KABANATA 22 - Zip Line

3043 Words
Nakapag-order na ng pagkain si Shellany at naghihintay na lang na mai-serve nang dumating si Cerlance. He ordered a glass of lemonade and nothing else. Naayos na ang kotse at naka-park na sa parking lot; mayroon pa silang ilang oras na bubunuin bago ang schedule ng alis ng ferry na sasakyan nila patungong Cebu, kaya walang rason upang magmadali sila. Shellany ate while Cerlance was busy checking emails on his phone. Abala ito sa pagtanggap ng mga bookings para sa susunod na mga linggo, at habang nakayuko ito sa device ay malayang sinuri ng dalaga ang kaharap. She was eating while looking at Cerlance handsomeness... na tila ba pangtanggal umay ito. She wondered what he was like if she wasn't a client. Papatulan ba siya nito? Kakagat ba ito sa panunukso niya? Tatratuhin ba siya nitong iba? Would he even care? She wasn't his type, so he probably wouldn't give a damn. Baka deadma-hin lang siya nito, daanan lang ng tingin. Patapos na siyang kumain nang ilapag ni Cerlance ang cellphone sa ibabaw ng mesa at inubos ang laman ng baso. Sinabi nitong mula sa kinaroroonan nila ay mayroon na lamang humigit-kumulang isang oras na biyahe. Kung bibiyahe raw sila kaagad pagkatapos niyang kumain ay naroon na sila bago mag-alas cuatro, which meant they had an hour more to wait for the ferry to arrive. "Do you want to stay here a little bit longer?" tanong nito; ang tingin ay bumaba sa papaubos na niyang chicken alfredo. "Walang problema; busog na busog ako at baka kabagan ako kung uupo ako kaagad sa kotse." "Paano kang hindi kakabagan kung magmula kanina ay puro kain ang ginawa mo?" "Aba, nagtulak ako ng kotse, nakalimutan mo?" "Again, it didn't take ten seconds of your time. Ni butil ng pawis ay walang lumabas sa pagtutulak mong iyon." "Kahit na. Napagod ako at ginutom sa ginawa ko, that's the point." Nagsalubong ang mga kilay ni Cerlance, and boy was he gorgeous. "Ganoon ka ka-bilis mapagod? Marunong ka bang magbanat ng buto?" "I had a job," taas-noo niyang sagot. "Had?" "I resigned after that messy wedding day." "You left your job just because you were heartbroken?" "Mahirap mag-focus sa trabaho kung walang laman ang isip ko kung hindi ang ex ko, okay? And stop asking kung hindi mo rin maiintindihan itong nararamdaman ko." Tinusok niya ang isang hiwa ng manok na natira sa kaniyang plato; ipinahid niya iyon sa creamy sauce na natira bago dinala sa bibig. "So, what was your job?" Nahinto siya sa pag-nguya at tinitigan si Cerlance. Totoo ba itong naririnig niya? Interesado si Cerlance na makilala pa siya nang husto? She cleared her throat, chewed her food, and answered; "I work as a multimedia artist." "Did that job require you to move around?" Umirap siya. "No. My job description was to edit videos and or photos. It is more on the art side. I'm an artist." Cerlance smirked, unimpressed. "So, that job required you to seat in front of your computer all day long, is that it?" Kinuha niya ang baso ng tubig at ibinaling ang tingin sa glass wall ng restaurant na nakatanaw sa malawak na bukirin hindi kalayuan. "Why are you even asking these questions?" "Dahil nagtataka ako kung bakit sa ganoon ka-liit na bagay ay napagod ka na. No wonder your body is not well proportioned— lagi ka kasing naka-upo. No wonder you have a flat b—" Nahinto ito. Natigilan siya. Napalingon siya rito; at nang makitang tila nagulat din ito sa mga salitang lumabas sa bibig ay nanlaki ang kaniyang mata. "Hoy!" aniya sabay hampas ng isang palad sa ibabaw ng mesa. Wala siyang pakialam kung ang ibang mga customers na naroon ay napalingon sa kanila. "Foul 'yon!" Hindi ito kaagad na nakasagot; tila ba hindi ito nakabawi kaagad sa pagkagulat. Mukhang hindi rin nito sinasadyang magsalita ng ganoon, but still. She was offended. "You have no idea kung ano ang ginawa ko para lumaki lang itong puwetan ko," aniya sa mahina subalit mariing tinig. Ang kaniyang pisngi ay nag-iinit sa pagkapahiya at inis. "I tried all possible ways, okay? Pero malibang magpa-silicon ako ay hindi na yata talaga uumbok pa itong kasumpa-sumpa kong puwetan." Napahalukipkip siya saka inisandal ang likod sa sandalan ng upuan. "I hate you for bullying me." "I..." Cerlance paused and cleared his throat. "I didn't mean it." "Of course." Umikot paitaas ang mga mata niya. "At para sa kaalaman mo, active din ako. Mabilis lang akong mapagod at magutom. When my ex and I were still together, we would make love all night at ako lagi ang nasa ibabaw—" "God, I didn't need to hear that," he said, cutting her off. "Could you please refrain from talking about your s****l activities? Ni walang kinalaman iyon sa ipinupunto ko." "Ano nga ba kasi ang punto mo? Eh sa mabilis akong mapagod, ano'ng magagawa ko? Pero hindi ibig sabihin na mabilis akong mapagod ay mahina na ako. Besides, hindi pare-pareho ang stamina ng tao. I am active, too, you know? I could go all night without having a break. Cowgirl's my favorite position, after all." Muli siyang umirap na parang bata na inapi ng kalaro. Kahit siya sa kaniyang sarili ay hindi maintindihan kung bakit magaan sa loob na magkwento siya nang ganoon kay Cerlance samantalang hindi naman siya ganoon sa ibang lalaki? Natigil siya sa pag-iisip nang makita ang naging reaksyon ni Cerlance sa mga sinabi niya. He grimaced in what appeared to be... disgust. "You are the only woman I know who speaks about her s*x life like it was just another lesson in class. Your nonchalance bothers me." She pffted. "Don't tell me your women never talked to you about this stuff? How boring..." "No. Never. My women were too classy to talk about this stuff. They would rather show me than brag about it." Tumayo na ito at kinuha ang cellphone sa ibabaw ng mesa. "Wait for me outside, let's walk around the area. I'll just pay for your meal at the counter." Nang tumalikod si Cerlance ay napa-ismid siya. Too classy to talk about this stuff... pfft. Para na rin niyang sinabi na cheap ako, ah? Nakabusangot siyang tumayo at humakbang palabas. Dumiretso siya sa balustre na gawa sa malalaking mga kahoy. Sa ibaba niyon ay malawak na kagubatan, at sa hindi kalayuan ay tanaw ang kabundukan. It was a highland, at malamig ang simoy ng hangin na humahampas sa balat niya. She would love to stay there for a vacay. Ang kaso... wala siya sa bakasyon. Itinuloy niya ang pagsuri sa paligid. Sa kaliwang bahagi ay may nakikita siyang maliliit na mga cottages sa poolside, overlooking the mountains. That area reminded her of a place in Tagaytay where there were cottages overlooking Mount Pinatubo. Sa kanang bahagi naman ay may pila siyang nakikita. At ang pinipilahan ng mga ito ay ang zip line na ikina-ngiwi niya. Natatakot siya sa ganoong klase ng activity; she always had fear that she would fall and break all her bones. Ang zip line activity na pinipilahan ng mga ito ay mahaba at patungo sa ibaba. Ang starting point ay nasa bandang ibabaw ng burol hindi kalayuan sa kinaroroonan niya. "Where do you want to go?" Napalingon siya nang marinig ang boses ni Cerlance. Nakita niyang inisisiksik nito ang visa card sa secret pocket ng phone casing nito. Muli siyang napa-ismid. Napipikon siya kapag naiisip niya ang ibig nitong sabihin kanina. "Kahit saan na hindi natin kailangang mag-usap. Naiirita ako sa'yo." "What did I do now?" pa-inosente nitong tanong na lalo lang niyang ikina-irita. "You really think I'm a cheap woman, don't you?" Napahalukipkip siya. "Just because I flirted with you during my darkest times, and I speak about my s*x life nonchalantly doesn't mean I am a low-class biatch." "I never said you were." "You just did, five minutes ago!" "Of course not. You just assumed I did." Balewala nitong inikot ang tingin sa paligid, habang siya nama'y pumuputok na ang butse sa inis. "This is what I told you this morning-- you should respect and value yourself because if you didn't, people would treat you the same way you treat yourself. Low-class." Napasinghap siya. "So inaamin mong ganoon nga ang tingin mo sa akin? Oh, you're such a bast--" Nahinto siya nang humarap ito sa kaniya. "Bakit, inaamin mo rin bang mababa ang tingin mo sa sarili mo? If so, then that's what you need to work on yourself." Imbes na sagutin ito ay marahas niyang itinaas ang isang kamay upang sana'y turuan ito ng leksyon, subalit maagap ito at nahawakan iyon bago pa dumapo sa mukha nito. Cerlance's eyes slanted. "So now you resort to violence? What kind of person are you, Miss Marco?" "Don't Miss Marco me, damn you ! Wala ka nang ibang ginawa kung hindi i-offend ako na parang hindi ko binayaran ang isang linggo mo!" Binawi niya ang kamay mula rito. "Kung mayroon man sa atin ang dapat na ma-pikon, ako iyon," sagot nito, ang anyo ay nagdilim na rin sa galit. "You were using me as object na parang sapat ang ibinayad mo para tratuhin ako nang ganoon. You wanted me to fvck you just because you missed your goddamn ex. You wanted me to serve you as if I am some kind of a slave. Not because you booked my service for one week doesn't mean you can do whatever you want to do and just get away with it." Wala na siyang maisagot. Even if she wanted to, she couldn't find the right words to say that would make sense. Gusto niya itong sigawan, sumu-sobra na ito. Pero sa halip na iyon ang gawin ay huminga siya nang malalim saka umiwas ng tingin. Bumibigat ang pakiramdam niya; naninikip ang lalamunan. Humahapdi ang mga mata. Gusto niyang i-iyak ang inis, pero ayaw niyang makita siya nitong ganoon. She would never cry for this arsehole. Kaya bago pa man nito makita ang namumuong luha sa mga mata'y mabilis na siyang humakbang sa direksyong pinili ng kaniyang mga paa. She didn't care where her feet would lead her, gusto lang muna niyang lumayo mula sa hayop na 'to. Subalit bago pa man siya tuluyang makalayo ay bigla siyang nahinto nang maramdaman ang pagpigil nito sa kaniyang braso. "Look," anito. "I just wanted to do my job properly, okay? But you were making it hard for me, kaya ako nakakapagsalita nang hindi naaayon." Her lips shook as she tried so hard to stop herself from crying. "I am not a brute; I would never intentionally hurt a woman's feelings. But this trip... since the beginning... is a lot whole different from the previous ones I did, and I was overwhelmed. Hindi ko alam kung papaanong pakikitunguhan ang kliyenteng tulad mo. But I am adjusting, okay? I am doing my best to understand how you feel, sa pag-asang maintindihan ko kung bakit ka umaakto nang ganito." Napabuntonghininga ito. "Let's not argue, okay, Shellany? We have a long way to go, we can't be like this everyday." Hindi siya kaagad na makasagot dahil hindi niya inasahang marinig ang tonong ginamit nito. It was soft and gentle... At hindi niya magawang harapin ito dahil nag-aalala siyang baka sa paglingon niya ay hindi pala si Cerlance ang naroon sa likuran niya. Napahugot siya nang malalim na paghinga nang maramdaman ang paghigpit ng hawak nito sa braso niya. "Just four more days, Shellany, and we're done. Kung su-swertehin ka'y baka isang araw na lang dahil baka nasa Tacloban ang dati mong kasintahan." She took a deep breath and pulled her arm away--gently this time. "Fine," aniya. "Ayaw ko rin ng kaaway." Itinaas niya ang mukha bago humarap. Sandali pa siyang nagulat nang makitang lumambot ang anyo nito, pero hindi siya nagpahalata at nanatiling blangko. "Masyado nang mabigat ang dibdib ko para dagdagan ko pa." Cerlance released a soft smile, at muli ay pinigilan niya ang sariling mapasinghap. "Let's not argue and fight anymore, okay?" She puckered before nodding her head. Lumampas ang tingin nito sa kaniyang balikat. "Let's go there." Nilingon niya ang tinutukoy nito, at nang makitang ang pila ng mga gustong sumubok sa zip line ang tinutukoy nito'y napa-awang ang bibig niya. "What?" Hindi na siya nakapalag pa nang muli nitong hawakan ang braso niya at hinila. Banayad siya nitong hinila patungo sa ibabaw ng burol. Mahigit sampung minuto ang nilakad nila bago marating iyon. Si Cerlance ay hindi siya binitiwan, at habang naglalakad ay hindi na naalis ang tingin niya sa nakahawak nitong kamay. Pagdating nila sa tuktok ay saka lang siya ito binitiwan. Ang dalawang staff na uma-asiste sa mga turistang nais subukan ang zip line ay napangiti sa kanila. "Good afternoon, Ma'am and Sir," bati ng isa sa mga ito. Hinarap niya si Cerlance. “Bakit tayo narito?” Cerlance looked around. “I was here a couple of years ago. May kliyente akong dumaan dito at sinubukan ang zip line. I did, too, and it was great.” “Well, that’s good to hear. Hindi lahat ng tao ay kayang sikmurain ang ganiyang aktibidad. Let’s go back.” Pipihit na sana siya pabalik nang muli siyang hawakan sa braso ni Cerlance. Nanlalaki ang mga matang binalingan niya itong muli. "What?" “Come on,” anito bago siya muling hinila palapit sa dalawang staff na tapos nang ayusin ang harness na suot ng dalawang turista. Nanlaki ang kaniyang mga mata. "N-No..." "Maaaring ito na ang huling beses na pupunta ka rito sa Bacolod, at least try something that would remind you of the place. You’re going to enjoy this.” “I don’t want to do this, baliw ka ba? Takot ako sa matataas na mga lugar!” “People tend to say that until they tried. I thought I was afraid of the heights, too, but turned out I was just worried that I’d fall.” Huminto ito at muli siyang hinarap saka hinawakan sa magkabilang mga balikat. “You can do this, Shellany. You need to losen up. Malay mo, pagkatapos nito ay magising ka sa katotohanang mali itong ginagawa mong paghahabol sa lalaking iyon?” "Ayan ka na naman, eh. Mag-uumpisa ka na naman!" Kunwari ay napikon na naman siya sa sinabi nito, pero ang totoo ay... hindi. Kung tutuusin ay may punto ito. Bakit ba kasi siya naghahabol? At ang mga malalaki nitong mga palad sa kaniyang balikat… bakit tila pakiramdam niya’y nag-iinit ang mga iyon? Makapal naman ang suot niyang sweatshirt, bakit ramdam na ramdam niya ang init mula sa mga palad nito? Si Cerlance ay bahaw lang na napangiti saka siya pinihit paharap sa pila. Ang mga kamay nito’y nanatili sa kaniyang balikat. Pakiramdam niya’y hinihigop ng mga iyon ang buo niyang lakas at katinuan kaya hindi siya makakilos, makapagsalita, o makatanggi sa plano nitong gawin. Subalit nang makita niyang sabay na initulak ng dalawang staff ang dalawang natirang turista upang bumwelo, at nang marinig niya ang tili ng mga ito habang dumadausdos sa lubid ay muli siyang napaharap kay Cerlance. "I can't!" Cerlance just grinned and pushed back into the line. Narinig niyang nagsalita ang dalawang staff sa kaniyang likuran, subalit maliban sa wala siyang naintindihan sa lenggwahe ng mga ito'y tila siya nabibingi sa masayang tilian ng mga sumakay sa zip line. Hanggang sa naramdaman na lang niya ang pag-alalay sa kaniya ng babaeng staff. Para siyang tuod na hindi na nakakilos pa nang ikabit nito sa kaniya ang harness at helmet. Nakikita niya itong nagsasalita pero wala siyang naririnig. Kinakain siya ng takot. Ilang sandali pa ay iginiya siya nito patungo sa dulo ng burol kung saan niya kailangang pumuwesto upang maikabit ang harness niya sa lubid. Yumuko siya upang tingnan ang ibaba, at nang makita niya kung gaano ka-taas ang kinaroroonan nila ay biglang bumaliktad ang kaniyang sikmura. Mabilis siyang umiwas at dumuwal sa sulok— doon banda sa mga damuhan. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na naroon, wala naman siyang mailabas. Hanggang sa maramdaman niya ang paghawak ni Cerlance sa isa niyang balikat. “You’ll be fine” anang gago. “I told you I didn’t want to do this…” aniya sa nanginginig at naiiritang tinig. Lalabas yata mula sa kaniyang katawan ang kaniyang puso sa labis na takot. “You have to face your fear once in a while, and now is the time.” Marahas niya itong nilingon. “I didn’t sign up for this!” Subalit ningitian lang siya nito na muling nagpatikom sa bibig niya. Geez, could this man stop smiling at her already? Lumalakas ang pintig ng puso niya. “This will only take less than 5 minutes," ani Cerlance bago siya ibinalik sa dulo ng burol kung saan naghihintay ang dalawang staff. "And while you're at it, I want you to scream as much as you can.” “Scream what?" Muli na naman siyang nainis, pero iyon ay dahil sa ngiti nito at hindi sa kung ano pa man. "Gago ka, Cerlance, ganoon?” “Silly!” Nakatawang pinitik ni Cerlance ang noo ni Shellany. “Scream your ex-boyfriend’s name, at siya ang murahin mo. Siya ang nang-iwan sayo sa simbahan, hindi ako. Sa ganoong paraan ay mabawasan kahit papano ang bigat na nararamdaman mo.” “And when did you become an expert on this?” “Just now.” He grinned again, devilishly so. Ang babaeng staff na nagkabit ng harness niya kanina at iginiya siya sa tamang pwesto. Mariin niyang ipinikit ang mga mata upang hindi niya makita ang ibaba habang ikinakabit nito ang strap sa lubid. Ilang sandali pa'y narinig niya ang tinig ni Cerlance mula sa kaniyang likuran. “Humawak ka sa strap na nakakabit sa wire para hindi ka masyadong malula," he instructed. His lemony breath fanned her neck. "Now, count one to three. Itutulak kita pagbilang ko ng tatlo." Bigla siyang napamulat sabay hawak sa strap. “W-Wait!” “One…” “No, Cerlance!” Hindi niya alam kung saan hahawak. “Two…” “Putangina mo, h’wag mo akong itula—” “Three!” Kasabay ng pagtulak ni Cerlance sa kaniya padausdos sa lubid ay ang pagsigaw niya ng, “Gago ka, Cerlance Zodiac! Papatayin kita pagdating ko sa duloooo!!!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD