T-SHIRT

1551 Words
Psh! Akala ko ako ang kausap ni kuya. Yung katabi ko pala. Tsk! "Iska.. Bilisan mo magpapalista pa tayo!" Sigaw ni Eula "Teka.. Hindi pa ibinibigay ang popcorn!." Sigaw ko Mukhang ayaw din akong pagbilhan ng nagtitinda.. "Kuya pabili ako ng tatlong large!." Medyo naiirita na ako kasi ayaw akong pansinin. "Kuya ano ba!!." Napasigaw na ako pero dedma pa rin. "Okay fine kung ayaw mo magpabili!." Umalis na ako dahil ayaw akong pansinin ng nagtitinda. Kaya bumalik na ako sa pila kung nasaan naroon sila Robi at Eula. "Oh anong nangyari sayo?." Tanong ni Robi Naghalukipkip ako at tinaas ang isa kong kilay "Paano ba naman yung nagtitinda ayaw ako pagbilhan." Sagot ko "Gusto mo sugurin ko? Uupakan ko yun." Wow ah? Makikipag-away siya dahil sa ayaw akong pagbilhan? Ganun? "Huwag na.. Hayaan mo na lang.." Sabi ko Habang nag-uusap kami ni Robi ay napunta ang tingin ko sa guwardya. Kumakaway ito.. Hindi ko naman alam kung ako ba ang kinakawayan niya. Kaya sumenyas ako ng "Ako po?" Sabay turo sa sarili ko. Tumango naman ang guwardya. "Ako nga." Bulong ko. "Ano sabi mo Iska?." Tanong ni Robi "Wala kinakawayan ako ng guwardya.. Magpapalista muna ako.. Dito muna kayo ah.." Pagpapaalam ko kanila Robi at Eula. "Sige." ani Eula Naglakad na ako papunta sa guwardya saka nagpalista ng pangalan. Pero this time hindi ko isusurrender ang cellphone ko. Sasabihin kong wala akong dala. "Ano po pangalan?." Tanong ng guwardya "Iska, Eula at Robi." Sagot ko "Tatlo po?." Ay hindi dalawa! Tatlong pangalan nga binanggit ko diba?. "Opo." "Okay sige.. Heto na ang number niyo." Inaabot na ng guwardya ang number naming tatlo. At nagpasalamat ako sa gwardiya. Kaya naglakad na ako pabalik sa pila. "Kamusta Iska? Nabigyan ka ba ng number?." Tanong ni Eula "Oo heto sa inyo. Sayo no. 6 at sayo naman robi no. 9." Saka inabot ko na sa kanila ang mga number nila. "Wow favorite number ko 'to Iska." Masayang sabi ni Robi. Ano naman ang paki ko dun? "Talaga? Nice." Malamig kong sagot sa kanya "Ang tipid naman ng sagot mo Iska." Nakasimangot na sabi ni Robi. Anong gusto niya? Magtatatalon ako sa tuwa kasi favorite number niya ang binigay ko? -Number 3,6,9 pasok na po kayo- Buti naman at tinawag na ang mga number namin. Tiyempo na rin dahil kung hindi baka magbangayan na naman kaming dalawa ni Robi. "Iska tayo na.." Nakangiting sabi ni Eula. "Pasok na tayo.." Excited na sambit ni Robi "Okay.." Sagot ko Naglakad na kaming tatlo papunta sa entrance. Nagtataka ako bakit parang konti ng tao ngayon sa store. Hindi siguro nila alam na bukas na ang STYD Store. Hay bakit ko ba pinoproblema ang ibang tao. Okay nga pala na konti lang para makapili kami ng magagandang damit. "Ma'am/Sir pakisurrender na lang po ang mga cellphone niyo." Tumingin ako kay Robi at Eula at kumindat. "Wala po kaming dala.." Sagot ko. "Okay sige pumasok na kayo." Binuksan na ng guwardya ang pinto ng store at bumulaga sa amin ang makapal na usok. Animo'y nasusunog ang store dahil sa kapal. Nakakakilabot pero yun ang nagpapaganda sa ambiance ng store na 'to. "Iska bakit sinabi mong wala tayong dala?." Nagtatakang tanong ni Eula "Huwag ka ng magreact diyan. Paano tayo makakapag-selfie kung wala tayong dalang cellphone." Bulong ko sa kanya "Ang galing mo Iska." Natatawang sabi ni Eula "Asan na ba si Robi?." Biglang nawala sa tabi namin. "Ayun siya nasa gilid namimili ng damit.." Sagot ni Eula sabay tingin sa akin. "Teka nga.. Bakit hinahanap mo siya?." Tanong ni Eula na nakangisi. Psh! Masama bang hanapin ang kasama? "Wala lang... Tara na nga mamili na tayo ng mga damit." Pagyayaya ko sa kanya. "Ayiieee. Ikaw Iska ah.. May gusto ka na kay Robi noh??." Sabay siko sa tagiliran ko. "Wala noh! Neva!!." Mataray kong sagot. "Saka huwag mo ng babanggitin sa akin yung pangalan niya.. Dahil hindi siya ang tipo kong lalaki.." Dagdag ko "Okay fine!! Iba ang sinasabi ng bibig sa kilos ng katawan at kislap ng mata." Ang lalim ah? Ano gusto niyang sabihin? Nagsisinungaling ako?. "Tignan mo 'to Eula.. Ang ganda ng design." Pag-iiba ko sa usapan naming dalawa "Oo nga ang astig!." "Maganda ba 'to Eula?." "Oo Iska... Ang astig niyan." "Hindi ba parang ang creepy naman ng nakasulat sa likod?." "Ano ba nakasulat? Hindi ko kasi nakita. Akala ko pinto lang ang design." Kinuha ni Eula ang t-shirt na hawak ko ay binasa ang nakasulat sa likod. Pagkabasa niya ay napaatras ito at binitawan ang t-shirt. "Uy Eula.. Anong problema?." Tanong ko "Y-y-yung--" "Yung ano..?" "Y-y-yung t-shirt n-na y-yan.." "Bakit ka ba nauutal Eula.. Design lang yan.. Bakit parang takot na takot ka?." "K-k-k-kase y-y-yung n-nakas-sulat.." "EULA!!!." Sumigaw na ako kasi ayaw pa niyang sabihin kung bakit nauutal siya at parang takot na takot siya. At dahil sa sigaw ko na 'yon ay may lumapit na saleslady. "Hi Ma'am may problema po ba?." Tanong ng saleslady "Wala po." Sagot ko "Meron!." Sigaw ni Eula "Eula! Ano ba yun?." Naiinis kong sambit sa kanya "Yes ma'am? Ano po problema?" Tanong ng saleslady kay Eula "Yung t-shirt niyo! Bakit ganun ang mga nakasulat at mga designs.. B-bakit parang totoong nangyayari.." Sagot ni Eula Ano kaya pinagsasabi niya.. "Ganun po talaga ang mga designs namin yan. Kaya nga po bawal pumasok dito sa store ang mahihina ang loob at may mga sakit sa puso." Sagot ng saleslady "Sige na po. Salamat.. Ako ng bahala sa kaibigan ko.." Umeksena na ako sa usapan. "Okay ma'am nasa tabi lang po ako kung sakaling kailangan niyo ng tulong." Umalis na ang saleslady at kinausap ko na si Eula. "Eula.. Ano ba problema mo?" Tanong ko sa kanya at kinuha ko ang t-shirt at binasa ulit ang nakasulat sa likod." "HUWAG KAYONG PAPASOK." Anong problema sa nakasulat? Wala naman epekto sa akin. Pero yung design sa harap pinto. Kung babaybayin mo ang buong salita ay makakabuo ka ng "HUWAG KAYONG PAPASOK SA PINTO" Geez!! Ang creepy nga. "Eula..??" Nawala si Eula sa tabi ko. "Eula... Eula..." Nasaan na ba yung babae na yun. Nang biglang mag vibrate ang cellphone ko. Sinadya ko talagang i silent ang phone ko para kung sakaling may mag text ay hindi makabulabog sa loob ng store. Dahil sigurado kukumpiskahin. Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at pasimpleng binasa ang text message. From: Eula Message: Iska.. Cr lang ako.. Psh! Mag cr lang pala siya. Hindi na lang nagpaalam. Nagtext pa talaga.. Hindi ko nga siya nireplayan. Nagpatuloy ako sa pagtingin ng mga damit. Nakakatakot talaga ang mga designs dito sa STYD Store. Yung isang damit may design ng babae na nasagasaan ng kotse at may nakasulat na "MASAMANG BIRO." Interesting ang damit na 'to. 2nd option ko na ito lagay ko muna sa braso ko. Kinuha ko ang kasunod na damit, Cellphone naman ang design na may bungo "OUT OF COVERAGE AREA." naman ang nakasulat. Medyo common na kaya inilagay ko sa kabilang sabitan. Kinuha ko ulit ang kasunod na damit, Picture frame naman na sobrang luma ang design at sa bandang likod nakalagay at sa harap may nakasulat na "LITRATO." Haist! Ano ba naman 'tong mga 'to. Kinikilabutan tuloy ako. Parang ayoko ng ipagpatuloy pa ang pagpili ng mga damit. "Iska!." "SUNO--!!!." Muntik na akong mapasigaw ng biglang takpan ang bibig ko. "Iska.." Pffftt!! "Sorry!" Dagdag ni Chrislyn "Letse ka Chrislyn akala ko kung sino na! Sa susunod huwag kang manggugulat!." "Iska.. Makinig ka.. Nakakatakot dito sa store na 'to. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko." "First time mo kasi kaya ganyan. Ganyan din kami ni Eula nung una naming punta dito." Sagot ko kay Chrislyn "Hindi Iska.. Iba talaga.. Parang..." Nabitin si Chrislyn sa sasabihin niya ng may lumapit sa amin na isang babaeng may edad na at maiksi ang buhok. Nang tignan ko ang uniform niya "ALTHEA DENICE Store Manager". "Hello po mga ma'am. Good evening. Kung magchichikahan po kayo. Pwede sa labas na lang? Kasi marami pang nakapila sa labas." Sambit ng store manager. "Pasensiya na po. Bibili po kami." Sagot ko "Okay sige. Salamat." Sabay taas ng kilay at sabay irap ng store manager "Ang taray naman nun.." Busangot na sabi ni Chrislyn. Parang siya hindi? Nakaharap siya ng katapat niya. "Hayaan mo na. Ano ba yung gusto mong sabihin Chrislyn?." Tanong ko "Heto nga.. Kinikilabutan ako sa mga designs. Parang totoo." Nangangambang sambit ni Chrislyn "Anong ibig mong sabihin? 3D kasi ang mga designs dito." Sagot ko sa kanya. "Hindi Iska.." Ibinulatlat niya ang t-shirt na napili niya. "Tignan mo 'to kamukha ko ang nasa design." "Huh? Patingin nga.." Kinuha ko ang damit na hawak niya at tinitigan ko. "s**t! Oo nga." Nanlaki ang mga mata ko. "Parehas pa kayo ng damit na suot mo ngayon." Hindi ko makapaniwala sa nakikita ko. "Meron pa Iska.." May hawak pa siyang isang damit at pinakita sa akin. "Heto tignan mo.. Kamukha ni Robi ang mukha ng lalaki na nasa damit." Kinuha ko ulit ang damit. "This is s**t! Hindi maari.. Napakaimposible.." Sambit ko. Nang biglang dumating si Robi. "Uy Iska.." Sabay tingin kay Chrislyn. "Hello.." Bati nito kay Chrislyn. "Iska.. Tignan mo 'tong damit na 'to parang ikaw yung nasa design." Huh ako? Pati ako may kamukha sa mga designs nila? "S-s-sigurado ka?." Nauutal kong sabi. "Oo sigurado ako. Tignan mo." Iniabot sa akin ni Robi ang damit na hawak niya. "Noooo!!! Noooo!!! Hindi yan totoo!! D-design lang yan.. Nagkataon lang 'to." Ibinalik ko ang damit kay Robi saka ako tumingin sa dalawa at umiling-iling sila Robi at Chrislyn. "Hindi maaari 'to." Dagdag ko. "Iska.." Sigaw ni Eula "E-eula.." "Iska.. Lumabas na tayo dito.. Ayoko na bumili ng damit.. Sa ibang store na lang tayo.. Ayoko na dito!!. Ayoko na!!." Natatakot na sabi ni Eula. Habang nag-uusap usap kaming apat ay biglang nagkaroon ng music sa loob ng store. Sa sobrang lakas ng volume ay hindi na kami magkarinigang apat. Puro buka ng bibig na lang ang nakikita ko sa kanila. "Hindi ko kayo MAINTINDIHAN!!!!!!!!!!!!!."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD