“What the hell was wrong with you?!”
Napa-igtad siya kasabay ng pag-atras nang marinig ang pagsinghal ni Cerlance. Nagulat ito sa bigla niyang pagbulalas kanina kaya ganoon ang naging reaksyon.
“I-I-I…”
She was lost for words. Palipat-lipat ang tingin niya sa mga braso at sa nanggagalaiting mukha ni Cerlance.
“I said push, but what the hell were you thinking zoning out on me?”
Napalunok siya. Wala siyang maisip na isagot.
At nang walang nakuhang sagot mula sa kaniya ay naiiritang nagpakawala ng malalim na paghinga si Cerlance bago tumalikod at dinala sa magkabilang baywang ang mga kamay. She could see his shoulders going up and down as he breathed in and out, probably to calm himself down.
Napakagat-labi siya; hindi alam kung papaano ipaliliwanag ang sarili. Tama ito; she zoned out after seeing his muscled arms.
Braso pa lang nito'y natulala at nanggilalas na siya; paano pa kaya kung ang ano na nito ang makita niya?
Baka magka-heat stroke siya nang wala sa oras...
Napalingon siya sa likuran ng kotse nang sa gilid ng kaniyang mga mata'y nakita ang dalawang sasakyang papalapit sa kanila. Unti-unting bumagal ang takbo ng mga ito upang mag-overtake sa kotse nilang nakaharang sa kanang bahagi ng kalsada.
Pagkatapos makalampas ng dalawang sasakyan ay muling humarap si Cerlance sa kaniya. At sa kalmadong tinig ay,
“Okay, let’s try it again.” Muli itong pumwesto sa likod at ini-tukod ang mga kamay sa trunk.
Atubili siyang sumunod, ginaya ang ginawa ni Cerlance habang pasulyap-sulyap pa rin sa braso nito.
“I’m going to count again, and you need to push as hard as you can on three. No messing around this time, Shellany. Dumarami na ang dumaraang mga sasakyan.”
Napakurap siya. She didn’t want to take orders from him, pero wala siyang maisip na isagot dito. Tila ba bigla siyang nawala sa sarili nang makita ang mga tattoo—at mga ugat nito sa braso. Hindi niya mapigilan ang sariling mag-isip ng kung anu-ano. Hindi niya mapigilan ang demonyong lumalason sa utak niya sa mga sandaling iyon.
Si Cerlance ay bahagyang yumuko upang maghanda sa pagtulak, muli ay ginaya niya ito.
“One…”
Napalunok siya saka ibinaling ang tingin sa harapan upang alisin ang tingin sa katabi.
“Two…”
Sunod ay mariin niyang ipinikit ang mga mata. Kung hindi’y baka mataranta na naman siya sa susunod na makikita.
“Three—push!”
And she did. As hard as she could.
*
*
*
“Wait—Wait! Baka pwedeng huminga muna tayo?” ani Shellany nang tuluyan na nilang maitabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
Naghahabol siya ng paghinga, hinang-hina pa ang katawan niya.
“Wala pang dalawang metro ang layo ng ini-tulak natin, at hindi umabot ng sampung segundo ang ginawa nating iyon—there is no need to be so overdramatic, Shellany,” sagot sa kaniya ng walang’ya.
Tinapunan niya ng tingin si Cerlance at akmang sasagutin ang sinabi nito nang muling bumaba ang kaniyang tingin sa magkabila nitong mga braso. Unti-unti na nitong ibinababa ang manggas ng suot na polo. Muli siyang napamaang.
Ano ba ang nangyayari sa kaniya?
Mga tattoo at ugat lang ‘yong nakita niya pero kung umasta siya'y para bang sa hubad na katawan ni Cerlance dumapo ang kaniyang mga mata!
“Let’s go to the resort," sabi pa ni Cerlance na gumising sa muli niyang pagkatulala. Kinuha nito ang water container na ipinatong sa ibabaw ng kotse at nag-umpisang maglakad palayo.
Mabilis siyang sumunod. “Iiwan natin ang kotse at mga gamit dito?”
“Walang mangyayaring masama sa kotse at sa mga gamit mo. I locked the car, don’t worry.”
Binilisan pa niya ang paghakbang upang makahabol dito. “Hey!”
Cerlance just looked over his shoulder and glanced at her. “Hurry up.”
Nilakihan niya ang paghakbang, at nang pumantay na siya rito ay muli siyang nagsalita. “Nagugutom na naman ako. Feed me."
“Feed yourself. Hindi ka na bata."
"What I mean is buy me some food and just add it on my invoice. Pilosopo ka rin, 'no? At may sira ka ba sa utak? Kanina lang ay mabait ka, niyaya mo akong kumain at nitali mo pa ang buhok ko! Tapos ngayon ay magsusungit ka na naman na parang kasalan kong tumirik ang sasakyan mo. Ghad." Sinabayan niya ang huling sinabi ng pag-ikot ng mga mata.
"Ikaw, ano'ng problema mo? Minsan matino kang kausap, minsan lutang. Bakit ba may mga pagkakataong umaakto kang..."
Nahinto siya sa paglalakad. "Umaaktong ano?"
Kahit naman hindi niya itanong ay alam na niya kung ano ibig nitong sabihin. But she would never admit it.
Unless lasing siya.
"Sometimes you act like an idiot and it pisses me off," sagot ni Cerlance, tuluy-tuloy lang sa paghakbang. "And whenever you're drunk, you start flirting, pissing me off all the more."
"Well, nobody's perfect!" Jusko, bakit na naman ba kami nagbabangayan?
Si Cerlance na patuloy lang sa paglalakad ay napailing. "May restaurant doon sa resort. You eat while I fix the car. Kukuha lang ako ng tubig at babalikan din kaagad ang kotse. Kapag natapos kong ayusin ang sasakyan ay babalikan kita sa resort."
Hindi na siya sumagot pa at muli na lang sumunod dito. She distanced herself a few feet away from him, her eyes wandering through his broad back. Pigil-pigil niya ang sariling titigan ang maumbok nitong pang-upo dahil ayaw niyang muling matigalgal. s**t; she needed to control herself. She was getting out of hand.
Sandaling namagitan ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Mahigit dalawampung metro mula sa kinaroroonan nila ay natatanaw na niya ang arko ng sinasabi nitong resort.
Muli niyang sinulyapan si Cerlance. Ang tingin ay bumaba sa nakatakip na nitong braso.
Tumikhim muna siya bago muling nagsalita.
“So… You have tattoos, huh?”
Hindi ito sumagot.
“Ngayon ko lang napansin. Palagi ka kasing naka-longsleeve—”
“Sinasadya ko ‘yon para hindi matakot ang mga kliyente ko.”
“Matakot?”
Sandali siyang nilingon ni Cerlance bago ibinalik ang tingin sa unahan. “Our society has different views about inked people. Ang iba, makakita lang ng taong may tattoo sa katawan ay ibinibilang na sa mga kriminal. Kung hindi kriminal ay pinagkakamalang drug addict. Sino raw na taong may matinong pag-iisip ang maglalagay ng ganito sa sariling katawan?”
“Those are just bunch of self-righteous shits. If you were to ask me, I think tattoos are…” Nahinto siya. Sasabihin ba talaga niya rito kung ano ang tingin niya sa mga tattoo nito?
“You think what?” pukaw ni Cerlance sa kaniya. Sandali itong nahinto sa paglalakad upang harapin siya.
She did the same. Huminto siya sa paghakbang, sinalubong ang mapanuri nitong tingin, saka tumikhim bago sumagot, “I think tattoos are… pieces of art. And they look hot.”
“You think my tattoos look hot?”
"W-Well... H-Hindi ko sinasabing hot ka, ang sabi ko ay—”
"Hindi ko rin sinabing ako. I was referring to my tattoos."
Muli siyang napalunok. "W-Well... general naman iyong sinabi ko. Ibig sabihin ay... kasama ka na rin— I mean, ang mga tattoo mo."
Sandaling natahimik si Cerlance habang ang tingin ay nanatiling nakapako sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito; he looked so serious and his eyes were empty.
Hanggang sa... natigilan siya nang biglang nagpakawala ng bahaw na ngiti si Cerlance. It wasn't really a smile, it was more of a lopsided grin.
And she was stunned.
Shit, here come’s this tingling sensation I felt earlier!
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?
Mabilis siyang umiwas ng tingin. Gago na ‘to, akala ko ba walang landian?!
“I used to have a passenger who was horrified after seeing my tattoos. She was a politician who needed to be transported quietly to Baguio to visit her lover. She said she hated tattoos; taboo raw ang ganoon. Kung titigan niya ako noon ay para bang dadalhin ko siya sa liblib na lugar at pagsasamantalahan. Sa loob ng sampung oras na biyahe ay hindi kami naging komportable sa isa't isa."
Nanatili siyang tulala— katulad ng madalas mangyari sa tuwing may nakikita siyang kakaiba rito o kung may ginagawa itong naghahatid ng kakaibang damdamin sa kaniya.
“Starting that day, I hid my inks. I started wearing long sleeve clothes. Estranghero ang mga kliyente ko at hindi namin kilala ang isa’t isa. Madaling manghusga ng kapwa, at ayaw kong muling mangyari ang nangyari noon.”
Ibinaba niya ang tingin sa nakatakip na nitong mga braso.
“You don’t have to hide them from me—you are free to reveal your tattoos. No judgment.”
“Because you find them hot and you want to see them again?”
Napasinghap siya nang mahulaan nito ang laman ng kaniyang isip. Nang itinaas niya ang tingin ay muling nagsalubong ang kanilang mga mata. Cerlance, once again, was grinning.
'Ta mo 'tong taong 'to... Nakangisi ngayon, maya-maya manininghal na naman...
Muli siyang napalunok. “S-So… ano ang ibig sabihin ng mga tattoos mo?”
“They don’t have meanings.”
“Bakit ka nagpa-tattoo?”
“It’s none of your business.”
Napabusangot siya. “Okay, ganito na lang. Let’s play a game. Tutal ay nagpapalipas lang din naman tayo ng oras. How about, we ask each other 10 different questions? Kahit ano. Ako ang mauuna—”
“I haven’t even agreed to play that game. Bakit ba atat na atat kang usisain ang personal kong buhay?”
“For the sake of conversation, hello?”
“Converse with yourself, I ain’t doing it.” Tinalikuran siya nito at itinuloy ang paglalakad.
Kaagad siyang sumunod. “Killjoy mo.”
“Atribida ka naman.”
Muntik na siyang mabilaukan ng laway niya ng marinig ang terminong ginamit nito. Hindi niya napigilang mapabungisngis.
“Atribida… Saan mo nakuha ‘yang salitang iyan?”
“From Nelly. Madalas niyang sabihin sa aming magkakapatid noon sa tuwing nahuhuli namin siyang naglalakwatsa imbes na mag-aral. Atribido raw kaming lahat—and in my understanding, it also means pakialamero. At ganoon ka ngayon sa akin.”
“I’m just curious, hindi atribida.” Itinuon niya ang tingin sa unahan. Malapit na nilang marating ang entrance ng resort. “Ang supladita ng babaeng iyon—I will never forget what she said to me back in your brother's house.”
“She’s a nice person. At aminin mong noong araw na iyon ay naging bastos ka. Nelly was only defending Calley. You could compare her to a royal guard—she protects the kingdom and eliminates the people who she thought would hurt the queen."
“Is she part of your family?”
“We treat her like family. Wala pa kami ay nagsisilbi na ang pamilya niya sa mga magulang namin. We owe her family a lot.”
Hindi na siya sumagot pa nang marating na nila ang entrance ng resort. May sumalubong sa kanilang staff na kaagad silang ni-welcome sa lugar. Sandaling nakipag-usap si Cerlance dito bago siya hinarap ng staff at ini-giya patungo sa restaurant. Habang naglalakad palayo ay napalingon siya kay Cerlance na nagpaiwan at nakasunod ang tingin sa kaniya.
Tumango ito. “Kukuha lang ako ng tubig at babalikan ko ang sasakyan. I'll meet you at the restaurant in 30mins."
*
*
*