“HESTIA...” Nanatili lang siyang nakatingin sa akin at matigas pa rin ang ekpresiyon sa mukha. Nakakaba at nakakatakot ang itsura niya ngayon. Huminga ako ng malalim. “I’m... I’m sorry," halos bulong kong sambit. Wala akong nakuhang tugon sa kanya. Napayuko ako at napagpasyahang magpatuloy. “To be honest, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Gusto kong sabihin na kaya ko lang nagawa ang mga bagay na ‘yon ay dahil kinain ako ng selos at galit ko, pero alam kong hindi sapat na rason ‘yon. Hindi tamang idahilan ko ‘yon.” Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Walang pagbabago sa ekspresiyon niya na mas lalong nagpapakaba sa akin. Napakagat ako sa labi ko. Wala na ba siyang paki sa paliwanag ko? Nagtubig ang gilid ng mga mata ko. “Pinag-isipan kita ng masama, sinabihan ng kung ano-a