KAYA kong mabuhay nang wala si Hestia sa tabi ko. Hindi ko kailangan ng kaibigan na traydor. Iyon ang paulit-ulit kong itinatanim sa ulo ko sa bawat araw na nagdadaan. Malinaw na sa akin ang lahat. Gusto nila Chaos at Hestia ang isa’t isa, e 'di sila na. Magsama sila! Ang hindi ko lang matanggap, paano nila nagawang ilihim ito sa akin? ‘Yong mga panahon ba na nagkukuwento ako kay Hestia kung gaano ako kabaliw kay Chaos, sa kaloob-looban ba niya ay nagkukuwento rin siya sa akin kung gaano rin siya kabaliw sa lalaking gusto ko? Higit isang linggo na ang lumilipas simula nang layuan ko ang dalawa. Kahit may nagtutulak sa akin na lapitan si Hestia, lalo na si Chaos, ay todo ang pagpipigil na ginagawa ko sa sarili ko. Hindi na ako puwedeng magpaloko pa sa kanila. Hindi na nila ako puwedeng