KABANATA 10 - Long Time

3182 Words
         Alas dos ng madaling araw nang makatanggap ng tawag si Cerlance mula sa isa sa mga staff ng Batangas port. Sinabihan itong alas cuatro ng madaling araw darating ang cargo vessell mula na magdadala sa kanila sa Mindoro, kaya kaagad siya nitong ginising at pinaghanda.            Matapos niyang maligo at mag-ayos ay kaagad siyang lumabas sa guest room. Sa ibaba ay inabutan niya ang magkapatid na nag-uusap sa sala.             Si Cerlance ang unang nakapansin sa presensya niya kaya kaagad itong lumingon at nang makitang handa na siyang umalis ay tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa.             "Let's get going," anito bago muling hinarap si Phillian. "We gotta go. I promise I will be there on your wedding day."            "You have to. This is the only time I'm going to wed, make sure you'll be there," Phillian said with a chuckle.             Muli, ay nakaramdam siya ng hapdi sa dibdib nang marinig ang salitang 'kasal', pero sa pagkakataong iyon ay hindi na niya hinayaang kontrolin siya ng damdamin.             "I'm clearing off my schedule during that week, don't worry," sagot naman ni Cerlance sa kapatid. Matapos iyon ay muli nitong ibinalik ang pansin sa kaniya. Ang anyo nito'y muling naging blangko. "Come on."            Bitbit ang maliit na bag na pinaglalagyan niya ng mga personal na gamit ay humakbang siya pasunod kay Cerlance na nauna nang humakbang patungo sa pinto. Nang mapadaan siya sa harap ni Phillian ay sandali siyang huminto at hinarap ito.             "Salamat sa pagpapatuloy sa akin dito sa beach house ninyo. And... please tell your wife— I mean, Calley, that I appreciate what she did last night. Pagod na pagod lang talaga ako kagabi kaya..." She paused when Free Phillian smiled at her. Lihim siyang napahugot ng malalim na paghinga.             This guy's really charming. Ang ka-guwapuhan ay hindi nakasasawa tingnan.            "Don't worry about it. I'll relay your message to Calley."            Tumango siya at mabilis na umiwas ng tingin bago pa mapansin ni Phillian ang bigla niyang pagtigalgal. Si Cerlance na naghihintay sa nakabukas na front door ay bahagyang naka-salubong ang mga kilay habang hinihintay siyang makalapit. Nang marating niya ang pinto ay nahinto siya at tiningala ito.             Geez. Hindi siya pandak, pero sa tuwing nakaharap siya kay Cerlance ay pakiramdam niya, Leaning Tower of Giza ang kaharap niya.            But it would soon be over.             "Nelly prepared coffee, and she poured it in an insulated tumbler to keep it warm. You can drink it on our way to the port. If you want breakfast, we can have it in Mindoro. Ayon sa ulat ay maayos na ang panahon; dire-diretso ang byahe natin ngayong araw from Mindoro to Panay Island. Kung makaaalis tayo sa Batangas port bago mag-alas seis, makararating tayo sa Mindoro ng bandang alas nueve ng umaga. We will then have breakfast then and a short rest then. Alas once tayo bi-biyahe patungo sa South Port ng Mindoro, which would take two or more hours. Alas-tres ng hapon ang dating vessell patungong Caticlan. Alas otso na ng gabi ang dating natin doon."            Hindi niya nagawang sumagot. Gusto niyang sabihin dito na wala na siyang planong ituloy ang trip. Nagpasiya siyang i-cancel na lang ang booking at magpahaitd sa Maynila. She would take just half of what she had paid in total. Sapat na siguro iyon para ibayad sa karagdagang serbisyo na ginawa nito para sa kaniya sa loob ng beinte-cuatro oras?            "You look confused," ani Cerlance makaraan ang ilang sandali. "Do you have any questions? I just highlighted the information that you might want to know. Naisip kong makabubuti sa'yo na may ideya ka sa mangyayari sa araw na ito, at umaasa akong walang abalang mangyayari nang sagayon ay hindi na tayo ma-delay."            Itinaas niya ang mukha, at sa seryosong anyo ay...            "I want to cancel my booking."            Inasahan niyang magsasalubong ang mga kilay nito at itanong sa kaniya kung bakit. Pero iba ang ipinakitang reaksyon ni Cerlance sa kaniya.             He smirked.            A smirk so cunning she almost stepped back to protect herself from what's about to come.             "Believe me, Miss Shellany Marco. The moment I picked you up from your condo, cancelation was the first thing I thought of doing. Now, if you really wanted to proceed to that, that’s no problem. Ang kaso... handa ka bang ma-forfeit ang full p*****t mo?"            "Ma-forfeit? Isang araw lang ang nagamit ko sa booking, bakit kailangang ma-forfeit ang kabuoan ng ibinayad ko sa'yo? You can take half of my p*****t, no problem. Pero ang buong amount? Aren't you being greedy?"            "Limang booking," sagot nito sa kaniya. Ang anyo ay muling naging seryoso. "Limang booking ang tinanggihan ko sa linggong ito dahil sa'yo. Limang booking na kung pagsasama-samahin ay mas malaki pa ang total profit kung iko-kompara sa profit na makukuha ko sa booking mo. Kung ika-kansela mo ang booking na ito ay mas maigi sa akin, pero hindi ko ibabalik sa'yo ang ibinayad mo dahil hindi ko na rin maibabalik ang limang booking na ni-decline ko para sa trip na ito. Now, if you want to make a fuss about this, you can go and check the terms and conditions that you acknowledged and signed during the booking process."            She pressed her lips in annoyance.            Malaki ang ibinayad niya sa gagong ito. Kung ika-kansela niya ang booking at babalik sa Maynila nang walang nababawing ni cincong kusing ay mawawalan ng silbi ang plano niyang paghahanap kay Knight. She needed the r****d to book a flight to Iloilo. Kung wala roon si Knight ay kailangan niya muling lumipad patungong Tacloban. Kung mamalas-malasin ay sa Tagum pa niya ito hahanapin. It was going to be pricey, at baka sa kangkungan na siya pulutin pagkatapos.            Damn it.            She had no other choice.            "Fine. Let's go." Itinuloy niya ang paghakbang palabas at nilampasan na ito.            "Fine?"             Huminto siya at hinarap ito. Si Cerlance ay hindi umalis sa kinatatayuan subalit ang tingin ay nakasunod sa kaniya.             "Fine— as in Tara na!"            Cerlance groaned in disappointment. Nasa anyo rin nito ang dismaya.            Aba, ang gago, gustong-gusto na rin talagang ikansela ang trip!            Si Free Phillian ay sumulpot sa likuran ni Cerlance; naka-ngisi.             "I've never seen and heard you speak to a woman this way, brother. You're always flirty towards them. Ano'ng mayroon?"            "Wala, Phillian. Kinakain lang ako ng pagsisisi kung bakit ko tinanggap ang booking na ito."            Aba, ang kupal talaga!            "Aalis na kami. Say my goodbyes to Calley and Theo."            Si Phillian ay nakangiting tumango. "Have a safe trip and I'll catch you soon." Sinulyapan siya nito. "Bye, Miss Shellany! Hope to see you again!"            "I hope not," sabat ni Cerlance bago tuluyang lumabas ng pinto. Naglakad ito palapit sa kaniya. "Get in the car." * * *            Katulad ng timings na ibinigay ni Cerlance sa kaniya ay nakaalis sila sa Batangas port bago sumikat ang haring araw. Narating nila ang Mindoro port bandang alas nueve ng umaga at halos alas-dies na nang nakababa ang sasakyan nila mula sa cargo vessell.             May bayan silang dinaanan matapos nilang makaalis sa port, at doon ay may nahanap silang maliit na restaurant. They stopped over and had brunch. Sa mga sandaling iyon ay pareho lang silang tahimik. Si Cerlance ay inabala ang sarili sa pag-check sa emails nito habang siya naman ay itinuon ang buong pansin sa kinakain.             Matapos ang brunch ay inituloy nila ang byahe patungo sa South port ng Mindoro. Habang nasa biyahe ay tahimik silang pareho. Wala na rin siyang masabi pa rito. Mas maigi nga yatang manahimik na lang siya, iwas argumento. At mukhang pabor din iyon sa driver niya.             Makalipas ang dalawang oras ay narating nila ang south port. Alas dos pa lang at may isang oras pa silang hihintayin bago dumating ang cargo vessell na magdadala sa kanila sa Caticlan port. Doon lang siya muling kinausap ni Cerlance. Sinabi nitong maaari siyang bumaba sa sasakyan upang i-stretch ang katawan. She declined and said she would rather sleep. Kibit-balikat lang ang sagot nito bumaba ng sasakyan ay may kinausap sa cellphone.            Saktong alas tres nang dumating ang cargo vessell. Habang nasa biyahe sila mula Mindoro patungong Caticlan ay nanatili siya sa deck upang pagmasdan ang paglubog ng araw sa dagat. It was a beautiful scene and everybody on deck was in awe. At habang abala ang lahat ng pasahero sa pagtanaw sa papalubog na araw ay sandali siyang umatras mula sa pagkakakapit sa railings at hinanap ng tingin si Cerlance na simula nang bumaba sila sa sasakyan ay hindi na niya nakita pang muli.             Ang cargo vessell na iyon ay mayroong dalawang area— isang airconditioned area sa ibaba na may malaking flatscreen TV kung saan maaaring manatili ang mga pasaherong nais umidlip o manood ng telebisyon. Habang ang isang area naman ay ang deck kung saan malaya ang mga pasaherong tanawin ang maliliit na mga islang madadaanan nila, o ang malawak na coral reef sa dagat. She prefered the deck, so she went there instead. Si Cerlance ay baka nasa airconditioned area para magpahinga.             Nang maisip na baka sa pagbaba na nila sa vessell ang muli nilang pagkikita ni Cerlance ay bumalik siya sa railings upang panoorin ang mabilis na pag-andar ng barko nang may mahuli ang kaniyang tingin. Sa dulo ng deck, doon sa wala masyadong tao at may mga benches para sa mga nais maupo, ay nakita niya ang hinahanap. Noon lang niya ito napansin doon dahil ang dalawang matandang lalaking nakaupo sa harapan at nagkukubli rito kanina ay tumayo na.             Cerlance was sitting on the bench, arms crossed against his chest, head leaning on the pole, and eyes closed.            Kay payapa ng mukha nito habang umiidlip, at hindi niya napigilang pagmasdan ito sa mahabang sandali. Halos limang metro lang ang layo nila sa isa't isa, at pakiramdam niya, habang nakatitig siya sa payamang anyo ni Cerlance ay silang dalawa lang ang naroon sa deck sa mga sandaling iyon.             Ang kulay kahel na liwanag mula sa papalubog na haring araw ay tumatama sa isang bahagi ng mukha ni Cerlance, habang ang kabilang bahagi ay tila anino lang.             She didn't want to admit it, but this guy really looked like someone who was sent from heaven. He was made perfect.             Kung hindi siya naglasing ng gabi bago ang meet up nila, at kung hindi niya sinukahan ang kotse nito, tatratuhin kaya siya nito nang maayos? Hindi kaya siya nito aangilan at aangasan?             Everything would have been different.            She would have been enjoying this trip somehow...            Nahinto siya sa pag-iisip at napa-igtad nang makitang nagmula ng mga mata si Cerlance. Naramdaman marahil nitong may nakatitig. Mabilis siyang umiwas ng tingin at disimuladong bumalik sa railings upang magkunwaring abala sa pagtanaw sa mga isla.            Ayaw niyang mahuli siya nitong nakatitig.            She didn't want him to think that she was attracted to him when it's not... * * *        “May malapit bang lodging house dito na pwede nating tuluyan?”       Sandali lang siyang sinulyapan ni Cerlance mula sa rearview mirror bago ibinalik ang tingin sa daan. Alas-siete ng gabi nila narating ang Caticlan port at ngayon ay bumibyahe na sila sa direksyong magdadala sa kanila sa sentro ng Panay island; ang Iloilo City.            “Yes, may alam ako. Give it another ten minutes and we will get there."       Tumango siya. "Let’s just stay in a motel. Bukas ng umaga na natin ituloy ang byahe. I’ll pay for the accommodation."       Hindi na ito kumibo pa.       Napasandal siya sa backrest at niyakap ang sarili. Pagod, antok, gutom, at lamig ang kumakain sa sistema niya. Pakiramdam niya, anumang sandali ay mawawalan na siya ng malay. Ang huling kain nila ang noong brunch pa, at ang huling tulog niya ay noong madaling araw pa sa beach house ni Free Phillian Zodiac. She was exhausted and she badly needed a bed to sleep in.       Ini-patong niya ang ulo sa headrest saka pumikit. Sa balintanaw niya’y malinaw niyang nakikita ang samut-saring pagkain na lalong nagpagutom sa kaniya. There were pizza, chocolate cake. Steak. Grilled chicken. Sauteed vegies. Dark chocolate...        They looked so real, parang hindi lang dala ng imahinasyon niya.            And it may be weird, but she could smell them.             Parang totoong nasa harapan lang niya ang mga pagkain.            Nagpakawala siya ng malalim na paghinga at inayos ang posisyon ng ulo upang mas maging komportable siya. Niyakap rin niya ang sarili nang sa pakiramdam niya'y lalong lumalamig ang temperatura sa loob ng kotse.            Hanggang sa tuluyan siyang naka-idlip makalipas ang ilang sandali.       Sa kaniyang panaginip ay kaniya nang kinakain ang mga pagkaing laman ng isipan kanina. She was devouring them as if there was no tomorrow. At habang sarap na sarap siya sa pagkagat sa hita ng manok na tila hindi nababawasan ay may biglang sumulpot na liwanag sa kaniyang harapan. Kasunod ng liwanag na iyon ay ang paglitaw ng isang kumikinang na pinto.        Natigilan siya.             Pamilyar ang pintong iyon.        Iyon ang… pinto ng simbahan kung saan siya dapat na ikakasal. At sa pintong iyon ay ilang oras siyang nakatitig lang habang hinihintay ang pagbukas niyon at ang pagdating ng kaniyang groom.        Pagdating na hindi nangyari.        Dahil sa halip na ang groom ang dumating ay ang isa sa mga kaibigan nito ang sumulpot sa pinto dala-dala ang isang sulat. Pagkita pa lang niya sa ekspresyon ng mukha ng kaibigan ni Knight ay alam na niya kung ano ang nangyayari. Kahit hindi pa man niya nababasa ang sulat ay alam na niyang isang sumpa ang araw na iyon.        The door in her dream opened, and the two chicken legs that she was holding dropped on the floor when a familiar face appeared in her sight.              It was her groom. Her motherf*cking groom.       Oh, so you finally showed yourself, huh? Great, then. Maghaharap tayo ngayon, Knight.            Nagngingitngit na tumayo siya sa kinauupuan at hinintay ang paglapit ni Knight. Inihanda niya ang mga katangungang ibabato niya rito.  Ilang dipa mula sa kinatatayuan niya ay huminto sa paghakbang si Knight; nakangiti. But she wasn't falling for it. She needed explanations. And honest answers to her questions.            At gusto niyang mag-umpisa sa tanong kung saan ito nagtago.             But then... iba ang lumabas sa kaniyang mga labi.          “Saan mo itinago ang cake?!”          Isang malakas na lagitnit ng gulong ang kaniyang narinig kasunod ng pagkahulog niya sa upuan.             Doon siya nagising, at sa pagmulat niya ng mga mata’y ang kulay abong mga mata naman ni Cerlance ang una niyang nakita.            Nakayuko ito sa kaniya habang nakaupo sa driver’s seat; nasa anyo ang pagkagulat.           “What the hell are you talking about? What cake?”          Hindi siya nakasagot kaagad nang makaramdam ng pananakit ng balakang. Akala niya’y panaginip pa rin, pero totoo palang nahulog siya sa kinauupuan sa biglang pagpreno ng sasakyan.           Nakangiwi siyang bumangon at inayos ang sarili sa backseat. Hinagod niya ang nananakit na balakang bago sumagot.           “Sorry, nanaginip ako ng pagkain.”          Manghang napatitig sa kaniya si Cerlance. "You're a weird woman." Napailing ito at umayos sa pagkakaupo. Muli nitong pinaandar ang sasakyan at itinuloy ang pagmamaneho sa gitna ng gabi.            Hindi na niya pinansin ang huling sinabi ni Cerlance at inituon na lang ang tingin sa labas ng bintana. She saw nothing but darkness. Malayo ang pagitan ng mga poste at kung ang pagbabasehan niya sa munting liwanag na nagmumula sa buwan, ang magkabilang gilid ng kalsada ay palayan.           “Malayo pa ba tayo sa kabihasnan?” tanong niya, sapo-sapo ang tiyan na kumakalam na sa gutom.           “5 minutes more.”          Hindi na siya nagsalita pa at inisandal na lang muli ang sarili sa backseat. Iyon na yata ang pinakamahabang limang minuto ng buhay niya, dahil sa loob ng maiksing oras na iyon ay ilang beses siyang naidlip.         Hanggang sa maramdaman niya ang paghinto ng kotse.             Mabilis siyang nagmulat at inayos ang upo bago sinulyapan ang bintana upang alamin kung nasaan na sila.          Maliwanag sa bahaging iyon ng kalsada. May mga tindahan siyang nakikita sa magkabilang gilid at sa harapan kung saan sila huminto ay ang tatlong palapag na motel. Binuksan ni Cerlance ang bintana ng driver’s side upang kausapin ang staff na nasa entryway. Tila iyon maliit na receiving area na kailangang daanan ng sasakyan bago tuluyang makapasok sa solar ng motel.           “Short time o long time, Ser?” tanong ng lalaking staff na bahagya pang sumilip sa loob ng kotse upang makita kung sino ang kasama ng driver.            Pakiramdam niya’y umakyat ang lahat ng dugo niya sa magkabilang pisngi nang marinig ang tanong ng iyon.             Para sa kaniya na madalas na pumasok sa hotel kasama ang dating kasintahan para magpalipas ng oras ay pamilyar ang mga katanungang iyon.              At muli ay tila nakalimutan niya ang gutom dahil nilamon na naman siya ng kaniyang pantasya.           “Hanggang bukas ng umaga, 7:00 AM ang check out,” balewalang sagot ni Cerlance.           “Ahh… long time,” sabi naman ng staff, nasa tinig ang malisya.           O baka siya lang ang naglalagay ng malisya dahil… marupok siya?           “King-sized bed, queen, double, o customized, Ser?”      Customized?             Tuluyang nagtayuan ang kaniyang mga balahibo sa batok.             May isang hotel silang madalas na puntahan ni Knight noon na may customized room option. Customized in terms of the guests' needs. For example, jungle room kung gusto ng mga guests na magpaka-Jane at Tarzan. Under the sea room kung gusto ng guests na magpaka-Ariel and Prince Eric, at mayroon ding Fifty Shades of Red na inspired sa isang Hollywood film kung gusto ng mga guests magpaka-Ana and Christian Grey.            Sinubukan nilang lahat iyon ng kaniyang ex. At wala siyang itulak-kabigin.           “Kailangan ko ng dalawang kwarto, one for me and one for my client. Queen-sized will do.”           Hindi niya maintindihan kung bakit tila siya nakaramdam ng dismaya sa naging sagot ni Cerlance. Was she expecting him to book one room that they could just share? Aba, kalmahan mo lang, Shellany! Akala ko ba'y nasusungitan ka sa driver mo? suway niya sa sarili.          “Sandali lang po, ichi-check ko.”          Nang niyuko ng staff ang logbook nito ay binalingan naman ni Cerlance ang cellphone upang tingnan kung may mga pumasok na bagong emails. Nakikita niya iyon mula sa kaniyang kinauupuan.             Ilang sandali pa’y muling nagsalita ang staff.           “Naku, pasensya na po, Ser. Isang kwarto na lang pala ang available. Double bed po, pwedeng paghiwalayin para maging twin beds.”                       “Never mind,” maagap na sagot ni Cerlance, na muli ay ikina-dismaya niya.             What the hell was wrong with her?            “Saan pa rito may malapit na motel o lodging house?” tanong ni Cerlance sa staff.            Ang akmang pagsagot ng lalaking staff ay nahinto nang magsalita siya,            “Okay lang sa akin ang twin beds, please take it. Pagod na pagod na ako at gusto ko nang magpahinga ngayon.”           Sinulyapan siya ni Cerlance sa rearview mirror, and for an unknown reason, her body shuddered.              Nakipagtitigan ito sa kaniya ng ilang segundo, na matapang niyang sinalubong kahit na ang buong sistema niya'y hindi mapakali sa pagkakatitig nito.                Ilang sandali pa’y...            “Are you sure about this, Miss Marco?”           Tumango siya, may kaba sa dibdib. “As sure as I’m sitting here in your car. Book it.” * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD