CHAPTER THREE

1329 Words
CHAPTER THREE: ••• ••• PAGKABUKAS ay maaga kaming nagising lahat. Nauna kaming dalawa ni Ate Athena sa papasuking paaralan ni Artemis. ScheZinger High University... Hindi kami dumaan sa harapan, kundi sa likuran. May nadiskubre si Ate Athena na daanan sa likuran ng University. Well, She knows everything. Kaya hindi na ako magtataka kung paano n'ya nahanap ang daan sa likod. Kaso, hindi nga lang siya sure kung may iba pa bang nakakaalam sa daan sa likuran. Kasi, paanong may daanan sa likuran ng University? Sinadya ba ito ng mga Engineers? Design ba ito ng mga Architect? Kaya hindi kami sure... Pero ang sabi niya, walang dumadaan dito. Walang nakakaalam sa lugar na'to. Well, I'm not sure. Dahil kung walang nakakaalam sa daanan sa likuran ng University, ay paano nalaman ni Ate Athena ang tungkol dito? Hindi si Ate Athena ang gumawa sa butas sa likuran, sikreto ito na hindi kami sigurado kung sino ang mga nakakaalam. Para itong Secret Door na sirang-sira, at masusugatan ka talaga sa mga alambreng natatanggal. Kaya paano walang nakakaalam sa daanan? Maybe meron, at siya lang ang nakakaalam. Wala na akong pake kung sino. Basta ang mahalaga, nakapasok kami. Palihim naming inakyat ang rooftop sa Isang abandonadong building. Ito ay building malapit sa building ng Classroom ni Artemis. Abandoned na ang building na'to kaya wala nang umaakyat. Class E... Sa walang ka-tao-tao kami dumaan. Mahirap na kapag mahuli kami. Delikado. Mabuti na lang hindi kami nahirapan na akyatin ang building, at wala mas'yadong mga studyante sa lugar na'to. Nang maka-puwesto na kaming dalawa dito ni Ate Athena ay doon palang nakarating si Artemis, sakay sa SUV ni Hestia. Isinara ko ang pinto dito sa rooftop. Umupo si Ate Athena sa sahig ng pa indian-seat. At inilabas ang kan'yang laptop. Pum'westo na'rin ako, Inilabas ko ang Sniper Gun ni Artemis. "Tapos mo na?" tanong ko. "The CCTV feeds are under my control." sagot niya. Napangisi na lang ako. As expected, ang bilis ng mga kamay niya. Itinuon ko na lang ang paningin ko sa dala kong Rifle. Isa ito sa mga collection ni Artemis, nagpaalam naman ako na hiramin ko, ako muna ang papalit sa p'westo niya. L115A3 Long Range Rifle... Part of the Accuracy International Arctic Warfare series, this rifle is chambered in .338 Lapua Magnum, offering exceptional accuracy over long distances. It is used by British forces for precise engagements at ranges exceeding 1,500 meters. Hindi ko nga lang alam kung paanong may ganito si Artemis... Ginamit ko ang scope para makita kung nasaan na siya. Nahirapan pa ako. The h*ll! Hindi naman kasi ako sanay nito eh. Sa aming anim, pang close-up combat ako. Hindi pang long-range attack. Si Artemis dapat ang naa lugar ko ngayon. Pero since mission niya to, edi pagbigyan na. Ako muna ang papalit sa p'westo niya. Hindi ko naman sinabi na hindi ako marunong gumamit nito. Nahirapan lang talaga akong bitbitin. Grabe! Ang bigat! Marunong akong gumamit ng baril pero yung mga maliliit lang. Hindi ang mga malalaki. "Position's Done?" rinig kong tanong ni Ate Athena. Tiningnan ko siya at suot niya na ang earpad niya. Naka connect ito kina Artemis and Aphrodite. Kaya isinuot ko na'rin ang earpad ko at idinial ang number ni Hera. Kung si Ate Athena kay Artemis, sa'kin naman si Queen. At hindi rin naman nagtagal ay sinagot niya na ang tawag. Sumilip ako sa scope. Nakita ko ang pagpasok ni Artemis. Dumaan muna siya sa guard at nakipag-usap nito—or more like, nakipag-debate? Ba-se sa expression ng mukha niya, parang hindi niya ata nagustuhan ang unang pambungad sa kan'ya ng guwardiya. In-adjust ko ang scope para mas maaninag ko ng malapitan si Artemis. Nang matapos na siya sa guwardiya ay dumeretsiyo na siya sa building ng office ng Principal. Kagabi, napag-planuhan na namin 'to. Sa Principal Office muna siya. Tapos kaming dalawa ni Ate Athena ang magiging mata nila sa malayo. Samantalang sina Queen at Aphrodite naman ang nasa malapitan nila. Si Hestia ay nasa labas lang, nakasakay sa SUV. Nagbabantay. Inilihis ko muna ang scope sa direksiyon ni Artemis, at itinutok ko muna sa direksiyon nina Queen and Aphrodite. Kitang-kita ko sila mula sa scope, sila ay nasa likod ng bintana, sa classroom ng Class E. ASTIG na nakasandal si Queen sa pader, habang si Aphrodite naman ay parang t*ng* na sumisilip. Kapag talaga may makakita sa kan'ya, p*t*y talaga siya sa'min! "Soaking in nature’s beauty? You remind me of Demeter’s love for the earth." rinig kong wika niya mula sa kabilang linya. Kinunotan ko siya ng noo. "Anong 'you remind me of Demeter’s love for the earth'... Eh ako man talaga si Demeter, Queen..." Hindi ko siya narinig na nagsalita. Kaya nagtanong na lang ako. "Ano na ang update sa mga students ng Class E?" "They're all making babies." sagot nito. Kumunot pa ang noo ko. "Ang aga naman." Hindi ko na narinig na nagsalita siya. Kaya itinutok ko na ulit ang scope sa direksiyon ni Artemis na kung saan kakalabas lang ng building ng principal. May kasama na siya, nauuna nga lang ito sa paglalakad sa kan'ya. Kinawayan ko si Artemis. Nakita niya ako, kaso deadma lang siya. "Athena, sino iyang kasama ni Artemis?" tanong ko habang nasa scope pa'rin ang paningin. "Morena Samsuis... The Class E Adviser." Nanlaki ang mata ko nang makita ang paggalaw ng eyeball niya sa direksiyon ko. Nang dahil sa pagkagulat, dali-dali ko kaagad itinago ang baril. Nakita niya ba ako? "P-pwede bang malaman kung ano ang pangalan ng principal?" Sumilip ako para tingnan kung nasa daan pa ba sila. Napansin ko na parami na ng parami ang mga students. Narinig ko rin ang tunog na bell, hudyat na baka Recess time na. "Principal Leana Laurdes ScheZinger, the Mother of Darren Jay ScheZinger and Darelle Jayson ScheZinger." rinig kong sagot niya. Hindi ko pa nakikita ang mukha ng principal, pero hindi ko maiwasan na magtaka sa position na meron siya. Kung tutuusin, Dean siya ng paaralan na'to, at hindi lang siya basta Dean, siya pa ang nag mamay-ari. Leana ScheZinger, ScheZinger, ScheZinger High University. Kaya Ibigsabihin siya talaga ang nag-mamay-ari ng University na'to. Kontrolado n'ya ang lahat. Dahil siya ang nakakataas. Kaya niyang burahin ang Class E. Tanggalin ang mga Studyante doon. Ngunit bakit hindi n'ya iyon ginawa? Imbes sa Iwala na ang Class E, Inilagay n'ya lang ito sa Abandonadong Building. Anong meron sa Class E? Bakit hindi man lang sila magawang burahin ng Dean? "That is because Her son is one of those who fell into a dangerous cycle of addiction to physical pleasure." rinig kong boses ni Ate Athena. "Wala naman akong tinatanong ah." "But I can read you," Tiningnan ko siya at sumalubong sa'kin ang nakangisi niyang labi. "Tsk." "Your Mission Class E..." Napabuntong hininga na lang ako at napag desis'yonan na umupo na lang din sa sahig. Nasa loob na ng building si Artemis, kaya tapos na ang role ko. Sina Queen and Aphrodite na ang bahala sa kan'ya. "Starts here Artemis." boses pa'rin ni Ate Athena na mukhang para kay Artemis. Tinitigan ko ang rifle ni Artemis. Sa totoo lang, sobrang bigat niya! Tapos yun na'yun? Yun lang? Wala na? Juskooo naman, sana Binocular na lang ang dinala ko, hindi rifle. Sumakit pa tuloy kamay ko nang dahil sa rifle na'to. Tsk! Habang busy si Ate Athena sa laptop niya, ay busy din ang isip ko. Lumilipad siya. Iniisip ko, kung ano ang bubungad sa'kin sa Mission ko. Sa litrato kahapon na ibinigay sa'kin ni Tito Alastor, nakasulat sa likuran nito ang Address at may Isa pa na nakasulat... Hanggang ngayon, gumugulo pa'rin sa isip ko ang mission namin pareho ni Artemis. Well, unfair din naman dahil si Artemis ay lahat talaga kami nakaalam at nagtulong-tulungan. Pero sa Mission ko, sa akin, ay tanging kaming dalawa lang ni Athena ang nakakaalam. Plus, considered na'rin si Queen, dahil alam niya. "Are you still thinking about your 'secret' mission?" TO BE CONTINUED .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD