unang beses na ngumiti ito! And boy, was he gorgeous! Wala sa loob na bumaba ang mga kamay niya sa suot na pantalon. Nakaangat pa ba ang lacy panty niya? Jusko... “Modern family, you mean?” pagtatama ng lalaki sa kabilang linya. “What do you mean?” “Damn, Cerlance. You should come home more often. Ni hindi mo alam na may anak na ako!” “You have a child?” bulalas ni Cerlance, halatang nagulat. “Damn it; you sure have a lot of stories to share with me.” “I know,” the guy answered, chuckling again. “Can’t wait to meet the new members of the family, then," Cerlance said as he slowed down. Sa unahan, malapit sa exit gate ng terminal, ay may maliit na opisinang madadaanan. “See you in a bit, brother," the man on the other line said. Nang matapos ang tawag ay napa-igtad siyang muli nang sulyapan siya ni Cerlance sa rearview mirror. “There you go. May naghihintay na matinong pagkain at accommodation sa'yo.” “Sino ang… tinawagan mo?” Nagtataka na talaga siya sa reaksyon ng katawan niya sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata. Ganito na ba talaga siya ka-vulnerable ngayon? Kahit yata poste ay papatulan niya sa sobrang pangungulila niya sa ex niya. “That was my brother; his name is Phillian. May bahay siya sa katabing bayan." Tuluyan na nitong inihinto ang kotse nang marating ang harap ng maliit na opisina ng terminal. Tinanggal nito ang seatbelt saka binuksan ang pinto sa bahagi nito. "Stay here; won't be long." “O-Okay…” Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa opisina. At nang mawala ito sa balintanaw niya'y muli siyang napasandal sa backrest. She then took a deep breath and released it slowly. Cerlance's brother. They're heading to his brother's house. Goodness, gracious! Kung ang pagbabasehan niya ay ang boses ng lalaking iyon sa telepono, siguradong simpatiko rin ito katulad ng driver niya. Diyos mio! Nakahanda ba siyang makakita ng isa pang anak ni Bathala?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD