BUSINA

1312 Words
"HAHAHAHAHAHAHA!!." Bakit natatawa si Eula. Hindi niya ba nakikita ang mata sa may lugaw. "Anong nakakatawa Eula?. Ilayo niyo sa akin yan! Ilayo niyo!! Hindi ko na kakainin yan!." "Iska. Mata ng baka yan. Ayan talaga ang inorder ko sayo. Kasi puro mata ang nasa isip mo. Hahahaha!!." Aaahh! Pffft!. Tumayo na ako mula sa pagkakahulog ko sa bangko. Psh! Mata pala ng baka. Ang O.A ko akala ko kung ano na naman ang nakita ko. Pag tingin ko sa crew natatawa din siya. *Blush* Nakakahiya ang nangyari. Kaya kinain ko ng mabilis ang lugaw. Walang nguya-nguya, Lunok agad. "Dahan-dahan Iska. Baka mabulunan ka. Hahahaha!." Patuloy na pang-aasar ni Eula. Grabe ang bait niyang kaibigan sobra!. *U.uh..Uoom..* "Ayan na ba sinasabi ko eh. Nabulunan ka na tuloy. Sinabi ko na sayo'ng dahan dahan lang sa pagkain." Ngayon concern siya sa akin?. *Inom ng tubig* "Grabe ka Eula. Natakot ako ng biglang bumungad sa akin ang malaking mata. Akala ko talaga nakakita na naman ako ng kakaiba. Psh!." "Sorry na Iska. Hindi ko naman alam na magugulat ka eh. *Giggle*." Natatawa pa siya. Tsk! "Sa susunod kung magbibiro ka yung tayong dalawa lang. Hindi sa pampublikong lugar. Nakakahiya kaya." Kasi ba naman patuloy sa pagtawa ang crew. Buti na lang din at kami lang ang costumer ng mga oras na iyon. Natapos na rin akong kumain at gayon din si Eula. Kaya naman nagpasya na rin akong magyaya na umuwi na. "Tara na Eula. Uwi na tayo." Pero siya nakangiti at natatawa pa rin sa akin. Luh! Grabe talaga siya. "Sige tara na. *Giggle*." "Ano ba! Nahihiya na nga ako sa nangyari. Pinagtatawanan mo pa." Naiinis na ako ah. "Oh relax lang. Hindi na ako tatawa. HAHAHAHA! Aw sorry. Hindi ko talaga mapigilan eh." Makulit talaga itong si Eula. "Ano ba itsura ko ng natumba ako?." Na-curious na ako eh. Kaya tinanong ko na rin. "Yung itsura mo? Hahahahaha! Sure ka Iska? Gusto mong malaman? *Tawa ng malakas*." Pffffft! Bakit ba? Ano ba talaga ang itsura ko ng mga sandaling iyon. Tsk!. "Oo Eula. Seryoso ako." "Yung itsura mo kasi parang...." "Parang ano!? Huwag mo na akong bitin." "Parang..." "Ano nga!!!!." Sumigaw na ako. "Parang ganyan. HAHAHAHAHAAHA!!." Ammp!!! "Ewan ko sayo!." Naglakad na ako mag-isa at iniwan ko siya. Bahala siya, Lakas niya mang-asar. Hmp!. "Uy Iska! Sorry na. Hehehe. Natutuwa lang talaga ako." Hindi ko siya papansinin. "Iska.. Uyy...!." Pangungulit niya sa akin. Hahaha. Bahala talaga siya. "Ano ba gusto mong gawin ko? Mapatawad mo lang ako." Ayun, Makakabawi na ako sa kanya. *Giggle*." Huminto ako at humarap sa kanya. "Uhmm. Ano nga ba?." Syempre ako nag-isip muna. "Samahan mo ako sa biyernes! Punta tayo sa STYD Store!." Gusto ko kasi ulit bumili ng damit. Nakakaadik talaga ang tindahan na yun. Kahit na isang beses ko pa lang napuntahan. "Ayoko nga! Hindi na ako babalik dun." Pagtanggi nito. "Diba tinatanong mo ako kung paano kita mapapatawad?. *taas kilay*." "Oo, Pero huwag yun. Iba na lang. Saka may gagawin ako sa biyernes eh." Okay kung ayaw niya. Tinalikuran ko ulit siya at nagpatuloy ako sa paglalakad. "Teka Iska. Sige na sasama na ako." Sasama rin pala eh. Gusto pa yung nagdadrama ako. *Chuckle*. "Thank y--." Natigil ako nang biglang may magsalita mula sa kabilang kalsada. Si Robi. Ang mapang-asar na si Robi. "Ako rin sama! Gusto ko rin bumili ng damit dun." Luh? Pagkatapos niya akong ipahiya sa klase? Ngayon sasama siya?. Hindi pwede. "Tara na Eula. Uwi na tayo." "Sama daw si Robi sa biyernes." Amp! Inulit pa. "Ayoko!." Mataray kong sagot. Pero sunod pa rin ng sunod si Robi sa amin. Naalala ko na may nagmessage sa akin na Robi ang pangalan. Hindi kaya siya yun?. "Okay may itatanong lang ako. *Taas kilay*." "Ano yun?." Sagot ni Robi. "Ikaw ba yung Robi Marquez na nagmessage sa sss ko?. *Taas kilay*." "Oo kasi ang ganda ng damit mo. Gusto ko rin makabili doon. Pero hindi ng kagaya sayo. Panlalaki syempre." Akala ko yung katulad ng damit ko eh. Wala na kayang stock ito. "Akala ko kagaya ng damit ko eh. Wala ng stock ito at heto na ang huling stock sa STYD Store." Ano naman kayang paki niya? Bakit sinabi ko yun. "Hindi naman ganyan ang bibilhin ko." Sagot niya sa akin. Sabi ko nga hindi ganito. "Oh siya sige. Sumama ka na sa biyernes. 8pm sa SM North." Saka tumalikod na ako sa kanya. Ang taray ko nun. *Giggle*. "Salamat Iska. See you." Nakangiti niyang pagpapasalamat. Geez! Cute pala siya lalo na kapag nakasmile. And who cares? Hindi ko siya type. Ang yabang kaya niya. "Iska, Dito na ako. Sasakay na ako ng jeep pauwi sa amin." Pagpapaalam ni Eula sa akin. "Sige Eula. Ingat ka. *Beso*." "Bye Iska. *Beso*." Nakasakay na si Eula ng jeep pauwi sa kanila. Ako? Naglalakad papuntang walter mart. Para sumakay ng bus pa cubao at bababa na lang ako sa Mrt. *Pit pit* *Pit pit* "Hoy miss! Gumilid ka naman! Mamaya masagasaan ka. Kasalanan pa namin." *Pit pit* *Pit pit* "Miss!! Gumilid ka sabi eh!." *Piiiiittttt Pitttttttt!!!!!!* Ano yun? Bakit may bumubusina. Nagulat ako pagtingin ko sa likod ko ang daming sasakyan. Nasa gitna pala ako ng kalsada?. "Kanina ka pa binubusinahan! Baliw ka ba?." Ako baliw? Ang yabang ng babaeng yun ah.! "Excuse me? Sinong baliw? Ako ba?. *Taas kilay*." Pagtataray ko sa kanya. "Oo kasi kanina pa kita binubusinahan hindi ka kumikibo! Kaya akala ko baliw ka." Inulit pa talaga?. "Sorry naman ho. Hindi ko kasi narinig." Pero imposibleng kanina pa siya nagbubusina, Bakit hindi ko kaya naririnig yun. Well hindi tama na sabihan niya akong baliw. "Okay fine. Pwede po ba na gumilid po kayo. Kasi nakakaabala kayo at baka mamaya ay masagasaan kayo." Mahinahon na may paggalang at pataray niyang sambit sa akin. "Eh di gumilid. Ayan, Okay na ho ba?. *Taas kilay*." "Good." Umandar na ang kotse at sakay-sakay nito ang mayabang na babae. Akala mo kung sino. Psh! "Oo nga pala. Nice shirt! So scary." Tumingin ako sa suot ko. Hello naka-uniform kaya ako?. Adik ata yun eh. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Baka siya ang baliw. Ilang saglit pa ay nakarating na ako ng walter mart at nakasakay na ng bus. Buti na lang at hindi pa masikip kaya naman hindi ako nakatayo sa loob ng bus. "Saan po kayo ma'am?." Tanong ng konduktor. "MRT lang po." "10 pesos po." Inabot ko na ang bayad at iniabot na rin nito ang ticket. Habang naghihintay ang bus ng iba pang pasahero ay nakakatihan kong mag-open ng f*******:. At tumambad sa akin ang napakaraming STYD Hashtag. Grabe trending siya sa sss. Ang dami palang nabili ng damit nila. Siguro ubos na ang tinda nila. Pero hindi pwede, Kasi isang beses lang sila magbukas sa isang linggo at isang oras lang. Kaya imposibleng maubusan sila ng stocks. Patuloy ako sa pagscroll down ng newsfeed ko. Bakit ganun puro bad vibes naman ang mga nababasa ko. Makapag-off na nga. Dahil sa panget ang lahat ng nakikita ko sa newsfeed ay nagpasya akong i-minimize na lang ang sss. Wala na namang kwenta ang mga pinopost ng mga sss friends ko. Nakakaasar lang. "Iska, Tulungan mo ako! Iskaaaaa!!! Huwag mo akong iiwan!!! Tulungan mo ako Iska!!." "Eulaaaaaaaaa!!!!!." "Miss, Miss. Gising! Nananaginip ka lang." "Tulungan niyo po ang kaibigan ko. Nasa panganib po siya. Tumawag po kayo ng bumbero nasusunog po ang bahay nila." "Miss, Relax nananaginip ka lang." Huh? Panaginip? Tumingin ako sa paligid. Nakatingin sa akin ang lahat ng pasahero sa loob ng bus. Nakakatakot naman ang panaginip na yun. Bakit parang totoo. "Heto tubig. Uminom ka muna." Inalok ako ng tubig ng isang babaeng katabi ko sa bus. Bakit napapadalas ata ang mga panaginip ko ng mga nakakatakot. Pero para siyang totoo at parang nandun ako. "Salamat po. *Lagok ng tubig*." "Sa susunod magdasal ka bago matulog ah." Sabi sa akin ng babae. Nagdadasal naman talaga ako. Pero iba talaga ang mga pangyayari ngayon. "Salamat po ulit." -MRT na. Sa mga MRT diyan.- MRT na pala. "Sige po, Salamat ulit sa tubig." Nagpasalamat ako sa babaeng gumising sa akin. Dahil kung hindi niya ako ginising malamang sunog na rin ako. At dahil sa may express card ako ay hindi ko na kailangan pumila pa para lang makabili ng ticket. Kaya dire-diretso na ako sa pag-akyat para makasakay na agad ng tren. "Iskaaa!!!!! Huwag mo kaming iwan!!!! Iskaa!!! Tulungan mo kami!!!!!!." "Robiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!." "Eulaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!." "ISKAAAAAAAAA!!!!!!!!!!."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD