“Ohh, ang sakit, sakit, sakit, sakit ng ulo ko…” reklamo ni Shellany kasunod ng mahabang pag-ungol. Naroon na ito sa backseat, ang mga paa'y nakataas sa leatherette seat, ang ulo'y naka-laylay sa headrest, ang isang kamay ay yakap-yakap ang mga tuhod na tila ba lamig na lamig samantalang hindi tinaasan na niya ang temperatura upang bawasan ang lamig sa loob ng kotse. Sa isang kamay naman nito ay ang malamig na mineral water na idinidiin nito sa ulo.
Naka-alis na sila sa motel at tuluyan nang nagising ang diwa nito; salamat sa Diyos!
Bago sila umalis kanina sa motel ay um-order siya ng mainit na sabaw para sa magaling niyang kliyente. She ate that while he was in the shower. Pagkatapos niyang maligo at magbihis ay bumaba siya upang ibili ito ng paracetamol. Pagbalik niya sa silid ay inabutan niya ito sa loob ng banyo, nagtatawag ng uwak.
Alas nueve na sila ng umaga nakaalis ng motel. At hanggang sa mga sandaling iyon ay masama pa rin ang pakiramdam ng magaling na babae.
Napasulyap siya sa rearview mirror upang sulyapan ito.
Shellany’s eyes were closed and she still looked intoxicated. Ang sabi nito’y wala itong naalala sa nangyari kagabi, at ang tanging naalala ay ang malamig na tubig na ibinuhos niya sa katawan nito kaninang umaga.
Pailing na ibinalik niya ang tingin sa daan. He was driving to the Southern part of Panay and according to the GPS, it would take them four hours to reach the Iloilo port. Mula roon ay iiwan na lang muna nila ang sasakyan para tumawid sa Guimaras island.
“Ito na ang huling beses na aalagaan ko ang lasing mong diwa, Miss Marco,” aniya makaraan ang ilang sandali. Ang tingin ay hindi iniaalis sa daan. “I didn’t sign up as your caregiver—”
“Dadagdagan ko ang fee mo, don’t worry,” wala sa loob na putol ni Shellany sa sinasabi niya. “Hindi ba at iyon lang naman ang gusto mo sa karagdagang serbisyong gagawin mo para sa akin? Additional fee?"
Tinapunan niya ito ng masamang tingin mula sa rearview mirror. Gusto niyang sabihin dito na kung papipiliin siya'y mas gugustuhin niyang itapon na ito sa labas ng kotse niya sa mga sandaling iyon at ang additional fee na sinasabi nito'y isaksak na lang nito sa baga nito.
But Shellany's eyes were still shut, and he knew that she wasn't feeling well she would surely just ignore him.
Isang malalim na buntong-hininga na lang ang kumawala sa lalamunan niya bago ibinalik ang pansin sa daan.
Ma would surely hate me for this, but I am so pissed I could murder this woman.
"Oh... ayaw mawala ng sakit ng ulo ko..." reklamo pa nito bago tuluyang nahiga sa backseat. Ang bote ng mineral water ay patuloy nitong idinidiin sa noo. "Matutulog na sana ako kagabi kung hindi ko lang nakita ang USB na nakasiksik sa isa sa mga boxes na nasa loob ng maleta. Isa ‘yon sa mga ibabalik ko sa ex ko. Nang pinanood ko’y nawala ang antok ko kaya umiyak na lang ako nang umiyak.”
Muli niya itong sinulyapan sa rearview mirror. Shellany’s eyes remained close, her face pale, and her telephone-curl hair was messier than usual.
“Minsan ka na bang sinaktan ng isang babae?" tanong pa nito.
Ibinalik niya ang tingin sa daan.
Hindi niya kakausapin ang babaeng ito. Baka ano pa ang masabi niyang hindi dapat.
"Kung hindi pa’y hindi mo maiintindihan ang sakit na nararamdaman ko," patuloy nito. "Last night, I felt like dying inside. Bumalik sa isip ko ang unang beses na nagkakilala kami, unang beses na niyaya niya akong mag-date, ang unang beses na hinalikan niya ako, at ang unang beses na ibinigay ko ang sarili ko sa kaniya.”
Tumikhim siya sa huling sinabi nito saka ibinalik ang pansin sa daan. He wanted to tell her that she didn’t need to share those information with him. Hindi niya kailangang malaman.
“He was my first everything, you know. My first heartbreak, too.”
Nang muli niya itong sulyapan sa rearview mirror ay nakita niyang nakabukas na ang mga mata nito at ang pansin ay nasa labas ng bintana. Pero sa hula niya’y nasa ibang dako na ng mundo ang isip nito.
“Marami kaming pangarap. Akala ko’y pareho kaming masaya. Nalinlang niya ako…”
Napabuntong-hininga siya saka muling itinutok ang mga mata sa daan. Dadaan sila sa isang bayan kaya binagalan niya ang pagpapatakbo lalo at may nakikita na siyang mga sasakyan sa unahan.
“Nang makita ko siya kagabi sa video, doon ko naramdaman ang labis na lungkot at pangungulila. I loved him so much, kung hindi ay hindi ko ibibigay ang lahat sa kaniya.”
He remained quiet. He had no business with her personal affair. Inihinto niya ang kotse nang marating niya ang crossing. May dalawang sasakyan sa unahan niya na nag-menor kaya ini-hinto na rin niya ang kotse. At habang nakahinto sila’y kinuha niya ang lata ng energy drink na nakapatong sa cup holder. Isa iyon sa mga ni-order niya kanina nang ikuha niya ng almusal ang kaniyang kliyente sa motel.
He opened the can and put it to his mouth.
Si Shellany ay nagpakawala ng malalim na buntonghininga.
“Sa sobrang lungkot ko kagabi ay muntik ko nang gamitin ‘yong vibrator na alam kong nasa loob lang ng maleta. Siniguro kong dala ko iyon dahil… you know, I might work things out with my ex.”
Muntik na niyang maibuga ang ini-inom nang marinig ang sinabi nito.
Ibinaba niya ang hawak na lata saka binuksan ang bintana sa bahagi niya upang lumanghap ng sariwang hangin.
Nagpatuloy si Shellany. “Ang kaso ay hindi ko mahanap ‘yong box ng vibrator ko sa loob ng maleta. Baka nasa kabila. It was Ivan’s gift for my supposed wedding.” Nagpakawala ito ng isa pang mahabang buntonghininga. “Hindi ko talaga maisip what went wrong. We were happy, our families were okay, we were compatible, our s*x life was—”
“Can we please not speak about your s*x life?” Hindi na niya napigilang suwayin ito. Masakit na sa tenga ang mga naririnig niya mula rito.
Nang muli niya itong sulyapan sa rearview mirror ay nakita niyang tila wala pa rin ito sa sarili. Nakaupo na itong muli sa backseat at ang mga mata ay nasa labas ng nakasarang bintana ang nagyeyelo pa ring mineral water ay hawak-hawak pa rin nito at nakadiin sa noo.
“I really wanted to move on from him…”
Move on then! Gusto niyang sabihin, pero imbes na iyon ang lumabas sa kaniyang bibig ay,
“Let’s not talk about your personal life, I don’t really like listening to other people’s problems.”
Napanguso si Shellany. Inalis nito ang tingin sa labas ng bintana at sinalubong ang kaniyang mga mata. She looked terrible and all he could do was shake his head in a mixture of sympathy and annoyance. Ang ilalim ng mga mata nito’y nangingitim, ang mga labi nito’y maputla, ang magkabilang pisngi nito’y ganoon din –ibang-iba ang itsura nito ngayon sa video clip na nakita niya.
Kung sa halaman pa ay… para itong tuyong bulaklak na hindi nadiligan ng ilang araw.
Well, kung ang pagbabasehan niya ay ang sinabi nito kanina, mukhang hindi nga ito nadiligan—
Shit. Nagiging bastos ako dahil sa kliyenteng ‘to.
Nang umusad ang mga sasakyan sa kaniyang unahan ay pina-arangkada na rin niya ang kaniyang kotse. At nang nasa daan na muli sila ay tinapunan niya ulit ng tingin ang pasahero. Nakita niyang nanatili itong nakatitig sa kaniya.
Her eyes were void of any emotions, they were as if sinking into the deepest level of nothingness.
“What?”
Hindi ito sumagot at nanatili lang na nakatitig sa kaniya.
“May gusto ka bang sabihin?”
“Ang pogi mo…”
Muntik na niyang apakan ang preno sa huling sinabi nito.
“Ang pogi mo sana…”
Ibinalik niya ang tingin sa daan.
Geez. Why did it feel weird getting a compliment from her?
“Ang pogi mo, kaya lang...”
Muli siyang napasulyap dito nang sandali itong nahinto. At nang magtama ang kanilang mga mata sa rearview mirror ay nagpatuloy ito.
"Ang pogi mo sana, kaya lang...." Nahinto ito kasunod ng panlalaki ng mga mata at biglang pagduwal. “Nasusuka ako!"
Taranta niyang inihinto ang kotse sa gilid ng kalsada. At dahil nakapasok na sila sa isang bayan ay maraming tao sa parteng iyon. May mga naghihintay ng masasakyang tricycle o jeep, may mga nagtitinda sa gilid ng daan, may mga nakapilang kariton ng mga gulay at prutas sa hindi kalayuan at terminal ng pedicab sa harapan ng kotse niya.
Balak niyang hanapan ito ng bakanteng lugar para doon ilabas ang sama ng pakiramdam, pero huli na ang lahat.
Dahil nakahito ang kotse ay madaling bumaba si Shellany. At sa harap ng mga pedicab drivers ay inilabas nito ang lahat ng laman ng sikmura.
He sat in his seat and flinched in disgust.
This woman is so gross.
*
*
*
Tatlong oras na siyang diretsong nagmamaneho at nakarating na sila sa bayan na ang tawag ay Passi. Isa't kalahating oras na lang at mararating na nila ang city proper kung saan naroon ang port patungong Guimaras.
Noong nagsuka si Shellany sa harap ng mga pedicab drivers ay samu’t saring reaksyon ang nakuha nito sa mga tao sa paligid. May mga kabataang natawa nang malakas, matatandang nagalit at sumita, at ibang mga nag-alala dahil mukhang ilang linggo nang walang tulog ang dalaga.
May lumapit pang isang pedicab driver na sumita at sumermon kaya bumaba na rin siya at sinaklolohan si Shellany na halos yumakap na sa kalapit na poste sa tindi ng hilo. Wala itong kaalam-alam sa paligid. And by God, the smell of her p**e made him throw up, too! Muntik na niya itong sabayan sa pagsuka!
Naiinis na siya ng mga sandaling iyon pero pinigilan niya ang sariling sumabog. Pilit niyang pinaalala sa sarili na nasa isang madilim itong sitwasyon at kailangan ng kakampi, ng simpatya, ng tulong. At bayad ang isang buong linggo niya kaya wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang manatili sa tabi nito; sa ayaw o sa gusto niya!
Isa pa'y huli na rin para umatras siya. Marami nang nangyari. Alangan namang umatras siya sa deal, ibalik ang kalahati ng ibinayad na nito as per her request, and leave her hanging? Kahit nabu-buwisit siya kay Shellany ay hindi niya ito pwedeng pabayaan. Kapag nalaman ng Ma Felicia niya ang ginawa niya ay baka magtampo ito at hindi siya kausapin ng ilang linggo.
Kaya magtitiis siya.
Shellany was willing to pay extra, anyway...
Ang hiling na lamang niya sa mga sandaling iyon ay sana, nasa Guimras ang taong hinahanap nito para hindi na tumagal ang trip na iyon. Inisama na rin niya sa hiling niya na kung naroon nga sa Guimaras ang lalaking hinahabol nila, ay sana makapag-usap ang mga ito at magkaayos. Kapag nangyari iyon, he’s as free as a bird.
Shellany Marco would be blocked on his website and phone, and he would consider the experience he had with her a nightmare.
Muli niyang binalikan sa isip ang nangyari kanina.
Matapos niyang humingi ng pasensya sa mga taong naabala sa pagsusuka ni Shellany sa gilid ng daan ay inalalayan muna niyang makapaghilamos ang dalaga gamit ang dala-dala nitong mineral water. Nang mahimasmasan na itong muli ay inisakay na niya sa kotse ay nilisan nila ang lugar.
At ang laking pasasalamat niya dahil simula noon hanggang sa mga sandaling ito'y walang ibang ginawa si Shellany kung hindi matulog sa backseat. She was even snoring and somewhat speaking in her sleep. May mga sandaling bibigkasin nito ang pangalan ng ex-boyfriend, mumurahin, saka balik na naman sa pagtulog.
Hiling niya, sa pag-gising nito’y mahimasmasan na para hindi purong impyerno ang buong araw na iyon para sa kaniya.
Bandang ala-dos ng hapon nang marating nila ang siyudad ng Iloilo. Kanina pa siya nagugutom at gusto niya ng matinong pagkain. Sinulyapan niya ang natutulog pa ring si Shellany sa backseat.
Maghahanap siya ng maayos na makakainan at kapag naroon na siya’y saka na niya gigisingin ang dalaga.
He found himself pulling in the parking space of the three-star hotel in the city. Doon ay siguradong may matinong fine dining. He craved meat.
He plan to book a room at the hotel—just so he could park his car and ensure that he had a place to sleep for the night. Hindi siya sigurado kung ano ang daratnan nila sa Guimaras, pero kung babalik man siya sa mainland mamaya na kasama si Shellany, at least he had already secured a room—for them.
Because he decided that he wouldn’t let her sleep in a room alone. Ayaw niya itong bigyan ng pagkakataong maglasing na naman para lang pahirapan siya sa hangover nito.
Nang makapag-park na siya ay saka niya ginising ang kliyenteng mahimbing pa rin sa pagkakatulog. Dinala niya ang kamay sa braso nito at bahagya itong niyugyog.
Umungol lang ito at pumihit patalikod. Nilakasan niya ang pagyugyog dito.
Muli itong umungol, at ang sunod na ginawa’y hindi niya inasahan.
Tumaas ang isang kamay nito at malakas na hinampas ang kamay niyang yumuyugyog sa braso nito. Niyuko niya ang kamay sa pagkamangha, at nang makitang halos humulma ang palad nito sa kaniyang balat ay napasinghap siya.
This she-devil… After all that I’ve done for her?
“Pasaway na lamok—hayaan niyo akong matulog!”
Hinabaan pa niya ang pasensya. Nananaginip ito at hindi alam ang ginagawa. Muli niya itong niyugyog, at sa pagkakataong iyon ay nilakasan na niya na halos ikahulog pa nito sa upuan.
And thankfully, she woke up and turned to him. Sa loob ng ilang minuto’y salubong ang mga kilay nitong nakatitig lang sa kaniya, at nang tuluyang magising ang diwa ay pinanlakihan ng mga mata.
“Oh! Buhay pa ako?”
“Thank God, huh?” he answered wryly.
Sinapo nito ang ulo saka pilit na bumangon. Umayos siya ng upo at sinundan ang bawat kilos nito.
“Oh… Ang sakit ng ulo ko…”
“Baka gusto mong ibili pa kita ng isang bote mamaya para mabanlawan ka?”
“Talaga?”
Oh, gusto niyang sapuin ang noo nang makita ang pag-kinang ng mga mata nito na tila tototohanin niya ang sinabi. Wala ba itong alam sa mockery?
“In your dreams, Miss Marco.” Binuksan niya ang pinto ng driver’s seat at lumabas. Sunod niyang binuksan ang pinto ng backseat upang alalayan ito. “Let’s go. May buffet sa hotel na ito. Kapag kumain ka ng marami ay may lakas ka mamaya para harapin ang lalaking naging dahilan ng paglalasing mo.”
Tila doon pa lang rumehistro sa isip nito ang misyon. Mabilis itong bumaba at sa nanlalaking mga mata ay hinarap siya.
“How close are we to the first destination?”
“Twenty minutes.”
“Oh, thank you!”
Sa gulat niya’y bigla itong yumakap na tila na-resolba na ang lahat ng problema nito. At sa pagkakayakap nitong iyon ay nainis siya.
“Whoa, whoa, whoa, please don’t get too close to me. I could still smell your p**e from your clothes!”
Maagap na humiwalay sa kaniya si Shellany, at sa nahihiyang tinig ay,
“Ooopsssie…" Napangiwi ito. "Na-carried away lang, sozz. Let’s go shopping muna bago tayo pumunta sa first location, kailangan maganda ako sa harap niya mamaya.”
Lihim siyang nagpakawala ng buntonghininga. Naaawa at naiinis talaga siya rito—kung maaari lang niyang suntukin ang lalaking naging sanhi ng state of mind nitong kliyente niya’y gagawin niya.
“Let’s go, I’m starved.”
*
*
*