KABANATA 11 - Babysitter

2661 Words
       Napangiwi si Shellany nang makapasok sa silid na ni-book nila sa gabing iyon. Maliit lang at amoy yosi pa. May banyo pero walang shower. Ang naroon ay isang kulay asul na balde at kulay puti—o dirty white—na tabo. In fairness, kahit amoy smoking area ang silid ay malinis naman, including the restroom na naligo pa yata sa bleach sa tapang ng amoy niyon.         Ang bed sheets sa dalawang pinaghiwalay na kama ay malinis at bago. She could tell, because the sheets smelt like laundry soap. May isang telepono sa side table na pumapagitna sa dalawang kama, at may maliit na flat screen TV sa harap.              Mayroong maliit na porch ang silid na iyon— a small space before entering the actual room. Doon madalas iniiwan ng mga staff ang mga orders tulad ng pagkain at inumin. Ginawa iyon upang hindi magkaroon ng direct interaction ang mga staff at occupants.        Well, kung isang gabi lang naman silang mananatili roon ay walang problema sa kaniya. This would do.        “Narito ang mga gamit mo.”        Napalingon siya sa pinto nang marinig ang tinig ni Cerlance. Hila-hila nito papasok ang isa sa dalawang maleta niya kung saan naroon ang ilan niyang mga gamit.         “Pakilagay na lang sa…” Nahinto siya nang ilapag nito sa ibabaw ng kama ang maleta saka ipinatong naman sa ibabaw niyon ang isang menu.         “Pumili ka ng gusto mong kainin dito at gamitin mo ang telepono riyan para um-order. Dial 1 and it will direct you to the kitchen staff. Pwede mo ring gamitin ang teleponong ‘yan para tawagan ang kaibigan mo. The operator will dial your friend’s number and will connect your lines. Of course may additional charge ‘yon, at ikaw ang magbabayad."        Napamaang siya nang tumalikod ito at humakbang pabalik sa pinto. Tila ba ito nagmamadaling makaalis doon.        “Saan ka pupunta? Hindi ka ba magpapahinga?”        Ang akmang pagbukas ni Cerlance sa pinto ay naudlot nang marinig ang sinabi niya. He looked over his shoulder and answered,         “Sa kotse ako matutulog. Kakatukin kita bukas ng umaga, around 6:00 AM, para makiligo. Until then.” And just like that, Cerlance opened the door and left her.         Kibit-balikat lang ang inisagot niya bago siya lumapit sa kama at hinablot ang menu na ipinatong nito sa ibabaw ng maleta niya saka naghanap ng makakain. At habang hinihintay niya ang pagsagot ng operator sa kabilang linya ay patuloy siya sa pag-flip ng page ng menu, hanggang sa makita niya ang listahan ng mga alak na ino-offer ng motel.            And that, somehow, made her smile. * * *       Pasado alas seis na at ilang beses nang nagpabalik-balik si Cerlance sa silid ni Shellany subalit wala pa rin itong narinig mula sa dalaga. Malalakas na katok na ang ginawa nito pero hindi pa rin pinagbubuksan.             He didn't want to worry; he thought his client was probably just sleeping in. Pero sa lakas ng katok niya'y imposibleng hindi ito magising?             Unless hindi nito kayang magising...            O hindi magawang gumising.            s**t.        Sinulyapan niya ang oras sa relos. 40mins passed six. They needed to check out at seven.        Lalo niyang nilakasan ang pagkatok, wala na siyang pakealam kung maistorbo niya ang mga katabing silid.         He woke up in the wrong side of the bed—err, the seat. Buong gabi siyang namaluktot sa kotse niya which didn’t happen a lot. Kapag ganoong may booking siyang kagaya nito, he and his client would normally book separate rooms. Nunca siyang matutulog sa kotse niya.         But in this event, he had to. Dahil wala nang ibang bakanteng kwarto at ayaw niyang matulog sa iisang silid kasama ang kliyente. It was so unlike him. Kahit pa lalaki ang kliyente ay hindi siya makiki-share ng silid.         Of course, he could have stayed in another motel. Pero ayon sa staff na napagtanungan niya’y halos kalahating oras pa ang ida-drive niya bago marating iyon. At wala siyang balak magsayang ng gas at pagurin ang sarili kaya nanatili na lang siya sa kaniyang kotse.         He slept in the driver’s seat, crouching his huge body so he could somehow sleep properly. Pero nagising siyang masakit ang likod dahil sa pagbaluktot buong gabi kaya maaga pa'y mainit na ang ulo niya.        And there was no way he’d start the day without taking a shower or changing his clothes.            Kailangan niyang maligo at magbihis ng damit.            Pero ang magaling niyang kilyente ay ayaw magising.             O baka nagbibingi-bingihan lang?            Ahhh, damn her.        Nilakasan pa niya ang pagkatok hanggang sa may sumulpot na isang staff. Iyon ang staff na kausap niya kagabi at siyang nagbook ng silid na iyon para sa kanila.         Lumapit ito sa kaniya. “Ser, may tumawag pong occupant sa kabilang silid, naka-i-istorbo raw po ang ingay. Hindi pa po ba nagigising ang kasama ninyo?”        “Kanina pa ako katok nang katok," sagot niya habang pilit na sinusupil ang inis. "Could you please get the spare key? Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya sa loob.”        Mabilis na tumalima ang staff. May dinukot ito sa bulsa ng suot na pantalon, at doon ay nakita niya ang keychain kung saan nakasabit ang may limampung pirasong susi.             Ang bawat susi ay may nakatatak na numero, at hinanap nito ang numero ng silid kung saan naroon sa loob si Shellany. Nang mahanap ay mabilis iyong inisuksok ng staff sa keyhole. Pagbukas ng pinto ay kaagad siyang pumasok at sandaling inilapag ang mga gamit sa shelf na nasa tila porch ng silid. Matapos iyon ay muli siyang kumatok sa isa pang pinto, leading to the actual room. Makalipas ang ilang sandali, nang wala pa rin siyang narinig na tugon mula kay Shellany, ay binuksan na niya ang pinto. Luckily, it wasn't lock.        Nang mabuksan iyon ay kaagad silang sinalubong ng masangsang na amoy ng alak at malakas na tunog ng TV. Humigit-kumulang ay alam na niya kung ano ang nangyari.             Itinuloy niya ang pagpasok sa silid at nakita sa isang kama si Shellany—suot-suot ang panlalaking T-shirt at pantalon na malaki para sa size ng katawan nito. He would guess those were her ex-fiance’s clothes.         Lumapit siya at sinubukan itong gisingin, but Shellany just answered him with a groan.         Nilingon niya ang staff na nakasilip mula sa pader ng banyo.         “Maraming salamat sa tulong, ako na ang bahala rito.”        Tumango ito at tahimik na lumabas. Nang marinig niya ang pagsara ng pinto ay muli niyang binalingan si Shellany at sinubukang muling gisingin sa pamamagitan ng pagyugyog sa balikat nito.        Makalipas ang ilang sandali ay nagmulat ito ng mga mata, at sa lasing na diwa ay nagsabing,                “Please... Kiss me…”        Sandali siyang natigilan sa naturan nito bago napailing at akmang tatayo nang tuwid nang hawakan siya nito sa magkabilang braso upang pigilan.        “Please baby, please kiss me.”        Marahas niyang binawi ang braso mula rito, subalit humigpit ang pagkakahawak nito saka siya hinila. Naitukod niya ang mga kamay sa magkabilang gilid nito at manghang niyuko ang dalaga.        “Please don’t go," Shellany said, begging. Ang mga mata'y muli nitong ipinikit. "Why do you keep on leaving me alone? Kung hindi sa trabaho ay sa araw ng kasal naman natin. Bakit naman ganoon, Knight? Ano bang nangyari? May pagkakamali ba ako?”        Naaamoy niya ang masangsang na amoy ng alak mula rito kaya nagpumilit siyang makawala sa pagkakahawak nito. And he eventually did, which made Shellany weep.         She was intoxicated and was hunted by the past. Nakikita niya ang labis na sakit sa mga mata nito kanina.             Napailing siya at itinuwid ang sarili habang si Shellany naman ay tumagilid at bumaluktot saka umiyak nang umiyak na tila bata.        “Babe, look!”        Napalingon siya sa nakabukas na TV nang marinig ang boses ng mga taong nasa screen.         At nang makitang short clip videos iyon ni Shellany at ng ex nito’y napa-iling siya. Doon siya nakaramdam ng awa para sa kaniyang kliyente.         Sa ilalim ng TV ay naroon ang maliit na mesa kung saan nakapatong ang dalawang bote ng mumurahing red wine. Wala nang laman ang isa, habang nangalahati naman ang isa pa. There were plates on the table, too. Magkapatong at wala nang laman.         Ibinalik niya ang tingin sa TV kung saan patuloy na nag-pi-play ang maiiksing videos ni Shellany at ng dati nitong nobyo. Naroong nasa isang parke ang mga ito at may pinagmamasdang bulalak, Shellany’s ex was holding the camera and she was smiling while looking at the flowers. The vibrant look on her face proved that she was indeed happy. Puno ng buhay ang anyo nito at laging nakangiti.         Mayroon ding clips na nasa dagat ang mga ito, sa mall, o nasa isang silid.         Lumapit siya sa TV, kinuha ang remote control na nakapatong din sa mesa, saka pinatay iyon bago pa siya may mapanood na hindi dapat makita. He wondered how she was able to connect those vids on the TV, wala naman ang cellphone nito.             Sinilip niya ang likod ng TV at doon ay may nakita siyang nakasaksak na USB. Naisip niyang baka nahanap iyon ng dalaga sa loob ng maleta.         Natuon ang pansin niya sa maletang nagkagulo na ang laman at nakapatong pa rin sa isang kama. Halatang hinalughog iyon ni Shellany saka ibinalik ang mga damit sa loob nang kung paano na lang. Maliban sa mga damit ay may nakikita siyang maliliit na mga corrugated box at mga bagay na nakabalot sa bubble wrap. Napansin niya ang mga iyon noong ni-check niya bago ini-karga sa trunk ng kaniyang kotse. If he wasn’t mistaken, those were customized souvinirs. Marahil ay dapat na para sa kasal ng mga ito.                Muli siyang napabuntong-hininga. Hindi niya magawang magalit dito sa pagkakataong iyon. He couldn't imagine how hurt and lonely she was in the past couple of days.         Ibinalik niya ang tingin sa dalaga nang marinig itong dumuwal. Napaatras siya.            s**t. Ito ang pinaka-ayaw niya.             He didn't want to witness this s**t.            Pero salamat sa langit at wala itong inilabas sa ilang ulit nitong pagduwal.        Muli siyang lumapit at sapilitang pinabangon si Shellany.            "Help yourself up, Miss Marco. You need to wash up."            Subalit umungol lang ito at nagmatigas na bumaba sa kama kaya nagdesisyon siyang buhatin na ito at dalhin sa banyo. She reeked of alcohol again, and there was no way she'd let her enter his car without washing up.             Habang humahakbang siya papasok sa banyo buhat-buhat ito ay tahimik siyang nagmumura. Ngayon lang siya nag-alaga ng lasing na kliyente at gustuhin man niyang pabayaan ito'y hindi niya magawa. He had to look after her somehow. He had to help her kung ayaw niyang ma-delay na naman sa biyahe.        Damn it.         Kung sinamahan niya ito sa silid na iyon ay baka hindi ito nakapagpuslit ng alak, hindi sana siya nag-alaga ng lasing ngayon. Malakas ang kutob niyang umorder ito ng alak sa motel kasabay ng mga pagkain.        Pagpasok sa banyo ay kaagad niyang inilapag si Shellany sa tiled floor, at dahil walang shower ay binuksan muna niya ang gripo saka hinayaang mapuno ng tubig ang baldeng naroon.         He stood there and watched his client in disgust. Para itong taong grasa sa gilid ng kalsada at nakasandal lang sa pader habang naghihintay ng limos sa mga taong dumaraan sa kalye.            Ang maluwag nitong T-shirt at pantalon na siguradong pag-aari ng ex nito ay parang kumot na yumakap sa payat nitong katawan. Ang kulot nitong buhok ay lalong nag-riot. She looked like a mess. And she stunk like rubbish.                    Gusto niyang kuhanan ito ng video at ipakita sa magaling na lalaking nang-iwan dito para ipaalam sa walang’yang ‘yon na ito ang naging resulta ng pagiging iresponsable nito. The woman he saw on the video clips a minute ago was  different from the one he was looking at now. A lot, more different. Iba ang itsura nito noong masaya pa. Ibang-iba sa ngayon na tila ba binagsakan ng mundo.            Nahinto siya sa pag-iisip nang makita si Shellany na bahagyang kumilos. Lumaylay ang ulo nito at napahiga sa tiled floor bago dumapa at sinubukang kumuha pa ng tulog.         Napuno na ang balde kaya yumuko siya, binuhat iyon, at walang kung ano na ibinuhos ang lahat ng laman niyon sa dalaga.         Shellany shrieked in horror.        “Baklang kabayo, malamig!”         Hinayaan niya itong magpapa-palag na parang isdang inalis sa tubig. Muli niyang ini-sahod ang balde sa gripo at hinayaan iyong muling mapuno.         Patingkayad siyang naupo sa tabi nito habang si Shellany ay hindi alam kung babaluktot sa lamig, babangon, o kikisay-kisay na parang isda. Nag-aagaw-agaw ang kalasingan at katinuan nito.        Kinuha niya ang tabo na nasa sahig at gamit iyon ay kumuha siya ng tubig mula sa balde saka unti-unting binuhusan ang ulo ng dalaga. Umaaasa siyang sa pamamagitan niyon ay tuluyan nang matanggal ang kalasingan nito.         “Tama na!” sigaw nito, nanginginig na sa lamig.         Subalit hindi niya ito pinakinggan. Tumayo siya upang kunin ang sabon at shampoo packs na nasa soap rack saka ginamit iyon sa dalaga. He shampooed her hair and soaped her face and arms. Patuloy ito sa pagkawag habang ginagawa niya ang mga iyon kaya pati siya ay nababasa na rin, which was okay because he was planning to take a shower anyway.        Nang sa tingin niya’y sapat na ang ginawa niyang pag-scrub sa braso’t mukha nito’y tumayo siya, muling binuhat ang baldeng puno na ngayon ng tubig, at muling ibinuhos kay Shellany na tila inahing baboy sa ingay dahil sa pagtili at malakas na pagmumura.         Muli siyang tumingkayad at tinitigan ang mukha nito. Her eyes were still shut. “Are you awake now?”        Nagmulat ng mga mata si Shellany at tinitigan siya. Gusto niyang isipin na dahil sa sabon kaya namumula ang mga mata nito.         “I don’t like you," she said, puckering her lips. "Tinatrato mo akong parang hayop.”         He smirked and straightened his body. "Looks like you have finally recovered. Lalabas muna ako para makapagbihis ka. Kukuha ako ng damit mo roon sa maleta.” Tumalikod siya at lumabas ng banyo. Binalikan niya ang kama kung saan nakapatong ang maleta saka naghanap ng pamalit nito. He found a pair of women’s pants and sleeveless blouse.         Gusto niyang mainis dahil hindi niya akalaing mas mahirap pala ang booking na ito sa inakala niya. He didn’t sign up for this for heaven's sake!         He knew he wasn’t supposed to touch this woman's underwear, but he had no choice. Nakita niya ang isang maliit na transparent bag at sa loob niyon ay nakikita ang mga naka-fold na underwear. Binuksan niya iyon naglabas ng itim na lacy panty.             s**t. He never thought he'd ever do this for a client. Ang alam niya'y taga-tanggal lang siya ng panty ng mga nagiging flings niya, hindi taga-suot!            Bumalik siya sa banyo at hindi na nag-abalang kumatok pa. Dire-diretso siya sa pagpasok na pinagsisihan niya dahil sa mga sandaling iyon ay unti-unti nang naghuhubad ng suot nito si Shellany. And what’s left on her body when he went in was her lacy panty.        “Ahh, shit.” Para siyang trumpo na umikot at ibinaling ang tingin sa pinto. "Hindi ka ba marunong mag-lock?!"        “Ikaw? Hindi ka ba marunong kumatok?" sagot naman nito, nasa tinig pa rin ang kalasingan.             "I didn't know you'd take off your clothes!"            "Hindi pa ako tapos maligo. At hindi ako naliligo nang may suot na damit..."         “Damn it." Humugot siya ng malalim na paghinga. "Isasabit ko sa likod ng pinto ang mga damit mo. Make it fast.”        May hook sa likod ng pinto ng banyo at doon niya ini-sabit ang bitbit na mga damit ng dalaga. Akma na siyang lalabas nang muling nagsalita si Shellany.         “Psst. Paki-hilod naman ng likod ko, please…”                 He gritted his teeth in annoyance.             "I don't do that s**t, Ma'am." He then stormed out and slammed the door.             Sisiguraduhin niyang pagkatapos ng booking na iyon ay iba-block na niya sa website si Shellany Marco.             Because this trip with her was by far the worst of them all!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD