LITRATO

1652 Words
"Uy Eula, Okay ka lang ba? Eula! Anong meron sa damit ko? Tara na pumasok na tayo. Okay na ang pakiramdam ko nagulat lang talaga ako." "Huh? Ano yun Iska? Okay lang ako. Bakit ano ba nangyari?" "Luh? Nagsisigaw ka kanina. Sabi mo hubarin ko ang damit ko. Ano bang meron?." "Sumigaw ako? Hindi naman ah.." "Okay nevermind. Tara na pumasok na tayo." Sumakay na kami ni Iska ng bus papuntang munyos. At habang nasa bus kami ay iniisip ko pa rin ang sinabi niyang nagsisisigaw daw ako at pinapahubad ko ang damit niya. Tsk, Sumigaw ba ako? Siya nga itong tumawag pero hindi niya alam. Kaloka! "Eula, Ano ba nakita mo sa damit ko? Bakit ka nga ba nagsisisigaw kanina? Napaupo ka pa nga eh." Bakit niya ba pinipilit na sumisigaw ako, Eh hindi naman. "Promise hindi ko alam Iska. Hindi ko alam ang sinasabi mo." Magkatabi lang kami pero parang ang layo-layo namin mag-usap kaya yung ibang pasahero ay hindi maiwasan na tumingin sa amin. -LRT na po. Walter Mart na po. Sa mga munyos diyan.- "Miss, Gising na po kayo. Munyos na po." Panggigising sa amin ng konduktor. "Nakatulog po ba kami?." Tanong ko. "Oo miss ang sarap nga ng tulog mo." "Yung kasama ko bumaba na ba?." "Wala naman kayong kasama. Ikaw lang mag-isa ang sumakay." "Huh? Hindi! May kasama ako! Ang kaibigan ko." Sumigaw na ako sa konduktor dahil sigurado ako kasama ko si Iska. Kaya nagtinginan na naman sa akin ang iba pang pasahero. "Ano ba yan. Nababaliw na ata yang babae. Kawawa naman." Bulong ng isang babae sa gilid ko. Hindi ko lubos maisip at hindi ako makapaniwala sa mga mangyayari. Ano ba talaga nangyayari! "Ano miss? Bababa ka ba? Kasi maraming pasahero ang naabala." "Pasensiya na po. Opo bababa na po ako." Pagkababa ko ng bus ay bigla akong sinalubong ni Iska. "Uy Eula. Ang tagal mo naman bumaba. Sarap ng tulog mo ah. *Giggle*." Amp kaya naman pala hindi siya nakita ng konduktor kasi nauna na siyang bumaba. Akala ko namalik-mata lang akong kasama siya. "Bakit mo naman ako iniwan sa bus? Hindi mo man lang ako ginising." "Ang sarap kasi ng tulog mo eh. Pinikturan pa nga kita. Hehehe." Pang-aasar niya sa akin. Pinikturan niya ako? Loka talaga 'tong si Iska. "Patingin nga." Pinakita sa akin ni Iska ang piktur ko. "Huwag mong ipopost yan ah. Nakakahiya! Kilala pa naman kita Iska." Hiyang-hiya ako sa sarili ko ng makita ang piktur ko na natutulog at nakanganga pa. Kulang na lang pasukan ng langaw. "Alam mo Eula huwag na tayong pumasok, Gumala na lang tayo. Wala rin naman tayong gagawin sa skul eh." Pagyayaya niya sa akin. Anong walang gagawin. May exam kaya kami ngayon. "May exam tayo ngayon Iska." "Hayaan mo na. Hindi rin naman makakaapekto sa grades natin yun. Tara na mag-ikot ikot na muna tayo sa walter mart. Dali na Eula." Hay ang hilig talaga ni Iska gumala. Kaya naman hindi na ako tumanggi sa sinabi niya. Sumama na rin ako at hindi na bumalik sa school. Umakyat na kami sa LRT para mag Overpass patawid ng Walter Mart. Dahil bawal tumawid sa highway. Ang daming tao, Rush hour pa rin. Monday kasi kaya siguro hanggang ngayon ay maraming nakapila. Tumingin sa akin si Iska ng tingin na parang nakakaloko. "Ohh, Anong tingin yan Iska?." Nilapit niya pa lalo ang mukha niya sa mukha ko. *Click*. Amp! Pipikturan lang pala ako. "Akina na nga! Patingin. Ang gara nito." Naiinis kong sabi. Eh sino ba naman ang hindi maiinis dba? Pikturan ka ng hindi ka handa, Kanina nung tulog ako, Ngayon naman... Haayy. Pasaway talaga itong si Iska. "Iska patingin nga ako ng calling card ng STYD Store. Na-cucurious talaga ako hanggang ngayon sa store na yan eh." Ibinigay sa akin ni Iska ang calling card ng STYD. "Friday lang sila nagbubukas! Tapos 9-10pm pa?." Tumingin ako kay Iska at tumango lang ito na may nakakalokong ngiti. Whyyyyyy????? "Ang weird!!." Sabi ko. "Oo weird talaga Eula. Kaya naman maghihintay pa tayo ng tatlong araw bago ulit sila magbukas. Siguro naubusan sila ng stocks." Parang babalik ako dun? Hindi na ako babalik sa store na yun. Tinignan ko lang ang calling card noh. "Aaaaahhrraaayyy! Ano ba yan hindi man lang tumitingin sa dinaraanan." Nakakainis yung lalaki na yun. Ang luwag luwag ng daanan, Nabunggo pa ako. Badshot ah! Teka asan na naman si Iska? Nawala na naman siya. "Iskaaaa!!!." Sumiaw na ako sa loob ng Lrt Roosevelt at nagtinginan sa akin ang mga taong nakapila na sasakay sa lrt at ang mga taong naglalakad. Haaaaayy Kung kailan malapit na sa hagdanan pababa eh. Bigla na namang nawala. "Oi Eulaaaaaa!! Nandito na ako sa baba! Ang tagal mo!." Amp nasa baba na pala siya! Hindi na naman ako hinintay. Kaya tumakbo na ako pababa ng hagdan. "Oh dahan dahan baka makunan. Hahahaha!" Pang-aasar sa akin ni Iska. Parang buntis? Loka talaga yun. *Giggle*. "Asan na ang STYD Calling card? Akina." Para namang kukunin ko yun. Hindi ako interesado sa tindahan na yun. Tama na yung isang beses. Iniabot ko na kay Iska ang pinakamamahal niyang calling card. Luh! "Oh ayan na ang pinakamamahal mong calling card! Akala mo kukunin." Pagkaabot ko ay pinaghahalik halikan niya ito. Amp! Parang tanga lang. *Giggle*. "Oi hindi ako tanga ah. Hahahaha." Luh? Narinig niya? *Giggle*. "Saan ba tayo pupunta Iska? Bibili ka ba ng damit?." Tanong ko. "Hindi, Tatambay lang tayo. Makiki-Wifi lang. Hahahaha!." Ang lakas ng tama ng babaeng 'to. Akala ko ba naman may bibilhin kaya nagyaya gumala. Tatambay lang pala. "Ang lakas ng tama mo rin Iska. Mukhang hindi ka nagbreakfast ah?." Sarcastic kong tanong sa kanya. "Kumain na ako Eula. Pero dahil sa sinabi mo nagugutom na tuloy ako." Bigla itong humawak sa tiyan niya, Animo'y gutom na gutom talaga. Amp kung hindi ko lang siya kaibigan iniwanan ko na siya. "Ano ba gusto mong kainin?." Tanong ko. "Gusto ko ng shawarma! I'm craving.." Nakangisi niyang sagot. "Okay. Dito ka muna ah. Bibili lang ako ng shawarma mo." Nagpaalam na muna ako saglit kay Iska para bumili ng paborito niyang shawarma at paborito ko na rin. Dahil sa halos madalas niyang pagbili ay sinubukan kong tikman at nagustuhan ko. Kaya kapag gusto ko rin kumain ng shawarma ay bumibyahe pa talaga ako para makabili at makakain nito. Habang naglalakad ako ay sinita ako ng guwardya. "Miss, Sinong kausap mo sa table?." Tanong nito. Hello? Pati ba naman yun tinatanong? Ano naman ang paki niya dun. "Wala po ako lang." Mataray kong sagot at lumabas na muna ako para bumili ng shawarma sa gilid. Wala kasi sa loob ng walter mart eh. At nang makabili na ako ay bumalik na ako sa pwesto namin kanina. "Asan na naman si Iska? Ano ba naman yang babae na yan. Bigla na lang nawawala." Naibulong ko na lang sa sarili ko. Paupo na ako ng biglang may gumulat sa akin. "HOOOOOOOOOOOOO!." *Blaagg* "HAHAHAHAHA!!!" Amp! Nalaglag tuloy ang hawak kong shawarma buti na lang at nakaplastik. "Hoy Iska! Huwag mo ng uulitin yun ah. Ang sakit!!." Nakangiti lang siya sa akin, Ngising ngisi siya. Nakakaloko talaga. "Saan ka ba nanggaling? Bakit bigla ka na lang nawawala?." Nagtataka na talaga ako kaya itinanong ko na sa kanya. "Nag CR lang ako. Hindi ba pwede?." Nakabungisngis siya ng sumagot. Loka talaga 'to! "Hindi naman..--" "Hindi naman pala eh. Tara na kainin na natin yang paborito kong SHA-WAR-MA! Hahahahahaha!!." Ang saya saya ni Iska. Parang walang nangyari. Ganito talaga siya kapag nakakakain ng shawarma. Nakakalimutan ang problema. Speaking of problema. Itatanong ko na sa kanya kung ano ba nangyari kanina sa ilalim ng MRT bakit may nabunggo. Sigurado ako alam niya kasi nandoon siya. "Iska pwede magtanong?." "Ang seryoso ng mukha mo ah. Mukhang seryoso yan. Sige ano yun?." Pfff! Ano gusto niya nakangiti? Nakangisi? Tumatalon?. "Tungkol ito kanina, Sa may ilalim ng MRT, Yung sasakyang nabunggo sa poste. Nakita ko may nasagaan doon. Kilala mo ba siya? Kaya ka nag-iiya--." Hindi pa nga ako tapos sa sinasabi ko sumingit na agad siya. "Yun ba? Kasi kanina habang papasok ako ng school at sumakay ako ng MRT ay may katabi akong matandang babae. Tapos nung makarating na kami ng North Station ay ginising niya ako. Sabi niya nakatulog raw ako. Pero ang alam ko gising ako nun. Kaya nagtataka ako. Tapos nung hinanap ko ang cellphone ko nasa kanya pala. Pagkaabot niya sa akin ay lumabas na kami at sabay na rin kaming bumaba. Pagkatapos nun nagkapaalamanan na kami ni lola. Wala pang isang minuto ay may malakas na sumabog. May kotseng nabunggo at yun nga nasagasaan si lola. Kaya ako nag-iiyak kanina." Mahaba niyang sagot sa tanong ko. Pero hindi pa pala tapos yun. "Saka alam mo ba Eula kanina habang naliligo ako? Nagbubukas kusa ang radyo ko sa banyo. Dba alam mo naman hindi ako naliligo ng hindi nagraradyo. Kaya nagtataka ako. Ang weird talaga nun." Ang weird talaga. Teka nangyari lahat ng yun sa loob ng sandaling oras? Nakakapagtaka talaga. At pagkatapos nitong magsalaysay ay iniabot nito sa akin ang cellphone niya. "Sino 'to?." Tanong ko. "Ayan si lola yung matandang katabi ko sa mrt kanina. Nung natutulog ako nagselfie pala siya sa phone ko. Hindi ko nga alam paano niya nalaman ang phone locked code ko eh." Teka parang kilala ko yung nasa picture. Parang siya yung nabunggo kong matanda nung nakita ko siya. "Heto yung matandang babae na nabunggo ko sa bus Iska. Sigurado ako." Tumingin ng malalim na tingin sa akin si Iska. Takang-taka siya sa sinabi ko. Pero sigurado ako na siya yung matandang nabunggo ko. "Kung siya yung matandang nabunggo mo sa bus? Sino yung katabi ko sa Mrt at nabunggo ng kotse? Imposible namang kambal sila? Baka namalik-mata ka lang Eula." "Hindi Iska. Sigurado ako sa nakita ko. Siya yung matandang babae na nabunggo ko." "Huwag ka ngang ganyan Eula. Kinikilabutan ako sayo." Nakangiti pa siya ng sabihin iyon. Amp! "Kinikilabutan ka? Pero nakangiti ka?." Seryoso kong sabi sa kanya. "Eh paano ba naman. Sabihin mo ba naman na yung matandang nasagasaan ay yung matandang nabunggo mo sa bus. Gusto ko ngang tumawa pero hindi ko ginawa kaya ngumiti na lang ako. *Giggle*." Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya binatukan ko siya. "Loka ka talaga! Seryoso ako! Hindi ako nagbibiro." Nang bigla siyang sumigaw ng malakas. "Si Lolaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!." Paglingon ko sa bandang likuran. "O M G! Totoo ba ito?."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD