KABANATA 15 - Enraged Monkey

2096 Words
Laking pasasalamat ni Cerlance nang abutan nila ang last trip ng pump boat papuntang Guimaras para sa araw na iyon. It was already 10mins past three o’clock and he had already expected that they wouldn’t make it. Pero nakahinga siya nang maluwag nang makitang naroon pa rin ang huling pump boat at nagkakarga ng mga pasahero. Dalawamputlimang minuto ang biyahe mula mainland hanggang Guimaras, at walang ibang ginawa si Shellany kung hindi kiskisin at hilurin ang mga palad nito sa sobrang antisipasyon. She was nervous, he could feel that. Noong booking phase pa lang ay naibigay na nito sa kaniya ang eksaktong address na pupuntahan nila sa Guimaras. He had already saved it on his phone’s GPS. Ayon sa impormasyong nakikita niya ay nasa kabilang bahagi pa ng isla ang bahay na pupuntahan nila, and it would take 20mins drive to get there. Oh well, they had two hours before the boat departs to the mainland, they would surely have enough time. Pagdating sa Guimaras ay kaagad silang kumuha ng tricycle na maghahatid sa kanila sa eksaktong address ng pamilya ni Knight Perez. Lalong kinabahan si Shellany habang papalapit sila nang papalapit sa lokasyon, kaya naisipan na niyang kausapin ito. “Calm down; you're shaking too much.” “Malamig.” Though it was partly true that the weather was quite chilly, Cerlance didn’t buy that. “Why are you nervous?” “I’m not.” “Yes, you are. Hindi ba at komprontasyon ang dahilan kaya gusto mo siyang makita? You should be raging, not this. Hindi ka dapat kinakabahan, wala kang ginawang masama.” Kinuyom ni Shellany ang mga palad upang pigilan ang panginginig ng mga iyon. “Paano kung naroon nga siya sa bahay ng mga lolo at lola niya… tapos ay magkakaharap kami? Papaano kung hindi rin niya masagot ang tanong ko? Paano kung talagang ayaw na niya?” Doon nagsalubong ang mga kilay niya. “Wait a minute—plano mo pa rin ba talagang balikan ang lalaking iyon after what he did?” “Kung… kung ang dahilan ay mababaw lang naman, we might work things out. Kung… hindi lang siya handang magsettle down kaya hindi siya sumipot, I might forgive him.” “Oh, wow. I really can’t decide whether you’re a kind-hearted person or just plain stupid.” Malakas na napasinghap si Shellany sa huling salitang binitiwan niya. Sa nanlalaking mga mata ay sinita siya nito, “How dare you speak to me like that? Baka gusto mong dumahan-dahan?” Ang driver ng tricycle na sinasakyan nila at napapasilip sa kanila sa loob nang marinig ang pagtaas ng boses ni Shellany. Nakaupo siya sa likurang bahagi ng tricycle habang nasa harapan naman ito. "Akala ko ba'y hindi ka nangingialam sa personal na buhay ng mga kliyente mo? Bakit biglang may ganoon kang remarks sa akin?" He smirked and looked her in the eye. “Noong una'y wala akong pakialam at ayaw ko sanang mangialam, pero hindi ko mapigilan dahil nadadamay ako sa ginagawa mo sa sarili mo. Not only that; naaapektohan na rin ang schedule ko. At bakit hindi mo suriin ang sarili mo at alamin kung tama bang magpaka-baliw ka sa lalaking iniwan ka sa araw na dapat ay mag-iisang dibdib kayo?” “Ano bang pakealam mo?” “Nothing. I just can’t stand stupid women.” Muli itong napasinghap; ang mga mata'y lalong nanlaki. “You, motherfvcking assho—” “No, don’t even defend yourself." Itinaas niya ang hintuturo at idiniin sa bibig nito. Si Shellany ay napasinghap at naitikom ang bibig, and that gave him a chance to continue. "You know exactly that the man had no interest in spending his whole life with you. Nagpakalunod ka sa alak at inabala mo ako dahil doon. I was only supposed to drive you to your destination, not babysit you.” Doon nito tinabig ang kamay niya. She opened her mouth to defend herself but he cut her off, “And now, I have to sleep in the same room with you just so I could make sure you wont get drunk again. Ayaw kong mag-alaga ng lasing, so I had to stay close to you. Inaabuso mo ang sarili mo nang dahil lang sa lalaking iyon at inaabala mo pa ang ibang tao. Sa tingin mo ba'y sapat ang additional charge na ina-apply ko sa karagdagang serbisyong iyon?" Nakita niya ang biglang pamumula ng pisngi ni Shellany matapos marinig ang litanya niya. Tinapunan siya nito ng masamang tingin bago ibinalik ang pansin sa harap--upang marahil ikubli sa kaniya ang pamumuo ng luha sa mga mata. Doon na niya pinakawalan ang pag-ngisi. Itinaas niya ang isang kamay at dinala sa ibabaw ng ulo ni Shellany upang pihitin ito paharap sa kaniya. “Are you triggered now?" he asked, staring at her teary eyes. "Galit ka na? Good. Hindi ka na nanginginig sa nerbyos, hindi ka na magmumukhang kawawa mamaya sa harap ng ex mo. Instead, magmumukha kang tigre na handang sumugod. You are ready.” Natigilan ito. At nang rumehistro sa isip ang huling mga sinabi niya'y muli itong pinanlakihan ng mga mata. “You said those things just to provoke me?” “Yes. Because it’s always easy to handle wrath than sadness.” “Oh, bwisit ka." Inis nitong tinabig ang kamay niyang nasa ibabaw ng ulo nito. "Masyado kang naging below-the-belt kanina, muntik na kitang tadyakan.” He just smirked and said nothing anymore. If Shellany only knew that he meant everything he said… * * * Makalipas ang dalawampung minuto ay narating nila ang dalawang palapag na bahay na pinaliligiran ng mayayabong na mga halaman. From Santan, Gumamela, to varieties of roses. Malawak ang sementadong front yard, at sa harap mismo ng bahay ay may malaki at matandang puno ng santol. Sa ibabaw niyon ay may nakikita silang birdcage. The house per se was designed in Victorian style. Luma na rin pero maayos na namintina. Sa veranda ay may matandang babaeng naka-upo sa rocking chair, tila natutulog. Sa gilid ng bahay ay may dalagita silang nakita na nagwawalis at nagsisiga ng mga tuyong dahon. Magkakalapit lang ang mga bahay at may kani-kanilang gate. Pero sa kalyeng iyon ay mukhang ang pamilya lang ni Knight Perez ang mas nakaaangat. Ang dalagitang nagwawalis sa gilid ng malaking bahay ay napalingon nang maramdaman ang presensya nila. Pilit na ngumiti si Shellany bago itinaas ang isang kamay upang kumaway. “Magandang hapon,” tawag ni Shellany. Atubiling lumapit ang dalagita bitbit ang walis tingting nito. Salubong ang kilay na huminto ito sa harap ng gate. “Maano tani?” anito. (Ano po ang pakay nila?) Napangiwi si Shellany. “Sorry, hindi ako maka-intindi ng Ilonggo. Pero gusto kong itanong kung nariyan si Knight Perez?” Lalong nangunot ang noo ng dalagita bago sinuyod ng tingin si Shellany mula ulo hanggang paa. There was judgement in her eyes that pissed Shellany off. “Si Nong Knight? Ay, wala rito,” sagot nito sa tonong Ilonggo. “Pag-sure, ‘day,” sagot ni Shellany na hindi na napigilang mag-suplada. She was trying to speak in Ilonggo but failed to do so. “Wala ba talaga o nagtatago? Nagbilin ba siya na iyan ang isagot mo kapag may naghanap sa kaniya?” Nagsalubong ang mga kilay ng dalagita. “Hindi ako butigon, Miss. Wala diri si Nong Knight. Pila na ka-tuig na—” “Oh, could you please speak in Tagalog? Wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo!” “Wala siya dito!” sigaw din ng dalagita na ikinagulat ng dalawa. Si Shellany ay bahagya pang napa-atras, subalit sandali lang ang pagkagulat nito at kaagad ding nakabawi. "Aba, matapang ka ha..." Nag-akma itong susugod subalit pinigilan ito ni Cerlance sa braso. Marahas itong nilingon ni Shellany. “Aba’y h’wag mo akong pigilan, ‘dong. Bastos kausap ‘tong bata na ‘to—” “Ikaw ang unang nagtaas ng boses, sinagot ka lang niya. This is her place, her territory. You don’t have the right to raise your voice.” Sa nanlalaking mga mata ay tiningala ni Shellany si Cerlance. Hindi ito makapaniwalang hindi kinampihan ng binata. Ang dalagita namang nasa kabilang bahagi ng gate ay tila namamalikmatang napatitig din sa gwapong binata. Noon lang nito napagtuonan ng pansin si Cerlance at nang napatitig nang husto sa mukha nito’y biglang natulala. “Kinakampihan mo ba siya?” ani Shellany. “No, wala akong kinakampihan. Pinapaliwanag ko lang sa’yo na mali ang ina-asta mo.” Bumitiw si Cerlance at hinarap ang dalagitang napakurap na lang. “Mayroon bang Knight Perez na nakatira rito?” Umiling ang dalaga, ang pagkakahawak sa walis tingting ay humigpit. “Pero nakapangalan ang address na ito sa mga lolo at lola niya,” si Shellany na muling hinarap ang dalagita. This time, her voice was pleading. “Please, I just need to talk to him." Muling napakurap ang dalagita, pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang kaharap. Nasa anyo na rin nito ang pagtataka, hanggang sa… “Ilang taon nang hindi nakakadalaw si Nong Knight dito sa Guimaras, at hindi ko alam kung nasaan siya ngayon.” Desperadang napakapit si Shellany sa grills ng gate, tila presong nagmamakaawa na palayain na. “Please… Please, h’wag mo siyang itago. And please tell me the truth. Babae ka rin, at siguradong alam mo ang pakiramdam ng babaeng umiibig at hindi makausad dahil sa iniwang sakit ng lalaking mahal niya. I just needed to talk to Knight. So, please. Please…” Napailing ang babae saka bahagyang napa-atras. Litong-lito ito sa nakikitang anyo ni Shellany. “Sinabi ko nang wala siya dito.” “Please…” Si Cerlance, na hindi na nakapagpigil sa nakikita at naririnig mula kay Shellany ay lumapit at hinawakan sa balikat ang dalaga. “Let’s go. Wala siya rito.” Marahas na nilingon ni Shellany si Cerlance. “We don’t know that! Baka tinatago lang nila—” “I’m sure he’s not here. Kahit ang katiwala ay nalilito. And I believe her.” Ini-tuon nito ang tingin sa dalagitang katiwala na muling napa-igtad. Hindi na maalis-alis ang panggilalas nito sa tuwing napapatitig kay Cerlance. “Naniniwala akong nagsasabi ka ng totoo, Miss. Thank you for your help. We’re leaving now.” Tumango ito; nanatiling nakatulala. “Hindi ako aalis,” pagmamatigas ni Shellany. Hinigpitan nito ang pagkakakapit sa grills. “Hindi ako aalis hanggang sa hindi nila sinasabi sa akin kung nasaan si Knight!” Hindi nagawang makasagot kaagad ni Cerlance nang ang ilan sa mga kapitbahay ay nagsilabasan na rin sa gate dahil sa narinig na palitan ng sigaw kanina. Puno ng pagtataka ang mukha ng mga ito, ang iba’y nagbulungan pa. Kahit ang mga dumaraang tricycle ay bahagyang bumabagal ang takbo upang mang-usisa. Napailing si Cerlance at muling binalingan si Shellany. “Let’s go back to the mainland.” “No! I’m not leaving!” “We must leave now!” Cerlance hissed before pulling Shellany’s arm. Subalit ayaw bumitiw ni Shellany. Kay higpit ng pagkakahawak nito sa mga grills. Ang isang binti nito’y ipinasok pa nito sa grills at tulad ng mga braso’y kumunyapit iyon sa makalawang na bakal. “Stop that!” suway ni Cerlance saka hinila ang binti ni Shellany upang ilabas sa gate. Subalit patuloy na nagmatigas ang dalaga. “No! Hindi ako aalis hanggang sa hindi sinasabi sa akin kung nasaan si Knight!” “Stop it, Shellany! May dalawang lokasyon pa tayong pupuntahan at maaaring naroon siya sa isa sa mga iyon." "No! Paano kung wala? Paaano kung narito lang pala siya at ayaw lang nilang sabihin sa akin?" "He's not here!" Muling hinila ni Cerlance ang binti ni Shellany, subalit lalo lang nagkunyapit iyon sa bakal. "Damn it-- could you take your leg out?! You look like an enraged monkey!” Nang marinig ni Shellany ang huling sinabi ni Cerlance ay galit nitong inilabas ang binti mula sa gate, bumitiw mula roon saka galit na hinarap ang binata. “Ang tabil ng dila mo! Kung sinabi mo ‘yon para lalo akong galitin, well, you are doing a great job! Pero hindi iyon nakatutulong at hindi niyon ako makukumbinsing umalis! I needed to know where Knight is! And I’m not leaving without that information!” Ang mga kapitbahay na nakasilip sa kani-kanilang mga bakod ay muling nagbulungan. Ang iba’y napabungisngis na dahil sa pagka-desperada ni Shellany. At nakita iyon ni Cerlance. Kaya naman bago pa man nito mapigilan ang sarili ay bahagya itong yumuko, at sa pagkagulat ni Shellany ay ini-karga nito sa balikat ang dalaga. Shellany froze in shock. * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD