OUT OF COVERAGE AREA

1736 Words
-Ringing- "Hello Iska! Asan ka na friend? Late ka na, Nandito na si Prof. Mukhang may exam tayo. Hello Iska?.". "May nangyari kasi Eula." "Anong nangyari? Hello Iska! Hello??." [Eula! Ano ba yan, Sino ba yan? Nagkakaklase tayo!] "Sir pasensiya na po. May nangyari raw po kasi kay Iska. Lalabas na po muna ako para malaman kung anong nangyari sa kaibigan ko. Pasensiya na po Sir." [Okay you may go outside and talk to her.] "Hello, Iska andiyan ka pa ba? Anong nangyari sayo? Hello Iska!? Iska!!." - &^%#$ Please check the number and dial again.- -Call Ended- Eula's POV Monday na!! Excited na akong pumasok. Maaga akong nag-ayos at naligo para maunahan si Iska sa school. Kasi lagi na lang siya ang naghihintay sa akin sa labas ng gate. Ngayon ako naman ang maghihintay sa kanya. "Ma, Pa, Alis na po ako. *halik sa pisngi*." "Sige anak mag-iingat ka sa pagtawid ah." "Opo Papa." Pagkatapos ko magpaalam kay mama at papa ay lumabas na ako agad ng bahay. Nagmamadali ako para ako mauna kay Iska. Wala naman kaming usapan na paunahan at lalong walang usapan ng pustahan. Gusto ko lang makabawi. Ganun lang, Syempre kaibigan ko siya. Patawid na ako ng kalsada sa monumento circle ng muntik na akong mahagip ng sasakyan. Tinatamad kasi ako umakyat ng footbridge. "Hoy! Kung gusto mong magpakamatay, Mag bigti ka! Hindi yung mandadamay ka pa!" Ang yabang naman ng driver na yun. Mabunggo sana siya. *Booooogoooom!* Napahawak ako bigla sa dalawang pisngi ko at napatulala. Hindi maaari. "OMG, Anong sinabi ko. Anong nangyari. Bakit nabunggo ang sasakyang muntik ng makabunggo sa akin. Holy Crap!" Dahil sa nangyari ay nagpasya na lang akong magtaxi papasok ng school. "Taxii.. Taxiii..." Walang humihintong taxi sa harap ko kahit anong kaway ko. Wala naman silang mga sakay. Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung anong oras, Alas sais-imedya na. Oh My! Baka nauna na si Iska sa akin. Maghihintay na naman siya. Walong taxi na ang pinara ko pero ni isa walang huminto. Napakamot na lang ako sa ulo. "Ano ba naman 'to! Ang malas naman ng monday!". Naiinis na ako, Bakit ganito ang nangyayari. Dati rati isang para ko lang ng taxi may humihinto agad. Ngayon lang nangyari ito sa akin. Kaya nagpasya na akong maglakad sa footbridge. Habang naglalakad ako sa footbridge ay may lalaking hinahabol at sa likod nito ay may pulis. "Tumabi kayo! Tumabi kayo! Sasaksakin ko kayo kapag hindi kayo tumabi!" Sigaw ng snatcher na lalaki. Sa takot ko ay tumabi ako sa gilid at pinuwesto ang paa ko para matalisod ang magnanakaw. "Araaayy!." Biglang napatingin sa akin ang magnanakaw at may sinabi ito pero hindi ko naintindihan. Buti na lang at hindi ako nito sinaktan. At tumakbo na lang ito palayo sa pulis na humahabol sa kanya. "Miss okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?," Tanong sa akin ng mamang pulis. "Opo, Ayos lang po ako. Doon po tumakbo yung magnanakaw." Tinuro ko kung saan tumakbo at magnanakaw at tumakbo na rin ang pulis papunta sa direksyong tinuro ko. Habang naglalakad ako sa footbridge at pababa na ako ng hagdan. "Miss, May dugo ka sa binti." Nagulat ako sa sinabi ng babaeng nagsalita. Pagtingin ko sa binti ko. "Sh*t! Saan galing ito?." Naisip ko na baka nahagip ako ng kutsilyo ng magnanakaw ng matalisod ko ito. Ang malas naman! "Salamat." Sabi ko sa babae. Buti na lang at may malapit na botika pagkababa ko ng footbridge at bumili ako ng band-aid para matakpan ang sugat ko. Grabeng kamalasan naman ngayong umaga. Tumingin ulit ako sa phone ko. Wala kasi akong suot na relo. "Naku, Malalate na ako! Baka mamaya kanina pa naghihintay si Iska sa gate o di kaya nauna ng pumasok sa room. Kailangan ko ng magmadali." Tumatakbo na ako papunta ulit sa isa pang footbridge para makatawid sa araneta square at doon ay sasakay na ako ng jeep na dadaan sa school namin. Pero hindi pa ako nakakarating ng footbridge ng biglang may humintong taxi sa harap ko. "Nagmamadali ka ba miss?." Nakakalokong tanong ng driver. Pero oo nagmamadali talaga ako kaya sumakay na ako sa taxing huminto sa harap ko. At sinabi ko na rin kung saan ako bababa. Dalawampung minuto ay nakarating na ako ng school. Pero wala si Iska sa gate, Siguro nga ay pumasok na ito at nauna sa school. Kaya pumasok na rin ako. Habang naglalakad ako papasok ng school ay tinawag ako ng isa kong kaklase. "Eula, Dumudugo ang binti mo." Sabi sa akin ng kaklase kong kikay. "Ou nasagi kasi ako kanina habang naglalakad. Sige salamat." Nagpaalam na rin ako agad at dumiretso na sa room. Siguro wala pa ang prof namin kaya nasa labas pa ang iba kong kaklase. Pagkarating ko ng room ay wala pa si Iska. Ano kayang nangyari sa kanya. Mga ganitong oras nandito na siya, Himala atang nalate siya. Sampung minuto ang nakalipas at dumating na ang Prof namin pero wala pa rin Iska. Nasaan na kaya siya. Anong oras na wala pa siya. Biglang tumunog ang cellphone ko. -Ang Tsismosang Kapit-bahay. Tenenen!- -Call Accepted- "Hello Iska! Asan ka na friend? Late ka na, Nandito na si Prof. Mukhang may exam tayo. Hello Iska?.". "May nangyari kasi Eula." "Anong nangyari? Hello Iska! Hello??." [Eula! Ano ba yan, Sino ba yan? Nagkakaklase tayo!] "Sir pasensiya na po. May nangyari raw po kasi kay Iska. Lalabas na po muna ako para malaman kung anong nangyari sa kaibigan ko. Pasensiya na po Sir." [Okay you may go outside and talk to her.] "Hello, Iska andiyan ka pa ba? Anong nangyari sayo? Hello Iska!? Iska!!." - &^%#$ Please check the number and dial again.- -Call Ended- Sa sobrang lakas ng boses ko ay napukaw ko ang atensyon ng Prof namin at pinalabas ako ni Sir para sa labas kausapin sa cellphone si Iska. Nangangamba ako kung ano na nangyari sa kaibigan ko kaya sinubukan ko siyang tawagan. -Dialing Iska's Number- - &^%#$ Please check the number and dial again.- Out of coverage area ang number ni Iska. Ano ba nangyari sa kanya. Nag-aalala na ako. Hindi na ako mapakali sa labas ng room. Paikot-ikot. Sinusubukan kong i-redial pero wala talaga, Out of coverage area talaga. Kagat-kagat ko na ang cellphone ko, Paikot-ikot. Hindi ako mapakali. Hanggang sa tawagin na ako ng Prof namin. "Miss Eula!. Hindi ka pa ba tapos diyan? May surprise exam tayo." Sigaw ng prof namin. Hindi ako sumasagot, Tumakas ako sa subject ni Sir. At lumabas ako ng school para puntahan si Iska. Hindi ko kaya ang maupo lang sa loob ng room, Nag-eexam habang ang kaibigan ko ay nasa kapahamakan. "Aahh, Aarraayy." Nararamdaman ko na ang kirot ng sugat sa binti ko. Pero hindi ko pinapansin ang mahalaga sa akin ay mapuntahan si Iska at malaman kong anong nanyari ang sinasabi niya. Tumakbo ako sa sakayan ng bus sa walter malt. At sumakay na ako ng pa cubao at bababa na lang ako sa Mrt para mabilis na makarating sa taft station. Nakasakay na ako ng bus bandang alas-otso bente ng umaga at habang nakasakay ako ay hindi ako mapakali, Sinusubukan kong i-dial ang number ni Iska pero wala talaga. Hindi ko pa rin siya makontak. "Iska ano ba nangyari. Bakit hindi kita makontak." Bulong ko sa sarili ko. -Oh sa mga SM diyan. SM na po tayo.- "Miss, Hindi ba dito ka na bababa?" Tanong sa akin ng lalaking katabi ko. "Ay, Hindi po sa mrt pa po ako." Sagot ko. "Ah sige. Ingat ka." Tumayo na ang lalaki at bumaba na sa footbridge papuntang SM. Hindi talaga ako mapakali, Sige ako kagat ng kuko ng mga daliri ko. Hindi talaga ako mapakali, Nasaan kaya si Iska ano kayang nangyari sa kanya. Umandar na ang bus at malapit na rin akong bumaba, Bago pa makarating ang bus sa North Station ay may nakita akong sasakyang nabunggo. "Crap! May aksidente rin na nangyari dito?" Nasabi ko sa sarili ko habang hawak-hawak ko ang bibig ko. Nakakaloko, Coincidence Happens?. Pero teka parang kilala ko yung babaeng nakaitim at yung design niya. Iisa lang ang kilala kong may ganung damit. "Pasok na sa FITTING ROOM" si Iska yun. Sigurado ako. "Para po! Para po!" Nataranta kong pagpara sa konduktor. "Sorry po, Pasensiya na po." Sabi ko sa matandang nabunggo ko. At nang makababa na ako ng bus ay umakyat na ako sa footbridge ulit para makatawid sa kabila. Kahit na kumikirot ang sugat ko sa binti ay nagagawa ko pa rin tumakbo. Kaya pala hindi ko makontak si Iska dahil may nangyari. Pero hindi naman siya ang naaksidente pero bakit hindi pa siya pumasok. "Iskaaaaaaaa!! Iskaaaaaa!!" Sigaw ko pero hindi siya lumilingon sa akin, Para siyang tulala. Ano kayang nangyari sa kanya. Paglapit ko ay umiiyak ito. "Iska, Ano nangyari? Si Eula 'to." Mahinahon kong tanong sa kanya. Tumingin siya sa akin na para bang may kasalanan siya. "Uy, Iska! Okay ka lang ba? Ano ba nangyari? Bakit tulala ka diyan at umiiyak?." Hindi pa rin siya umiimik sa mga sinasabi ko. Kaya naman niyugyog ko siya. "Iskaaaa!! Iskaaaaa!! Magsalita ka!! Ano ba nangyari sayo!!." Sa pagyugyog kong iyon ay natauhan din siya. "Eula? Bakit ka nandito?," Huh? Bakit ako nandito? Hello!? Nag-aalala kaya ako kanya. "Iska! Ano ka ba! Kanina pa ako nandito. Nag-aalala na ako sayo. Hindi ko alam kung anong nangyari sayo. Nagmamadali pa naman akong pumasok dahil baka hintayin mo na naman ako sa gate. At nang makarating ako wala ka, Kaya ang akala ko ay nasa room ka na. Kaya nagmadali akong umakyat pero wala ka. Tapos ng dumating si Prof bigla kang tumawag. Ano ba nangyari sayo?!." Mahabang salaysay ko kay Iska. Pero yung mukha niya parang gulat na gulat ito sa sinabi ko. "Huh? Ako tumawag? Kailan?" Niloloko niya ba ako? Tumawag kaya siya. Luh?. "Oo Iska tumawag ka sa akin." Kinuha ko ang phone ko at ipinakita ko sa kanya ang call history. Pero walang tawag galing kay Iska. "OMG, Iska bakit wala? Tumawag ka nga sa akin eh. Tapos tinatawagan kita hindi kita makontak. Out of Coverage Area ang phone mo." At pinakita nito sa akin ang cellphone niya. Hindi naman lowbat. "SH*T!" Ba't ganito? Ang weiiirrrddd!! "ARRRRRGGGHHHHH!!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapasigaw. "Eula, Relax. Ano ba nangyayari sayo? Umiiyak ako kasi yung lola na nasagaan ay ang lola na katabi ko kanina sa MRT kaya ako napatulala at napaiyak. Dahil unexpected ang nangyari. Tumingin ako kay Iska, Nanginginig ang mga mata ko, Panay tulo na ang mga luha ko, Hindi ko alam bakit ganito ang nangyayari, Gusto kong malaman, Kailangan ko ng paliwanag. "Waaaaaaaaaaaa!!!!". "Iska look, Hindi ako nagsisinungaling. Tumawag ka talaga sa akin mga twenty-minutes ago. Sigurado ako kasi boses mo ang narinig ko. Pinagtataka ko lang wala sa call history ang tawag mo. Tumakas ako sa school para puntahan ka sa bahay niyo dahil nag-aalala ako sayo, Baka may nangyari ng hindi maganda sayo. At nang makita ko ang damit mo--" Napatingin ako sa damit niya. "SH*TTTTTTTTTTTT!!!!! Iskaaaaaaa!! Hubarin mo yang damit mo!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD