UMAGA pa lang, nagkakagulo na sa buong bahay. Nagpa-general cleaning si Mommy ng buong bahay at ipinalabas din sa cabinet ang mga mamahaling plato, baso, at kubyertos niya na minsan lang ilabas. Kapag may espesyal na araw lang. Kaliwa't kanan ang utos niya sa aming mga kasambahay ng mga dapat na gawin. Kahit ang katiting na alikabok, tila ayaw niyang palampasin. Nakahalukipkip akong naglakad patungo kay Mommy. "Mommy, sobra na po yata 'to," sabi ko nang makalapit. Umiling siya nang hindi man lang lumilingon sa akin. Busy siya sa pagsisiyasat sa bawat sulok ng bahay. "Nakakahiya kung madumi ang bahay natin pagdating ng bisita mo," aniya. Umikot ang mga mata ko sa sinabi niya. "Mommy, si Chaos lang 'yon. Sigurado akong okay lang sa kanya ang isang simpleng hapunan mamaya." Humarap siy