CHAPTER FIVE

1180 Words
CHAPTER FIVE: ••• ••• NANG masindihan ko na ang tatlong kandila ay pinatayo ko ito mismo sa harapan ng kan'yang puntod. Tinanggal ko muna ang Ilang mga alikabok na nagkalat, bago nagdasal. 'How are you... Kumusta ang langit? Okay ba?' Natawa naman ako sa iniisip ko. 'Sorry... Kung maaga kang napunta diyan... Pasensiya na kung maaga mong nakita ang diyos... Bata pa kasi si Ate that time, kaya...' Sh*t! Tumingala ako dahil parang sirang gripo na sunod-sunod tumulo ang tubig sa mga mata ko. Umiiyak na ako. "I regret not seeing your needs sooner... Forgive me..." Bakit ba kasi ang tagal kong lumaki sa mga oras na iyon? The h*ll! Kahit adopted lang siya ay itinuring ko pa'rin s'ya bilang kapatid ko. Nakita lang s'ya ni Mama sa may kalye, sa madilim na kalye, iyon ang ikinuwento niya sa'min. Naawa s'ya sa bata kaya kinopkop niya—namin. Pinabinyagan at ipinaayos ang birth certificate. 'Orcus Hades Montes Montello...' I named him Hades. Athena, my sister. Me as Demeter. And Kuya Zeus. Our name is part of Greek Mythologies. We are one of the 12 Olympian Gods and Goddessess. So I chose to named him 'Hades'. A God from the Underworld. The home of the death in Greek Mythology. Hindi ko alam, pero 'yun talaga kasi ang naisip ko. I liked calling him Hades. Sanggol pa siya noon, like a Months years old pa lang nung nakita siya ni Mama. Pero pagdating n'ya ng 1 year old, bigla na lang siyang nawala. Naghanap kami ng naghanap sa bawat sulok sa mansion namin. Lahat kami ay hinanap siya—I mean hindi lahat, pero marami. Ang ibig kong sabihin ay kaming magpamilya 'Montes Montello'. Nilibot namin ang buong Hacienda para lang mahanap siya. Pero... Nagulat na lang kami sa nakita ni Mama. Sa may bandang Garden. Sa likod ng Mansion namin. Nakita namin ang walang buhay na sanggol. And that baby... was him... Hindi na siya humihinga... He's already death. Lahat kami ay nagulat. Weird... Like, how...? Bakit? Paano? Anong nangyari? Nawala lang tapos nang makita namin patay na kaagad? Alam ko na kahit adopted lang s'ya, at wala siyang dugong Montes-Montello ay kitang-kita ko pa'rin na tinuring namin s'ya bilang totoo naming kapatid. Kaya masakit, para sa amin, na mawala na lang siya ng ganun-ganun lang! Pinaimbistigahan man ni Mama at Papa ang tungkol sa pagkamatay ng Adopted Brother ko. Kaso... Wala akong balita. Sila lang ang nakakaalam. Dahil limang taon pa lamang ako that time, marami pa ang ipinagbabawal sa'kin. At Isa na doon ang huwag makialam sa kaso ng kapatid ko. Pero tinanong ko ang mga magulang ko, tungkol sa reason kung napano ang kapatid ko, kaso... Wala silang sinabi sa'kin. Maliban sa ganito; "You’re still young, Demeter. Let others deal with this for now." 'May tinatago kaya sila sa'kin? O baka naman sa'min?' Ito pa, nung in-adopt ni Mama si Hades ay may ibinilin silang pareho sa'min na walang sino man ang makakaalam sa pagpa-ampon nila sa bata. Pero, hindi 'rin naman nagtagal ay nalaman na ng iba. Maliban nalang siguro kay Aphrodite. HINDI ko alam kung ilang oras na ako dito sa puntod ng yumao kong kapatid. Iyak lang ako ng iyak. Tutal wala namang ibang tao kaya sinulit ko na lang. Nang kumalma na ako ay doon pa lamang ako tumayo. "I'm going na Hades. Babyyeee na!" Umiiyak kong paalam. "Bibisitahin ulit kita. Hindi ko nga alam kung kailan. Pero promise 'yan, bibisita ako." Or kung hindi ako, nandiyan naman sina Ate Athena at Kuya Zeus. "Byyyeeee!" Huling paalam ko at nilisan na ang lugar. Nang makalabas na ako sa sementeryo ay huminga muna ako ng malalim. At tinahak na Ang daan papunta sa destination ko. Ilang oras na lang, ay magsisimula na ang mission ko... My Secret Mission... Is to 'Protect the Ferrary Family...' Specially, their Oldest son... McHael Nick Ferrary... NARAMDAMAN ko ang pag vibrate ng cellphone ko kaya kinuha ko ito sa loob ng bulsa ko. Pangalan kaagad ni Ate Athena ang nakita ko sa screen. Binasa ko ang text message niya at sinasabi na puntahan ko ang address na Zone****, para kunin ang mga gamit ko. Napabuntong hininga ako at nireplayana siya ng "Ok." Hinanap ko ang address na ibinigay niya. Pinasok ko ang Isang abandonadong area na sa sobrang dami ng mga grass at halaman na nakaharang sa daanan, halatang hindi na pinupuntahan. Tatawagan ko pa sana si Ate Athena nang maunahan niya na ako. "Nakakatakot naman dito." "Hindi ba halata?" sagot niya. "Tch!" Tinaasan ko siya ng kilay kahit na hindi niya naman ako nakikita. "Nasaan ang mga gamit ko?" Bumungad sa'kin ang Isang abandonadong bahay. Tumaas tuloy ang balahibo ko. "Nasa loob." sagot niya. "Ano?!" Isang tawa ang narinig ko sa kabilang linya. The h*ll! Sa dami ng bahay na pwede'ng pag-iwanan ng gamit, bakit dito pa talaga sa mala haunted house na'to?! "Bw*s*t ka!" mura ko sa kan'ya at pinatay ang tawag. Wala na akong choice kundi pasukin ang abandonadong bahay at kunin ang mga gamit ko. Mabuti na lang nasa living room, dahil kapag inilagay niya pa sa itaas, mal*Lint*kan talaga siya sa'kin. Baka makalimutan ko ng Isang segundo na Ate ko siya. Tsk! Matapos kong makuha ay dali-dali na akong lumabas at naghanap na ng masasakyan para dalhin ako sa Mansion ng mga Ferrary. Huminto ang Isang Biel kaya sumakay ako. Hindi rin naman matagal ang biyahe, 30 minutes lang. Kaya nakarating kaagad ako. Kaso, kailangan ko pang pasukin ang Isa pang mahabang daan. Dahil sa dulo nito, nandoon ang mansion na hinahanap ko. 1 kilometers lang naman ang layo nito. The h*ll! Kaya nilakad ko. Nilalakad ko na ngayon ang Isang kilometrong daan papasok sa mansion nila. Habang nasa daan, wala akong nakakasalubong na mga tao, dahil sa pagkakaalam ko, wala naman talagang tao dito banda, dahil pagmamay-ari na nila ang area na'to. Akala ko ay wala talagang mga tao, pero habang palayo ng palayo na ang nalalakad ko, at palapit na ako sa main area nila, ay may nakakasalubong na ako. May malaking farm sa bawat gilid, mga taniman ng mga gulat at prutas, tapos may mga bahay. Parang nasa farm area pero mukhang village. HUMINTO na ako nang makita ang malaking mansion sa gitna. The mansion sits impressively on a hill, looking both stylish and elegant. Its outer walls are made of light-colored stone that shines in the sun. May nakita akong Isang matandang babae na may itinapon. "Excuse po?" Tinawag ko siya kaya napalingon naman siya sa gawi ko. "Dito po ba yung Mansion ng mga Ferrary?" tanong ko, kahit alam ko nanaman na 'Oo' ang sagot. Pero makikisiguro pa'rin. Malay mo, nasa maling mansion pala ako. Tsk. "Oo iha, dito nga ang mansion ng mga Ferrary." Magalang na sagot ng matanda. "Sino ho pala kayo?" tanong n'ya. "Ako po pala si..." Kinuha ko ang brown envelope sa loob ng bag ko at iniabot sa kan'ya. "Minutes Fertility po. May nakapagsabi po sa'kin na mag tra-trabaho raw po ako sa Mansion na'to." TO BE CONTINUED ..... ... ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD