FLYERS (EXTENDED CHAPTER)

1317 Words
-One month before- Althea's POV Ang hirap naman maghanap ng trabaho sa panahon ngayon. Kanina pa ako naglalakad at naghahanap ng mapapasukan pero wala akong makitang hiring. Graduate naman ako ng college pero bakit nahihirapan ako maghanap ng trabaho. "Hi Miss," Bati sa akin ng lalaki na nagbibigay ng flyers sa footbridge. Papunta ako ng SM North galing Fishermall "Hello po," Balik na bati ko sa lalaki "Magandang hapon po.," Nakangiti nitong sabi "Magandang hapon din sa'yo," "Baka po gusto niyo ng trabaho? Naghahanap po ba kayo?," Tanong ng lalaki sa akin. Sino ba naman ayaw ng trabaho? Syempre gusto ko "Oo eh.. Ang hirap nga maghanap ngayon.. Ilang linggo na rin akong naghahanap pero wala talaga akong mahanap," Sagot ko May inabot sa akin ang lalaki na flyers. "Baka interesado po kayo magtrabaho sa isang clothes store miss," Nakangiti nitong sabi Kinuha ko ang flyers at binasa ang nakasulat dito. "Sigurado ba 'to?," Tanong ko "Yes miss," Sagot niya "Sure ka? Kasi isang oras lang sila nagbubukas at isang beses sa isang linggo lang sila nagtitinda, tapos ang laki pa ng sweldo?," Nagtatakang tanong ko "Yes miss, kung interesado po kayo... Tawagan niyo lang po ang numero na nasa flyers," Nakangiting sagot ng lalaki Napataas ang kilay ko dahil doon.. Siguro heto na ang trabahong hinahanap ko.. Pero bakit ganun isang beses sa isang linggo at isang oras lang ang trabaho, tapos above minimum pa ang sweldo. "Okay sige tatawagan ko na lang," Sagot ko Nagpaalam na ako sa lalaki at nagsimula na ulit maglakad. "Ano ba yan nakalimutan ko pala magdala ng payong," Bulong ko sa aking sarili. "Kanina pa ako naglalakad, ngayon pa ako nagreklamo." Natawa ako sa sarili ko. Tinignan ko ulit ang lalaking nagbigay ng flyers. "Nasaan na yun?," Nagtatakang tanong ko.. Hindi pa naman ako nakakalayo mula sa pwesto niya kanina pero nawala agad siya? Imposible namang tumakbo siya. "Hay de'bale na nga lang," Sambit ko. Nagpatuloy na ako sa paglalakad papasok ng mall. At nang makapasok na ako ay umupo muna ako sa labas ng isang kainan para tignan ang buong nakasulat sa flyers. [A/N] Nasa media po ang flyers. "Grabe.. Totoo ba talaga 'to?," Nakataas ang isa kong kilay habang kinakausap ko ang sarili ko. Nang biglang may lumapit sa akin na dalawang babae. Sa tingin ko ay mga dalaga pa at walang asawa. "Hello po," Bati sa akin ng isang babae "Hi.." "Mag-aapply din po ba kayo diyan?," Nagtaka naman ako.. Feeling close lang? "Yes," Matipid kong sagot "Kami rin po ng kaibigan ko mag-aapply. Saka dinaanan na rin po namin sa taas yan. Ginagawa pa lang," Sambit ng isa pang babae "Ako po pala si Shai at siya naman si MJ," Nakangiting pagpapakilala ng dalawang babae sa akin "Hello.. I'm Althea." Medyo mataray kong pagpapakilala sa kanina. Pagod kasi ako at galing ako sa initan kanina tapos gutom pa. Ganun talaga! "Sige Althea.. Alis na kami.. Sana matanggap tayo..," Pagpapaalam ni Shai "Bye." Nang makaalis na ang dalawang babae ay binaling ko ulit ang tingin ko sa flyers. "First Call, First Serve, 4,570 Pesos Salary.., " Tinaas ko ulit ang isa kong kilay. "Nangagago ba 'to?," Medyo naiinis na sabi ko sa aking sarili. "Matawagan na nga lang ang number sa flyers," Dagdag ko Bago ko i-dial ang number ay umorder muna ako ng makakain. Gutom na kasi ako eh. Baka mamaya masigawan ko ang kausap ko sa cellphone. Kumaway ako at may lumapit na waiter sa akin. "Yes ma'am?," Bati ng lalaking waiter sa akin "May i have the menu please?," Medyo mataray kong sambit sa kanya Inabot sa akin ng lalaki ang menu board at nang makapili na ako ay umorder na ako. "Isang beef brocolli at pine-apple juice." "Okay po ma'am." Umalis na ang waiter at habang naghihintay ako ay tinawagan ko na ang number na nakalagay sa flyers. Baka maunahan pa ako eh. -Dialing 0966-666-9999- "Who's this.." Bungad na salita ng taong sumagot sa tawag ko. Nakakatakot naman yung boses niya. "Good afternoon po. Mag-apply po sana ako ng trabaho..--" Hindi pa ako tapos magsalita nang sabihin niyang "Tanggap ka na!," Luh? Ganun kadali? Hindi pa nga niya alam kung ano ang inaapplyan ko. Ang weird!! Saka dumating ang order ko. "Hi ma'am heto na po ang order niyong beef brocolli at pine-apple juice." "Okay paki na lang po," Sabi ko sa waiter at kinausap ko na ulit ang lalaking kausap ko sa cellphone. "Hello po sir, sorry for interruption...--" -Call Ended- "Fvck! Medyo bastos yun ah! Pinatay agad ang tawag ko. Hindi ba niya alam na regular load ang pinantawag ko sa kanya!," Naiinis na sabi ko sa aking sarili. Pero hindi bale tanggap na raw ako eh. Okay na rin yun. Nang biglang tumunog ang cellphone ko. Isang text messages. Wala naman akong inaasahan na may magtetext sa akin. Binuksan ko ang text message at binasa. From: 0966-666-9999 Message: Good afternoon Althea Denice. See you on first friday next month. Opening ng STYD Store. "Damn! Paano niya nalaman ang pangalan ko? Tapos may apelyido pa!," Pagtataka kong sabi sa aking sarili. Talaga namang nakakapagtaka eh. Pffft! Napatingin ako sa ibang kumakain, Nakatingin sila sa akin. Geez! Nakakahiya medyo napalakas ata ang boses ko. "S o r r y," Sabay senyas ng peace sign sa mga kumakain. Kakain na nga lang ako.. Medyo nakakahiya yung nangyari.. Sabay subo sa beef brocolli.. Tapos na akong kumain at nagpasya na rin akong umalis na sa kainan. Medyo nakangiti ako habang naglalakad palabas ng mall.. Sa wakas may trabaho na rin ako at magstart na ako next month. Nang makalabas na ako ng mall ay pumila na ako sa taxi bay. Mahilig ako maglakad pero kapag pauwi na ako sa bahay gusto ko nakataxi ako. Bukod sa aircon na, medyo safe pa. Ako na ang nasa unahan ng pila at naghihintay ng taxi na hihinto sa taxi bay. "Ang tagal ah," Bulong ko sa sarili. Pero narinig pala ako ng babaeng nasa likod ko. "Rush hour na kasi ngayon," ani ng babaeng nasa likod ko. Duh? Nangingialam? Isa pang feeling close today? Lumingon ako sa babae "Okay!," Mataray ko sagot sa kanya at tumalikod na ulit ako. "Taray mo naman," Sambit ng babae sa akin. Aba gusto ata ng away nito. Hinarap ko ulit ang babae. "Ikaw kung gusto mo ng away sabihin mo! Hindi kita uurungan," Matapang kong sagot sa babae "Ayan na ang taxi, sumakay ka na." Nakaturo ang kamay niya sa taxi, nakapamewang at nakangising sabi sa aking ng babaeng epal. "Ang tapang mo ah! Ano ba gusto mo!," Sigaw ko. Nagkakainitan na talaga kami ng babae sa mga sandaling 'yon. Gusto ko ng sapakin ang mukha niya. Pasalamat siya at buntis pala siya. Dahil kung hindi nakatikim siya sa akin ng mala-pacquiao na suntok Lumapit ang isang sekyu sa amin at pinagitnaan kami "Ma'am sasakay po ba kayo ng taxi?," Tanong ng guwardya. "OO!," Sagot ko. Hinawi ko ang guwardya "Tumabi ka nga dyan!," Saka ako sumakay ng taxi At nang paandar na ang taxi ay tumingin ulit ako sa babaeng nakasagutan ko. Gago yun! Senyasan ba raw ako ng middle finger sign! Naku talaga! Pinag-iinit niya ang ulo ko. "Ma'am saan po tayo?," Tanong ng taxi driver "Kahit saan!," Sagot ko "Ma'am saan po banda yun?," Parang tanga lang? Tinanong talaga kung saan banda?, "Quezon avenue lang ako," Sambit ko "Okay po ma'am.. Sa kahit saan avenue po ba tayo?," Tanong ulit ng taxi driver. "Kuya.... Magdrive ka na lang po... Ituturo ko na lang.." Naiiritang sabi ko. Nakakainis ang daming tanong, mga tanong na dapat hindi na tinatanong. Dinadagdagan lang ng taxi driver ang inis ko. >>>Fastforward>>> Nakauwi na ako ng bahay at agad na sumalubong sa akin ang aking anak na babae "Hi baby, nandito na ang mommy," Bati ko sa anak ko at binuhat ito at aking pinaghahalikan sa pisngi at sa labi. "Ako mommy wala bang kiss at hug?," Nagtatampong sabi ng aking asawa. "Hi daddy! Syempre meron..," Habang karga ko ang anak ko ay lumapit ako sa asawa ko at niyakap ito at hinalikan. "Uyy sila mommy at daddy nag kiss.. Ang twiit.." Kinikilig na sambit ng aking anak. "Anong twiit anak?," Tanong ng daddy niya "Sa loob na tayo magtanungan at maglambingan." Singit ko sa usapan nila Ipinasa ko ang anak ko sa aking asawa at pumasok na kami sa loob ng bahay.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD