Iska's POV
Pauwi na kami ng kaibigan kong si Eula galing sa eskwela ng marining ko sa mga lalaking naglalakad ang STYD o Shop till you drop na store ng mga damit sa mga SM. "Eula narinig mo ba yun? May branch na raw ang STYD sa SM North?" pabulong kong itinanong sa kanya.
"Oo narinig ko ang pinag-uusapan nila Iska, sabi nga nila kakaiba raw talaga ang store na yun. Isang oras lang nagbubukas at sa labas pa lang daw ay kikilabutan ka na."
"Wow exciting yung ganun. Tara punta tayo ngayon sa SM North. Tutal maaga pa naman."
Naglakad na kami ni Eula papunta sa sakayan ng jeep pa sm north. At agad din kaming nakasakay ng jeep. Habang nasa jeep kami ay may mga nagkukwentuhan din tungkol sa STYD at sa tingin ko pupunta rin sila sa store na yun.
"Bessy anong oras na ba?" tanong nung babae na nasa harap ko.
"Quater to eight na bessy," sagot ng kasama niyang babae.
Nagtaka ako bakit tinatanong ng isang babae kung anong oras na. May time limit pala ang STYD? Doon ko nalaman na alas-nuwebe pala ng gabi nagbubukas ang store na yun at nagsasara ng alas-diyes ng gabi. Tama nga si Eula, isang oras lang nagbubukas ang store ng STYD. Excited na ako makita ang store ng STYD at malaman kung totoo ngang kakaiba ang store na yun. Sabagay yung oras pa lang ng pagbubukas ay nakakapagtaka na mga damit pa kaya na tinitinda nila.
Kalahating oras din ang tinagal ng biyahe namin dahil sa trapik dapat pala naglakad na lang kami tutal sa munyos lang naman kami galing. Ilang kembot lang sm north na.
"Eula nandito na tayo. Anong floor ba ulit yung store ng STYD?" sa sobrang excited ko ay tinanong ko na agad kay Eula kung anong floor ang store kahit hindi pa kami nakakapasok ng mall. "Sa 3rd floor, Iska." Sagot ni Eula sa aking tanong kaya hinila ko na agad siya papasok ng mall para makita ko na agad ang kakaibang store ng STYD.
"Teka Iska, Huwag ka naman masyadong nagmamadali."
Nagreklamo na ang kaibigan kong si Eula. "Ano ka ba Eula. Minsan lang 'to alam mo namang busy tayo palagi sa school dba?, wala namang pasok bukas kaya wag ka ng magreklamo. Hehehe." Sabi ko sa kanya.
"Mag-elevator ba tayo o mag-escalator?" tanong niya sa akin.
"Mag hagdan tayo para mabilis," pagbibiro ko sa kaibigan ko.
Nag-escalator na lang kami ni eula hanggang makarating kami ng 3rd floor ng mall. At tumambad sa amin ang napakahabang pila ng mga tao. Grabe ganito ba sila ka excite sa STYD Store? Ano ba merong dun? Bakit ang daming tao.
"Iska ayan nandito na tayo, masaya ka na ba?" hinihingal si Eula ng mga sandaling iyon, Ikaw ba naman hilain habang tumatakbo hindi ka hingalin.
"Oo Eula masaya na ako. Teka selfie muna tayo," kinuha ko ang cellphone ko sa mamamahalin kong bag na binili ko pa sa divisoria. Para makapagselfie at maipost sa mga social networking sites.
"Eula tingin ka naman sa camera, say "Waaaaaaa"."
"Waaaaaaa," Ayan ang ganda ng kuha natin. Kuhang-kuha din ang mga taong nakapila. Teka i-upload ko na agad ito sa i********:. Excited ako eh, kaya inopen ko na agad ang i********: application para maiupload na ang selfie selfie namin ni Eula.
"Sa wakas nakarating na rin kami dito sa mall. Grabe ang haba ng pila.
#STYDStore #Haggardness #SelfieQueen #SMNorth #Clothes #NoFilter" heto ang caption ko sa picture na inupload ko sa i********: with a lot of hashtags. At kinonek ko rin sa f*******: at twitter ang post ko sa i********:.
"Ang dami namang hashtag niyan iska," grabe nagtaka pa siya sa akin? Eh kulang na nga lang puro hashtag ilagay ko sa bawat post ko. "Ganyan talaga Eula para updated ang mga followers ko. Mahihilig kasi sila sa mga ganito, they like mystery. Woooo. Hahahaha!" sagot ko sa kanya at saka ko na pinindot ang share button sa ig application, at success uploading ang lumabas. Ibig sabihin ay na share ko na ang selfie namin at naipost na.
Ang tagal naman gumalaw ng pila. Nakakainip na ako, gusto ko ng mamili ng damit kahit isa lang para may maipost ulit ako. "Eula anong oras na ba?" tanong ko sa kanya kasi halos hindi kami nagalaw sa pila. Eh isang oras lang bukas ang STYD. "Nine-thirty na iska. Kalahating oras na lang." Ano ba naman yan, sana mag-extend sila tutal alas-onse pa naman magsasarado ang mall.
"Attention Shopper's of STYD, extended po ng kalahating oras ang aming store, pasensiya na po kayo kung hindi lahat ay maaaccommodate ng STYD. Maari po lamang ay magpalista muna kayo dito sa aming guard para kayo ay makapasok. Welcome sa Shop till you drop. Enjoy our mystery store." Sabay tingin sa akin ng babaeng nagsalita. Ang weird ang daming taong nakapila sa akin pa siya nakatingin. "Tomboy ba siya?" bulong ko sa aking sarili saka ako ngumisi. Buti na lang at nag-extend sila dahil laging dismaya ko kapag nagkataon. Pero teka may lista-lista pa pala. Ang arte naman ng store na'to.
"Iska, ikaw na magpalista dito na lang ako sa pila para hindi tayo masingitan." Pumayag ako sa sinabi ni Eula, dahil kapag dalawa kami nagpalista ay baka masingitan kami at bumalik na naman sa dulo. Kaya naglakad na ako papunta sa security guard na sinabi ng babae.
"Hi kuyang Guard, magpapalista po sana kami ng kaibigan ko."
"Nasaan ang kasama mo?" sabay turo ko kay Eula habang nasa pila.
"Ah sige, pakisulat na lang ng pangalan niyong dalawa. Saka sigurado ba kayong papasok kayo at bibili ng damit? Required po kasi dito na dapat bumili ng damit kahit na isang piraso." Ay ang weird talaga ng STYD Store na ito. Kailangan talaga may bibilhin para makapasok, hindi ba pwedeng magsusukat muna at mag selfie?.
"Opo bibili kami." Sagot ko sa guwardya at isinulat ko na ang pangalan naming dalawa ni Eula at binigyan kami ng numbers. Tatawagin na lang daw ang number kapag pwede ng pumasok sa loob. Ang daming cheche bureche ng STYD, naiinip na ako. Pagkakuha ko ng number ay agad na akong bumalik sa pila.
"Eula, hetong number mo." Inabot ko na sa kanya ang costumer number.
"Bakit thirteen ang sa akin?" tanong niya sa akin.
"Sa akin nga tatlong six eh."
"Ha? Bakit ganito naman ang number na ibinigay sayo Iska?" nagtataka si Eula, kahit naman ako nagtataka eh. Bakit ganito ang mga costumer numbers nila. Ang weird talaga kaya naman nadagdagan ang excitement ko na makapasok na sa store.
"Number thirteen at six six six na po. Pwede na po kayong pumasok." Sigaw ng gwardiya.
Sa wakas at makakapasok na rin kami ng STYD Store. Tama nga si Eula. Pintuan pa lang nakakalibot na at hindi mo makikita ang mga damit na tinda nila sa loob hanggat hindi ka pumapasok. Grabe nakakaexcite ito, kaya kinuha ko ulit ang cellphone ko para magtake ng picture.
Ayan nakapagpicture na ako. Selfie selfie. Mamaya ko na ito ipopost after namin magshopping.
"Excuse me po Ma'am Iska. Bawal po ang cellphone at camera's sa loob. Kailangan niyo po isurrender muna yan at makukuha niyo po after niyo mamili." Sabay turo sa malaking sticker na may nakalagay na "NO CELLPHONEs and CAMERAs INSDIE THE STORE." Ay ganun? Grabe naman. Paano kaya ako makakapagselfie nito sa fitting room. Hay bahala na nga. Nakabusangot akong isinurrender ang mga cellphone namin ni Eula sa guwardya. Inis na inis ako nun kasi hindi ako makakapagselfie.
Binuksan na ng gwardiya ang dark glass door ng STYD Store. "Ohhh grabe," namamangha ako sa aking nakita. Sa bungad pa lang ay talagang nakakamangha na kaya tumayo agad ang balahibo ko. "Kaya ko 'to!" Sabi ko sa sarili.
Nang tumingin ako kay Eula ay nakita ko sa mga mata niya ang takot. Kinikilabutan talaga siya sa store na ito. Kaya napakapit siya sa braso ko. "Iska, kinikilabutan ako. Parang ayoko na pumasok." Hindi ako sumagot sa sinabi niya kaya hinawakan ko na lang ang kamay niya. "Kaya natin 'to Eula. Minsan lang 'to at talaga namang kakaiba ang store na ito diba."
"Hi ma'am..."
"Waaaaaaa!!" Napasigaw kaming dalawa ni Eula dahil sa niyerbos. Nagulat kami sa babaeng biglang nagsalita. "Manggulat ba raw!" Naiiritang sabi ni Eula sa saleslady.
"H-hello po." sabi ko sa saleslady.
"Ano pong hanap nila? Blouse? Dress? Pant---" natigilan ang babae ng sumingit si Eula. "Kami ng bahala, Thank you!" Ang taray ng lola mo. Supladahan ba raw ang saleslady ng STYD Store. "Sige po ma'am, Enjoy shopping." Pagpapaalam ng saleslady.
"Uy, Eula bakit mo naman tinarayan yung saleslady."
"Nakakainis eh. Manggulat ba raw. Bilisan na nga natin iska. Nasira na ang mood ko mamili. Ikaw na lang ang bumili ng damit." Pati ako natarayan? Ganun?.
"Sige." Matipid kong sagot sa kanya.
Nakakamangha talaga dito sa STYD Store. Mauubos talaga ang pera mo sa sobrang dami ng damit na ang gaganda ng mga designs, may mga nakita ako na mga weird ang design, may "Go to hell", "I eat your soul", "I will kill you". Pero ang pinaka pumukaw ng atensyon ko ang nag-iisang damit na may nakalagay na "Pasok na sa FITTING ROOM". Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa kunin ang damit at hawak ko na. Sigurado ako ito ang mabili kasi nag-iisa na lang.
"Hi miss, ako nauna sa damit na yan." sabi sa akin ng isang lalaki.
"Excuse me? Nauna ako sa damit na'to at pambabae po ito sir," sagot ko sa kanya.
"Hindi lang yan pambabae miss, unisex po ang damit na yan. Kaya pwede sa babae at pwede rin yan sa lalaki. Kaya ibigay mo na sa akin yan. Dahil ako ang naunang nakakita diyan." Sabay hablot sa damit na nakuha ko. "Aba ang yabang ng lalaking ito ah." Sabi ko sa sarili ko. Baka akala niya magpapatalo ako sa kanya porket lalaki siya.
"Ako ang nauna sa damit na yan. Kaya akina yan!" Nasigaw na ako sa loob ng store kaya naman yung saleslady na natarayan ni Eula ay biglang lumapit sa amin.
"Excuse me po, Ma'am and sir. Ano po problema dito?"
"Kasi itong lalaki/babae na'to kinukuha yung damit na nagustuhan ko." Sabay naming sagot ng lalaki.
"Okay ganito na lang po ma'am and sir. Kung kanino po magkakasya ang damit na yan siya po ang makakabili." Pumayag ang lalaki sa deal ng saleslady. Pero ako hindi, ano pinagsasabi niya? Kung kanino magkasya, siya ang makakabili? Kalokohan! Ang tagal naming pumila tapos ganito!.
"Ayoko hindi ako papayag. Kaya akina yang damit na yan. Hindi ko na yan susukatin at babayaran ko na!" Pagtataray ko sa saleslady at sa lalaki.
"Ma'am pasensiya na po. Pero ang policy po sa STYD Store ay kailangan niyo munang sukatin ang damit na magugustuhan niyo sa fitting room." Ang dami namang arte talaga. Nawala ang excitement ko dahil sa inis. Kaya pumayag na ako sa deal ng saleslady.
Unang pumasok ang lalaki sa fitting room at nakasimangot itong lumabas.
"Kamusta po sir? Nagkasya po ba?" tanong ng saleslady sa lalaki. Pero hindi ito sumagot at iniabot sa akin ang damit. "Salamat." Sabi ko sa lalaki pagkaabot ng damit.
Nakokonsensya naman ako. Pero hindi dapat dahil nandito ako para bumili ng damit at maishare sa mga followers ko. "Kayo na po ma'am ang magsukat ng damit sa fitting room." Nakangiting sabi sa akin ng saleslady kaya ngiti rin ang isinagot ko sa kanya.
Pagpasok ko ng fitting room bigla akong nagulat sa salamin. Kaya napasigaw ako. "Waaaaaa!!" Grabe naman yung salamin bakit may kamay at paa. Grabeng store talaga ito kung may sakit lang ako sa puso kanina pa ako inatake pagpasok pa lang.
"Iska, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni eula mula sa labas ng fitting room. Hindi ako okay, kinakabahan ako na natatakot. Pero iba ang sinagot ko kay Eula. "Oo okay lang ako Eula, nakakatuwa talaga dito ang daming nakakapangilabot na mga bagay."
"Sigurado ka? Kasi iba ang tono ng sigaw mo kanina."
"Oo okay lang ako. Isusukat ko pa lang itong damit."
"Kaysa ba?" tanong niya sa akin. Hello? Isusukat ko pa nga lang dba? Tinatanong kung kasya agad. Kaya sinukat ko na ang damit na pinag-aagawan namin ng lalaki kanina.
"Oo kasya siya. Saktong-sakto." Ang ganda ng damit. Naku mawiwili talaga akong pumunta dito kahit gabi-gabi pa. Ang ganda pa ng tela.
Pumasok si Eula sa loob ng fitting room at tinignan ang sinukat kong damit. "Patingin nga ako iska. Humarap ka." Humarap ako kay Eula para makita niya ang sinukat kong damit. "Waaaaaaaaa!!!" Sigaw nito. "Bakit ka sumigaw? Pangit ba?" tanong ko sa kanya. Pero hindi siya makasagot at itinuro lang ang salamin sa loob ng fitting room. "Bakit eula? Anong nangyayari sayo? Ano nakita mo?" hindi pa rin siya sumasagot. Kaya nagpasya na akong hubarin ang damit na sinukat ko at isinuot ang uniporme ko. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na agad kami ni eula ng fitting room.
Grabe! Biglang natulala si Eula paglabas namin ng fitting room. Ano kaya nangyari sa kanya. Ano nakita niya sa loob? Eh props lang naman ng STYD Store yun. Oo nakakatakot talaga ang salamin sa loob pero hindi dapat katakutan dahil hindi naman gumagalaw ang mga kamay at paang design nito. Kaya dumiretso na agad ako sa counter ng STYD Store.
Nung tignan ko ang presyo sa monitor ng cashier ay nawindang ako sa nakita ko. "OMG, one thousand two hunder forty-nine pesos and seventy-five centavos ang halaga ng damit na may nakalagay na "Pasok na sa FITTING ROOM." Agad kong tinignan ang wallet ko kung sakto ba ang pera ko pambayad.
"1,249.75 Pesos po ma'am." Oo alam ko nakita ko. Jusko paano ba ito. Mukhang kukulangin ang pera ko.
Napansin ng cashier na parang problemado ako. "Ma'am kulang po ba ang pera niyo? Since opening pa lang po kami, bibigyan ka po namin ng ten percent discount." Napatingin ako sa cashier. "Ah, talaga? So One thousand one hundred twenty-four and seventy-five centavos na lang po ang babayaran ko?" nagtatakang tanong ko sa cashier. "Yes ma'am" Sagot niya sa akin.
Hoooo buti naman at may discount, Kung hindi wala akong pamasahe pauwi. Pasay pa naman ako nauwi, pero sa munoz ako nag-aaral. Hehehe.
Iniabot ko na ang bayad ko sa cashier. "Keep the change po." Sabi ko sa kanya sabay ngisi. Twenty-five centavos? Keep the change? Natawa ako sa sarili ko, pero pasimple lang. Hehehe.
"Salamat po ma'am." Sabi sa akin ng cashier. Talagang nagpasalamat pa siya.
"Salamat rin po." Sagot ko.
Pagkakuha ko ng binili kong damit ay may iniabot sa akin ang cashier. Isang calling card ng STYD Store at nakalagay dito ang oras ng opening hours nila at pangalan ng mga cashiers, saleslady's at security guard. Grabe pati calling card kakaiba.
"Salamat po ulit." Sabay naming pagpapaalam ni eula.
Pagkalabas namin ng store ng STYD ay nagulat ako at wala ng nakapila. Grabe ganun ba kami katagal sa loob? Kaya nung ibinigay na namin ni Eula ang numbers ay agad ibinigay ng gwardiya ang mga cellphone's at camera namin. Pagkakuha ko ng cellphone's ko ay agad kong tinignan ang oras.
"Hala, alas-Onse na pala!" Kaya pala wala ng nakapila at nagsasarado na ang ibang mga store sa loob ng mall. Hindi ko namalayan yun ah. Akala ko kalahating oras lang ang extend nila, isang oras pala. Kaya pala ang tagal namin sa loob, tapos isang damit lang ang nabili ko. Ang hirap kasi mamili.
"Salamat po kuyang Guard." Pagpapaalam ko sa guwardiya.
Grabe nakakapagod ang mamili ng damit pero sobrang saya ko dahil kakaiba ang damit na nabili ko at sold-out agad ito sa loob lang ng dalawang oras nilang pagbubukas.
"Pasok na sa FITTING ROOM." Hindi mawala sa isip ko ang tatak ng damit. Yiiee excited na akong maisuot at maipost ang bago kong damit sa i********:.