KABANATA 13 - What Bum?

3026 Words
Nakita niya ang pagkamangha sa mukha ni Cerlance nang ilapag niya ang tatlong platong punung-puno ng samut-saring putahe at desserts sa ibabaw ng in-okupa nilang mesa sa buffet restaurant ng hotel na pinasukan nila.        Sa isang plato ay kanin at mga ulam, sa pangalawang plato ay dalawang klase ng pasta, at sa pangatlong plato naman ang iba’t ibang klase ng mga desserts. Babawi siya ng kain—nailabas niya ang lahat ng nakain niya kagabi at ngayon ay handa siyang mag-ipon ng lakas bago ang paghaharap nila ni Knight.         Oh, there was no assurance that she would find him in his grandparents’ house in Guimaras, but she wanted to prepare nonetheless. Malaki ang ibinawas ng timbang niya sa nakalipas na mga araw, kaya kahit na kumain siya nang marami sa mga sandaling iyon ay hindi siya nag-aalala.         “Saan mo isisiksik ‘yang mga pagkaing ‘yan?” komento ni Cerlance, ang mga mata’y palipat-lipat sa tatlong platong punung-puno ng laman.         “H’wag mo akong hamunin, mapapahiya sa akin ang mga Korean Mukbangers,” aniya sabay ngisi. Kahit papaano ay nabawasan na ang pader na namamagitan sa kanilang dalawa. Cerlance had been helpful to her since this morning. Ramdam niya ang inis nito sa ginawa niya at sa nangyayari sa kaniya, oo. Pero hindi siya nito pinabayaan at iyon ang ipinagpapasalamat niya.        “Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ‘yang pag-iiba ng mood mo ngayon o lalong ipag-aalala. You don’t look depress now, baka mamaya’y manlumo ka na naman kapag hindi natin nahanap ang lalaking ‘yon sa Guimaras.”        “I’m hopeful,” wari niya kasunod ng pagsubo. "        Napa-iling ito saka muling sumubo ng pagkaing nasa plato nito. He had a bowl of Monggolian noodles, three types of sushi and some two small slices of grilled meat on his plate.         Nag-umpisa na rin siyang kumain, at habang ngumunguya ay muli siyang nagsalita.         “Alam mo bang malakas talaga akong kumain? I could eat four cups of rice in one sitting, ano. Pero kahit anong kain ko, ayaw pa ring lumaki nitong puwetan ko.”        Muntik nang maibuga ni Cerlance ang sabaw ng noodles na hinigop nito. Napa-ubo ito at mabilis na kinuha ang baso ng tubig na nasa harapan. Nilagok nito iyon at nang mangalahati ay pabagsak na ibinalik sa ibabaw ng mesa.        Salubong ang mga kilay na muli siyang sumubo. Gusto niya itong pagtawanan pero naisip niyang baka mapikon ito at sungitan na naman siya.             As much as possible, nais niyang magkaroon sila ng maayos na samahan sa durasyon ng biyaheng ito. Ayaw niyang patuloy siya nitong sungitan dahil lalo lang bumibigat ang loob niya. Gusto niyang kahit papaano ay mag-enjoy siya sa joyride na ito at hindi magsisi sa desisyong tahakin ang ekspedisyong ito upang hanapin ang magaling niyang nobyo. Err... dating nobyo.             At ayaw niyang magsisi sa desisyon niya. One of these days, she wanted to think about this experience with a smile on her face--irrespective of the result of this trip.        “Bakit naman ganiyan ang reaksyon mo?” patay-malisya niyang tanong kay Cerlance habang patuloy sa pag-nguya.          Tumikhim ito upang alisin ang bara sa lalamunan. Ang ilalim ng mga mata nito’y namumula, na marahil ay sanhi ng pag-ubo.         “Can we please… eat in silence?”          “Bakit naman?” pa-inosente niyang tanong. “Parang nagku-kwento lang, eh." Sunod niyang sinubo ang isang hiwa ng lamb steak bago nagpatuloy. “Don’t you think my butt is too flat for my body? I mean… I have a C-cup breasts, and they are somehow big for my body. Pero ‘yong puwetan ko ay hindi ko alam kung bakit parang dinaanan ng 10-wheeler truck.”             Si Cerlance ay muling napa-ubo sa huling sinabi niya. Muli nitong kinuha ang baso ng tubig saka inubos ang laman niyon.             Ninguya na muna niya ang karneng nasa bibig, nilunok, saka nagpatuloy. “Sadya akong maraming kumain pero salamat sa Diyos at isa ako sa mga masu-suwerteng hindi tumataba. I was trying to gain weight to put fat on my butt, pero wala talaga. I did some squats na rin, pero walang epekto. Hindi ko alam kung bakit pinagkaitan ako ng langit ng puwet."            Ibinaba ni Cerlance ang baso sa mesa. Tumikhim ito bago dinampot ang chopstick at kinuha ang Maki sushi na nasa plato nito. She knew he was deliberately ignoring her; he was obviously uncomfortable with the topic. Pero wala siyang planong tumigil.             Kung ang pag-iingay niya ang tuluyang babasag sa pader na pumapagitan sa kanila ay magpapatuloy siya.        “Don’t you think so?” pangungulit pa niya bago muling sumubo.         Cerlance chewed and swallowed his food first. “I don’t know. Hindi ko napansin.”        “Paano, hindi ka tumitingin sa puwetan ko.”        Muli itong naubo at sa pagkakataong iyon ay muntik nang mabilaukan. Sa namumulang mukha ay inabot nito ang baso niyang may lamang mango juice at iyon naman ang ni-inom.         She bit her lower lip to stop herself from laughing. Cerlance was caught off guard. Hindi na ito makakain nang maayos dahil sa mga pinagsasasabi niya.         “Dapat ko bang gawin iyon?” Cerlance snapped. Ang ibang guests na nasa paligid ay napalingon sa direksyon nila dahil sa pagtaas ng tinig nito.        “Binibiro lang, eh…”        “Ganito ka ba magbiro? Don’t you think, masyadong provoking ang birong iyon? Paano kung nataong manyakis ako at sinakyan ko ang biro mo? Paano kung bigyan ko ‘yon ng ibang kahulugan at mapahamak ka sa mga kamay ko?”        “Eh ‘di mapahamak na kung mapahamak…”        Nanlaki ang mga mata ni Cerlance sa naging sagot niya. At nang makita niya ang ekspresyon ng mukha nito’y hindi na niya napigilang bumunghalit ng tawa. Tinakpan pa niya ng kaniyang mga kamay ang bibig para hindi tumalsik ang laman niyon.         Napailing si Cerlance nang makita ang naging reaksyon niya. Nakikita niya sa anyo nito ang kontroladong inis.         “Come on,” she said, still laughing. Nilunok muna niya ang pagkaing nasa bibig bago nagpatuloy. “Kung manyakis ka ay hindi sana, ilang beses mo na akong pinagsamantalahan. Ilang beses ba akong natulog sa kotse mo, o sa hotel na may access ka--wala sa sarili at lasing na lasing? You had a chance to take advantage of my fragile, sexy body but you didn't. Besides, nakikita ko sa mga mata mong hindi ka interesado sa akin, kaya alam kong safe ako sa’yo. At kung hindi ko nakikita at nararamdamang safe ako sa’yo, tingin mo’y magbibiro ako ng ganoon? Calm down…”        Hindi na ito sumagot pa at napa-iling na lang. Ilang sandali pa’y inituloy na nito ang pagkain habang siya nama’y muling nagsalita.       “I was just trying to lighten up the mood, h’wag kang mapikon.”        Hindi na sumagot pa si Cerlance, kaya tahimik na rin lang niyang inituloy ang pagkain.         Subalit makalipas lang ang ilang minuto’y hindi siya mapalagay—hindi siya mapakali. Hindi siya sanay na kumain nang tahimik. Kahit sa bahay ng mga magulang niya’y nagku-kwentuhan sila sa hapag.        Lihim niyang sinulyapan si Cerlance habang tahimik itong subusubo. He was eating his food with gusto and… surprisingly, with finesse.         Come to think of it… This guy had looks that were so unusual with Filipinos. The size of his body and his height were not too Filipino. Ang kulay abo nitong mga mata’y tunay. The way he spoke sounded like he was a rich man who only did the transport service out of whim and caprices. Bakit ganoon?        This guy intrigued her. Kaya naman hindi niya naiwasang sabihin dito ang nilalaman ng isip.        “Hindi sa minamata kita o ang propesyon mo, pero nagtataka ako.”        Sandali lang siya nitong sinulyapan bago ibinalik ang pansin sa pagkain. Malapit na nitong maubos ang nasa plato.         “Gaano ka na nga ulit ka-tagal sa trabahong ito?”        “Do I really have to answer your questions?”        “For the sake of conversation, yes.”        “Paano kung ayaw ko ng kausap?”        “Paano kung gusto ko? At nakahanda akong magbayad ng extra sa service mo, sagutin mo lang ang mga katanungan ko.”        “Forget about the additional, I’ll answer your questions since you’re paying for this meal.”        Nagkibit-balikat siya. “Of course, lahat ng expenses sa trip na ito ay akin. Ilang beses mo ba ako dapat i-remind tungkol sa bagay na iyan? So, please answer my question.”        “Walong taon na ako sa serbisyo. I started at a local transport company. Two years later, I decided to put up my own website and accept bookings through it.”        “Lahat ng klase ng parcel ba ay dine-deliver mo?”        “Well, may mga patakaran ako bago ko i-deliver ang parcel. I have to check the package first. Kapag hindi pumasa sa akin ay hindi ko tinatanggap ang booking. People must read my terms and conditions on the website and pay for the booking fee. Sa araw ng transaction ay pupunta ako sa pick up address to check on the package. Kapag nakita kong hindi nila sinunod ang terms ko, I will decline the transaction and they forfeit the booking fee.”        “At ‘yong terms mo ay…?”        Nagsalubong ang mga kilay nito. Muli siyang tinapunan ng masamang tingin. "You didn't read the TAC?"            Umikot ang mga mata niya paitaas. "Hindi ko nga binabasa ang messages sa akin ng nanay ko, 'yong TAC mo pa?"            Cerlance grunted and lowered his head to continue his meal. "You are such a hard-headed woman. Sigurado akong nagsisisi ang nanay mo na ipinanganak ka sa mundong ito."            "Whoa, whoa, whoa. Easy there, lad. Hindi mo ako kilala para magsalita ka ng ganiyan. Suka ko pa lang ang naaamoy mo, umaasta ka nang kilalang-kilala mo ako?"            “I could already tell, Miss Shellay Marco. I was not born yesterday--marami na akong klase ng taong nakakahalubilo, madali na sa aking basahin ang pagkatao ng isang tao sa ilang oras lang na pagkakakilala."            "Eh 'di ikaw na." Muling umikot ang kaniyang mga mata saka inisubo ang isang hiwa ng manok mula sa plato niya. Habang may laman ang bibig ay muli siyang nagsalita. "So, what are your terms again?"            Nagpakawala ito nang mahabang paghinga saka siya tinapunan ng bagot na tingin.             "One of my rules is that I don’t deliver illegal drugs and or firearms. I don’t accept pet deliveries, too.”        “Why not? I mean, pet deliveries.”        “Ayaw kong marumihan ang kotse ko. I did pet deliveries in the past, lagi akong naghahakot ng dumi pagkatapos. Never again.”         Kaya pala galit na galit siya noong unang araw na sinukahan ko ang kotse niya...             She was about to ask her next question when Cerlance stood up.         “Hold your questions, kukuha pa ako ng pagkain.”         Sinundan niya ito ng tingin nang maglakad ito patungo sa mga nakahilerang mesa kung saan nakapatong ang magkakatabong bowl ng mga prutas. Her eyes focused on his body. He was wearing a pair of black pants and leather shoes. Navy blue naman ang kulay ng long sleeve polo nito.            Mas mukha talaga itong boss na handang patumbahin ang mga ka-kompetensyang negosyante sa itsura nito kaysa driver ng isang private transport car.        Nang bumalik ito sa mesa nila'y umayos siya ng upo. Kinuha niya ang baso ng mango juice na inagaw nito kanina saka ni-inom.         Nang makaupo na si Cerlance ay bumaba ang tingin niya sa platong dala nito. There was nothing on it but sliced mango and melon.        “Could I eat peacefully now or you still have more questions?”        Ibinaba niya ang baso ng juice bago nagpatuloy sa naudlot na katanungan.         “Nabanggit mong maliban sa pagtanggap ng transport service katulad nito, ay nagde-deliver ka rin ng mga parcel sa malalayong mga lugar. Sa simpleng trabahong ito, bakit ang paraan mo ng pananalita ay…” She trailed off. Papaano ba niya sasabihin nang tama ang nasa kaniyang isip nang hindi ito nao-offend?        Nabitin ang akmang pagsubo ni Cerlance ng isang slice ng mangga nang maudlot ang tanong niya. Nagsalubong ang mga kilay nito. “Gusto mo bang magsalita ako ng purong Tagalog?”        “No—kung saan ka komportable ay doon ka. Hindi ko lang maiwasang magtaka.”        Sandali itong natahimik. Niyuko nito ang plato, sandali iyong pinagmasdan bago muling tinusok ang isang hiwa ng mangga at dinala sa bibig. He chewed it while he looked her in the eye.            At habang nagaganap iyon ay mariin siyang napalunok. Bakit kailangang titigan siya nito nang ganoon habang dahan-dahang ningunguya ang pagkaing nasa bibig? Bakit parang hinihila siya sa ibang dimensyon sa paraan ng pagkakatitig nito? And why the hell did it look so... sensual?            Apaka, Shellany! Apaka talaga!        “I was raised in a family where English was our main language,” he answered after a while. “Purong Amerikano ang tatay namin, and when we were kids, we were sent to an international, multilingual school. Kung hindi pa sa ina namin ay baka hindi kami natutong magsalita ng Tagalog. That’s why.”        “Kaya pala parang may kakaiba sa’yo. How about that guy from Batangas— si Free Phillian. Kapatid mo ba talaga ‘yon? Hindi kayo magkamukha.”         “We are all adopted. Labindalawa kaming magkakapatid, lahat kami ay nanggaling sa bansang Georgia at—” Natigilan ito. Tila may napagtanto.         Napatitig ito sa kaniya, nasa mukha ang pagkabigla. Ilang sandali pa’y ibinaba nito ang tinidor saka nagpahid ng bibig.         “I can’t believe na nagkwento ako sa’yo ng tungkol sa personal kong buhay.” He tsked and stood up. “I’m done. Doon muna ako sa lobby para asikasuhin ang booking ng kwartong tutulugan natin ngayong gabi. We are sharing the same room, two different beds. Iyon ay kung wala sa Guimaras ang taong hinahanap mo.”        Hindi na niya nagawang sumagot pa sa sinabi nito dahil mabilis na itong tumalikod at naglakad patungo sa pinto ng buffet restaurant ng hotel.             Naiwan siyang mag-isa sa mesa, patuloy sa pagsubo subalit ang mga mata’y nakasunod kay Cerlance hanggang sa ito'y mawala sa kaniyang paningin. * * *       Pagkatapos kumain ay sinamahan ni Cerlance ang dalaga na magtungo sa katabing shopping center ng hotel para makapamili ito ng bagong isusuot. Hindi niya alam kung bakit pati pagba-bodyguard ay ginawa niya rito; ang samahan ito sa nais nitong puntahan ay hindi parte ng serbisyo niya.        But he had to. Ayaw niyang makahanap ito ng pagkakataong uminom ng alak. At paano na lang kung mawala ito? She didn’t have her phone, eh ‘di lalo silang ma-delay sa schedule? At hindi siya maaaring ma-delay ng isa pang araw. May kasunod siyang booking, at tinanggap niya ang booking na iyon noong na-stranded sila sa Batangas. His next trip would be a long drive to the north. Papuntang Baguio naman, at dati na niyang naging kliyente iyon. It was a politician who would be visiting his mistress who just gave birth to their lovechild. Wala sinuman sa mga tauhan nito ang may alam na may nabuntis itong ibang babae, kaya nais nitong bumiyahe nang tahimik at pasekreto patungong Baguio.            "Oh, wow!"            Nahinto siya sa paghakbang nang makita si Shellany na pumasok sa isang mamahaling botique. Sumunod siya at inabutan itong isa-isang sinusuri ang mga damit na naka-display sa rack. Isa-isa nitong tinitingnan ang presyo. Ilang sandali pa’y isa-isa na rin itong kumuha ng mga natipuhang damit at dinala sa fitting station. Ang isa sa dalawang sales lady ay umasiste rito sa fitting room, habang ang isa’y lumapit sa kaniya.         “Sir, may pulungkuan kami dira sa gilid. Pungko kamo anay samtang gina-fit pa ni Ma’am ang bayo ya.” (Sir, may upuan kami r'yan sa sulok. Maupo po muna kayo habang nagpi-fit pa si Ma'am ng mga damit.)        Nagsalubong ang mga kilay niya. He knew it was an Ilonggo dialect, but he had no idea what she said.         Nang mapansin ng babae ang pagkalito sa mukha niya ay bahagya itong natawa.       “Ay, pasensya na, Sir, akala ko taga-rito po kayo.”       “No worries. Ano’ng sinabi mo?”              “Mayroon pong upuan doon sa gilid, pwede po kayong maupo ro’n habang hinihintay po ninyo si Ma’am.”       “Oh.” Nilingon niya ang sinasabi nito at nakita ang dalawang magkatabing single couch sa gilid ng entry.        “Uhm, mag-asawa po ba kayong dalawa, Sir?”        Ibinalik niya ang tingin sa saleslady. “No. She’s my boss.”       “Oh…” May kung anong kinang ang dumaan sa mga mata ng dalagitang saleslady na ikina-iling na lamang niya. Hindi na bago sa kaniya ang ganito.       “Anyway, doon muna ako.” Tinungo niya ang couch at naupo roon. He took out his phone from his back pocket and checked his emails. May mga pumasok na bagong booking para sa susunod na linggo. He had already blocked the week Shellany had booked, so his next bookings were for next week. Marami-marami iyon—mukhang magiging abala na naman siya.        Kung hindi lang dahil sa dati na niyang kliyente ang nagbook pagkatapos ng booking na ito ni Shellany Marco ay kukuha muna siya ng mahaba-habang pahinga. He wanted to come home— to Asteria— so he could get a longer rest. That woman was too much. Mukhang mauubos ang lakas at pasensya niya sa linggong ito...        Makaraan ang ilang sandali, habang patuloy siya sa pag-scroll ng inbox sa emails niya, ay narinig niya ang tinig si Shellany.        “Hey there, loverboy. Watcha think?”       Loverboy?        Salubong ang mga kilay na nag-angat siya ng tingin at nakita ito sa labas ng fitting room, naka-mwestra na tila modelo sa isang female magazine, at pilit na lumiliyad sa hindi niya maintindihang dahilan.         She was wearing a red, bodyfitting dress; masyadong mababa ang neckline at masyadong maiksi ang tabas. She looked like a w***e in that dress— but he couldn't tell her that even if he wanted to.                    “Look at my bum," ani Shellany na bahagyang tumagilid at lalong iniliyad ang katawan. "Malaki na ba tingnan sa damit na ‘to?"        He couldn’t help but look at her bum as requested.         His forehead furrowed all the more.       “What bum?” * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD