MATA

1398 Words
"Tulong!!!!!! Tulong!!!!!! Eulaaaaaaaa!!! Gumising ka!!! Huuyy Eulaa!!!!." "Iska? Iska! Iska!! Gising!!!." Mukhang binabangungot ata si Iska. Ke-aga aga. "Eula??? Thank god at safe ka! Akala ko kung ano na nangyari sayo." "Ano bang pinagsasabi mo Iska. Ako dapat ang magsabi sayo niyan. Buti at ligtas ka. Dahil mukhang masama ang napanaginipan mo. Tara na nga umakyat na tayo baka nagsisimula na ang exam. Mapagalitan pa tayo." Nakakalerky talaga itong si Iska. Akala ko kung ano na nangyari sa kanya. Hindi kaya nagaya siya sa akin?. Iska's POV Habang nakasakay kami sa bus papuntang Walter mart ay binabangungot ito. Hindi ko mawari kung bakit nakatulog agad siya sa bus, Eh halos kakasakay lang namin. Tapos may binabanggit pa siyang lola. Sino kayang lola yun? Naisip ko baka yung lolang nasagasaan sa ilalim ng Mrt. Bakit sa kanya nagparamdam? Eh ako ang kasama. Ang weird. Kaya nang makababa na kami ng bus at sumakay na ng jeep papasok ng eskwela ay ako naman itong binabangungot habang naglalakad kami. Pero bakit parang totoo. Nawalan ng malay si Eula ng ipakita ko sa kanya ang picture niya sa cellphone ko. Eh picture lang naman niya ang pinakita ko habang natutulog siya sa bus. "Eula? Alam mo parang totoo talaga yung nangyari. Nawalan ka ng malay at nagsisigaw ako at humihingi ng tulong. Nang--." Bigla siyang nagsalita habang nagkukwento ako. "Iska, Huwag ka ngang ganyan. Natatakot ako sa pinagsasabi mo. Mamaya mangyari nga yan." Huwag naman sanang mangyari. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya nang makarating na kami ng room ay agad na bumungad ang nakasimangot na mukha ng prof namin. "Let's give an applause for our honor students. Masyado silang maaga para sa exam natin." Mukhang galit ang prof namin. Dapat pala hindi na kami dumiretso at pinalipas na lang ang oras niya. Sa hiya ko ay umupo na lang ako at hindi na umimik pa. "Saan ba kayo nanggaling? Bakit ang tagal niyo? Kanina pa kayo hinahanap ni Sir. Tapos na ang exam." Huh? Tapos na? Anong oras na ba?. "Tapos na? Maaga pa dba?." Sagot ko sa kaklase namin. "Anong maaga pa? Alas-diyes na ng umaga." Luh? Alas-diyes na? Tumingin ako sa relo ko. OMG! Oo nga! Huling kita ko ay alas-otso imedya pa lang. Hindi naman sira itong relo ko. "Eh di tapos na rin ang oras ni sir?." Tanong ko. "Oo kanina pa. Hello? Kanina pa nga siya umalis." Kanina pa? Eh napagalitan nga kami dba? Tumingin ako sa harap, Wala ang Prof namin. "Nooo!!." Sigaw ko at biglang nagtinginan sa akin ang mga kaklase ko. "Anong no Iska? Are you still on dreaming?. Hahahahahahaha!!!." Sabi sa akin ni Chrislyn. Ang kikay sa klase namin. "Nooo!! Can't be. Nakita ko si Sir diyan kanina. Napagalitan pa nga kami ni Eula eh. Tapos nagpalakpakan pa kayong lahat." At yun nga nagmukha akong katawa-tawa sa buong klase. Pinagtawanan nila ako sa sinabi kong iyon. Lalo pa akong napahiya ng biglang nagsalita ang mayabang sa klase. "Iska... Iska... Iska...Yan ang mahirap sayo. Gusto mo ng palakpakan? Pagbibigyan ka namin. Palakpakan natin ang sikat na si Iska." At nagpalakpakan nga ang mga kaklase ko. "Puro kasi followers mo ang iniisip mo. Puro ka selfie, Puro ka post at puro ka pasikat." Ano naman konek nun? Ang yabang talaga nitong si Robi. Ang bully boy sa klase. Tumahimik na lang ako at hindi na sila sinagot. Ano naman masama kung mahilig akong magpost at magselfie. Ano masama dun... Ang yayabang! Nakakaasar!. Tumingin ako kay Eula, Busy siya. Oo busy siya. Naglalaro lang sa kanyang cellphone. Akala ko nag-aaral. Tsk. "Psst Eula." "Oh Iska?." "Nakita mo rin si Sir kanina dba?." Tumingin lang sa akin si Eula na parang bang.. Hello? Wala kaya?.. Ganun ang naiisip ko na tingin niya sa akin. Kaya kinuha ko na lang ang phone ko at nagcheck ng mga post sa f*******:. Wala namang bago, Still mga walang kakwenta-kwentang mga shares ng mga kaklase ko lang ang shinishare nila. Boring. Kaya kinuha ko na lang ang earphone ko sa bag at nagpatugtog na lang ako ng kahit ano habang wala pa ang susunod naming prof. Sa sobrang enjoy ko ay napapapikit pa ako sa saliw ng musika sa cellphone ko. Kulang na lang ay isayaw ko ang bawat tugtog na naririnig ko. *Giggle*. "Iska.. Gising na.. Honey.." "Mommy?." Paano ako nakarating sa bahay? Nasa school pa po ako kanina dba?." "Honey, Kanina ka pa nakauwi. Mukhang pagod na pagod ka nga eh. Hindi mo ako pinansin kanina pagpasok mo at dumiresto ka na agad sa kwarto mo." "Sure po kayo mommy?." "Mukha bang nagsisinungaling ang mommy?." "Hindi po. Hehehe. Sige po mommy. Bababa na po ako. I love you po. *kiss*." Nakakapagtaka paano ako nakauwi ng bahay? Alam ko nakaearphone lang ako sa room dahil sa boredom habang wala pa ang susunod na prof namin. Ngayon nandito na ako sa bahay?. Makapagprepare na nga. Gutom na rin ako. Habang naghihilamos ako sa banyo, Hindi ko maipaliwanag ang kilabot na nararamdaman ko, Kaya tumigil ako saglit at pinakiramdaman ang mga tumatayong mga balahibo ko sa katawan. Hindi ko alam kung bakit. Imposible namang sa lamig lang ng tubig. Hindi ko na pinansin kaya nagpatuloy ako sa pagbasa ng mukha ko. "Waaaaaaa!! Waaaaaaaa!! Waaaaaaa!!." "Iskaaa!! Iskaaa!! Gising!! Nananaginip ka na naman." "Eula? May mata..." "Anong mata Iska?. Natural may mata tayo. Tao tayo eh." "Hindi Eula. May mata sa salamin ng banyo. Nakita ko.." Napatingin ako sa mga kaklase ko. Para akong tanga, Pinagtatawanan nila ako. Panaginip na naman ba ang nangyari?. "Iska, Nananaginip ka lang. Tara na. Umuwi na tayo. Hindi ka na ginising ni Ma'am dahil sinabi ko pagod ka." Pero ako nakanganga lang. Talaga? Nakatulog ako? Hindi naman ako pagod. Naglalakad na kami ni Eula at nasa hallway na kami. "Hoy Bata!. Bawal maglaro dito." Sigaw ko. Bakit may bata dito? Eh puro college students ang nag-aaral dito. "Bataaa!! Bumalik ka dito.." Susundan ko sana yung bata. Kaso hinablot ako ni Eula. "Iska, Ano na naman ba 'to? Sinong bata? Anong bata?." Nagtataka na sa akin si Eula. Nalilito, Hindi niya mawari kung anong nangyayari sa akin. Kahit ako! Hindi ko maipaliwanag. "M-m-may nakita akong bata, Tumatakbo." "Walang bata Iska. Walang tumatakbo. Tara na kumain na muna tayo ng lugaw sa kanto. Bago tayo umuwi okay?. Baka gutom lang yan. Hehehe." Tumango na lang ako sa sinabi ng kaibigan kong si Eula. Anong bang nangyayari sa akin? Bakit nakakakita ako ng mga hindi pangkaraniwang nilalang. Bakit ako madalas bangungutin. At nang makarating na kami ni Eula sa may lugawan ay agad din siyang umorder. Pero ako tulala pa rin. Ano nga ba talaga nangyayari. "Iska, Sabihin mo nga sa akin. Inaatake ka na naman ba ng imahinasyon mo?." Seryosong tanong sa akin ni Eula. "Hindi imahinasyon yun Eula. Totoo yun." Pagpapatunay ko sa kanya. "Ok kung hindi imahinasyon bakit ka pawis na pawis? Ano yun binabangungot ka?." "Hindi rin bangungot yun. Totoo yun." "Iska, Ganito lang yan. Dba kanina sinabi ko rin sayo ang weird na nangyari kanina sa walter mart? Sabi mo imahinasyon ko lang din yun. Kaya same lang tayo. Nag-iimagine ka lang din. Magkaibigan nga talaga tayo. *Chuckle*." Nakakaloka. Sana nga tama si Eula at isang imagination lang ang lahat. -Heto na po ang order niyo ma'am- Dumating na ang inorder ni Eula na dalawang lugaw na may laman, tokwa at sumpia. Ang dami niyang inorder. Saka take note, Parang chowking nakatakip pa ang lugaw nila. Ano to' Surprise? *Giggle*. "Eula, Susyal talaga dito noh. May patakip-takip epek pang nalalaman." Masayang sambit ko sa kanya. "Yes ma'am, Nagustuhan niyo po ba?. *Smile*." Biglang singit ng lalaking crew. Ang bastos niya sobra! Pero cute ah. *Giggle*. Yun lang. "Yes! Thank you." Pagtataray ko. Pero si Eula natatawa lang sa akin. Bakit anong meron?. "Iska, Ang taray mo. Bakit naman ginanon mo ang crew?. Pero nakita kong ngumiti ka. Ayiiieeee.. *Giggle*." Natatawang sambit ni Eula. "Wala lang. Bastos kasi eh. Biglang sumisingit sa usapan. Hello? Hindi naman kami close noh!." Tinaas ko ang kaliwang kilay ko at inisnaban ang nakangiting crew na lalaki. "Hahahaha. Bakit nagbblush ka Iska." Ano ako? Nab-blush?. Hello hindi ko type ang tulad niya. "Tama na Eula. Kumain na tayo." Naiirita ako sa mga taong ganun. Hindi naman kausap biglang sasabat. Kaasar. "Oh siya sige. Kumain na tayo. *Giggle*." Tawa pa rin ng tawa si Eula. Ako naiinis na. As in G R R !. Binuksan ko na ang takip ng mangkok at inamoy. "Hmmm ang bango ng lugaw nila. Amoy pa lang mabubusog ka na. *Giggle*." Sabi ko sa sarili ko habang napapangiti pa ng mga sandaling iyon. At nang mapatingin ako kay Eula ay nakangiti ito sa akin. Nakakaloko ang mga ngiti niya pati yung crew kanina nakangiti din. Anong meron?!. "Bakit hindi ka pa kumakain?." Nagtatakang tanong ko kay Eula. "Sige lang Iska. Nakakatuwa kang panoorin eh. Ang cute cute mo. *Giggle*." Okay kung ayaw niya pa kumain. Eh di ako na mauuna dahil gutom na talaga ako. Saka mukhang masarap ang lugaw. "WAAAAAAA!! WAAAAAAA!!! WAAAAAAAAAA!!."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD