COINCIDENCE HAPPENS

2891 Words
Eula's POV Naghiwalay na kami ni Iska pagkalabas namin ng mall. Dahil sa pasay uuwi si Iska at ako naman ay sa monumento lang. Iba ang way niya pauwi at iba rin ang sa akin. Kaya hindi kami pwede magsabay. "Ingat ka Eula," pagpapaalam sa akin ni iska. Pero kaway lang ang isinagot ko sa kanya. Tulala pa rin kasi ako hanggang ngayon. Hindi ko makalimutan ang matang nakasilip sa loob ng Fitting Room. Sigurado ako na may tao sa salamin at may naninilip sa likod nito. Pero hindi ko nagawang hawakan para nakasigurado. Ibang klase talaga ang STYD Store, yung ambiance niya at mga tinda nila ay talagang kakaiba. Yun siguro ang nagustuhan ng mga parokyano nila. Pero ang hindi nila alam may kakaiba sa Fitting Room. "Hi Miss, sasakay po ba kayo?" tanong sa akin ng taxi driver. "Hindi po." "Bakit po kayo nakatayo sa taxi bay? Kung hindi po kayo sasakay," medyo mayabang na sabi ng driver pero tama nga naman siya bakit ako nakatayo sa pilahan ng mga taong sasakay ng taxi. "Pasensiya na po kayo manong." Humingi ako ng pasensiya sa taxi driver at agad din akong naglakad papunta sa sakayan ng jeep sa terminal ng mall. Alas onse-bente na pero ang haba pa rin ng pila. Kaya nagtanong ako sa babaeng nasa harapan ko kung bakit ang haba ng pila pa-monumento. "Ahm, excuse me po." Sabay kalabit sa babae. "Kanina pa po ba mahaba ang pila?" tanong ko. "Oo kalahating oras na nga kami ng kaibigan ko dito," sagot ng babae sa harap ko. Ay ganun katagal? Grabe naman kalahating oras na silang nakapila? Hindi na naman rush hour huh? Pero inferness sa mga suot nila para silang mga cosplayer sa suot nila. Siguro galing photoshoot. "Ah sige. Salamat po." Nakangiting sabi ko sa babaeng pinagtanungan ko. Dahil sa naiinip na ako at mabagal ang usad ng pila ay umalis na lang ako at naghanap ng ibang masasakyan pauwi dahil gabi na rin at late na, baka mapagalitan pa ako ng parents ko. Kaya nagtaxi na lang ako pauwi. Pumara ako ng taxi "Saan po kayo ma'am?" tanong ng taxi driver. Sumakay na agad ako ng taxi kahit hindi pa ako nakakasagot sa tanong ng driver. At pagkaupo ko sinabi ko na kung saan ako patungo. "Sa monumento lang po ako manong." Agad na pinaandar ng driver ang kanyang taxi. At hindi naman kalayuan ang sm north sa monumento dahil dalawang lrt stations lang naman ang lalagpasan nito at monumento na. "Manong dito na po ako," pagpapara ko sa driver. "Heto po ang resibo ma'am," iniabot sa akin ng taxi driver ang resibo ng metro sa kanyang taxi at nagbayad na ako. "Salamat po manong, sa inyo na po ang sukli." Nakangiting sabi ko sa driver. Dahil ligtas naman akong nakauwi at hindi niya pinaikot-ikot ang taxi kaya binigyan ko siya ng tip. Nakakatatlong hakbang pa lang ako ay agad akong sinalubong ni mama. Nakasimangot ito at mukhang irita. Syempre anong oras na nga naman ako nakauwi. Sigurado nag-aalala na sila sa akin. Lalo pa at college students ako. "San ka ba galing anak? Bakit ka ginabi ng uwi? Dba alas-siyete ang tapos ng klase niyo? Anong oras na ah. Baka gumimik ka pa?" ang daming bulyaw ni mama. Dahil sa honest akong anak ay sinabi ko kay mama kung saan talaga ako nagpunta at kung ano ang ginawa ko. "Nagpunta lang po kami ni Iska sa mall. May bagong bukas po kasi na store sa 3rd floor eh." Sagot ko sa maraming tanong ni mama. "Oh siya sige, umuwi na tayo. Kanina pa nag-aalala ang papa mo sayo." Tumango na lang ako sa sinabi ni mama at naglakad na kami pauwi ng bahay. Konting lakad lang muna sa monumento circle ay bahay na namin kaya sa kanto na lang ako bumaba. Nakarating na kami ng bahay ni mama at agad na bumungad sa akin ang nakakatakot na mukha ni papa. Parang kakain ng tao, hehehe. Pero mabait si papa never pa niya ako napagbuhatan ng kamay dahil alam naman niya na hindi ako gagawa ng hindi nila magugustuhan. Mahal na mahal kaya nila ako hehehe. "Mano po papa." "Saan ka galing?" tanong ni papa. Ang taray ng awra ng mukha ni papa. Gusto kong tumawa pero ayoko baka magalit siya. "Nagpunta lang po kami ni Iska sa mall papa." Oo kilala nila mama at papa si Iska. Dahil madalas nagpupunta si Iska sa bahay kapag wala itong magawa sa kanila. Kahit magkalayo kami ng bahay ay walang problema sa kanya ang biyahe at pasahe. Basta makapunta lang siya dito sa amin. Hindi na sumagot si papa sa sagot ko at sumenyas na lang ito na umalis na ako sa harap niya at umakyat na ako sa taas ng bahay namin at pumasok na sa kwarto ko. Pagkapasok ko ng kwarto ay agad akong nagcharge ng phone ko. Alam ko nasa 50% pa ang battery nito pero ng tignan ko ay lowbat na lowbat na. "Sinurrender ko lang ito kanina sa guwardya ah. Bakit battery empty? Nakakapagtaka naman," sabi ko sa sarili ko habang nagkakamot ng ulo. Kaya kinuha ko ang charger at chinarge ang cellphone ko. Nang maisaksak ko na ang charger sa phone ko, agad kong binuksan ang dekstop computer ko sa kwarto. Hindi kasi ako makatulog kapag hindi ako nakakapaglaro ng Minesweeper. Yun yung laro na may mga numero at kapag nagkamali ka ng pindot at bomba ang nabuksan mo. Game Over ka na, ganun lang kadali laruin yun. Kaya dapat sundin mo ang pattern sa larong iyon. Nakakasampung laro na ako pero laging game over. "Ano ba naman yan." Naiiritang sabi ko sa aking sarili. Dahil sa inis ko ay inopen ko na lang i********: ko sa website. Kasi lowbat pa ang phone ko kaya hindi ako makapag-IG. Mag check lang naman ako ng mga pictures na pinost ng mga friends and classmates ko. At agad tumambad sa akin ang post ni Iska na suot ang damit na binili niya sa STYD Store. "Ang bilis niya talaga mag-post. Active na active." Nasabi ko sa sarili ko habang nakapalumbaba. At habang nagsscroll down ako ay may napansin ako sa damit na binili ni Iska. Zinoom-In ko siya. "O-M-G bakit may mata? Alam ko walang mata ang nabili niyang damit. Ang weird." Hindi na ako nag-aksaya ng oras at kinuha ko agad ang phone ko kahit hindi pa ito fullcharge para tawagan si Iska. Tinalikuran ko muna saglit ang dekstop computer dahil maiksi ang kurdon ng wire ng charge at para makausap si Iska. Nang maidial ko na ang cellphone number ni Iska ay agad din niyang sinagot ang tawag ko. "Hello Iska? Kamusta?" bungad na salita ko sa kanya sa cellphone. "Heto masaya, i'm so happy with my new shirt. Nakita mo na ba ang post ko sa IG? Wearing shirt of STYD?" masayang sagot nito sa akin. "Yes i saw it. Ang ganda nga eh. Pero may napansin lang ako. May mata ba talaga na kasama sa damit na napili mo?" "Huh? Wala naman." Nagtataka ako bakit wala siyang napansin pero bakit sa homepage ng IG ko meron. "Kasi---" Umikot ako para tignan ang desktop computer ko. Sh*t! Napamura ako sa sarili ko, totoo ba ito? O pagod lang ako? Wala ngang mata ang sa picture niya. Pero sigurado ako meron akong nakitang mata. Sa sobrang gulat ko at pagtataka ay na hang ko pala ang phone. "Hello Eula? Nandiyan ka pa ba? Hello?" naririnig ko siya pero hindi ako makapaniwala paano nangyari yun? Kinusot ko ang mata ko at binaling ko ulit ang tingin ko sa computer. Wala nga talagang mata. "Yes Iska, sige salamat. See you soon." At pinatay ko na ang tawag ko sa kanya. Nakakapagtaka talaga. "Wee! Kinikilabutan ako!" sabi ko sa sarili ko sabay haplos sa mga braso ko. Pagkatapos namin mag-usap ni Iska ay pinatay ko na ang desktop computer at hinayaan ko'ng nakacharge ang cellphone ko. [A/N] It's Monday. -Psst Psst, Alas-siyete na. Psst Psst, Alas-siyete na.- Iska's POV Ganda ng tunog ng alarm ko noh? *Giggle* Inaantok pa ako ng pumasok ako ng banyo para maligo. Araw ng lunes talaga ang nakakatamad sa lahat ng araw, pero sabi nila swerte raw ang lunes dahil kapag maganda ang nangyari sayo sa araw ng lunes ay buong linggong maganda ang mangyayari sayo. Hanggang ngayon maraming naniniwala sa kasabihang iyon. Isa na ako dun. Hehehe. Habang naliligo ako ay nagtune-in ako ng radyo. Pero garalgal ang music. "Bakit kaya?" tanong ko sa sarili ko. Eh malakas naman ang signal namin dito sa bahay, saka kahit kulob dito sa banyo ay nakakapagradyo ako. Ngayon lang nangyari ito, ang weird. Kaya pinatay ko na lang at nagpatuloy na ako maligo. Pagkabukas ko ng shower ay biglang bumukas ang radyo. "Sh*t!" napamura ako ng biglang nagkaroon ng music galing sa radyo! "Alam ko pinatay ko na yun eh." Sabi ko sa sarili ko. Pinatay ko ulit ang radyo at nagpatuloy na ako sa paliligo. At habang nagsasabon ako ng katawan ay bigla na namang nag-On ang radio. "Ano ba naman yan!!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw na ako. Nang biglang kumalabog ang pintuan ng banyo ko. -Tok! Tok! Tok!- Sa sobrang gulat na may kasamang takot ko ay nagsisigaw ako. "Waaaaaaaaa!! Waaaaaaaaaa!!". "Honey, Honey. It's me." "Mama?" Oh thank god, akala ko kung sino at ano na. Si mommy lang pala. "Anong nangyayari sayo diyan honey?" "Wala po mommy. Naliligo lang po ako at nagpapatugtog ng music. Nalaglag kasi yung sabon, Kaya napasigaw ako. Hehehe." Pagbibiro ko kay mommy. Pero ang weird talaga. Hindi kaya sira na ang radyo ko. Sabagay old model na kasi. Baka sira na nga. Papatingin ko na lang mamaya kay daddy. "Oh sige sweetie, nakahanda na rin pala ang breakfast mo ah. Kapag tapos ka na diyan at nakapagbihis na, punta ka na agad sa kusina ah.. Para makasabay ka namin magbreakfast. Good Morning sweetie, I love you." ang sweet talaga ni mommy, proud na proud ako sa mommy ko kahit madalas nagkakaLQ sila ni daddy. Hehehe. "Sige po mommy, I love you too." Hay sa wakas tapos na rin ako maligo. Syempre alam niyo na ang hilig ko, "ANG MAG SELFIE!," sigaw ko sa loob ng kwarto ko. Pagkalabas ko ng banyo ay nagbathrobe muna ako at hindi muna nagbihis. Kinuha ko ang cellphone ko sa side table at nagsimula na ako magpipipindot sa camera para makapagselfie, "Ay chaka, isa pa nga." Dismaya ko sa unang shot. Kaya nagpose ulit ako. "Ayun, Ganda ko talaga. Hahahaha." Natatawa ako sa sarili ko habang nagseselfie, kasi sa sampung selfie ko isa lang ang magandang kuha at siyam ang deleted. Nang bigla kong maalala na suotin ang bago damit ko na may "Pasok na sa FITTING ROOM" woah! "Astig talaga yung damit na yun!" sabi ko sa sarili ko. "Yun na lang ang susuotin ko pamasok at sa school na ako mag-uniform." Dagdag kong sabi sa aking sarili. Pero hindi ako makontento kaya ng maisuot ko na ang bagong damit ko ay nag selfie ulit ako. "Selfie selfie ulit." Sabi ko sa sarili ko habang suot ang bago kong paboritong t-shirt ng STYD tapos naka scary face ako na parang takot na takot. Napa "WOW" ako ng tignan ko ang picture. Mukhang realistic talaga ang t-shirt. Pero nagtaka ako parang may something sa picture. Kaya zinoom-in ko siya. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. At tinignan ko ang t-shirt ko wala naman. Tingin ulit sa cellphone. "SHOCKS!" hindi ko alam kung anong nangyayari. Sa unang tingin, akala ko may mata. Pero ng tinignan ko ulit wala naman. Naalala ko yung sinabi ni Eula na may nakita siyang mata sa picture ko sa IG tapos sinabi nito na wala naman din. "Kaloka ah." Bulong ko. Hindi ko na inintindi pa ang nakita ko basta ako happy sa bagong damit ko. Kaya ipopost ko na ito sa f*******:. Wala kasing wifi kaya hindi ako makakapag-IG walang load ang broadband namin. Salamat sa free data ng globe sabay hagikgik. Kaya binuksan ko na ang f*******: application para maiupload ang selfie ko with my new t-shirt. "Today is Monday, So weird and so scary. ‪#‎FittingRoom‬ ‪#‎STYD‬ - Feeling Scared." Yan ang status ko sa f*******: ko at inattach ko ang picture na selfie ko. Pagka-upload ko ng picture ay agad kong nilagay ang phone ko sa bag at dali-dali akong bumaba papunta sa kusina para makapagbreakfast. Buti na lang at hindi pa tapos sila mommy at daddy kumain. Kaya may kasabay pa ako kumain. Ilang subo lang ang kinain ko at tumayo na ako agad. Dahil sigurado ay mahaba na ang pila sa MRT. Humalik ako sa pisngi ni mommy at daddy "Mommy.. Daddy.. I have to go na po baka mamaya mahaba ang pila sa mrt. Love you both." Pagmamadali ko dahil hinahabol ko ang rush hour sa MRT Taft Station. Habang tumatakbo ako papunta sa sakayan ng jeep pa MRT ay sunod-sunod ang message sa akin f*******: messenger, hindi ko pala na off ang free data kaya kinuha ko ang phone ko at agad na pinatay ang mobile data. At sa MRT ko na lang ako ulit bubukasan ang f*******:. Siguro nagtrending na naman ang selfie ko. "Lagi naman at sanay na ako." Bulong ko sa aking sarili. Medyo makapal lang ang face ko sa pagkakasabi kong 'yon. Nakasakay na ako ng jeep papuntang MRT Taft. Sa bandang harap na ako sumakay katabi ng driver. "Manong bayad po." Inabot ko na bayad ko. Pero hindi kinukuha ng driver ang bayad ko kaya inulit ko. " Manong bayad ko po, taft lang po." Sa pag-ulit kong iyon ay lumingon na sa akin ang driver. Grabe nakakatakot yung tingin niya. Mukhang adik yung driver ang lalim ng mata at ang itim ng paligid nito. "MRT Taft na tayo." Sigaw ng driver, saka hello? Nasa tabi niya lang kaya ako tapos sumisigaw pa siya. Oo nga pala may iba pa palang nakasakay sa jeep hindi lang ako, hehehe. Pagkababa ko ng jeep ay biglang may sumitsit sa akin. Unang pumasok sa isip ko ay ang alarm tone ko. Pero nasa bahay naman yung alarm clock hindi ko dala. Napatingin ako sa driver ng jeep. Pagtingin ko bigla itong kumaway at kumidat. "P*tcha. Nakakadiri ka manong!" Sigaw ko sa kanya. Hay panira ng araw. Buti na lang at hindi pa mahaba ang pila sa MRT at agad akong nakabili ng ticket, Express Card na ang inavail ko para hindi na ako pipila sa mga susunod na araw. Habang naghihintay ng tren ay nakakatihan kong kunin ang phone ko at buksan ang f*******:. Tumambad sa akin ang napakaraming messages from my followers. Lahat sila ay halos iisa ang sinabi. "I like your shirt. Where did you brought that?." "Uy Iska, Trending ka na naman. Ang danda ng damit mo." "So scary nga Iska and so unique your shirt. Gusto ko rin niyan." Iilan lang yan sa mga natanggap kong messages sa f*******: pero pumukaw ng atensyon ko ay ang message ni Robi Marquez. Hindi ko siya friend sa f*******: pero dahil sa nakapublic post ako, Nakikita ng mga naka follow sa akin ang mga post ko. -Robi Marquez Message- Ang ganda ng design ng damit mo, Parang totoo at may mata. Saang branch ng STYD mo nabili yan? Saka magkano?. Looking forward for your reply. Keep Safe. Napabuntong-hininga ako ng mga sandaling iyon. Yung ngiti ko ay napalitan ng pagtataka. At saka nilocked ko na ulit ang cellphone ko. "Paanong may mata? Baka namalikmata lang siya gaya sa akin." Sabi ko sa sarili ko habang hawak ang phone ko at nasa dibdib ko. Kinabahan ako dun. "Iha, okay ka lang ba?" tanong sa akin ng isang matandang babae na katabi ko sa MRT. "Opo lola, okay lang po ako." Pero ang totoo hindi. Kinakabahan ako. Kanina pa ako na wiwirduhan sa mga nangyayari. "Sigurado ka? Kasi aircon naman dito sa MRT at pawis na pawis ka." Huh? Ako pawis na pawis? Paano nangyari yun? Nang hawakan ko ang mukha ko. Oh My. Pawis na pawis nga ako. Kaya kinuha ko agad ang panyo sa bulsa ko. "Oo nga po lola, hehehe. Tumakbo po kasi ako eh. Kaya pawis na pawis po ako." Pagmamaang-maangan kong sagot sa matanda. "Ate, yung damit mo nakakatakot may mata." Nagulat naman ako sa sinabi sa akin ng batang lalaki na nasa harapan ko. Syempre ako tumingin naman sa damit ko. Sabay tawa ng bata. "Hahahaha, si ate kinabahan. Hahahaha." Loko-lokong bata yun ah. Kaya natawa na rin ako at sinabayan siyang tumawa. Pero sa loob ko, coincidence ba ang lahat ng nangyayari sa akin ngayon? Naku kailangan malaman ito ng mga friends ko sa f*******:. Kaya nagpost ako ng status. Kinuha ko ang phone ko sa bag at binuksan ang f*******: application. "I'm on my way to school. Woah so hot in here. Aircon please!!" Sabay click ng post. -North Avenue Station. North Avenue Station- Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. "Iha, Iha, Gising na. Nandito na tayo sa dulo ng MRT Station." "Po?" Pagtingin ko sa kamay ko, wala ang cellphone ko. "Heto ang cellphone mo. Nalaglag kasi kanina, nakatulog ka kaya kinuha ko muna at hindi ka ginising dahil mukhang pagod ka." Huh? Nakatulog ako? Eh kakapost ko pa lang ng status ah. Ano ba nangyayari sa akin. Buti na lang at si lola ang nakakuha ng cellphone ko. "Salamat po lola." Sabay na kaming lumabas ng matanda mula sa MRT at inalalayan ko siya pababa ng hagdan. "Iha, dito na ako. Maraming Salamat. Mag-iingat ka sa pagpasok at wag kang matutulog sa biyahe." Yumuko ako at nagpasalamat sa matanda. "Kayo rin po lola, ingat din po kayo." Pagpapaalam ko na may kasamang kaway. Naglalakad na ako papunta sa terminal ng bus dahil isang sakay pa bago ako makarating sa school. Nang biglang may sasakyang bumangga sa poste at maraming tao ang nagkumpulan dahil may nasagasaan daw. Nakiusyoso ako pagtingin ko ang matandang babae na katabi ko sa MRT ang nasagaan. Kaya napasigaw ako. "LOLA!!!" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD