MINESWEEPER

990 Words
"Hindi ko kayo iiwan. Sama-sama tayo lalabas di---.." "Miss, Gising!!." "Huh? Panaginip ulit?." "Oo nanaginip ka lang miss. Mukhang pagod na pagod ka." "Pasensiya na po." Nakakahiya ang nangyari. Pati sa MRT ay nananaginip ako ng hindi maganda. Pero bakit ganun parang totoong nangyari ang mga napapanaginipan ko. Pero sana hindi na lang totoo. Eula's POV Nakakatuwa talagang pagmasdan si Iska kanina. Hindi ko makakalimutan ang mukha niya nung nagulat siya ng makita niyang may mata sa lugaw na inorder ko para sa kanya. *Giggle*. Habang nakasakay ako sa jeep pauwi ay naririnig ko sa ibang mga nakasakay ang STYD Store. Interesado rin silang pumunta sa biyernes para sa pangalawang araw ng pagbubukas nila. At narinig ko rin na yun na ang huling araw ng pagbubukas nila. Nagtataka ako bakit ganun. Dalawang biyernes lang sila magbubukas sa SM North? Eh ang mahal mahal ng rent sa pwesto. Ang weird talaga ng store na yun. Kaya nang yayain ako ni Iska na sumama sa biyernes ay pumayag na ako. Pero this time ay may iba na kaming kasama si Robi ang mapang-asar naming kaklase. Sana ay makayanan niya ang hirap ng pagpila sa store na yun. *Chuckle*. "Manong para po." Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko pero umandar pa rin ang jeep na sinasakyan ko. "Para po!." Psh! Biglang preno naman ngayon. Kaya ayun natumba ako sa katabi kong babae. "Sorry po. *Blush*." Namula ako sa nangyaring yun. Nakakahiya talaga. Paano ba naman biglang preno eh. Nakakaasar. Naglalakad na ako pauwi sa amin ng maalala ko ang sugat ko sa binti. Wala ng sugat, Buti naman at agad ding gumaling ang sugat ko. "Mama nandito na po ako. *Kiss sa pisngi*." "Papa nandito na po ako. *Kiss sa pisngi*." "Mabuti naman anak, Magbihis ka na at sumabay ka ng kumain sa amin ng papa mo." Sabi sa akin ni mama. "Opo sige ho." Sagot ko. Kaya umakyat na ako para makapagbihis at makakain na rin ng hapunan. At habang nagbibihis ako ay naalala ko bigla si Iska. Okay na kaya siya? Nakauwi na kaya siya? Mga tanong ko sa sarili ko. Kasi nitong mga nakaraang oras ay parang lutang at wala siya sa sarili. Wala naman siyang sinasabi. Tapos na kaming maghapunan nila mama at papa. "Anak, Maaga ka matulog para maaga ka rin magising bukas." Sabi sa akin ni mama. Kasi alam niya na magcocomputer pa ako bago matulog. Kaya pinaalalalahan niya ulit ako. "Opo ma." Sagot ko. Umakyat na ako sa kwarto ko at nahiga, Pero dahil hindi ko mapigilan ang hindi magcomputer ay sinuway ko ang utos ni mama. Binuksan ko ang computer at nagfacebook ako. Kasabay ng paglalaro ko ng minesweeper. "Ay grabe naman ang panahon ngayon. Puro nakawan at mga nawawalang mga tao na hindi alam kung paano sila nawala." Paano ba naman kasi puro missing person ang bumungad sa newsfeed ko. Ang lalaki na ng mga nawawala siguro kasing edad na namin ni Iska yung mga yun. -Minimize Browser- -Restore Minesweeper- Enjoy na enjoy talaga ako sa paglalaro ng minesweeper. Sigurado boring para sa iba pero ako enjoy na enjoy lalo na kapag nakakacomplete ako at hindi nakakatyempo ng bomba. Sa sampung beses na pagtry ko isang beses lang ako nakakaperfect. Ganun kahirap laruin ang minesweeper. "YES! Perfect ulit!." Malaking achievement na sa akin yun. Dahil nakadalawa akong perfect ngayong gabi. *LOL*. *Tok tok tok* "Eula, Matulog ka na. Naririnig ka namin ng papa mo." Tsk si mama. "Opo papatayin na po ang computer. Lab you po." Paglalambing na sagot ko. At nang papatayin ko na ang computer ay naglaro muna ulit ako sa huling pagkakataon ng minesweeper. At habang naglalaro ako ay may napansin ako sa isa sa mga bomba ng magame-over ako. "Mata ba yun?." Bulong ko. Hindi ako sigurado eh. At para makasigurado ay inadjust ko ang screen resolution ng computer ko. "Oh Gosh! It is true? May mata sa minesweeper! MAMAAAA!!!!!!!!!" Sa takot ko ay tinawag ko ang pangalan ni mama. "MA-MAMAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!." Narinig ko ang karipas na takbo ni mama at papa. "ANAK ANO BA YUN! BAKIT KA NAGSISIGAW DIYAN." Tinuro ko ang computer ko. "M-M-MAMAAA.. May mata po sa nilalaro ko." Tinignan naman ni mama at papa ang computer. "Anak wala namang mata." Sabi ni mama. Hindi maaari, Kitang kita ko ang mata sa minesweeper. Hindi ako pwedeng magkamali. "Eula, Hindi ba sinabi na sayo ng mama mo na matulog ka na. Ayan ang napapala ng mga anak na pasaway. Kung ano ano ang nakikita at naiisip." Pagsesermon sa akin ni papa. "Tumayo ka diyan anak. Tignan mo, Wala namang mata sa nilalaro mo." Sabi sa akin ni mama. At tumayo ako sa kinauupuan ko. Napaupo kasi ako sa sulok ng kwarto ko sa sobrang takot ko. Nanginginig ako habang humahakbang palapit sa computer ko. Nanlaki ang mga mata ko. "WAAAAAA!! WAAAAA!!! WAAAAAAAA!!!! Noooo!! Mama!!!!." "NOOOOOO!!!!." "Anak, Anak!! ANO BA NANGYAYARI SAYO!." "MAMA, NOOOO!!!!." "EULA! EULA! ANO BANG NAKITA MO!." "NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!." "Lourdes, Patayin mo na ang computer. Bilisan mo!!." Pinatay na ni mama ang computer ko. "Eula *tapik sa pisngi* Eula *tapik sa pisngi* Ano ba nangyayari sayo. Anak! Ano bang nakita mo. Sabihin mo!." "P-p-papa..." "ANO BA ANAK!!." Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay papa. Nakikita kong natatakot din sila. Lalo na si mama, Nakita kong umiiyak na ito. "P-p-papa..." "EULAAAA!!!!!!!!!!!." Sumigaw na si papa ng mga sandaling iyon. Lalo akong natakot at nanginig ang katawan ko. "Victor, Tama na yan. Bukas na natin kausapin ang anak mo. Pagpahingahin muna natin siya. Baka pagod lang siya." Pag-aawat ni mama. "HINDI LOURDES! NAKIKITA KO SA MGA MATA NG ANAK NATIN NA NATATAKOT SIYA. HINDI NATIN ITO DAPAT IPAGSAWALANG BAHALA." Ngayon ko lang nakitang concern sa akin si papa. Madalas kasi tahimik at wala siyang imik sa akin. Hindi ko alam na nag-aalala rin pala siya sa akin. -Eula's Started to cry- "Victor, Natatakot na ang anak mo. Lalo mo pang tinatakot. Ipagpabukas na natin ito. Pagpahingahin na muna natin ang anak mo." Pagpapatuloy ni mama. "Hindi sinabi Lourdes! Hindi mo ba nakikita na natatakot na nga ang anak mo. Iiwan pa natin siya. Dapat malaman natin kung ano ang nakita niya. Anak natin siya! Dapat alam natin kung ano yun! Baka sakaling matulungan natin siya." Nagtatalo na sila mama at papa. Pero ako iyak pa rin ng iyak, Hindi ko kayang sabihin sa kanila ang nakita ko. Ayoko, Dahil hindi lang mata ang nakita ko sa minesweeper. Natatakot ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD