IMAHINASYON

1051 Words
"NO CAN'T BE ISKA!." Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Kaya pinuntahan namin si Lola na sinasabi niyang nasagasaan at ang Lola na nabunggo ko sa bus. "Bilis Iska puntahan natin." "Teka lang yung Shawarma." "Mamaya na yan. Kailangan natin malapitan si lola." Tumayo na kami ni Iska mula sa pagkakaupo. Ang daming tao. Ano ba yan. "Excuse me po, Excuse meeeeee!!!!!!!!!!!!." Sa sobrang taranta ko ay hindi ko namalayan na sumigaw na pala ako kaya napatingin sa akin ang mga naglalakad sa loob ng walter mart. "Sorry." Hiyang hiyang ako ng sandaling yun pero nagpatuloy kami ni Iska sa paglalakad. Kailangan namin makausap yung matanda. "Eula, Bilis...!!." Tinataranta pa ako ni Iska. "Oo na heto na nga nagmamadali na maglakad, Kulang na lang tumakbo tayo." Sabi ko sa kanya. "Eh di tumakbo tayo para maabutan natin!." Amp talaga. Eh di tumakbo kami. "Nasaan na siya Iska? Iska?." Amp! Nawala naman ngayon si Iska. Naloloka na ako ah. "Uy Eula. Nandito lang ako! Ano ka ba." Akala ko nawala na naman siya. Tsk. "Teka nasaan na si lola? Wala siya dito." Nagtatakang sabi ni Iska sa akin. Aba ewan ko kung saan nagpunta si lola. "Baka bumaba siya ng escalator. Tara dali." Pagmamadali sa akin ni Iska. "Ayun siya Iska.!!" Nakita ko rin siya. "Excuse me po. Excuse me.." Inuunahan na namin ang mga tao sa escalator para maabutan ang matanda. Hingal na hingal ako. Buti na lang at naabutan namin si lola. "Lola... *confused face*." Ayaw pang humarap ni lola. Kaya tinawag ulit namin siya. "L-lola.." Pagkaharap niya sa amin. OMG. "Sino kayo?." Tanong niya sa amin. Hindi maari, Kamukhang kamukha niya ang matandang nabunggo ko. "Lola pasensiya na po. Naguguluhan na kasi kami ng kaibigan ko. Pwede po ba ako magtanong?." Tulala lang siya sa amin. Halatang nabigla rin siya sa biglaan naming tapik at pakikipag-usap sa kanya. "Sumakay po ba kayo ng MRT kanina?." Unang tanong ko sa kanya. "Yes." Matipid niyang sagot. Kaya nagtanong ulit ako. "Eh sa bus papuntang cubao sumakay din po ba kayo?." Pinagpapawisan na ako. Kinabahan ako. Paano nangyayari ito. "Oo sumakay din ako. Pero bumalik ako dito. Trapik kasi." Sagot ng matanda sa akin. "Teka nga mga bata, Bakit ba?." Nagtanong na siya sa amin. "Kasi sabi ng kaibigan ko nakita raw niya kayo na nabu--." "Eulaaa!! Hello?? Uy Eula!! Tulala ka na naman! Natatapon na ang shawarma mo." Huh? Imagination ko lang yun? Hindi yun totoo? Pero parang totoo. "Eula! Eula! Eula! Eula!." Paulit ulit na tawag sa akin ni Iska. "Ano yun Iska? Nakita ko si lola." Mahina kong sagot sa kanya. "Sinong lola?." Huh? Hindi niya alam? Pinagkukwentuhan pa nga namin kanina yung matandang nasagasaan at nabunggo ko sa bus. Amp! "Yung matandang nasagasaan..." "Kanina pa yun dba? Saka malapit na tayo sa bababaan natin." Pinagsasabi nito? Tumingin ako sa bintana ng bus. Sh*T! Nasa bus kami? Alam ko nasa walter mart kami eh. "Dba nasa walter mart tayo kanina? Kumakain ng shawarma?." Tumingin sa akin si Iska ng parang tanga lang. "Okay ka lang ba Eula? Pinagpapawisan ka." Sabi nito sa akin. "Oh No! Can't be! Anong nangyayari." Bulong ko sa sarili ko. "Anong sinasabi mo diyan Eula?. Sigurado ka okay ka lang?.." -LRT na po. Walter Mart na.- "Tara na Eula. Dito na tayo. Baka malate pa tayo sa exam." Pagyayaya sa akin ni Iska. Hindi talaga ako makapaniwala na isang imahinasyon lang ang nangyari. Pero bakit parang totoo?. Ang creepy naman!. "Oh sige." Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na kami ni Iska. At pagkababa namin ay naghintay kami ng jeep na sasakyan na dadaan sa school namin. "Eula, Sigurado ka okay ka lang? Kanina ka pa kasi tulala. Parang may malalim kang iniisip. Ano ba yun? Sabihin mo sa akin." Sunod sunod na mga tanong ni Iska sa akin. Paano ko siya sasagutin eh kahit ako hindi ko alam ang isasagot. Kaya sinabi ko sa kanya na "Oo okay lang ako Iska. Ayan na ang jeep. Sakay na tayo." Nakangiti kong sabi sa kanya. Pero siya inangat lang niya ang dalawa niyang balikat na parang ang ibig sabihin ay "Ow okay." Habang nakasakay kami ng jeep ay patuloy ko pa rin na iniisip ang mga nangyari kanina. Hindi ako lubos na makapaniwala na sa isip ko lang lahat ng nangyaring iyon. Pero mas maganda na rin siguro ang ganun na isang imahinasyon ko lang ang lahat ng nangyari. "Manong para po." Nakarating na kami sa harap ng school at pumara na si Iska. "Tara na Eula." Pagyayaya niya sa akin. Tumango at ngumiti lang ako sa kanya at bumaba na kami. Naglalakad na kami ni Iska papasok ng school pero siya nakatingin lang sa akin. "Iska? Bakit ka ba nakatitig sa akin? Anong meron?." Seryosong tanong ko sa kanya habang naglalakad kami. "Eula, Naguguluhan ako sayo kanina pa. Hindi ko alam kung ano nangyayari sayo." Seryoso nitong sabi sa akin. "Bakit ano ba yun?." Huminto kami sa paglalakad at umupo muna saglit malapit sa gate ng school. "Eula, Umamin ka nga sakin." Nakakaloko yung tingin niya, Nagtatanong siya na yung mukha niya ay seryoso pero nakangiti. Amp!. "Nagd-drugs ka ba? Umamin ka Eula." Waaaaaaa!! "Ano? Nagd-drugs? Hindi noh! Sobra ka Iska ah! Never kong gagawin yun." Yumuko ako at hinawakan ang ulo ko. Nakakahiya yung tanong niya, Buti na lang at walang ibang nakarinig. "Narinig namin yun! HAHAHAHAHA!." Tsk may tao pala. Ang dalawang mokong. "Eh ano naman? Hindi naman totoo yun." Pagtatanggol ko sa sarili ko. "Si EULA! Nagd-drugs!." Sigaw ng isang mokong. Amp talaga! "Ako titigilan niyo o titigilan? Gusto niyo makatikim ng aratikik!." Umakma akong babatuhin sila at sisipain kaya nagsipagtakbuhan sila. "Eula?." "Ano na naman?!." Si Iska na pala ang nagsalita. Hahaha nasigawan ko tuloy siya. "Ay siya, Makasigaw! Galit?." Nakangisi niyang sabi. "Sorry Iska. Hindi ako nagd-drugs ah. Never kong gagawin yun. Promise. Saka pasensiya ka na, Naguguluhan lang talaga ako eh. Medyo hindi maganda ang mga naiisip ko ngayong araw. Napakaweird talaga ng mga nangyayari ngayon." Mahabang salaysay ko sa kanya. "Oo nga Eula, Kahit ako naweweirduhan din. Kasi pagtingin ko sa phone ko may ibang tao na nakapagselfie." Selfie?????. Noooooo!!! Heto na ba yun? Baka si lola yun. Noooo!! "S-sino naman?." Kinakabahan na ako. Huwag naman sana yung matanda dahil hindi ko kakayanin. Kinuha ni Iska yung cellphone niya at pinakita sa akin ang picture ng taong sinasabi niya. "Siya yung matandang katabi ko kanina sa MRT. Nagselfie pala siya habang hawak niya ang cellphone ko nang makatulog ako. Naka---. Eula??? Eula!!!! Okay ka lang ba?. EULAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD