CHAPTER TWO

1403 Words
CHAPTER TWO: ••• ••• "Okay po Tito. Pero Ilang days, weeks, months or a years po ba ang mission ko na'yan? Hanggang kailan ko po ba sila babantayan?" kalmado tanong ko. Medto matagal ang pananahimik ni Tito Alastor. Nakatitig lamang siya sa sa'kin. Hindi ko alam kung anong nasa isip n'ya. Pero pansin ko sa mga mata n'ya na parang may gusto siyang sabihin? "I think its more than a months." sagot niya. Pero hindi ako sigurado kung 'yun nga ba ang gusto niyang sabihin. 'I think its more than a months...' I think... Hindi s'ya sigurado kung kailan matatapos ang mission ko. May tinatago ka ba Tito Alastor?... Walang kasiguraduhan ba kung kailan matatapos ang Mission ko? Ganun din ba kay Artemis? "Sige po, Tito." Tumayo na ako at kinuha ang picture sa mesa. "Alis na po ako, Tito Alastor." Isang tango lang ang ibinigay niya sa'kin kaya nagpaalam na lang ako na lumabas na. Pababa palang sana ako ng hagdanan, ngunit may narinig akong boses sa gilid. "So you also have a mission..." Hindi 'yan tanong, kundi isang confirmation. Binalingan ko ng tingin si Queen na nasa gilid ng hagdanan. Alam n'ya? Wait! Ang sabi ni Tito Alastor wala dapat makaalam sa mission ko maliban kay Ate Athena. Pero paanong alam ni Queen? "Artemis has a mission. And so do you..." Ang kan'yang paningin ay nakatingin sa malayong direksiyong. Para bang may kinakausap siya sa malayo, pero sa tingin ko naman ay para sa akin lahat ng mga sinasabi niya. "I wonder who's next," dugtong niya "Ano bang pinagsasabi mo Queen?" Kalmado kong tanong. This time, ay tiningnan niya na ako. Sumalubong sa'kin ang walang kaemo-emosiyon niyang expression sa mukha. "Good luck with your mission, Demeter, the Goddess of the Harvest..." Isang ngisi ang sumilay sa kan'yang labi. "As you embark on your Mission, may your hands be guided by nature." huling winika niya at nauna nang bumaba ng hagdanan. Pinagmasdan ko ang papalayo niyang pigura, at napakurap ng tatlong beses. Okay? So ano meaning nun? Anong meron kay Queen? Bakit parang may kakaiba sa bawat sinabi n'ya? Sa ngisi niya? Para bang may malalim na pinapahiwatig pero ang isip lang n'ya ang tanging nakakaalam? Huminga na lang ako ng malalim at bumalik na sa Head Quarter. Direts'yo kaagad ako sa k'warto ko. Habang naliligo, hindi pa'rin mawala-wala sa isipan ko ang Mission na ibinigay sa'kin ni Tito Alastor. I have my own mission, at kailangan walang makaalam nito—maliban kay Ate Athena. Pero ngayon, isinali ko na'rin si Queen, mukha kasing may alam na s'ya. Pero ang ipinagtataka ko kay Tito Alastor. Bakit sa'kin wala dapat makakaalam? Bakit kailangang si Ate Athena lang? Alam kong may dahilan ang lahat ng 'yun. Hindi ko lang alam kung bakit hindi man lang sinabi sa'kin ni Tito Alastor. Maybe he expected it to me na mababasa ko s'ya? The h*ll! Ni wala nga akong abilities na kayang basahin ang isip. Pareho lang sila nina Queen and Spring. Pero sa ngayon, kailangan kong mag-isip sa gagawin ko bukas. Walang ibinilin si Tito kung paano ko gagawin ang mission ko. Maliban nalang pala doon sa sinabi niyang magiging 'Maid' ako sa Mansion ng mga ferrary. I wonder... If Ferrary Family was related to our family... Hindi ko kasi alam kay Tito kung bakit kailangan ako pa ang magbabantay. Wala ba silang mga guards? At kailangan ako pa? Mukha ba akong bodyguard?! Well! Alam ko naman na madali lang yun para sa'kin. 'Protect the Ferrary Family' lang diba? Pero.. Ang mas ikinagugulo ng isip ko. 'Protect'. Bakit kailangan ko pa silang protektahan? Hindi ba nila kayang protektahan ang sarili nila? Dahil ba sa marami akong alam sa mga Combat Skills dahil since bata pa ako ay trinaining na ako d'yan—Pero hindi naman ibigsabihin nun na proprotektahan ko sila. Hindi ko rin nga alam ang rason kung bakit kailangan ko pang matuto sa mga Physical Combat Skills na'yan. Hindi naman ako nagreklamo dahil alam ko na magagamit ko pa'rin naman ang mga natutunan ko, para protektahan ang pamilya ko. Pero hindi naman ako nagtraining para protektahan lang ang Ferrary family na'yan. Yeahh, I know it's selfish. Pero hindi lang talaga ako mapakali kung bakit kailangan ko pa silang protektahan. Bakit? May kalaban ba sila? May papatay na sa kanila? May gusto bang magnakaw sa yaman nila kaya binigyan ako ng mission ni tito Alastor na protectahan sila? Ganun ba? Eh kung ganun nga. Bakit ako? I'm not professional! Oo, sabihin na lang na'tin na may alam ako sa mga Fighting Skills na'yan. Pero hindi naman ako expert. Trinaining lang naman ako for self-defence. Well, yun ang sabi sa'kin ni Papa. IWINALA ko na lang lanat-lahat ng tanong sa isip ko. Matapos kong maligo ay lumabas na ako sa kwarto ko at tsaka dumeretsiyo sa kwarto ni Ate Athena. Walang katok-katok ay pinasok ko ang kwarto n'ya. Kagaya ng lagi kong inaasahan, nasa computer nanaman siya. Inaayos n'ya ang lahat ng gagamitin ni Artemis para bukas. Yung Thick Glasses ang una kong nakita na nilagyan n'ya ng video-camera. Parang tracker device rin—Aba ewan ko sa mga ganiyan. Basta maliit s'ya at di-nesignan na ribbon-ribbon at tsaka ikinabit sa gilid ng glasses. Kung titingnan, parang design lang, pero may nakatagong hidden camera sa bagay na iyon. "You don't know how to knock?" Kalmado niyang tanong habang nasa computer pa'rin ang paningin. Hindi ko pinansin ang tanong niya. Sanay nanaman ako sa line n'ya na'yan. Hindi talaga ako mahilig kumatok. Maliban kapag kwarto ni Papa ang papasukin ko, or ang territoryo ng mga Tito's and Tita's ko, kakatok talaga ako. Pero kung ibang kwarto naman, hindi na ako kakatok. Lalong-lalo na kapag kwarto lang ng mga pinsan ko. Kahit sa k'warto nina Queen and Spring, walang katakot-takot akong kumakatok. Direts'yo bukas at pasok. "Kailangan ko ang tulong mo, Athena." Isinarado ko ang pintuan at sumandal sa pader. Mahirap na, baka may makarinig nanaman sa'min. "Tsk! No." diretsiya niyang sagot. Kinuha niya ang kan'yang laptop at doon nanaman nagtipa-tipa ang mga kamay. Mukhang inaasahan ko na ang sagot niya. Well, mukhang hindi ata s'ya papayag kapag walang magic words. "Please... Kailangan lang talaga..." Napabuntong hininga muna ako. Bago ko sinabi ang magic words. "Ate Athena." At dahil sa huling sinabi ko. Napangisi s'ya, sabay sarado sa laptop at tiningnan na ako. Nice one... "Okay. So what?" nakangisi niyang wika. Inikot ko ang mata ko paitaas. Ang dali lang naman pala tong papayagin. Well, hindi naman s'ya madali kung walang magic word. "I need your help—" pinutol n'ya ang sasabihin ko. "In-english mo lang ang sinabi mo, Demeter. Go straight to the point." Nawala ang kan'yang ngisi. At dahil dun, ako nanaman ang napangisi. "Kagaya ni Artemis... May Mission din ako." Nakita ko ang konting gulat na reaction niya. Napaayos siya mula sa pagkaka-upo. Umupo siya ng maayos. Mukhang nagkaroon siya ng interest sa sinabi ko. "Tito Alastor gave me a mission. At bukas din ako magsisimula." dugtong ko. "Bakit sa'kin mo sinasabi ngayon?" tanong niya. Ngunit hindi ko sinagot. Kaya tinaasan niya ako ng kilay. "Do they know?" Umiling ako. "Hindi pwede." Nagsalubong ang dalawang kilay niya sa sagot ko. "Ang sabi sa'kin ni Tito ay wala dapat makaalam sa mission ko. Maliban sa'yo'." Pero maliban sa'yo', may nakaalam na... "Why?" Nagkibit-balikat ako. Nagtataka rin ako kung bakit. Bakit ako lang? At alam ko na ganun din ang iniisip ni Ate Athena ngayon. Kahit na sabihin man na'tin na secret mission, dapat malaman pa'rin ng lahat kasi mag-pinsan kami. Tulungan kami kapag may Mission, walang sikre-sikreto. "I don't know... Wala ng ibang sinabi sa'kin si Tito." KATAHIMIKAN ang namayani sa kwarto ni Ate Athena. Mukhang marami nanaman ang tumatakbo sa isip niya. Alam kong pareho na kami ngayon na nagtataka. Pero hindi ko na muna 'yun iisipin pa. Ang kailangan ko lang isipin ay kung paano ko gagawin ang mission ko. Bukas. "If that's what Tito Alastor want." Ibinalik niya ang kan'yang paningin sa kan'yang Laptop. "What is your mission?" tanong niya. At alam kong nakahanda na ang mga kamay niya sa pag-tipa ng keyboard. Well, alam ko naman kung ano ang gagawin niya. Kukuha lang naman siya ng ilang information tungkol sa mission ko or kung ano nga ang nasa mission ko. And that Secret Mission is ... "To protect the Ferrary Family." sagot ko. TO BE CONTINUED .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD