HINDI NA NAHINTO SA PANGINGINIG si Shellany kahit na ligtas siyang nakatawid sa kabilang dulo ng zip line. Natanggal na rin ng isa sa dalawang staff na naghihintay sa end point ang harness at helmet na suot niya, habang ang isa nama’y inalalayan siyang maupo sa waiting area.
Nangangatog ang mga tuhod niya; ang buong katawan niya ay patuloy sa panginginig. Pakiramdam niya’y ipinasok ng hangin ang baga niya sa kasisinghap at kasisigaw habang nasa ere siya kanina. Ang chopstick na umipit sa kulot niyang buhok kanina ay natanggal kaya lumugay na naman ang buhok niya at tumakip sa kalahating bahagi ng kaniyang mukha.
She was still catching her breath… her throat was dry and sore.
But surprisingly… she felt… better.
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.
Matapos niyang sumigaw ng pagkalakas-lakas kanina sa ere, ngayon ay tila ba nabawasan kahit papaano ang bigat ng dinadala niya.
Tila ba tinangay ng hangin sa himpapawid ang sama ng loob na umipon sa kaniyang dibdib nitong nakaraang mga araw. Tila ba… nabawasan ang sakit sa kaniyang puso.
She felt great. Somehow.
And she was happy she was able to do it; akaka pa man din niya'y hindi na niya masisilayan ang kabilang dulo ng line dahil sa labis na nerbyos. Inakala niyang aatakehin siya sa puso habang nasa ere.
But she survived. Thank heaven for that.
“How are you feeling?”
Umangat ang tingin niya nang marinig ang tinig ni Cerlance. Hindi niya namalayan ang pagdating nito mula sa starting point. Masyado siyang nangangatal kanina at walang ibang ni-intindi kung hindi ang pangangatog ng kaniyang katawan.
“Gumaan ba ang pakiramdam mo?”
Napipikon siya. Napipikon siya dahil habang tinatanong siya ng hinayupak ay may ngisi sa mga labi nito. At kahit ang gwapo-gwapo nito sa pagkakangising iyon ay napipikon pa rin siya dahil kahit pa na gumaan ang pakiramdam niya ay hindi niya ginustong gawin iyon.
“Umalis ka sa harapan ko bago ko pa sirain ‘yang pagmumukha mo,” aniya sa nanginginig na tinig. Ang mga braso’y nanatiling nakayakap sa sarili.
Cerlance chuckled. “You’re fine; you'll live. And you should celebrate because you were able to conquer your fear.” Then, he tapped his hand on her shoulder. “Chop chop, now. Let’s go. Bumalik na tayo sa sasakyan.”
Lalo siyang nainis nang tuluyan siya nitong iwan. Hindi man lang ba nito nakita ang panginginig niya? Sigurado siyang namumutla siya sa mga sandaling iyon, wala ba itong pakealam talaga? Hindi pa siya okay! Hindi pa nga siya nakababawi ng paghinga, tapos ay gusto na nitong tumayo siya at humayo na?
Oh, naiinis talaga siya.
Yet, she was only pissed at him, not angry.
She appreciated what he did, kaya hindi niya magawang tuluyang magalit dito.
Pinilit niyang tumayo upang sumunod. Sa pagtayo niyang iyon ay naramdaman niya ang patuloy na panginging ng kaniyang mga tuhod, dahilan kaya muli siyang naupo at mahinang nag-mura.
Si Cerlance ay napalingon nang marinig ang pagmumura niya, at nang makitang hindi siya kumilos mula sa kinauupuan ay kunot-noong nagsalita.
"Come on. We have to walk ten minutes or so back to the parking space."
Tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Nanginginig ang mga tuhod ko! Oh, I could really kill you for this!"
Bumaba ang tingin nito sa mga binti niya. "I don't see them shaking. It's probably just your imagination. Let's go."
Doon siya lalong nainis dito, pero dahil ayaw niyang mauwi na naman sila sa pagtatalo ay pinili niyang umiwas na lang ng tingin at hindi ito pansinin. Kung gusto nitong mauna ay mauna ito. Bahala itong maghintay sa kaniya sa parking lot hanggang sa kaya na niyang maglakad!
"I really can't believe how you get tired so easily," anito na humakbang pabalik sa kinaroroonan niya. "And here I thought you said you could go all night."
Naramdaman niya ang pagkalat ng init sa magkabila niyang mga pisngi.
Gago 'to, ah? And here I thought he didn't want to talk about my s****l activity!
Nahinto si Cerlance sa harapan niya. "Fine. Tumayo ka at humawak sa braso ko; aalalayan kitang maglakad hanggang sa mawala ang panginginig mo."
Natigilan siya; pakiramdam niya'y biglang huminto sa pag-ikot ang mundo sa sumunod ng mga segundo.
H-Hahawak sa... braso niya?
Umangat ang kaniyang tingin sa braso nitong natatakpan na ng sleeved. Pinigilan niya ang sariling mapakagat labi.
"Well?" pukaw ni Cerlance.
Napatikhim siya. "Well... Ano pa nga ba ang... magagawa ko?" Muli siyang tumayo at inasahang makararamdam muli ng panginginig sa mga tuhod, subalit sa pagkakataong iyon ay bahagya nang kumalma ang mga buto-buto niya. She had somehow recovered.
But...
She wouldn't let it show.
Ma-drama siyang napa-ungol bago bumalik sa pagkakaupo. "Ouchie... my knees..."
"Come on, just grab my arm, already."
"Help me up."
Nagpakawala ng malalim na paghinga si Cerlance bago banayad na hinawakan ang isang braso niya upang tulungan siyang tumayo. Madrama niyang ni-angat ang sarili, at nang tuluyan na siyang nakatayo ay para siyang tukong kumapit sa matipuno nitong braso.
And oh, muntik na siyang mapa-pikit sa ligaya. Para siyang bulaklak na nadiligan matapos ang ilang araw na tagtuyot. Ramdam na ramdam niya ang namumukol nitong mga muscles; matitigas na parang mga bato. At amoy na amoy niya ang banayad na scent ng perfume nito.
And again... that tingling sensation hit her. Pakiramdam niya'y may daan-daang langgam na gumapang sa buo niyang katawan at gusto niyang magkamot. At may isang parte sa kaniyang katawan ang labis-labis na naaapektohan sa mga sandaling iyon— at iyon ang labis na nangangailangan ng pagkakamot.
Sa naisip ay bigla siyang pinanginigan ng laman.
At ang panginginig niya'y kaagad na naramdaman ni Cerlance.
Niyuko siya nito. "Yeah, I could feel you shaking."
Napalunok siya saka tumingala upang salubungin ang magaganda nitong mga mata. "I... I told you."
Pino itong ngumiti. Ang gago, walang kaide-ideya sa nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. "Just hold me tight, I'll help you walk till we reached the car."
Sinunod niya ang sinabi nito. Humigpit pa lalo ang pagkakakapit niya sa matipuno nitong braso.
"Gaano ka-tight? Ganito ba?" aniya sa maarteng tinig. Sigurado siyang kung naroon ang mga kaibigang sina Ivan at Dabby ay baka nasapak na siya.
"You're squeezing my arm like a hungry snake, but fine." Inalis nito ang tingin sa kaniya ay inumpisahan na ang paglalakad. "Just one step at a time."
Muli siyang napakagat-labi upang pigilan ang pagbungisngis.
Makalipas ang halos dalawampung minuto ay narating na nila ang parking area. Mula sa end point ng zip line ay hindi nga siya bumitiw mula rito, at upang hindi mapansin ni Cerlance na maayos na ang pakiramdam niya'y hindi siya nagsalita. Tahimik siyang nagpakasasa sa braso nito.
Nang marating nila ang kotse ay inalalayan muna siya nitong pumasok sa backseat. She went in, but she didn't close the door yet because it was hot inside. Si Cerlance ay binuksan muna ang makina ng sasakyan pati na ang AC bago naglakad patungo sa trunk. Binuksan nito iyon at tila may hinanap.
"Hey," tawag nito makaraan ang ilang sandali. Nanatili ito sa likuran. "Don't you feel sticky? You could change your shirt if you want. May malapit na banyo dito sa parking area."
Oh, come to think of it. Pinagpawisan siya nang umakyat sila sa burol kanina, at ganoon na rin sa paglalakad nila pabalik doon sa parking area. A change of shirt was a good idea.
With that in mind, she swung out of the car. Tinungo rin niya ang trunk upang maghanap ng pamalit sa maleta nang mahinto siya sa nakita.
Sa likod ng kotse ay inabutan niya si Cerlance na isa-isang tinatanggal ang mga butones ng suot na poloshirt. Nakatingin ito sa ibang direksyon habang ginagawa iyon at hindi siya kaagad na napansin— na pabor sa kaniya upang malaya niya itong mapagmasdan.
Unti-unting bumungad sa kaniya ang hubad na dibdib ni Cerlance. Pigil-pigil niya ang paghinga, lalo na nang hindi lang ang dibdib nito ang bumungad sa kaniya kung hindi pati na rin ang umbok nitong mga abs. Lalo pa siyang namangha nang makita ang malaking tattoo na naka-imprenta sa dibdib nito.
Sunud-sunod siyang napalunok—pakiramdam niya’y lalong natuyo ang lalamunan niya; ang kaniyang paghinga’y pinigilan niya.
At nang tuluyan nang nahubad ni Cerlance ang damit ay doon niya pinakawalan ang pinipigil na paghinga. Tumama ang sikat ng araw sa katawan nito at dahil basa ng pawis ang balikat at dibdib nito’y para itong kuminang na diyamante sa ilalim ng initan.
Cerlance had a body of a Greek God. Para nga talaga itong anak ni Bathala. Ano ba ang maipipintas niya rito maliban sa ugali nitong may pagka-brusko?
Ang swerte ng mapapangasawa nito... bulong niya sa sarili.
She couldn’t stop staring at his magnificent, perfectly built body. Hindi ito sobrang maskulado, pero anim-anim ang packs nito at ang mga braso’y matitipuno just like how she felt earlier. Ang tattoo nito sa kaliwang dibdib ay gumapang hanggang sa kaliwang braso nito. Polynesian design. Ang tattoo naman nito sa kanang braso ay umabot lang hanggang siko. Iba ang disenyo pero parehong style; Polynesian.
Ibinalik niya ang tingin sa mga pandesal nito. She wondered how they would feel against her palm?
Muli siyang pinanginigan ng laman sa naisip.
Ibinaba pa niya ang tingin sa pusod nito. She wondered if he was ticklish down there? May kaunting balahibong naglalakbay mula sa pusod nito pababa sa hangganan ng suot nitong pants. She wondered if he was also all muscles undeneath those pants?
Oh, she couldn’t help but giggle.
Ano ba itong mga itinatakbo ng isip niya? Tuloy, muli na naman niyang naramdaman ang tila nakakakiliting sensasyon sa kaibuturan niya...
"Stop drooling."
Napa-igtad siya nang marinig ang sinabi nito. Ibinalik niya ang tingin sa mukha ni Cerlance at doon nakita ang pagngisi nito.
Bigla siyang nataranta. "Hindi ako naglalaway, 'no! Asa ka pa." Itinaas niya ang kamay, at gamit ang likod ng palad ay pinunasan niya ang gilid ng bibig na ikinagulat niya at ikina-ngisi lalo ni Cerlance.
Gaga talaga siya, bakit ba niya ginawa iyon?!
"Geez. You really creeps me out," anang gago. "Doon na ako sa banyo magbibihis. Stay here, I won't be long."
Bago pa siya nakasagot ay tumalikod na ito at humakbang patungo sa likuran ng parking lot kung saan siya may nakikitang nakahilerang mga restrooms. Bitbit nito sa isang kamay ang itim na damit at pantalong maong.
Hmm. New fashion style, huh?
Sa loob ng ilang araw ay naka-semi-formal ito, at iyon ang unang beses na makikita niya itong magsusuot ng casual.
Interesting…
And she couldn’t wait.
At habang naglalakad si Cerlance palayo ay bumaba ang tingin niya sa likuran nito.
And oh s**t, those muscled back made her heart skip a beat.
Punyetang lalaking ito, wala akong maipintas!
This man never ceased to amaze her. Physically, she couldn’t find any flaws. Sa ugali lang ito may problema pero pwede na rin.
Laman tiyan na rin...
“WHY THE SUDDEN CHANGE OF FASHION?” tanong ni Shellany nang bumalik sa kotse si Cerlance.
Nakasandal siya sa gilid ng sasakyan at in-antabayanan ang paglabas nito sa pinasukang cubicle. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makalapit.
Cerlance was wearing a pair of jeans and a black, semi-fitted shirt. He looked like a member of a boyband back in the nineties and boy was he looked hot!
Ang kaniyang tingin ay bumaba sa mga naka-imprentang tattoos sa magkabila nitong mga braso.
“You said my tattoos didn’t bother you, so I thought I would stop wearing long sleeves shirts from now on.”
Well… hindi naman talaga siya na-di-disturb sa mga tattoos nito. At least not in the way Cerlance understood...
“Im sick of wearing those long sleeve shirts anyway,” Cerlance added. Muli itong yumuko sa trunk upang ipasok doon ang hinubad na damit. "Aren't you going to change your shirt?"
"I... changed my mind."
"Gabi na tayong makararating sa Cebu. Pagdating doon ay maghahanap tayo ng hotel para makapagpahinga. Bukas ng umaga na tayo aalis patungong Tacloban."
"Sounds like a plan-- doon na ako sa hotel maliligo at magbibihis."
"Okay." Cerlance shut the trunk close. "Hop in the car, then."
Mabilis siyang tumalima. Pumasok siya sa backseat, ikinabit ang seatbelt, at hinintay rin itong makapasok. Makaraan ang ilang sandali'y pumasok na rin si Cerlance, sandaling yumuko upang magpalit ng sapatos, at nang tuluyang makapag-ayos ay itinuwid ang sarili saka ini-kabit ang seatbelt sa katawan.
Napa-igtad siyang parang loka nang sulyapan siya nito sa rearview mirror. Kinunutan ito ng noo. “Are you all good?”
“W-What do you mean?”
“You’re stiff.”
How did he even know that?
Tuwid na tuwid ang upo niya sa backseat, pigil-pigil ang paghinga habang nakikipagtitigan dito sa rearview mirror. His grey eyes mesmerized her.
Damn it. Lahat na lang ng nakikita niya rito'y maganda sa paningin!
Hindi niya matandaang namangha siya nang ganito kay Knight noong una niya itong nakita noon. Her feelings developed as they started to get to know each other.
But this man... Cerlance Zodiac. Unang araw pa lang na nasilayan niya ito'y namangha na siya na paraang noon pa lang siya nakakita ng lalaki sa tanang buhay niya.
Kung iisipin, kung gandang lalaki at gandang katawan lang din ang labanan ay hindi rin nahuhuli ang dati niyang nobyo. But Knight never made her lose her breath like Cerlance did. Ano ang mayroon sa lalaking ito? At bakit ganito ang reaksyong lagi ng katawan niya pagdating dito?
“Don’t tell me you haven’t moved on from the zip line adventure?"
"H-Huh?"
"Nakatulala ka na naman..." Napailing ito. "I wonder what's always on your mind, Shellany, for you to zone out everytime we speak."
"Si Knight, syempre!" dahilan niya sabay iwas ng tingin. Lintek na 'yan, napaghahalataan na talaga siya!
"Did I remind you of him?" tanong pa ni Cerlance, ramdam niyang ang tingin nito'y hindi humihiwalay sa kaniya.
"Hindi ah. Mas pogi 'yon kaysa sa'yo."
"That didn't even answer my question..." bulong nito sabay iling. Ibinaba na nito ang handbreak upang humanda na sa pag-alis. "Kung ganoon pala, bakit siya ang naiisip mo sa tuwing nag-uusap tayo?"
"Dahil pareho kayong nakakainis!" Defensive mode switched on! "Oh, could you just please drive? H'wag na natin siyang pag-usapan."
"Ikaw ang nag-umpisang banggitin siya."
"Because you asked!"
"There is no need for you to yell. Geez..." Muli itong napailing saka inituon ang tingin sa harapan. "This is what I hate about women. They're irritatingly loud."
Napasinghap siya at akma itong sasagutin nang muli itong nagsalita.
"Shush your mouth, let's not argue anymore. Alam kong hindi mo aamining maingay ka." Sinundan nito iyon ng pagngisi, dahilan upang imbes na sagutin niya ito'y hindi na lang.
Nakasimangot siyang sumandal sa kinauupuan, humalukipkip, saka tumingin sa ibang direksyon.
Kainis 'tong Cerlance Zodiac na ito. Ang landi ng ngiti.
Hanggang sa makaalis ang sasakyan nila sa resort na iyon at marating ang San Carlos City port ay hindi na sila muling nag-usap pa.