NOTEBOOK

1863 Words
Kinakalabog ko na ang pintuan ng FITTING ROOM. Sa sobrang gigil ko sigurado masisira ang pintuan na'to. Pero bakit parang walang nakakarinig sa akin. Natatakot na ako, Nanginginig na ang mga kamay at katawan ko. Bigla pang nawala si Eula. "ROBI!!!! ROBI!!!! WAAAAAAAAA!!!! ROBI!!!!!!!" Kalabog na ako ng kalabog pero walang sumasagot mula sa labas. Hindi rin ako makalabas dito sa FITTING ROOM dahil hindi ko makita kung nasaan ang lock niya. "TULOONGGGG!!!! TULONGGGGGGG!!!" Sigaw na ako ng sigaw pero wala talagang sumasagot sa labas ng fitting room. Hanggang sa kilabutan ako, Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa braso ko. "Giii...Giii.. Giii." Nanginginig na ang bibig ko. Wala na akong masabing mga salita ng mga oras na iyon. Hanggang sa mapatingala ako at mapatingin sa kisame. "UWAAAA!! UWAAAAAAAAA!!! WAAAAA!!!" Kalabog ulit ako sa pintuan "TULONGGGGGG!!! TULONGGGG!!" Pero teka parang kilala ko yung nasa kisame. Dahan dahan akong tumingala ulit "E-E-E-EU-EU-EU-LA?" Hindi ako sigurado masyadong madilim. Hanggang sa masagi ng ilaw ang kisame. "s**t! EULAAAA!!! ANONG GINAGAWA MO DIYAN!!" Nakita ko nadikit si Eula sa taas ng kisame. "SUMAGOT KA EULA!!" Napapatalon na ako dahil sa takot. "AYOKO NA EULA!! UMUWI NA TAYO.. BUMABA KA NA DIYAN!! EUL---." Napahawak ako sa bibig ko ng makita kong maraming kamay ang pumaikot kay Eula mula sa kisame. Hindi tao yun.. Parang octopus imposibleng isang tao yun dahil anim na kamay ang nakikita ko. Kinalabog ko ulit ang pinto.. "TULONG!!!! TULONG!!!! ROBI!!!! CHRISLYN!!!! TULONGGG!!! Bakit hindi kayo sumasagot... Tulungan niyo kami..." Nanghihina na ako.. Napaupo na ako sa sahig.. Tumingala ulit ako.. Pinagmamasdan si Eula na nahihirapan habang unti-unti siyang nawawala. "Eulaaaaa... Sorry... Hindi kita matulungan..." Hanggang sa maramdaman kong may aninong humarang sa harap ko at tinakpan ang bibig ko. Hindi ako makapalag.. Hindi ako makasigaw.. Hinang-hina na ako dahil sa kakasigaw.. Nabitbit na niya ako.. Hindi ko alam kung lalaki o babae ang tumulong sa akin.. "Eula..." Bulong ko habang itinataas ko ang kamay ko.. Gusto kong abutin ang paa ni Eula.. Hindi ko alam kung paano siya napunta sa kisame.. Pero bago ako mawalan ng malay may binulong sa akin ang taong bumuhat sa akin. "Sinabi ko na sa'yong huwag na kayong tumuloy." Bulong niya. "Ika-.." Tinakpan niya ang bibig ko. "Huwag ka ng magsalita.." Sambit niya. "Ligtas ka na.." Huling salitang narinig ko mula sa lalaking tumulong sa akin. POV ng lalaki Hindi muna ako magpapakilala kung sino ako. Ang importante sa ngayon ay ligtas na si Iska. Kung inyong matatandaan ako yung lalaking nakaagawan ni Iska sa damit na may nakasulat na "PASOK NA SA FITTING ROOM". Alam kong may mangyayaring hindi maganda, Alam ko rin na mamamatay silang lahat.. Pero hindi ako papayag, Hindi ko hahayaan na may mamatay ulit dahil sa STYD Store na'to. -Flashback- "Hoy ikaw! Huwag ka ng papasok sa tindahan na'to kung wala kang pambili!." Sigaw sa akin ng babaeng store manager ng STYD Store. "Bakit po? Masama bang tumingin-tingin? Namimili pa ako ng damit." Sagot ko "Namimili ka ng damit? Nasaan ang pera mo?!" Bulyaw niya sa akin "Bakit kailangan mong makita ang pera ko? Basta may pambili ako." Sagot ko "GUIDO!! GUIDO!!" Sigaw ng store manager. Tinatawag niya ang security guard ng store na nasa labas. "Bakit po ma'am?." Tanong ng guwardya "PALABASIN MO 'TONG LALAKI NA'TO MAGNANAKAW YAN!." Hinigit ako ng guwardya at kakaladkarin niya ako. "ANO AKO MAGNANAKAW? BAKIT MAY EBIDENSIYA KA BA? TUMITINGIN LANG AKO NG MGA DAMIT DITO!" Sigaw ko sa babae. May pinakita siyang damit sa akin at sa guwardya. "Heto.. Heto yung damit na muntik na niyang manakaw! Buti na lang at nakita ko siya!" Sambit ng store manager sa guwardya nila "Sige po ma'am. Ako na pong bahala sa shoplifter na'to." Sagot ng guwardya "Sir lumabas na po kayo kung ayaw niyo makaladkad." Sambit nito sa akin. "Manong guard wala naman po akong ninanakaw. Saka sinukat ko lang yung damit na yun sa FITTING ROOM.--" Tinuro ko ang fitting room kung saan ako nagsukat. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Isang babaeng saleslady na mukhang takot na takot na nakasilip sa pinto. Kaya sumenyas ako na magtago na ito at sinarado na nga nito ang pinto. "Teka teka!" Pagpipigil ko sa guwardya at kinuha ko ang wallet ko sa bulsa. "Heto ang pera ko! Nakikita mo ba? May pambili ako! Kaya pwede ba bitawan mo ako!" Bulyaw ko sa guwardya at binitiwan ako nito. "Bakit mo binitiwan!" Sigaw ng store manager "Ma'am Althea marami po siyang pera. Baka nagkakamali lang tayo ng akusa sa kanya. Nakita ko po ang wallet niya." Sagot ng guwardya. Umirap lang ang store manager sa akin at bumalik na sa trabaho. Masyadong mayabang ang babaeng yun porket may posisyon siya sa store na'to. Akala mo kung sino na. "Yung babae.." Bulong ko. Oo nga pala may nakita akong babae sa loob ng fitting room. Kailangan ko siyang makausap. "Salamat manong guard!." Pinapasok na ulit ako ng guwardya at nagpasalamat ako. Kumuha ako ng isang damit para kunwari ay susukatin ko. Pero pinigilan ako ng isang saleslady. "Pasensiya na po sir may tao pa po sa loob." Sambit nito "Ganun ba.. Sige maghihintay na lang ako.." Sagot ko "Okay sir.." Tumalikod na ang saleslady pero humarap ulit ito "Kung gusto niyo po sir yung isang fitting room ang gamitin niyo wala pong tao dun." Alok niya sa akin. Pero tumanggi ako "Maghintay na lang ako dito" Sambit ko Hinintay kong lumabas ang tao sa loob ng fitting room pero kalahating oras na akong nakatayo. Wala pa ring lumalabas.. Hanggang sa makarinig ako ng sigaw ng babae at sinabayan iyon ng malakas na music ng store. Pero hindi ako mapakali idinikit ko ang tenga ko sa pinto ng fitting room para marinig ko ulit ang sigaw ng isang babae. "SAKLOLO!!! TULUNGAN NIYO AKO!!!" Sigaw ng babaeng humihingi ng tulong. "SSSHHH!! SSSHH!!" Pagpipigil ng kasama niya sa loob. "TUMIGIL KA! WALA KA NA RIN NAMANG MAGAGAWA DAHIL MAMAMATAY KA NA DITO.." Sambit ng isa pang babae sa loob. Parang nabobosesan ko yung isang babae. Pero hindi ako sigurado. Hanggang sa balikan ako ng saleslady "Sir doon na lang po kayo sa kabilang fitting room." ani saleslady "Hindi ba isa lang ang fitting room niyo dito?" Sagot ko "Sigurado ako bago ka pa lang kaya hindi mo alam." Dagdag ko. Nagulat ang saleslady sa sinabi ko. Baka akala niya maiisahan niya ako. Kilalang kilala ang store na'to dahil sa kakaibang mga damit na tinda at oras ng pagbubukas pati na rin ang nag-iisang fitting room. Nang makarinig ako na parang may lalabas na sa loob ng fitting room ay tumalikod ako at humakbang ng apat na beses para hindi mahalata ng taong lalabas. Gusto kong makita ang mukha ng babaeng yun. Dapat dalawa silang lalabas. Naghintay ako saglit. Sa pang-apat na hakbang ko paatras ay yumuko ako at may nakita akong damit na kakaiba ang design isa na lang siya tapos unique pa ang nakasulat sa damit "PASOK NA SA FITTING ROOM" ang design niya. Nang makita kong may babaeng kumuha ng damit na nakita ko ay pinuna ko agad ito "Hi miss, Ako nauna sa damit na yan." Sabi ko sa babae "Excuse me? Nauna ako sa damit na'to at pambabae po ito sir," Sagot niya sa akin "Hindi lang yan pambabae miss, Unisex po ang damit na yan. Kaya pwede sa babae at pwede rin yan sa lalaki. Kaya ibigay mo na sa akin yan. Dahil ako ang naunang nakakita diyan." Medyo masungit kong sagot sa kanya at saka hinigit ang damit. Bigla siyang sumigaw "Ako ang nauna sa damit na yan. Kaya akina yan!" Dahilan para mapukaw ang atensyon ng saleslady. Dahil dun ay nakita ko ang babaeng lumabas sa fitting room kaso madilim. Pero sigurado ako na isa sa mga nagtatrabaho dito sa STYD Store ang nakita ko. "Excuse me po, Ma'am and sir. Ano po problema dito?" Malumanay na sambit ng saleslady "Kasi itong lalaki/babae na'to kinukuha yung damit na nagustuhan ko." Sabay naming sagot ng babae "Okay ganito na lang po ma'am and sir. Kung kanino po magkakasya ang damit na yan siya po ang makakabili." Pumayag ako sa deal ng saleslady para makita ko na rin ang itinatagong sikreto ng fitting room. Pero yung babae ayaw pumayag sa suggestion ng saleslady. "Ayoko hindi ako papayag. Kaya akina yang damit na yan. Hindi ko na yan susukatin at babayaran ko na!" Pagtataray ng babae sa saleslady at sa akin. "Ma'am pasensiya na po. Pero ang policy po sa STYD Store ay kailangan niyo munang sukatin ang damit na magugustuhan niyo sa fitting room." Buti na lang at may policy policy pa silang nalalaman kaya walang nagawa ang babae. Pumayag rin siya. Una akong pumasok sa loob. Sa first impression ko ay talagang nakakatakot ang loob ng fitting room. Sobrang dilim at sobrang ingay, Hindi mo nga talaga maririnig ang mga nag-uusap sa labas. Naglakad ako paharap sa salamin. "HUWAH!" s**t! Nagulat naman ako sa design nila sa salamin bakit may kamay at paa. Dismayado ako ng hindi ko makita ang babae kaninang nakasilip. Isa lang kasi ang lumabas sa fitting room pero bakit wala yung isang babaeng narinig kong humihingi ng tulong. Dahil dun ay lumabas na ako ng fitting room at hindi na sinukat pa ang damit. "Kamusta po sir? Nagkasya po ba?," Tanong ng saleslady. Umiling ako para sabihin na hindi nagkasya. Pero ang totoo hindi ko sinukat dahil iba ang pakay ko. Pagkaabot ko ng damit sa babae ay napatingin ako sa sulok malapit sa cr ng store. Isang babaeng maiksi ang buhok ang nakita ko at nagpupunas ito ng kamay. Pasimple akong naglakad papunta sa pwesto niya. Pero mukhang naramdaman niya ang paglalakad ko kaya pumasok ito sa cr. Napatingin ako sa sahig kung saan nakatayo kanina ang babae "Damn!" bulong ko na may halong panggigigil. Bakit may dugo dito. Nagtataka na ako ng mga sandaling iyon. Hanggang sa marinig kong sumigaw yung babaeng nakasagutan ko kanina dahil sa damit. "Iska, Okay ka lang ba?" Tanong sa kanya ng kasama niya sa loob. Ahh Iska pala ang pangalan niya. Nang nagsalita na ang cashier na magsasarado na sila ay agad na rin akong naglakad palabas ng store pero pinigilan ako ng guwardya. "Sir.. Excuse me po.. Akala ko bibili kayo? Bakit wala kayong bitbit?." Tanong ng guwardya sa akin. "Wala pong nagkasya eh." Sagot ko. Sa sinabi kong iyon ay pinalabas na ako ng guwardya at naglakad ng mga tatlong store ang pagitan muna sa STYD at huminto para hintayin si Iska at ang kasama nito. Gusto kong makasigurong ligtas silang dalawa. Nang makita kong nakangiti at masaya si Iska at yumuko ako at nagtago dahil baka mapansin niya ako at ng kasama nito. At nang makita kong nakababa na silang dalawa ng escalator ay bigla akong hinigit ng guwardya ng STYD Store. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang mayabang na store manager na si Althea. "Dalhin mo yan dito! GUIDO!" Sigaw ni Althea "Bakit manong guard anong ginawa ko?" Tanong ko sa guwardya. Pero sumenyas lang ang store manager at nakita kong bumulong ito pero narinig ko. "Dispatsyahin mo na yan." Bulong ng store manager sa guwardya. Anong ibig niyang sabihin sa dispatsyahin? Papatayin nila ako?. Kinaladkad ako ng guwardya papasok ng store. Sa mga oras na iyon ay wala ng tao sa loob ng store at saka ako hinampas ng b***l sa ulo. Dahilan para mahilo-hilo ako. At habang kinakaladkad ako ng guwardya ay nakapulot ako ng isang maliit na notebook at nilagay ko ito sa bulsa ko at pagkatapos kong mailagay sa bulsa ko ang maliit na notebook ay nawalan ako ng malay. -End of Flashback-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD