KABANATA 06 - Day One: Stranded in Batangas

1907 Words
“Do you have an absence seizure? Are you sick? Why does it seem like your mind is not on Earth?” Napakurap si Shellay nang makitang muling nagsalita ang lalaking kaharap. Yes, she could see him talking, but she couldn’t really grasp what he was saying. Tama ang lalaki; it seemed like her mind was somewhere else. Napatitig lang siya nang husto sa mukha nito'y para na siyang nawalan ng ulirat. Nauulol na ba siya? She’s acting as if she had never seen good-looking men before! Her ex-fiance was just as gorgeous as this guy! Why was she gaping at him like an idiot? Sunod niyang nakita ang pagbuntong-hininga ng lalaki. “Fine," anito. And that, she heard. “You probably have many questions in your mind. Kausapin mo muna ang kaibigan mo para malinawan ka. Where is your phone?” Doon unti-unting bumabalik ang katinuan niya. Napakurap siya saka kinapkapan ang sarili. Nang mapagtantong wala ang cellphone sa kaniyang mga bulsa ay nanlaki ang kaniyang mga mata. Mabilis siyang bumalik sa backseat, pabalyang binuksan ang pinto niyon saka payukong hinagilap ang cellphone. Umaasa siyang naroon lang iyon sa hinigaan niya, pero kahit sa ilalim ng seat at wala siyang nakita. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang may mapagtanto. Muli siyang lumabas at hinarap ang lalaki. “Kinuha mo ba ang cellphone ko?” Balewala itong umiling. “Nasaan kung ganoon?” Nagpakawala ito ng buntonghininga bago dinukot ang cellphone sa backpocket ng suot nitong pantalon. Mayroon din itong inilabas na card na pamilyar ang itsura sa kaniya. And it took her a couple of seconds to recognize that it was Ivan's calling card. Hindi siya maaaring magkamali; si Ivan lang ang kilala niyang nagpagawa ng calling card na ang kulay ay matingkad na pink at may glitters pa. Mula roon ay may kinopya ang lalaki, at matapos iyon ay inabot nito sa kaniya ang cellphone. "Answer it." Kaagad siyang tumalima. Kinuha niya ang cellphone saka tinitigan ang screen. Tama ang hinala niya; it was Ivan's number they were calling. Dinala niya sa tenga ang cellphone saka ibinalik ang tingin sa lalaking kaharap. The man crossed his arms across his chest again as he watched her. Natilihan siya nang muli nitong ipinako ang tingin sa kaniya. Bigla na lang siyang lumabas sa kotse kanina nang hindi nag-aayos ng sarili. Magulo ang amoy suka niyang buhok, at hindi niya alam kung may natuyong laway sa kaniyang pisngi o may muta siya sa mga mata. She hadn't checked herself in the mirror. Shit. Nang dahil sa kagagahan niya ay napabayaan na niya ang sarili. She should really stop drinking. Kung gusto niyang maayos silang magkaharap ng dati niyang kasintahan ay kailangan niyang ayusin ang kaniyang sarili. Pero ganoon lang ba iyon ka-dali? Papaano siya makatutulog kung hindi muna niya lulunurin sa alak ang sarili? Kung hindi siya iinom ay mag-o-overthink lang siya. Tumagilid siya upang iwasan ang tingin ng lalaking kaharap. Bakit ba kasi kailangan siya nitong titigan nang ganoon? Ilang sandali pa’y tumigil ang ring nang may sumagot sa kabilang linya. "Hi, this is Ivan from Gavin's Tech. How may I help you?" "Ivan!" “Oh God, Shellany! Bakit ngayon ka lang tumawag?” bulalas ng kaibigan sa kabilang linya. "I just woke up!" Palihim niyang sinulyapan ang lalaki bago muling nagsalita. "Nasaan ka ba? Bakit mo ako iniwang mag-isa kasama ang lalaking ito? And where the hell is my damned phone?” “Hey, girl, calm down. Ang kasama mo ngayon ay ang lalaking ni-book mo para i-transport ka patungo kay Knight. Lasing na lasing ka kaninang madaling araw kaya ipinabuhat na lang kita sa kaniya. Nasa trunk ng kotse niya ang dalawang maleta mo, I have taken a pic of his ID kaya kung may gagawin siyang masama ay sabihin mo kaagad sa akin. I mean..." Ivan paused and giggled. "I mean, if I were on your shoes at may ginawa siyang… alam mo na— I wouldn’t even complain.” Alam niya ang ibig sabihin ng kaibigan, pero hindi niya magawang gumanti ng hagikhik. Ang ganoong diskusyon ay normal na sa kanila at kadalasan ay magtatawanan silang parang mga loka. Pero sa dami ng pinagdadaanan niya ngayon, at sa damdaming hindi niya alam kung bakit nagiging lalong marupok, ay hindi niya magawang sakyan ang kalokohan ni Ivan. “Alam mo naman palang lasing ako, bakit mo ako hinayang isama ng isang estranghero?” “Loka ka ba? Hindi ba at ikaw ang may gustong rentahan ang serbisyo ng lalaking iyan para hanapin ang magaling na lalaking nang-iwan sa’yo? And besides, alam mo kung gaano rin ka-halaga sa akin ang araw na ito. I am scheduled to fly to Hongkong, girl, nakalimutan mo? Sa katunayan ay narito na ako ngayon at papunta na sa hotel ko. Alam mong kung wala ito’y hindi rin ako papayag na matuloy ang pag-alis mo kasama siya. But then, Shellany, nag-alala ako sa’yo. Kung ika-kansela ko ang booking mo at hindi matuloy ang trip mong ito ay baka kung ano ang gawin mo sa sarili mo habang wala ako. Alam kong ayaw mo ring umuwi sa inyo dahil ayaw mong makita ang mga magulang at kapatid mo hanggang sa hindi kayo nakakapag-usap ni Knight. Wala akong mapagbibilinan sa’yo kaya minabuti kong ipadala ka sa kaniya sa kabila ng kalagayan mo kanina.” Isang buntonghininga ang pinakawalan niya. May punto si Ivan. “Kung bakit kasi ngayong buwan pa nataong pinadala si Dabby sa ibang bansa, eh," dagdag pa nito. Dabby was actually Ivan’s cousin. Noong unang taon ng kolehiyo nang makilala niya ang dalawa, at simula noo’y naging malapit na silang tatlo. But she got closer with Ivan, lalo at naging magkatrabaho sila sa isang multimedia company, whilst Dabby worked as a video editor in one of the most popular marketing company. Tuwing weekend na lang nila nakikita si Dabby, but three of them remained very good friends. Ilang araw bago ang kaniyang kasal ay ipinadala si Dabby ng kompanya nito sa Korea para sa karagdagang training. At noong nalaman nito ang nangyari sa kaniya ay nag-iyakan silang dalawa sa telepono. Kung naroon lang din sana si Dabby upang damayan siya… “Will you be alright, girl?” Puno ng pag-aalala ang tinig ni Ivan na nagdala sa kaniya ng ngiti. “Hindi ko alam, pero susubukan kong maging maayos.” “Tigilan mo ang pag-inom ng alak, kailangang magandang-maganda ka sa muli ninyong pagkikita ni Knight. Hayaan mong makaramdam siya ng pagsisisi sa ginawa niyang pagtalikod sa’yo.” Kay pait ng ngiting pinakawalan niya sa sinabi ng kaibigan. Muli siyang napasulyap sa direksyon ng lalaki at doon ay nahuli niya ang pagsulyap nito sa relos. She could see boredom on his face. Lihim siyang napangiwi at nagpasiyang tapusin na ang tawag. “Hey, kailangan ko nang magpaalam. I think I left my phone at the condo; I won't be able to contact you often, but I'll give you a call once I've found and have spoken to Knight.” “Yeah, baka nga nasa condo lang ang phone mo; hindi ko na rin naisip na i-check kung nasa loob ng maleta. Kung wala ay makitawag ka na lang muli kay Cerlance at balitaan mo ako sa mga kaganapan. Gosh, day. Tulaley ako nang makita ko 'yang transporter mo kaninang madaling araw. Hindi ka mabo-bore sa loob ng isang linggong kasama siya, bruha ka.” Hindi niya pinansin ang sinabi ng kaibigan. The stinky smell of her hair was starting to distract her. “I'm hanging up now, Ive.” “Okay. Oh, by the way. Iyong wallet mo ay inisiksik ko sa isang maleta." "Kk. Miss you already, Ivana. Talk to you soon." "You take care, girlfriend. And please, please, please keep me in the loop.” Nang matapos ang tawag ay muli siyang humarap sa lalaki saka inabot dito pabalik ang cellphone nito. Ilang beses siyang nag-alis ng bara sa lalamunan bago muling nagsalita. “Uhmm… Ano nga ulit ang… kompletong pangalan mo?” God, hindi niya magawang titigan ito nang diretso sa mga mata. “Cerlance,” seryosong sagot nito. Ang cellphone ay ini-suksok nito pabalik sa backpocket ng suot na pants. "Cerlance Zodiac." “Ako si Shellany.” “I know; you emailed me all your info.” “Of course.” Muli siyang tumikhim. Ang pansin ay inituon niya sa nakapilang mga bus sa hindi kalayuan. “Pasensya ka na kung sa ganoong kondisyon mo ako natagpuan kaninang madaling araw. Pasensya rin kung inabala kita, at kung nagsuka ako sa loob ng kotse mo'y nakahanda akong bayaran ang pagpapalinis. And... thank you for watching over me the whole day.” “Maliban sa pagpapalinis ng kotse ay icha-charge rin kita sa anim na oras na na-stranded tayo rito sa Batangas dahil sa hindi mo pagpapakita sa napag-usapang oras.” Ibinalik niya ang tingin dito nang mahimigan ang kawalang-emosyon sa tinig nito. Kung gaano ka-lamig ang tinig nito’y ganoon din ka-walang emosyon ang mukha. She opened her mouth to say something when the man, Cerlance, beat her off. “Katulad ng sinabi ko kanina ay maaari kang maligo doon sa pampublikong banyo. Sa mga oras na ito ay wala pang masyadong pasaherong dumarating kaya kakaunti pa lang ang nakapila. Magdala ka ng pera para sa bibilihing sabon at shampoo. Kumuha ka na rin ng pampalit mong damit doon sa maleta mo.” Muli nitong sinulyapan ang oras sa relos. “It’s already ten. Dalawang oras pa bago dumating ang kasunod na cargo vessel. You still have time to eat." Tumango siya at sinulyapan ang trunk ng kotse nito kung saan sinabi ni Ivan naroon ang dalawang maleta niya. "Can you please open the trunk? Kukuha ako ng mga damit ko.” Walang salita itong humakbang palapit sa kaniya, at umusog siya palayo dahil nag-aalala siyang baka masakit na sa ilong ang amoy niya. Tama ito; she badly needed a shower and a new set of clothes. Si Cerlance ay binuksan ang pinto ng driver’s side at may ni-pindot. Ilang sandali pa’y narinig niya ang pagbukas ng trunk. Humakbang siya patungo roon at binuksan. Pagkabukas ay tumambad sa kaniya ay ilang gamit ng lalaki, mula sa isang bag ng tools at dalawang pares ng sport shoes, at isang bag ng sa tingin niya’y damit nito. Sa gitna ay ang dalawa niyang mga maleta. Binuksan niya ang isang mayroong ilang pares ng damit. Damit at gamit ng dati niyang kasintahang si Knight ang laman ng mga iyon, pero nagsiksik siya ng ilang pamalit niya para sa trip. Nang makuha ang lahat ng kailangan ay inisara niya ang trunk, at napa-igtad siya nang makita itong nakahalukipkip habang nakasanda sa gilid ng kotse ay nakatitig sa kaniya. Geez. Bakit ba para siyang nag-kape ng isang pitsel kung nerbyosin sa tuwing nahuhuli niya itong nakatitig sa kaniya? Ano ba ang mayroon sa lalaking ito? "Take your time," wari nito na ikinasalubong ng mga kilay niya. "Make sure you scrub every dirt and p**e off your body. And if you can, just throw your dirty clothes. Ayaw kong ipasok mo pa ang madumi mong damit sa loob ng kotse ko." Umangat ang sulok ng labi niya sa inis. Apaka-arte! Hindi na siya nagsalita pa at inirapan na lang ito saka tinalikuran. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa loob ng isang linggong makakasama niya sa byahe ang antipatikong lalaking ito. Kaya ba niyang pakisamahan ang bruskong ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD