NANGINGINIG ako habang nakaupo. Nakatitig lang ako sa cellphone ko at paulit-ulit na binabasa ang message na ipinadala sa akin ni Kuya Silent, ang address kung saan ko matatagpuan si Chaos. Huminga ako ng malalim at pinatay ang cellphone. Ngayong nasa matinong pag-iisip na ako, hindi ko alam kung tama lang ba ang ginawa ko kagabi. Nagpadala ako sa emosyon ko at ito ang kinahantungan. Ngayon, alam na ni Kuya Silent kung saan matatagpuan si Hestia. Trinaydor ko ang bestfriend ko! I feel bad for what I’ve done. Pero tapos na ito. Nagawa ko na. Hindi ko na mababago o maibabalik pa ang oras. Umayos ako nang may marinig na katok sa pinto. Tumayo ako at pinagbuksan ito. Sumalubong sa akin si Selena at Celine na mga nakahanda na para sa pag-alis namin dito sa Palawan. “Are you ready? Paalis n