“Grabe ka sa akin kanina.”
Inisara muna ni Cerlance ang pinto ng motel room na ni-okupa niya para sa gabing iyon bago hinarap si Shenally. Alam niya ang ibig nitong sabihin.
“What do you mean?” he asked, placing one of her luggage at the foot of her bed.
Dalawa ang kama sa silid na iyon, parehong queen bed at mahigit isang metro ang layo sa isa't isa. He booked a big room so they wouldn’t have to be so close together.
“Magkakaila ka pa,” nakangusong sagot ni Shellany. Ang mga braso’y magka-krus sa tapat ng dibdib. “Sinabi mo kanina na wala akong puwet.”
“I didn’t say that—”
“Hindi mo direktang sinabi, pero ganoon na rin ‘yon.”
“Hindi ba at ikaw ang unang nagsabi sa akin? Hindi ko rin naman iyon mapapansin kung hindi mo sinabi.”
“See? Para mo na ring sinabi na wala nga talaga at noon mo lang napansin.”
Mangha niya itong tinitigan. “Alam mo bang sa loob ng walong taong tumatanggap ako ng kliyente sa mga ganitong klase ng booking ay ikaw pa lang ang pinaka-unang nakipag-usap sa akin ng tungkol sa bagay na ito? And to think you’re a woman.”
“Well, there’s always a first time for everything, I guess? At bakit ba, por que babae ako ay hindi na ako pwedeng magpakatotoo?”
Itinaas niya ang dalawang palad sa ere; tanda ng pagsuko. “You know what? Let’s just drop the topic. This is making me uncomfortable.”
Tumalikod na siya at naglakad patungo sa pinto. Bago iyon buksan ay muli niyang nilingon si Shellany na nakanguso pa rin habang nakasunod ang tingin sa kaniya.
“Magpapa-gas lang ako ng sasakyan, babalikan kita pagkatapos ng kalahating oras. Inaasahan kong sa pagbalik ko ay nakahanda ka na. Aalis tayo as soon as you’re ready.”
Lalong nanulis ang nguso nito at sinundan pa ng irap.
Napa-iling siya sa pagkamangha.
Geez… women.
Noong nasa botique sila kanina at nitanong siya nito tungkol sa damit na ini-sukat ay doon lang niya napagtuonan ng pansin ang katawan nito.
At totoo nga ang sinasabi nito...
She had a slim body; the size of her breasts was indeed big. Kung hindi pa ito nagsuot ng body-fitting dress ay hindi niya iyon mapapansin. Her waist was slim and her tummy—at the time— was a little bulky because she had just eaten a big meal. She was a short lady but her slender legs looked longer. Ang mga binti nito'y mapanlinlang, dahil sa unang tingin ay mukha itong matangkad pero hindi naman.
And then... her bum.
It was... meh.
Ano nga ulit ang tawag nito roon kanina?
Parang dinaanan ng 10-wheeler truck?
Man... Muntik na siyang matawa nang malakas sa sinabi nitong iyon kanina. Kung hindi siya nakapagpigil ay baka naibuga niya sa harapan nito ang pagkaing nasa loob ng bibig niya.
This woman was crazy —and funny as fvck.
At bakit ito nagalit kung ito rin naman mismo ang nagsabi na wala itong 'bum' noong una?
Shellany eventually bought three dresses, pawang body fitting at mapang-akit ang tabas. She was really planning to make herself look stunning for her ex-boyfriend who left her.
Why would women do that, anyway? They were jilted but they still kept on chasing their man. Bakit kailangan ng mga itong ibaba ang sarili sa ganoong lebel?
Nagpakawala siya ng malalim na paghinga.
Ano ba ang pakialam niya sa gusto nitong gawin sa sarili? He was just there to provide transport service, hindi ang panatilihing buo ang dignidad nito.
“I'm heading out now. Do you need anything?” tanong niya makalipas ang ilang sandali.
Lalong nanulis ang nguso nito, muli siyang inirapan saka tinalikuran.
“Puwet!”
Mabilis siyang tumalikod bago pa nito makita ang pag-paskil ng ngiti sa mga labi niya. God, he couldn't help himself but chuckle at her frustration. Nang maisara niya ang pinto at doon niya pinakawalan ang mahinang pagtawa. At habang naglalakad siya sa hallway ay doon na siya tuluyang natawa.
He didn’t know why, but he found Shellany funny this afternoon…
At ayaw man niyang aminin pero gumagaan ang loob niya rito.
*
*
*
Matapos magpa-gas ay nagtungo si Cerlance sa Iloilo port kung saan naroon ang pump boat na sasakyan nila patungong Guimaras. Ayon sa lalaking nakausap niya na nagta-trabaho roon bilang taga-kolekta ng ticket, it would only take 25 minutes to reach the island, and the next pump boat would leave at 3:00pm—last trip to the island. Ang last trip naman pabalik sa mainland ay alas sinco. Ibig sabihin ay mayroon lang silang dalawang oras na allowance para hanapin sa Guimaras ang taong pakay nila.
At kailangang masunod ang schedule niya. Otherwise, there would be another delays.
And he couldn't have another delay.
Nagmadali siyang bumalik sa hotel upang sunduin si Shellany.
He had never been to Guimaras, so he was excited to see the place. He knew the island was popular for its vast mango farm. He’d probably drop by to one and purchase a basket of mangoes. Or maybe two. Ipadadala niya ang mga iyon sa ina na paboritong-paborito iyon.
Makalipas ang halos isang oras ay nakabalik siya sa hotel. Sigurado siyang sapat na ang oras na iyon para makapaghanda si Shellany sa muli nitong pakikipagkita sa dating kasintahan.
Pagdating niya sa hotel ay kumatok muna siya bago pumasok sa silid gamit ang keycard. The door opened and he was welcomed by a soft rock music playing in the air. Nakabukas ang pinto ng banyo na siyang unang madadaanan pagpasok sa silid. Wala si Shellany roon kaya dumiretso siya papasok.
At doon niya nakita ang dalaga. Suot-suot ang isa sa mga pinamiling dress kanina, naka-upo sa kama—in a lotus position—bagsak ang mga balikat. Hawak nito sa isang kamay ang make up na hindi niya alam kung ano ang tawag, ang mukha'y hindi maipinta.
Literal na hindi maipinta. Dahil ang ilalim ng mga mata nito’y may itim na tinta—ang kilay nito’y makapal ang pagkakaguhit, ang labi nito’y pulang-pula.
He could not understand women’s taste in makeup, but he sure did know that Shellany’s makeup at this moment was the worst he’d ever seen his entire life.
“Are you going to a Holloween party? September pa lang.”
Tinapunan siya nito ng masamang tingin. “Sige, gatungan mo pa ang init ng ulo ko.”
Humalukipkip siya at sumandal sa pader na pumapagitan sa bed area at restroom.
“Ano ba’ng nangyari r’yan sa mukha mo? I can't decide who you're trying to portray; Mr. Bean or Pennywise?"
"Alam mo-- may itutulis pa ba iyang dila mo?"
He cleared his throat as he tried to stop himself from laughing. Hindi siya ganito pagdating sa mga babae, pero natutuwa siyang pag-trip-an ang kliyente niyang ito.
Si Shellany ay nagpakawala ng malalim na paghinga bago inis na itinaas ang hawak. “I don't know what's happening. Itong kamay ko’y ayaw makisama. Nanginginig sa sobrang kaba sa maaaring mangyari mamaya. I was putting mascara on my eyeslashes and this stupid hand won’t stop shaking.” Saka nito ni-itsa ang tinawag nitong mascara sa ibabaw ng kama. “Basa pa ang mascara na nasa pilikmata ko nang napakurap ako kaya kumalat! I tried to wipe it away, pero ayaw matanggal!”
Pinanood niya ito nang inis nitong hablutin ang wet tissue na nasa loob ng makeup bag nito saka muling pinunasan ang ilalim ng mga mata. Lalong kumalat ang itim na tinta, kaya nang kunin nito ang bilog na salamin at tingnan ang repleksyon ay lalo itong nainis.
“Oh! Nakailang ulit na akong maghilamos! Bwisit na mga kamay ‘to, pasmado!”
Tumayo si Shellany at sa malalaking mga hakbang ay tinungo ang banyo. Nakasunod lang ang tingin niya rito.
Narinig niyang bumukas ang gripo, siguradong naghilamos na naman ito.
Makaraan ang ilang minuto’y lumabas ang dalaga na nagpupunas ng mukha. Her face was clean again, she passed by him and walked back to the bed.
Muli nitong hinarap ang makeup kit. Kinuha nitong muli ang mascara at compact mirror nito, muling sinubukang lagyan ng tinta ang mga pilikmata, subalit nang mapansing nanginginig na naman ang mga kamay ay nagpakawala ito ng nayayamot na tili.
Napailing siya. “You need to hurry, alas tres ang huling byahe ng pump boat na magdadala sa atin patungong Guimaras. We only have…” He glanced at his watch. “…thirty-five minutes left.”
Pinaghalong panlulumo at pagkainis ang gumuhit sa mukha ni Shellany nang marinig ang sinabi niya. Ibinaba nito ang mascara at may hinanap sa loob ng makeup pouch nito. Ilang sandali pa’y may inilabas itong lipstick. She hurriedly opened it and applied a tap on her lips. Nahalata niya ang panginginig ng kamay nito, kaya kahit ang lipstick at kumalat at sumobra sa dapat na lagyan.
Muli itong nainis, ibinato ang lipstick sa glass window na tumalbog lang at bumagsak sa carpet. Si Shellany ay muling humugot ng wet tissue at pinahiran ang lipstick sa bibig.
“Pisting yawa!” sigaw nito, taranta na.
“Kailangan mo ba talagang magpaganda pa? Iniwan ka na niya, ‘di ba? Ano pa ang gusto mong patunayan sa kaniya?”
He didn’t mean to sound like a brute, pero nauubos na ang oras nila.
Binalingan siya ng dalaga, ang mga mata’y naniningkit. “Alam mo, ang tabil ng dila mo. Hiyang-hiya na si Satanas sa'yo , aba?”
Kibit-balikat lang ang inisagot niya rito.
Muling sinubukan ni Shellany na maglagay ng isa pang kulay ng lipstick sa bibig pero hindi pa man dumidikit iyon sa bibig ay muli nitong ibinaba ang nanginginig pa ring kamay.
She was getting frustrated and he could clearly see that on her face. But they needed to hurry up. Malapit lang ang port sa hotel na tinuluyan nila pero baka maipit sila sa traffic at hindi abutan ang pump boat.
“Hindi tayo aalis nang hindi ako nagagandahan sa mukha ko,” ani Shellany, ang tinig ay garalgal na.
Isang mahabang paghinga ang pinakawalan niya. Tuwid siyang tumayo at humakbang palapit dito. Huminto siya sa harapan ng dalaga.
“We can’t stay here in Iloilo for another day. We have to go now—with or without makeup.”
“Hindi ako aalis nang hindi ako nagmumukhang presentable. Ano na lang ang silbi nitong damit ko kung mukha lang din akong halimaw na ilang linggong hindi naka-kain ng tao?”
“Halimaw na ilang linggong hindi…” Nahinto siya at sinuri ng tingin ang mukha nito. Just like yesterday and the day before, Shellany’s face was pale. Her eyes had dark circles around them, her lips were prickly and dry.
No, she didn’t look like a monster.
She looked like a drunkard lady who hadn't seen sunlight and water for days.
But at least her hair was combed this time…
Napa-buntonghininga siya.
“Fine, give me this.” Kinuha niya ang mascara, naupo sa kama paharap dito, saka binuksan iyon.
Si Shellany ay pinaglipat-lipat ang tingin sa kaniya at sa mascara. Sandaling naguluhan hanggang sa rumehistro sa isip nito ang plano niyang gawin.
Nakita niya ang pagdaan ng galak sa mga mata nito.
Walang salitang inilapit ni Shellany ang mukha sa kaniya—she was leaning so close it made him pull away. Why, he didn’t know.
“Not too close,” suway niya.
“Kailangang malapit para hindi mo matusok ang mga mata ko.”
“Talagang tutusukin ko ‘yang mga mata mo kapag lumapit ka pa nang husto sa akin.”
Napanguso si Shellany at bahagyang umatras. “Ang pangit ka-bonding nito…”
Hindi na niya pinansin pa ang sinabi ng dalaga. Wala siyang ideya sa paglalagay ng itim na tintang iyon sa pilik-mata, pero susubukan niya para makaalis na sila.
Somehow, he felt sorry for her. Ginagawa nito ang lahat para sa lalaking wala namang pagpapahalaga rito.
He didn't know if she was a kind-hearted woman or just plain stupid.
“I don’t really know what to do, but let me try, okay? Don’t move.”
“Pfft. I-brush mo lang ‘yang mascara sa pilikmata ko. Just think of me as a blank canvas, tapos pipintahan mo.”
“Fine, stop talking.”
Natahimik nga ito. Sinunod niya ang instruction nito, ingat na ingat na hindi niya mai-kalat ang itim na tinta sa eyelid. Makaraan ang ilang sandali ay natapos niyang lagyan ang magkabilang pilikmata nito. Initaas ni Shellany ang compact mirror saka sinuri ang gawa niya.
She smiled as she tried not to blink.
“You did well, pwede ka nang um-extra sa mga parlor, mars.”
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Tumayo na siya at akmang lalayo nang pigilan ni Shellany ang isang braso niya. He turned and stared at her grinning face.
“Lipstick pa, mars.”
“No, you do it yourself.” Binawi niya ang kamay mula rito. “At h’wag mong kapalan para hindi ka magmukhang clown.”
“Nanginging pa rin ang kamay ko, hindi ko ‘to malalagyan nang maayos. Baka kumalat lang. Sige ka, matatagalan pa tayo lalo.”
“Just put lip balm or lip moisturizer—iyon ang nababagay d’yan sa namamalat mong mga labi. Don’t try to impress that man too hard—he’s not worth it.”
Man… He didn’t know where it came from. Those words came out of his mouth without a warning. At huli na para bawiin niya dahil nakita na niya ang pagdaan ng hapdi sa mga mata ni Shellany. Napayuko ito at umiwas ng tingin.
“Gusto ko lang na… magmukhang okay sa harap niya mamaya kung sakaling naroon nga siya sa Guimaras. Ayaw kong magmukhang kawawa sa harap niya. Ayaw kong ipaalam sa kaniya ‘yong kagagahang ginawa ko sa sarili ko matapos niya akong iwan. May kaunting pride pa rin naman akong natitira sa sarili ko, ano.”
Sinundan niya ito ng tingin nang unti-unti na nitong inililigpit ang mga nagkalat na makeup sa kama. Isa-isa nitong inisisilid sa pouch ang mga iyon, ang mga kamay ay hindi na nanginginig subalit tila nanghihina.
Muli siyang nagpakawala ng buntonghininga at lihim na nagmura.
Muli siyang naupo sa kama at inagaw ang lipstick na akma na sanang ibabalik ni Shellany sa loob ng bag. Nagulat ito at muli siyang hinarap. Doon niya nakita ang pangingilid ng luha sa mga mata nito.
“Damn it. Don’t cry, it'll ruin your eye makeup; we don’t have time to re-apply.”
Sandali itong natigilan sa sinabi niya, bago nagpakawala ng pinong ngiti. Suminghot ito at inilapit muli ang mukha sa kaniya nang makitang binuksan niya ang lipstick na hawak.
“Okay, here we go," he said, preparing to apply the pink-colored lipstick on her lips.
Shellany partly opened her mouth and that somehow made him paused for a second. Sandali siyang napatitig sa mga labi nito. Sandaling-sandali lang. Kung bakit ay wala siyang ideya. Doon siya nagkaroon ng pagkakataong suriin nang mabuti ang mukha nito.
Sa loob ng tatlong araw na magkasama sila sa byahe ay ilang beses niya itong binuhat at in-asiste pero hindi pa niya nagagawang suriin ang mukha nito sa malapitan.
This time, he did. And he wondered…
Shellany didn’t have the beauty that would make men turn their heads, but she was charming. Not pretty, but she had a sexy face. Sa kabila ng matamlay nitong mga mata, maputlang mukha at mga labi, ay nakikita niyang may partikular na asset ang mukha nito na magpapatigil sa kahit kaninong tititig.
At first sight, she had an average face, but if someone would look closely…
“Alam mo? Ang pogi mo. Ang ganda ng mga mata mo.”
Napakurap siya at tila biglang nagising sa malalim na pagkakatulog. Umangat ang kaniyang mga mata at sinalubong ang mga titig nito. Their faces were literally inches apart, and Shellany was looking at him with… what was that? Lust?
Bahagya siyang napa-atras.
“Kung magkakaanak ako, gusto kong maging kamukha mo.”
Bigla siyang nataranta.
What is she saying? Why would she give such a statement?
"Kung hindi kami magkakabalikan ni Knight, kahit ang katulad mo na lang sana ang makatuluyan ko para magkaanak ako ng kasing-gwapo mo."
Muli siyang napa-kurap.
Did she just... flirt with me?
Oh, hell, no.
“Don’t flirt with me, lady. You are not my type.”
Kahit siya ay nagulat sa mga salitang lumabas sa kaniyang mga labi. It was as if his lips had their lives of their own and he had no control over them.
Napangisi si Shellany. “Una sa lahat, hindi ako nagpi-flirt. Pangalawa, hindi rin kita type. Nasabihan ka lang na pogi, eh.”
Well… that’s a relief.
“Binabawi ko na nga ‘yong sinabi ko kanina," dugtong pa ni Shellany. "Hindi ka naman talaga pogi, may lahi ka lang." Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Kung ano-ano na ang pumasok sa isip mo. Apaka-assuming masyado..."
Pinili niyang hindi na magsalita pa. He didn’t want to make the situation even more awkward for him. Itinaas niya ang isang kamay at hinawakan ang baba ni Shellany na sandali nitong ikina-gulat.
"Stay still," aniya bago dinala ang lipstick sa bibig nito. Pero siya naman ang sunod na natigilan nang lalong inilapit ni Shellany ang mukha sabay nguso. Napatitig siya sa mga labi nito.
Mariin siyang napalunok.
Shit. He couldn't take his eyes off her lips.
Dapat naman talaga niyang ituon ang tingin sa mga labi nito pero ang hindi dapat ay ang makaramdam siya bigla ng kakaiba.
What was he feeling?
Damn it. What was it?
"Alam kong kissable ang lips ko, pero nauubos na ang oras. Tititigan mo na lang ba ako?"
Muli siyang natauhan nang marinig ang sinabi nito. Muli siyang nakipagtitigan kay Shellany na walang kaide-ideya sa itinatakbo ng isip niya.
Ilang sandali pa'y siya na ang unang nagbawi ng tingin at binitiwan ang baba nito.
Sunod ay ini-itsa niya ang lipstick sa ibabaw ng kama saka tumayo na.
“Never mind. Ikaw na maglagay niyan sa mga labi mo. Hihintayin kita sa parking area, be there in 5 mins.”
Mabilis siyang lumabas ng silid.
*
*
*