CHAPTER FOUR

1288 Words
CHAPTER FOUR: ••• ••• HANGGANG ngayon, gumugulo pa'rin sa isip ko ang mission namin pareho ni Artemis. Well, unfair din naman dahil si Artemis ay lahat talaga kami nakaalam at nagtulong-tulungan. Pero sa Mission ko, sa akin, ay tanging kaming dalawa lang ni Athena ang nakakaalam. Plus, considered na'rin si Queen, dahil alam niya. "Are you still thinking about your 'secret' mission?" rinig kong tanong ng kasama ko. Nanlaki ang mata kong napatingin sa kan'ya. What the h*ll! Nakaconnect ang cellphone n'ya kay Artemis! What if narinig n'ya?! Ano bang pumasok sa isip niya at nilakasan niya pa talaga ang tanong niya?!!! "Athena!" Tumawa siya bigla. Kaya kumunot ang noo ko sa kabaliwan niya. "Calm down. It's safe." Pinakita niya sa'kin ang kan'yang cellphone, naka silent ito. Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti na lang matalino 'tong Ate ko. "Don't worry Demeter, your mission is safe with me." Natatawa niya pa'rin na wika. Well, Ate Athena. May Mission is not safe anymore. May nakakaalam na. At dahil nakaconnect ang cellphone ko kay Queen. Mukhang narinig n'ya talaga ang sinabi niya. "Too careless with your words." rinig kong boses ni Queen mula sa kabilang linya. At dahil matalino si Ate Athena, nakita niya ang suot kong earpad. At alam n'yang kay Queen 'to naka-connected. Nawala ang tawa niya. Nagsalubong ang dalawang kilay niya. Akala ko ay magtatanong siya, pero Iba ang sinabi niya. "It's unnecessary for me to ask when the situation is too obvious," Tinanggal niya na ang silent mode at kinausap si Artemis. "Artemis, don't use your phone. That woman teacher is looking at you." Tinaasan ko siya ng kilay. "Just tell her Artemis! Do not look at me Ma'am!" pasigaw kong wika para marinig niya sa kabilang linya. "Silent Demeter!" Napangisi ako. Pinatay ko ang tawag kay Queen. "Palit tayo, sa'kin muna si Aphrodite. Sa'yo' muna si Queen." Hindi naman siya tumutol. Pinatay niya lang ang tawag at inilipat kay Queen. Sa'kin naman si Aphrodite ang tinawagan ko. "Ate DDDDD!!!" ang unang bumungad kaagad sa'kin. Napabuntong hininga na lang ako. "Tumahimik ka diyan baka may makarinig sa'yo'. Sisipain ka talaga ni Queen." wika ko. "Ayyy," Tinawagan ko si Hestia. Sinagot naman niya kaagad ito. "What's the problem?" tanong ni Hestia mula sa kabilang linya. "Wala naman." sagot ko. "Heyooww Ate H!" pagbati ni Aphrodite. Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Sinilip ko ang scope at tinarget ko 'yun sa lugar kung saan ko nakita sina Aphrodite and Queen. Pero nagulat na lang ako dahil wala na siya doon. Wala nang nagbabantay. "Then, why did you call me?." tanong ulit ni Hestia. "Aphrodite, nasaan ka?" tanong ko muna kay Aphrodite. "Trip ko lang HAHA." sinagot ko ang tanong ni Hestia. "Tsk." "Nasa loob po ako ng building nila, Ate D. Malapit sa pintuan nila. HEHEHE" Mahina niyang wika. "Anong ginagawa mo diyan?" Naguguluhan kong tanong. Na gets ko kung bakit ganun na lang ang boses ni Aphrodite. Ayaw n'yang lakasin dahil kapag nilakasan niya ay may makakarinig sa kanya. Mahirap na baka mission failed na kaagad si Aphrodite sa pagiging Ninja. Pero bakit nasa loob siya? At malapit pa sa classroom ni Artemis? The h*ll! Paano kapag nahuli s'ya? Edi buking s'ya? "Don't worry, as long as Hera's with her, she's safe." rinig kong wika ni Ate Athena. Napabuntong hininga na lang ako. "Okay." "Hera, tatlong oras lang tayo dito. May pasok tayo. And..." Tiningnan ko siya, sakto naman nahuli ko ang tingin niya. "May Mission pa ang kapatid ko." Kagaya ng sinabi ni Ate Athena kay Queen, pagkalipas ng tatlong oras ay sabay-sabay na kaming umalis. Pinauna muna namin sina Queen and Aphrodite. Nang makalabas na sila ay sumunod kaming dalawa. Palihim kaming bumaba sa abandonadong building at dumaan sa secret door. PAGKALABAS namin ay nakita kaagad namin ang nakaparadang sasakyan ni Hestia. "Ate D! Ate A!" pagtawag ni Aphrodite sa'min. Sumakay kaagad kami. Si Ate Athena sa kabila dumaan, habang ako naman ay nasa kanan. Kaya napagitna sa'min si Aphrodite. Si Hestia ang nagmamaneho, habang nasa tabi niya naman si Queen na nasa malayo lang nakatingin. Pina-andar na ni Hestia ang kan'yang sasakyan pagkasakay pa lang namin. Pinaharurot niya kaagad ito nang walang preno. Kahit traffic, sumisingit. Napabuntong hininga na lang ako. As expected, Dare Devil talaga iyang babaeng 'yan. Grabe kung magmaneho, akala mo naman wala sa pilipinas. "Hestia, may bibisitahin ako." Nakita ko ang pagtingin niya sa rear mirror. "Sino?" Isang tipid na ngiti ang isinagot ko, at "Bibisitahin ko siya. I’m going to see someone I hold dear, though he's no longer with us..." Binalik niya na ang kan'yang paningin sa kalsada. "Oldest or... the youngest?" "Youngest." sagot ko. "Sasama ka ba, Goddesss of Wisdom?" tanong niya kay Ate Athena. "Sana. But I have something to do. Binisita ko naman siya kahapon, kaya okay na'yun." "Okay." Iniliko ni Hestia ang sasakyan pakaliwa at tuloy lang ang takbo. Tapos na ang araw ko sa mission ni Artemis, natapos ko na ang role ko, kaya Mission ko nanaman ang gagawin ko. Kagaya ng napagplanuhan namin ni Ate Athena, ang paraan para mapuntahan ang mission ko ay Isa lang, yun ay ang gagamitin ko ang pagkakataon ko na nasa labas ako. "Here," Huminto ang sasakyan. Pero huminto ito sa harapan ng malaking bahay. Hindi niya ako pababain sa eksaktong destination na bibisitahin ko. Hindi niya pinahinto ang sasakyan niya sa harapan ng sementeryo... Kung bakit, dahil kasama namin si Aphrodite... Aphrodite, doesn't know anything... about our youngest brother... "Thank you, Hestia." Binuksan ko ang pintuan at lumabas na. "Byeee guysss." "Byeee po Ate D! Ingat!" Paalam ni Aphrodite. "Byeee Aphrodite. Ingat ka'rin." Tiningnan ko si Ate Athena. Isang tipid na ngiti lang ang ibinigay niya sa'kin. Sunod ko naman tiningnan si Queen, at hindi man lang niya ako nilingon. Tch. "See ya, Goddess of Harvest." Kinawayan ko sila. Pina-andar niya na ang sasakyan at umalis na. Kaya naiwan na lamang akong nakatayo dito. Hinintay ko na mawala sila sa paningin ko. Kaya nang wala na, doon ko pa lamang inihakbang ang mga paa ko. GINAWA ko lang sanang reason na may bibisitahin ako dito sa sementeryo. Pinalabas ko na may bibisitahin talaga ako. Una ay plano lang para makalabas ako at masimulan na ang mission ko. Pero, since nandito nanaman ako, sayang naman kung palalampasin ko ang pagkakataon na malapit ako sa sementeryo. May nadaanan akong tindahan, kaya bumili ako ng Candila at Flowers. Mura naman kaya ginawa kong tatlo ang Candila. PAGKATAPOS ay pumasok na ako sa loob ng sementeryo. Pinuntahan ko ang part sa semetry na naka private at binuksan, s'yempre may sariling pintuan at naka lock kaya need ko talagang buksan. Kami lang ang nakakabukas nito. Nang matapos ay pumasok na ako at isinara ang pintuan. Hindi naman sarado ang buong pinto, bale bakal lamang ito at makikita pa'rin ang nasa labas—maraming nakalibing. Naramdaman ko ang namumuong mga luha sa gilid ng mga mata ko nang makita ang naka tiles niyang puntod. Lumapit ako, at Inilapag ang bulaklak at sinindihan ang kandila. Nanginginig ang kamay ko kaya medyo matagal bago ko nasindihan. "Hi..." Nakikita ko ang libingan ng namayapa kong kapatid... Nang masindihan ko na ang tatlong kandila ay pinatayo ko ito mismo sa harapan ng kan'yang puntod. Tinanggal ko muna ang Ilang mga alikabok na nagkalat, bago nagdasal. 'How are you... Kumusta ang langit? Okay ba?' Natawa naman ako sa iniisip ko. 'Sorry... Kung maaga kang napunta diyan... Pasensiya na kung maaga mong nakita ang diyos... Bata pa kasi si Ate that time, kaya...' Sh*t! Tumingala ako dahil parang sirang gripo na sunod-sunod tumulo ang tubig sa mga mata ko. Umiiyak na ako. "I regret not seeing your needs sooner... Forgive me..." TO BE CONTINUED .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD