CHAPTER ONE

1378 Words
CHAPTER ONE: ••• ••• [ MINUTES FERTILITY POV ] "Tito Alastor wants to talk to you, Demeter." Napahinto ako nang marinig ang boses ni Queen. Nilingon ko siya at binigyan ng nagtatanong na mga tingin. Siniguro ko rin kung tama ba ang narinig ko? Pero nang makita ang normal ngunit seryoso niyang expression sa mukha ay nakuha ko na kaagad ang sagot. Nagtataka man ay lumabas na ako ng Head Quarter at pinuntahan si Tito Alastor sa loob ng Mansion. Weird... Nakakapagtataka ang biglaang pagpapunta sa'kin ni Tito Alastor. Ito ang unang pagkakataon na pinatawag niya ako, after years... ngayon lang. Gabi na at kakatapos lang naming kumain ng sabay-sabay. Matutulog na sana ako, kaso pinatawag man ako. At napagplanuhan na'rin namin ang tungkol sa serious Mission ni Artemis bukas. Masaya kami dahil kasali kami sa mission n'ya. "Tito?" Kumatok ako ng tatlong beses. "Come In." Narinig ko ang malamig niyang boses mula sa loob ng kan'yang office kaya nakaramdam kaagad ako ng kaba. Huminga ako ng malalim at binuksan ang pintuan. "Yes po, Tito?" Pumasok ako nang sinenyasan n'ya ako para maupo. "Pinapatawag niyo raw po ako, Tito?" Para naman akong robot na kusang sumunod. Umupo ako sa upuan na naka-puwesto sa harapan ng kan'yang table. Ramdam ko ang panginginig ng paa at kamay ko. Sh*t! "Did Artemis tell you anything about her mission?" tanong niya habang ang paningin ay nasa binabasang papers. "Opo, Tito." sagot ko sabay tumango. Bukas na magsisimula ang mission ni Artemis. At nakaplano na'rin ang una naming gagawin. "It's good to hear that..." wika niya pa'rin sa malamig na tono. 'Good to hear that...' DAW. Pero ang boses parang walang pakialam. Sa sobrang lamig hindi mo matukoy kung good ba talaga sa pandinig niya. Napansin kong may kinuha siyang brown envelope. "Here." Inilapag niya ito sa table niya—sa harapan ko. Nagtataka ko itong tinitigan. Ang brown envelope ay pareho nang brown envelope ni Artemis. "Ano pong gagawin ko, Tito?" tanong ko. "Open it." Sinunod ko ang utos niya. Kinuha ko ang envelope, binuksan at tiningnan ang laman. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko. Sh*t! 'Mission...' Kumunot ang noo ko nang mabasa ang nakasulat sa Isang papel. Nagtataka kong tiningnan si Tito Alastor. Nagtatanong ang mga tingin ko sa kan'ya. Mission? Sa laki ng papel 'Mission' lang talaga ang nakalagay? "Like Artemis, I also have a serious mission for you. But on your mission, only Athena can help." Napakurap ako ng tatlong beses. Ano daw?! May sarili akong serious mission? Pero si Ate Athena lang ang pwede'ng tumulong? So ibigsabihin, siya lang din ang pwede'ng makaalam sa mission ko? Is this a Secret Mission? Bakit si Athena lang? Hindi ba pwedeng kahit si Hearth man lang kasali? Hindi naman sa ayaw ko kay Ate Athena. Pero kase magiging busy s'ya kay Artemis—sa mission ni Artemis. Huminga ako ng malalim. "Ano po ang mission ko, Tito?" Gusto kong magreklamo at mag protest kung bakit si Ate Athena lang ang pwedeng tumulong sa'kin. Kaso... Hinayaan ko na lang ang sarili ko na manahimik, kailangan kong maging kalmado lalo na't si Tito Alastor itong kaharap ko. Walang nakalagay sa papel kung para saan ang magiging mission ko, or kung anong klaseng mission ba ang gagawin ko. Baka kasi mahirap. Baka mahihirapan din ako. May inilapag na isang litrato si Tito Alastor sa table niya. Dahan-dahan niya itong pinaurong papunta sa'kin gamit ang hintuturo niya. Tiningnan ko muna si Tito Alastor bago ko tiningnan ang litratong inilapag niya at hinawakan. Isang malaking bahay ang nasa litrato—ay mali, Isang Mansion. Isang malaking mansion na hindi familiar sa'kin. Kuha ang litrato mula sa labas at tanaw na tanaw ko ang laki ng area sa mansion. The mansion sits impressively on a hill, looking both stylish and elegant. Its outer walls are made of light-colored stone that shines in the sun. The tall, arched windows show the beautiful gardens around it. Ivy grows up the sides, giving it a classic feel. A big staircase leads to the front entrance, which is decorated with detailed marble pillars and large wooden doors. "I want you to protect the Ferrary Family..." seryosong wika ni Tito Alastor. Napakurap ako ng tatlong beses. Seryoso? Protect the Ferrary Family? Gusto niyang protectahan ko ang 'Ferrary Family'? Bakit? Sino ba 'yan sila? At bakit kailangan ko pang protektahan? Tinitigan ko ulit ang larawan. So, ang Mansion sa litratong ito ay ang mansion kung saan nakatira ang mga Ferrary? "Alam ko mas'yado ka pang bata para sa mission na'to." Buti naman alam mo po Tito Alastor. Pero alam mo ba na mas malala ang mission ng anak mo? Mission S*x Room talaga. "Pero alam ko na ikaw lang ang makakagawa nito, Demeter." Binitawan ko ang litrato at dahan-dahan ko yung inilapag sa mesa n'ya. 'I want you to protect the Ferrary Family...' "Paano ko naman po pro-protektahan iyang Ferrary Family na'yan?" tanong ko. Ewan ko lang kung kailangan pa ba iyang itanong? Eh naka depende nanaman yan sa atin kung paano ang 'paraan' na'tin sa PAG protekta. "Magpanggap ka lang na maid, sa mansion nila." Gulat ko siyang tiningnan. Sinisiguro kung tama ba ang pag-kakarinig ko. Maid? "Yes, Maid, Demeter. Para mapadali ang pag-babantay mo kailangan mong mag-panggap bilang isang servant nila." So, papasok ako sa Mansion ng mga Ferrary? At magpanggap bilang katulong nila? Para magawa ko ang mission ko? Okay naman sa'kin, walang problema. Pero kasi... may problema lang ako... Hindi ako sanay sa ganiyan, wala akong alam diyan. Hindi ako marunong kung paano umasta bilang maid. Pero ito ang tanong, paano ang pag-aaral ko? Magtratrabaho ako sa kanila? Eh ang pag-aaral ko? I am just a Senior High School Student. Next year ay College na ako. So hihinto ako? Ganun? "No Demeter, hindi ka hihinto sa pag-aaral." Inunahan na Ako ni Tito Alastor. Sinagot niya na ang mga tanong ko—Eh wala pa naman akong naitatanong. "Inilagay kita sa Special Class. Studyante ka sa umaga, Maid ka naman sa gabi." Feeling ko, medyo nakaka-offend ang 'Maid ka naman sa gabi'... "So... Kailan po ako magsisimula sa Mission ko, Tito?" tanong ko. Agree na ako sa Special Class na'yan, mabuti nga yun para sa'kin. "Tomorrow." direkta niyang sagot. Napakurap nanaman ako. Wait! Tomorrow? As in bukas talaga!? "Yes, Demeter." sagot niya. Pero bukas din ang mission ni Artemis? Tutulong ako. So paano ko gagawin ang mission ko kung bukas? "Kapag natapos mo na ang gagawin mo sa mission ni Artemis. D'yan na magsisimula ang mission mo." Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na mamangha sa tuwing nababasa ni Tito Alastor ang iniiisip ko. Grabe siya kung makabasa sa Isang tao, para siyang may ability na Mind Reader. Sa aming Anim ako lang ang maraming sinasabi sa isip. Pero pagdating kay Tito Alastor, walang-wala ang isip ko sa pagiging mind reader niya. Tsk. Wait! Paano nalaman ni Tito Alastor na bukas din magsisimula ang mission ni Artemis? At paano din niya nalaman na sasama ako? The H*ll! Eh malamang siya mismo ang nag-utos kay Artemis. At malamang sa malamang din na s'ya ang nag-sabi na bukas sisimulan ni Artemis ang mission niya! "Okay po Tito. Pero Ilang days, weeks, months or a years po ba ang mission ko na'yan? Hanggang kailan ko po ba sila babantayan?" kalmado tanong ko. Medto matagal ang pananahimik ni Tito Alastor. Nakatitig lamang siya sa sa'kin. Hindi ko alam kung anong nasa isip n'ya. Pero pansin ko sa mga mata n'ya na parang may gusto siyang sabihin? "I think it will be more than a months." sagot niya. Pero hindi ako sigurado kung 'yun nga ba ang gusto niyang sabihin. 'I think it will be more than a months...' 'I think...' Hindi s'ya sigurado kung kailan matatapos ang mission ko. 'May tinatago ka ba Tito Alastor?...' Walang kasiguraduhan ba kung kailan matatapos ang Mission ko? Ganun din ba kay Artemis? "Sige po, Tito." Tumayo na ako at kinuha ang picture sa mesa. "Alis na po ako, Tito Alastor." Isang tango lang ang ibinigay niya sa'kin kaya nagpaalam na lang ako na lumabas na. Pababa palang sana ako ng hagdanan, ngunit may narinig akong boses sa gilid. "So you also have a mission..." TO BE CONTINUED .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD