Sobrang kirot sa ulo ang gumising kay Shellany kinaumagahan. Sakit na madalas niyang maramdaman—araw-araw, sa tuwing pag-gising niya.
It wasn’t new to her anymore. These past few weeks, waking up with a headache and hangover was part of her morning. It became a routine—which she wanted to change, but she was having a hard time doing.
Gusto na niyang umusad. Pero papaano niyang gagawin iyon kung mahal pa rin niya ang taong nanakit at nang-iwan sa kaniya? Papaano niyang gagawin iyon kung hindi pa rin nasasagot ang napakaraming katanungan sa isip niya?
Katanungan tulad ng… bakit?
Bakit ito biglang umatras sa araw ng kasal nila?
Bakit ito biglang naglaho matapos ang araw na iyon?
Bakit nito napiling iwan at saktan siya?
Saan siya nagkulang?
Ano ang mga naging pagkakamali niya?
The wedding preparation phase was smooth. They were okay; they were both excited. They even purchased the condo unit in one of the most expensive areas in the city. Paid it in cash, buying furniture and appliances.
They were ready to start a new life.
They were ready to start a family.
Pero bakit ganoon? Ano’ng masamang hangin ang pumasok sa utak nito para magbago ng isip at takasan ang kasal nila?
Marami siyang gustong itanong dito; gusto niyang maliwanagan. Kaya bago siya umusad at magpatuloy sa buhay niya ay kailangan muna nilang magharap. Kailangan niyang masagot nito ang lahat ng mga katanungan niya. She needed him to be honest with her.
Kaya… sa kabila ng pagtutol ng buo niyang pamilya sa pagnanais niyang hanapin kung nasaan ito’y nag-empake siya at nilagay sa dalawang maleta ang lahat ng gamit niya at ng lalaking iyon. Gamit na naiwan nito sa condo nila bago ito biglang naglaho. Kapag nasagot na ang lahat ng kaniyang mga katanungan, she would return all his stuff, nang sagayon ay makausad na siya.
At kung sakali… sakali lang naman… na magbago ang isip nito at hamukin siyang ayusin ang problema, she would gladly give him a chance. She still loved him anyway. Sayang din ang isang taong naging magkasintahan sila.
Sa iba ay maaaring maiksi lang ang isang taon na iyon, pero hindi sa kaniya.
Sa loob ng isang taong iyon ay naging maligaya siya sa piling nito. She gave him everything she had. He was her first everything, and she dreamt of them building a family together. Wala siyang ibang gustong gawin kung hindi bumuo ng pamilya kasama ito at iluwal ang kanilang mga anak.
Kaya kailangan talaga nilang magkita. Kailangan nilang mag-usap. Kailangan niya itong sundan sa tatlong lugar na alam niyang may pag-aaring bahay ang pamilya nito—
Bigla siyang natigil sa pag-iisip nang may maalala.
Ay shuta, ang booking ko!
Napabalikwas siya ng bangon at akma sanang hahagilapin ang cellphone na madalas niyang ilagay sa ilalim ng unan niya nang may mapagtanto.
She was not in her room! She was in the backseat of the car and the surrounding was unfamiliar. Nakahinto ang kotse sa isang port. Mula sa kinaroroonan niya’y nakikita niya ang malalaking mga barkong may mga kargamento, kabilang na ang ilang mga sasakyan at tao. Sa kabilang dako naman ay may nakikita siyang nakapilang mga bus, at sa tabi ng sasakyang kinaroroonan niya ay may mga naka-park ding ibang kotse.
“Nasaan ako…?” bulong niya sa sarili. Wala siyang naalalang lumabas siya ng unit? Ang huling alaala niya ay ang pag-ubos niya ng isang bote ng alak at ang paghampas niya ng boteng iyon sa bagong bili niyang flat screen TV.
Damn it. Marami siyang nasirang gamit sa condo. Marami siyang kailangan linisin.
But sh*t, they were least of her concern now.
Where was she?
Who brought her to this place?
Was she kidnapped?
Sinilip niya ang driver’s seat upang alamin kung sino ang kasama niya roon sa kotse, subalit wala ang driver doon. Nag-iisa lang siya sa loob.
Pinakiramdaman niya ang sarili.
Wala namang masakit sa kaniya. Mukhang hindi rin naman siya ginalaw ng kung sino mang pontio pilato na kasama niya. She felt fine; she had no injury.
But damn it. How was she able to get out of her unit?
Muli ay nahinto siya sa pag-iisip at biglang napa-igtad nang bumukas ang pinto sa kabilang bahagi ng backseat; doon sa direksyon kung saan siya nakatalikod. At kasabay ng pag-igtad niya ay ang malakas niyang pagsambit ng,
“Ay pekpek ng kabayo!”
Marahas siyang lumingon at natigilan nang makita ang pagyuko ng lalaking nagbukas ng pinto.
A pair of grey eyes met hers. And in a split second there, she was stunned.
Anong pinto ng langit ang nagbukas at sinong anghel ‘tong nasa harapan ko? tanong niya sa sarili habang nakamaang sa lalaking nakayuko sa kaniya.
Kung nananaginip siya ay ayaw na muna niyang magising. Gusto niyang manatiling nakatitig sa mga mata ng lalaki at hayaan itong lamunin siya sa ibang dimensyon.
Subalit ang pantasya niya tungkol sa langit at sa anghel at sa ibang dimensyon ay kaagad na naglaho nang magsalita ang lalaki,
“Sa wakas at nagising ka na."
Oh... Kung maihahalintulad niya ang boses nito sa inumin, she would compare it to a strong, hot coffee. Barakong-barako at nakagigising ng sistema.
"Please get out of my car and follow me."
Napakurap siya nang marinig itong muling nagsalita. Gusto niyang magkape— and this man was serving it to her in a five-star quality!
"Did you hear me?" he said again. "Bumaba ka sa kotse ko at maligo para mawala ang masangsang na amoy ng alkohol sa katawan mo. You stink like a drunkard who hadn't taken a bath for weeks."
Para siyang kastilyong buhangin na hinampas ng tidal wave nang marinig ang huling mga salita ng lalaki.
She changed her mind.
Ayaw na pala niya ng kape.
*
*
*
Padabog na bumaba ng sasakyan si Shellany at tinapunan ng masamang tingin ang lalaki bago pahampas na inisara ang pinto ng backseat. Halos tumingala siya upang salubungin ang tingin nito. Why, the guy was tall and sexy! At marami pa sana siyang magagandang salitang nais na ihambing dito kung hindi lang ito antipatiko.
Huh. The nerve of this guy.
Kung makapagsalita'y tila ba kilalang-kilala siya nito at alam ang pinagdaraanan niya.
This man had no idea how hard it was for her to get up each morning and see the world. He had no idea how difficult it was for her to move around and talk to people after that incident on her wedding day. Ang pagbangon sa umaga, ang pagkain, at ang pagligo ay tila misyon sa kaniya sa araw-araw. Kung maaari nga lang ay mahiga at matulog na lang siya sa buong taon ay gagawin niya.
She was so hurt... so depressed to continue life.
Tapos ay pagsasalitaan pa siya nito nang ganoon? She didn't even know this guy! She had no idea where she's at!
“Ano’ng sinabi mo?” aniya sabay halukipkip. Masakit ang ulo niya dahil sa paglalasing kagabi, tapos ngayon ay unti-unti pang umiinit dahil sa sinabi ng magaling na lalaking ito.
“May pampublikong banyo hindi kalayuan dito sa parking area kung saan ka pwedeng maligo at magbihis." Seryoso ang anyo nito; ang mga mata'y blanko. "Maaari kang magbayad para magamit iyon. Nagbebenta ng shampoo at sabon ang babaeng nagbabantay roon kaya siguraduhin mong may dala kang pera. Kung wala kang dalang pera ay pahihiramin kita; but I'll charge it to you after the trip. And don’t forget to bring your clothes. You have to make sure you look and smell fresh when you get back."
Oh. Napaka-brusko!
Hindi siya makapaniwala sa narinig. Hindi niya akalaing may lalaking kayang magsalita ng ganoon sa isang mahinang babae na tulad niya.
Sino ang nanakit sa lalaking ito? Kung magsalita'y para bang pinatay ko ang buong angkan niya!
Oh, pakiramdam tuloy niya ay lalong sumakit ang kaniyang ulo.
“Sino ka at bakit kasama kita?”
“Of course, hindi mo maalala,” sagot pa ng magaling na lalaki.
Ang matitipuno’t mabalahibo nitong mga braso’y magkakrus, at doon sunod na bumaba ang kaniyang tingin dahil pakiramdam niya’y bigla siyang nangalay sa pagtingala rito.
“Cerlance Zodiac," the guy answered in his baritone voice. "I am the transporter you hired a few days ago. Ang sabi ng kaibigan mong si Ivan ay tawagan mo siya sa oras na magising ka. Tawagan mo siya at sa kaniya ka magtanong kung papaano kang napunta sa kotse ko.”
Ang kaniyang mga mata’y umangat sa malalapad nitong balikat. The man was wearing black long sleeve polo rolled up to his elbows. Nakabukas ang tatlong butones niyon sa itaas kaya bahagya niyang nasulyapan ang munting mga balahibo sa dibdib nito.
Napalunok siya—na bigla niyang ikina-ngiwi dahil nalalasahan pa niya ang red wine na lumasing sa kaniya kagabi.
“Narinig mo ba ang sinabi ko?”
Umangat ang tingin niya sa mukha ng lalaki—at sa pagkakataong iyon ay maayos niyang natitigan ang anyo nito.
The man was gorgeous. Periodt. Sigurado siyang ang abuhing mga mata nito’y tunay dahil alam niya ang pinagkaiba ng tunay na pupil sa contact lenses. Ang ilong nito’y matangos —and she knew what people say about men with high-bridged nose. Kapag matangos daw ang ilong, malaki raw ang ano.
And the man’s lips were thin and somewhat inviting…
Anak ng tokneneng naman, Shellany. Parang kagabi lang ay iniiyakan mo pa ang syota mo, ah? suway ng isang bahagi ng utak niya. Parang kanina lang din ay mainit ang ulo niya rito, tapos ngayon ay patung-patong na compliment ang mayroon siya sa lalaking ito?
Pucha.
Pero... masisisi ba niya ang puso’t imahinasyon niya ngayon? She’s vulnerable, she wanted sympathy, attention, and affection. Kapag ganitong labis siyang nalulungkot at nangungulila ay nais niyang pagbigyan ang sariling magpakain sa pantasya’t makamundong pagnanasa niya…
Kalimutan na ang galit. Ayaw niyang mag-alaga ng ganoong damdamin sa kaniyang dibdib. Masyado niyang makulimlim ang buhay niya, hindi na siya masaya, tapos ay magagalit pa?
Kung tutuusin ay tama ang lalaki. Nangangamoy siya. Kailangan niya ng ligo at toothbrush.
Ibinalik niya ang pansin sa mukha ng lalaki na ang tingin ay hindi pa rin humihiwalay sa kaniya.
Damn. This guy really looks good. Sobrang pogi sa puntong patatawarin niya ito sa mga salitang ibinato sa kaniya kanina.
Ahh, kingina namang talaga.
*
*
*