SALAMIN

873 Words
"Iska.. Ano na.. Hindi pa ba tayo magse-selfie?" Huh ano daw? Mag selfie? "Anong magselfie? Nasaan sila Robi at Chrislyn?." Tanong ko kay Eula "Nasa labas pumipili ng damit. Bakit ba bigla kang napatulala diyan? Kanina pa tayo kinakatok ng mga saleslady dito kasi ang tagal natin." Sabi ni Eula "Wala ka bang maalala Eula?." Tanong ko "Ano yun?" "Yung kanina?" "Anong kanina? Oo kanina pa tayo dito." "Hindi.. Hindi yun.. Yung mga damit.." "Anong mga damit?." Kitang kita ko sa mukha ni Eula na naguguluhan ito sa mga sinasabi ko. Kahit ako naguguluhan sa mga sinasabi ko. "Hindi ba nagcr ka kanina? Nagtext ka pa nga sa akin?." "Ako nagcr at nag text sayo?." Pagtatakang tanong ni Eula sa akin "Oo." Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at pinakita sa kanya ang text message. "Tigna--.. Bakit wala.. Nagtext ka kaya sa akin.." Sambit ko "Iska huwag kang ganyan.. Hindi ako nagtetext sayo dahil baka mamaya makita tayo at makumpiska ang cellphone natin." "Hindi Eula.. Hindi ako nagbibiro.. Magkakausap tayo kaninang apat nila Robi at Chrislyn sa labas at nagyayaya ka ng umuwi.." "Ako nagyayaya umuwi? Nag-eenjoy nga ako mamili ng mga damit eh. Dahil ang gaganda ng mga designs nila." "Patingin nga ako ng damit na napili mo." Nang iabot sa akin ni Eula ang mga damit na napili niya ay hinanap ko ang mga damit na nakita ko kanina. Imposibleng kanina pa kami nandito sa FITTING ROOM at lalong imposibleng imahinasyon ko lang lahat 'yon!. "Ano Iska.. Magaganda ba ang mga damit na napili ko?." Tanong ni Eula "O-o ma-ga-gan-da.." Pagtatakang sagot ko. Bakit ganun. Napakaimposible talaga. Kung imahinasyon lang lahat ng 'yon. Kailangan ko malaman ang pangalan ng store manager ng STYD Store. Kapag Althea Denice ang name niya... "Kinikilabutan ako Eula." Sabi ko. "Bakit ba parang ang lalim ng iniisip mo Iska? Ano ba nangyari sayo?" Tanong ni Eula sa akin "Kanina kasi--." Biglang may kumatok sa pinto ng Fitting Room. May kandado kasi ang Fitting Room ng STYD Store hindi basta kurtina lang. "Miss kanina pa po kayo diyan.. Magsusukat pa kami.." Boses ng babae ang naririnig namin "Teka lang marami pa kasi kaming sinusukat." Sagot ni Eula "Ganun ba. Konting bilis naman kasi magsasarado na ang STYD Store." Sagot ng babae "Opo sige po." Sagot ko Nataranta na kami ni Eula dahil ilang minuto na lang at magsasara na ang STYD Store. Hindi pa rin kami nakakapagselfie. "Iska.. Dali na suotin mo na ang isang damit at magselfie ka na. Pagtapos mo ako naman.. Bilis.." "Teka lang Eula.. Huwag mo ako madaliin, Natataranta tuloy ako." Hindi ko tuloy alam kung ano ang unang damit na isusukat ko. "Oo na.. Sige na.. Magsukat ka na dyan." Bwisit naman 'tong si Eula tinataranta ako. Bahala na nga kung ano ang masusukat ko. "Oh baligtad ang damit Iska." Nakangiting sabi ni Eula Psh! "Tignan mo tuloy baligtad ang damit. Tinataranta mo kasi ako." Naiinis kong sambit sa kanya. "Hindi na. Basta bilisan mo lang.." Tumalikod si Eula at nakita kong hawak niya ang cellphone niya. Napansin kong may tumatawag sa kanya. At nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay bigla itong nagsalita "WOW!, Perfect! I-post mo na yan sa i********:, f*******: at twitter," Seryoso siya sa pagkakasabi niyang iyon at nagpaalam siya na lalabas muna ng FITTING ROOM para sagutin ang tumatawag sa cellphone niya. Wala pang isang minutong nakakalabas si Eula sa FITTING ROOM ay biglang nagkaroon ng maitim na usok sa loob. Nakakasuffocate ang usok. Ubo na ako ng ubo. "Issssskaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!" Siguro napansin na niya ang itim na usok dahil mula sa labas ng FITTING ROOM ay narinig ko ang pangalan ko kaya humingi na ako ng saklolo. "Eulaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Tulongg!!!!." "Tuloonn----" "Huy! Anong tulong? Inaano ba kita?" Panggugulat ni Eula sa akin. "Akala ko nasusunog na ako dito sa loob ng FITTING ROOM." Sambit ko "Ano bang pinagsasabi mo Iska?." Tanong ni Eula "May tumawag ba sa phone mo?." Tanong ko "Wala.." Sagot niya "Luh! Ba't ganun.." "Anong ba't ganun? Bilisan mo na Iska." Pagtingin ko sa salamin.. "Waaaaaaaaaaa!!!." "Ano na naman yun Iska?" "Ti-ti-tignan mo yung salamin Eula.." "Oh anong meron sa salami--.." "WAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!" Sabay naming sigaw ni Eula "TULONGGGGGG!!!!!!" Sigaw ko "TULUNGAN NIYO KAMEEEEEEE!!!!!!!!!" Sigaw ni Eula Kinakalabog na namin ang pinto ng FITTING ROOM. "TULONGGGGGGGG!!!!" Sabay naming sigaw ulit ni Eula. "TULONGGGGGGGGG!!!!" Bakit parang hindi kami naririnig sa labas. Hanggang sa may kalabog kaming naririnig mula sa labas ng FITTING ROOM. "ISKA!! EULA!! NANDIYAN BA KAYO SA LOOB!!." Boses ng lalaki ang naririnig namin. "Si Robi ata yun.." Sabi ni Eula "Oo sigurado si Robi yun.." Sambit ko "ROBIIIIIII!!! TULUNGAN MO KAMEE!!!!!" Sabay naming sigaw ni Eula. "Iska.. Eula.. Diyan na lang kayo sa loob!! Huwag kayong lalabas!! Ikandado niyo ang pinto ng FITTING ROOM. Nagkaroon ng apoy malapit sa entrance." Ano daw? Nagkaroon ng apoy? Ibig sabihin nasusunog ang STYD Store? "Anong sinasabi mo Robi!!" Sigaw ko "NASSAJKISAEKPAS KSADHIEL JSAHD!!!!!!!!!" "Anong sabi mo? Hindi kita maintindihan!!.. ROBI!!!!!!!!" s**t naman ang lakas kasi ng music sa labas. "Iska.. Iska..." Kinakalabit na ako ni Eula.. "Ano ba yun Eula.. Kinakausap ko pa si Robi.." "Iska... Iska..." Pagpapatuloy nitong tawag sa pangalan ko. At paglingon ko sa kanya, Nakaturo ito sa salamin ng FITTING ROOM. "Iska... Tignan mo.." s**t! Bakit gumagalaw ang kamay at paa na design sa salamin ng FITTING ROOM. "Eula... B-b-b-bakit gumagalaw ang kamay at paa." Nauutal kong sabi sa kanya. "H-h-h-h-hindi ko alam Iska.." Ibinato na namin ni Eula ang mga damit na hawak namin. Pero nawala ang mga damit. Parang kinain ng salamin ang mga damit.. "E-e-eula.. Nawala yung mga d-d-damit.." Pagtingin ko sa tabi ko wala si Eula. "EULAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD