KABANATA 04 - His Drunk Passenger

2217 Words
Naka-ilang sulyap na si Cerlance sa relo niya pero hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin dumarating ang pasaherong mag-i-isang oras na niyang hinihintay. Dumating siya nang mas maaga sa napag-usapan nilang pick up time, at nanatili siya sa loob ng kotse sa parking lot ng isang condominiumm sa business center ng Makati upang hintayin ang oras. Pero hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin bumababa ang hinihintay niya. And he was getting pissed. Ala-una ng madaling araw ang usapan nila. Pasado alas-dos na'y wala pa rin ito. Kailangan nilang habulin ang cargo vessel na magsasakay sa kotse niya patungong Mindoro. Alas sinco ng umaga ang alis ng cargo vessel mula sa port ng Batangas. Mukhang kailangan niyang i-karera ang sasakyan niya mamaya upang maghabol ng oras... Una nilang pupuntahan ang isang barangay sa Guimaras kung saan naroon daw ang isa sa mga bahay ng ex-fiance ng kliyente niya. Napipikong hinablot niya ang cellphone sa ibabaw ng dashboard at ni-dial ang numero ni Shellany Marco—ang kliyente niya sa buong linggo. Kanina pa siya tawag nang tawag pero hindi ito sumasagot. Gusto niyang isipin na canceled na ang booking at hindi na ito matutuloy, pero hindi niya magawang umalis na lang nang basta dahil nakapag-bayad na ito ng buo. She had already transferred the full p*****t to his account—he couldn’t just leave her without speaking to her, could he? Muli siyang nagmura nang walang sumagot sa kabilang linya. Inis niyang ni-tanggal ang seatbelt upang bumaba at magtanong na sa admin office ng condo subalit napa-igtad siya nang may bigla namang sumulpot sa bintana ng driver’s side. There was a guy with a fine beard and mustache peeking at the window. Napailing siya. Kahit anong silip ang gawin nito’y wala itong makikita sa loob. His car windows were tinted. He rolled down the window that shocked the man. Their eyes met, and he was about to ask what he needed when the man beat him off, “Uhm, are you the transporter that Shellany had spoken to?” Doon nagsalubong ang mga kilay niya. He remember that voice. Ito ang lalaking nakausap niya nang tawagan niya sa unang pagkakataon ang kliyente. The gay-man. Hindi siya makapaniwalang ito ang lalaking iyon. Lalaking-lalaki ang itsura nito. Not until he started talking, though... The man had a twang in his voice, a twang so particular with gay men. “Yes, ako nga. Nasaan ang kliyente?” “What’s your name?” anito, ang mga mata’y masusi siyang sinuri mula sa kaniyang mukha pababa sa suot niyang itim na poloshirt. “Cerlance Zodiac." “Can I see your ID?” "Why do you need my ID?" "For safety purposes." "The guard at the parking entrance has checked and verified that I am not a criminal; isn't that enough?" "I wanted to check it myself, too. Hand out your ID." Nagpakawala siya ng mahabang paghinga. Sobrang haba na ng pasensya ang ginugol niya sa paghihintay. Magagahol na sila sa oras, hindi na nila maaabutan ang cargo vessel, at kakailanganin pa nilang maghintay ng tanghali bago dumating ang kasunod na vessel. Tapos ay magsasayang pa ng oras ang lalaking ito? Why wouldn't he just tell him where his client was? Too much time had been wasted; he's got no time running around the bush. "Well?" pukaw ng lalaking ang anyo ay kay seryoso. He cursed under his breath in surrender. Walang ibang salita na binuksan niya ang glove compartment at kinuha mula roon ang driver’s license niya. Inabot niya iyon sa lalaking ang mga mata’y patuloy sa pagsuri sa kaniya. Nang masuri na nito ang ID ay tila ito nakahinga nang maluwag. Ang anyo nito’y lumambot—tila ba ang pagkabahalang naramdaman ay biglang nawala. Ibinalik muna nito sa kaniya ang ID bago muling nagsalita. “Pasensya ka na, kailangan ko lang siguraduhin na ikaw nga ang transporter na makakasama niya sa loob ng ilang araw. I'm Ivan; Shellany's BFF. I need to catch a plane this afternoon, kaya hindi ko siya masamahan. Hindi ako maaaring magtagal, I have an important meeting to attend in Hongkong.” I don’t care. Where is the passenger? “Where is my client?” he asked instead. “Pwede ka bang sumama sa akin sa taas? I can’t carry her on my own.” “Carry her?’ “She’s drunk as hell!” Ahhh, f*ck it. * * * Hindi alam ni Cerlance kung saan unang titingin pagkabukas ng pinto ng unit. Ang lalaking nagpakilalang si Ivan ay dali-daling pumasok at dumiretso sa nag-iisang silid doon, habang siya naman ay sandaling nahinto sa harap ng pinto. Ang una niyang napansin ay ang mga basag na gamit at bote ng red wine na nagkalat sa sahig. The big flat screen TV pinned on the wall was broken, seemed like it was smashed by a bottle—kung ang pagbabasehan niya ay ang basag na bote ng alak sa ilalam niyon. Ang ilang mga picture frames ay nakataob sa sahig at pawang mga basag din, kabilang na ang ilang mga palamuti at paintings na dapat ay nasa pader pero nasa tiled floor na ngayon. Sa kabilang bahagi ng bahay ay naroon ang dalawang malalaking mga maleta. Ang mahabang sofa sa tabi ng mga iyon ay punit-punit. Kung hindi sinabi sa kaniya ni Ivan ang totoong nangyari ay baka isipin niyang pinasok ang unit na iyon at ni-ransak ng mga kawatan. Habang nasa elevator sila paakyat sa floor na kinaroroonan ng unit ng kilyente niya ay sinabi sa kaniya ni Ivan ang mga nangyari kahit hindi siya nagtanong. Really, he didn’t need to know any of those details. He was paid to do his job, not to pry into his clients’ issues. According to Ivan, Shellany, his client, drunk herself to sleep for days. Araw-araw daw itong naglalasing simula nang iwan ng lalaking pakakasalan sana sa simbahan noong araw ng kasal ng mga ito. Kaya raw gabi-gabing nagpupunta roon si Ivan upang silipin ang lagay ng kaibigan. Ivan explained he was working on a graveyard shift, but got a call from Shellany that midnight who sounded like she was through with her life. Sinabi raw ni Shellany rito na magpapakamatay na lang dahil hindi na raw nito kaya ang sakit na nararamdaman. Kaya hayon at nag-early out si Ivan upang saklolohan ang kaibigan. Shellany was drunk as f*ck when Ivan found her. Alam nitong iyon ang araw ng alis ni Shellany para hanapin ang ex-fiance, kaya alam ni Ivan na darating siya. Ivan couldn’t stay with Shellany because of his commitment at work, kaya nagsabi itong ipagkakatiwala na nito ang kaibigan sa kaniya. Kaya nito tiningnan ang ID niya upang malaman nito ang ilan sa mga impormasyon tungkol sa kaniya. Na kung sakaling may masamang mangyari kay Shellany ay siya ang hahabulin nito. He was not offended at all. He would do the same if he was in Ivan's shoes. “Here, Mr. Zodiac!” Inituloy niya ang pagpasok sa condo at inisara muna ang pinto bago maingat na humakbang patungo sa silid na pinasukan ni Ivan. Ayaw niyang may maapakang basag na gamit o basura, kaya tutok na tutok siya sa nilalakaran. Pagdating sa kwarto ay kaagad niyang nakita si Ivan na naka-alalay sa lantang-lantang kaibigan. His client—Shellany Marco—was lying across the bed, wearing her jeans and long sleeve shirt and boots on her feet. Mukhang handa na itong umalis, pero naglasing muna para marahil makatulog o magpalipas ng oras. Napailing siya sa kondisyon ng kliyente niya. Lumapit siya sa kama at sandaling sinuri si Shellany Marco. Sa tulong ng lamp na nakapatong sa side table ay madali niyang naaninag ang anyo nito. Shellany Marco looked young and innocent in her sleep. She had blond, curly hair na sa hula niya’y nakuha mula sa botelyang gamot. Ang ilalim ng mga mata nito'y nangingitim, ang mga labi ay tuyo at maputla. “How old is she?” “She’s twenty four,” kaagad na sagot ni Ivan saka hinagod ang buhok ng kaibigan. “Kapag nagising na siya bukas ay pakisabihang tawagan ako. I need to know how she’s doing.” “Okay.” Yumuko siya at tahimik na binuhat si Shellany. Gusto niyang magtanong kay Ivan kung pinapakain din nito ang kaibigan dahil halos papel na sa gaang ang dalaga, pero naalala niyang wala siyang pakealam sa ganoong mga bagay. It wasn’t part of his job. “I’ll carry her luggages and follow you.” Naunang lumabas ng silid si Ivan. Sumunod siya bitbit ang lasing niyang kliyente. Nang nasa elevator na sila ay muling nagsalita si Ivan. “Walang araw na hindi nagbasag ng gamit ang bruhilda na iyan. She was a mess, kaya nakikiusap ako, h’wag mo siyang payagang uminom ng alak habang nasa byahe kayo.” Sinulyapan niya si Ivan. The guy was big and tall, hindi sila nagkakalayo ng katawan at tangkad. The only difference was that Ivan was feminine. It was as if a woman's soul was stuck in his body. “My only job is to drive and bring her to her desired destination. It is not my job to interfere with my client’s choices.” “Please, Mr. Zodiac. Ikaw rin ang mahihirapan kapag naglasing siya.” Ibinaba niya ang tingin sa kliyenteng buhat-buhat niya. The lady was sleeping soundly in his arms, but she reeked of alcohol and he hated it. Kanina pa niya nais itong bitiwan dahil hindi niya nagugustuhan ang amoy na umuusbong mula sa katawan nito. Magkahalong amoy ng alak at perfume; and the combination was so terrible he wanted to p**e. Hindi na siya sumagot pa nang bumukas ang elevator sa parking lot. Nauna siyang lumabas at sumunod naman si Ivan hila-hila sa magkabilang mga kamay ang dalawang maleta ni Shellany. Pagdating sa kotse niya ay pinakiusapan niya si Ivan na buksan ang pinto ng passenger's side. Matapos niyang mailapag si Shellany sa backseat ay muli niyang hinarap ang kaibigan nitong hindi pa rin mapakali at nasa anyo ang pag-aalala. “Hindi ko siya hahayaang uminom habang nasa byahe kami,” panigurado niya bago ini-sara ang pinto ng passenger's seat. “Hindi dahil nag-aalala ako sa gagawin niya kung hindi dahil ayaw ko ng amoy ng taong lasing sa loob ng kotse ko. She reek of alcohol, you know? Hahayaan ko munang nakabukas ang mga bintana ng kotse para hindi ako mahilo sa amoy niya.” Nahuli niya ng tingin ang sandaling pagka-inis sa anyo ni Ivan nang marinig ang mga sinabi niya. But he wasn’t sorry that he said those words. Umikot siya sa likuran ng kotse kung saan sandaling iniwan ni Ivan ang mga maleta. Itinaas niya ang isa sa ibabaw ng trunk at muling sinulyapan ang lalaki. “Paki-buksan ang maleta, gusto kong i-check ang laman.” Nagsalubong ang mga kilay nito. “That’s an SOP,” he said. “I don’t transport baggages without seeing the contents. I need to make sure na hindi ginagamit ang kotse ko sa pagtransfer ng ilegal na bagay.” “What the—” “This applies to all my clients, so please open it without question.” Inis na lumapit si Ivan, halos padabog pa, saka nakangusong binuksan ang bagahe. Isa-isa nitong kinuha ang mga damit na pawang mga panlalaki, pantalon, bottled perfumes, at kung anu-ano pang gamit panlalaki. Matapos niyang makita ang laman niyon ay inisara ni Ivan ang maleta. He took it off the trunk; the other one followed. Pawang mga damit pambabae naman ang nasa loob ng isang maleta. May separate bag doon kung saan nakalagay ang mga toiletries ng kliyente, pati mga underwears na maayos na naka-tupi. Sa loob ng maleta ay mayroon ding dalawang box ng sapatos. Sa tabi ng dalawang shoe boxes ay may isang box siyang nakita na umagaw sa pansin niya, at huli na para iwasan niya iyon ng tingin. Si Ivan, nang makita rin iyon, ay bahagyang humagikhik. It was a sealed box of women’s s*x toys. He knew what it was, hindi siya tanga. “Can you please put it underneath?” he asked. Nakahaghikhik na sinunod nito ang sinabi niya. Makaraan ang ilang sandali ay inisara na nitong muli ang maleta, ibinaba niya, binuksan ang trunk ng kotse at doon ini-siksik ang dalawang maleta. Matapos iyon ay muli niyang hinarap si Ivan. Bumaba ang tingin niya sa hawak nitong calling card. “Please call me if anything happens or if you need anything.” Kinuha niya ang calling card at ipinasok sa back pocket ng suot niyang pants. Walang ibang salitang binuksan ang pinto ng driver’s seat. Pumasok siya roon at ini-suksok ang susi sa keyhole. Nang mabuksan na niya ang makina ay sunod niyang binuksan ang mga bintana. Pinangalahati niya iyon, sakto lang para hindi makulob at mangamoy alak ang buong kotse niya. Napansin niyang hindi umaalis si Ivan sa gilid ng kotse kaya tuluyan niyang binuksan ang bintana sa tabi niya at tiningala ito. “Don’t worry about your friend, hindi ako masamang tao at wala akong masamang gagawin sa kaniya. I am in this industry for eight years now, maayos kong ginagawa ang trabaho ko.” Bagaman nag-aalala pa rin ay tumango si Ivan. “I’ll wait for her call tomorrow. Take care of her, Mr. Zodiac.” * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD