HINDI ko alam kung paano ko mailalarawan ang saya ko ngayon. Tila hindi pa nga ako makapaniwalang nasa harapan ko na si Chaos. Akala ko ay hindi na mangyayari ang bagay na ito. Limang taon na siyang wala at hindi man lang nagpaparamdam sa akin. Sa loob ng limang taon na ‘yon, hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kawalan ng pag-asa. Pero palagi kong iniisip ang mga pangako niya sa akin at kung paano niya ipinagtapat ang nararamdaman. Kaya mas pinili kong magtiwala sa pagmamahal ni Chaos sa akin at nagdesisyong hintayin ang pagbabalik niya. Binalewala ko ang mga haka-haka dahil malaki ang tiwala ko sa kanya. He loves me. Sapat na ang dahilan na iyon para panghawakan ko sa loob ng limang taon. At ngayon, ang lahat ng pagtitiis at pangungulila ko sa kanya ay matatapos na. Nandito na siya sa h