POPCORN

1412 Words
Anong oras na wala pa rin sila Eula. Tumingin ako sa relo ko at alas-otso na ng gabi. Isang oras na lang magbubukas na ang STYD Store. Sa inip ko ay naglakad lakad muna ako sa loob ng mall. "Teka si Robi ba yun?." Bulong ko sa sarili. Lumapit ako sa lalaking kamukha ni Robi. Pagkalapit ko ay tinapik ko ang balikat ng lalaki at humarap ito. "Yes?." Sabi ng lalaki "Aw, Sorry akala ko ikaw yung kaklase ko." "Okay." Tsk! Akala ko si Robi yung lalaki parehas kasi sila ng tindig at buhok. "Nakakahiya." Bulong ko. Paghakbang ko ng isang beses palayo sa lalaki ay nagulat ako sa bumati sa akin. "Hi Iska.!" Ang ganda ng ngiti niya, Ang saya kung bibigyan mo ng kahulugan. "Hi Robi." Balik na bati ko sa kanya. "Kamusta na Iska?." "Mabuti naman hinihintay si Eula." Geez! Bakit parang nag-iinit ang mukha ko. Feeling ko namumula ako. "Galit ka pa ba sa akin?." Tanong niya. "Hind---." Hindi pa ako tapos magsalita ay nagsalita na agad siya. "Pasensiya ka na Iska sa nangyari ah. Hindi ko talaga sinasadya at ang mga sinabi ko habang nasa b---." "Okay lang Robi. Okay na ako wag ka na mag-alala. Huwag na lang natin isipin at pag-usap ang nakaraan na..--" Parang ang tagal na? Nung isang araw lang naman yun. "Oo nga pala nakita mo ba si Chrislyn?." Dagdag ko. "Hindi pa eh. Bakit mamimili rin ba siya?." Pagtatakang tanong nito. "Oo dba magkakasabay pa nga tayong lumabas ng school at sinabi rin niya na sasama siya?." "Ahh hindi ko matandaan hehe." Napakamot sa batok si Robi dahil dun. "Nandito na pala si Chrislyn eh." Sabi ko dahil sa malayuan pa lang alam ko ng siya na yun. "Hey Classmates!!." Malakas na bati ni Chrislyn "Hi Chrislyn." Sabay naming bati ni Robi Umikot sabay hawi ng buhok itong si Chrislyn sabay sabing "Wow sabay pa talaga kayong dalawa?." Medyo maarte ang pagkakasabi niyang iyon. "Duh!? Don't tell me...--" "Mali ka ng iniisip mo.. Wa--" Sambit ko "Relax, Wala akong ibig sabihin dun Iska." Mabuti naman kung ganun. "Okay." Sagot ko "Hindi pa ba tayo aakyat? Thirty minutes na lang at magbubukas na ang store dba?." Tanong ni Chrislyn "Wala pa si Eula eh." Sagot ko "Haay... Ang tagal naman niya... Parang VIP!." Sabay irap sa akin. Tsk! "Akala mo kung sinong maganda. Kung makapag-inarte." Bulong ko "May binubulong ka ba Iska?." Nakataas ang isang kilay ni Chrislyn ng tanungin ako. "Bakit may narinig ka ba?." Sagot ko. "Tama na yan.. Nandito na si Eula.." Pag-aawat ni Robi dahil talagang nagkakainitan na kami ng mga sandaling iyon. Naku kung wala lang talaga kami sa mall.. Hinablot ko na ang buhok niya.. "Buti naman at dumating na ang VIP." ani Chrislyn "Talaga namang-.." Pagtitimpi ko, Gustong gusto ko na talagang sabunutan ang babaeng iyon. Psh! Ang arte niya!. "Hi Iska.. Sor--." Hindi pa natatapos magsalita si Eula ng biglang sumingit itong si Chrislyn "Okay na. Let's go na! Huwag ka ng magpaliwanag." Sabay lakad ni Chrislyn papunta sa escalator. "Anong problema nun?." Tanong ni Eula "Huwag mo na lang pansinin." Sagot ni Robi Bakit ba nangingialam siya? Ako kaya ang kausap. Psh! Hinahigh blood talaga ako. Ayoko pa naman sa lahat yung inaartehan ako. Lalo na kung hindi kagandahan. Pffffft!. "Tara na akyat na tayo. Ten minutes na lang at magbubukas na ang store baka mamaya pumila na naman tayo ng sobrang tagal at abutin tayo ng dis-oras ng gabi sa daan." Pagyayaya ko kanila Robi at Eula. Naglakad na kaming tatlo papunta sa escalator.. Si Chrislyn sigurado nandun na siya.. Mas excited pa siya kaysa sa akin. Psh!. "Sorry talaga Iska kung na late ako sa usapan natin." Pagpapaumanhin ni Eula. "Okay lang yun. Saka sarado pa naman ang store eh..." Sagot ko "Pasensiya na talaga. Nagdadalawang isip nga ako kung pupunta ako eh. Kung hindi ako pumunta sigurado magagalit ka sa akin." Malungkot nitong sabi. Talagang magagalit ako kung nagkataon ngang hindi siya sumipot. "Bakit naman?." Nakita ko ang pangamba sa mukha ni Eula. Bigla itong pinagpawisan at parang natulala. "Uy Eula okay ka lang?." Tanong ni Robi "Eula anong nangyari sa'yo? Tinatanong ko lang kung bakit ka nagdadalawang isip kung pupunta ka?." Tanong ko "Kasi..." May pa suspense pa itong Eula. Kinakabahan tuloy ako.. Parang ayoko tuloy marinig ang isasagot niya Tumingin si Eula sa akin at kay Robi. May ibig sabihin ang mga tingin niyang iyon. "Eula.." "Iska.. Natakot kasi ako sa nagtext sa akin.. Hindi ko siya kilala.." "May nagtext din sa akin." Sambit ni Robi Biglang kumabog ang dibdib ko.. Ibang kaba ang naramdaman ko ng mga sandaling iyon.. Habang naglalakad kami sa 2nd floor papunta sa escalator na paakyat ng 3rd floor ay lalong lumakas ang kabog sa dibdib ko. "Ano number ng nagtext sa inyo?." Tanong ko "0923-XXXX-666" Sabay nilang sagot. Napatingin ako kay Eula at Robi, Nanlaki ang mata ng dalawa.. Animo'y hindi makapaniwala. "Sigurado ka Robi?." Tanong ni Eula kay Robi "Oo sigurado ako." Sagot nito at pinakita niya ang cellphone kay Robi. Nakita ko at bakas sa mata ni Robi ang takot. "G-ganyan din ang t-text s-sakin.." Nauutal na sabi ni Robi. "Iska.. Umuwi na tayo.." ani ni Eula Bigla ko tuloy naalala ang usapan namin sa cellphone bago ako umalis. -Flashback- -Dialing 0923-XXXX-666- -Ringing- "Oh thanks! Nagring na rin sa wakas." "H-hello." Kinakabahan ako, Nangininig ang mga kamay ko ng sandaling iyon. Tama lang kaya na tawagan ko siya ni hindi ko nga siya kilala.. "Hello po.." Pag-uulit ko dahil hindi pa talaga siya nagsasalita "Huwag na kayong tumuloy! Mamamatay lang kayo!" Isang sigaw ng lalaki ang narinig ko, Sa tono ng boses niya parang malayo siya sa cellphone at hindi niya iyon hawak. "Hello!! Anong pinagsasabi mo!!." Isang boses ng babae ang narinig kong nagsalita.. "Huwag kang maingay! Tumahimik ka diyan!." Sigaw ng babae. Alam kong hindi ako ang sinasabihan niyang iyon. "Hindi ka na dapat tumawag! Huwag na kayong tumuloy!!." Sigaw ng lalaki. Sino ba siya? At ano ang nangyayari sa kanya. "Hindi kita maintindihan!" Sagot ko Isang malakas na putok ng b***l ang narinig ko. Dahil dun ay nabitawan ko ang cellphone ko. "A-anong nangyari.." Nanginginig kong sabi sa aking sarili. "Bakit may tunog ng putok ng baril.." Napahawak ako sa bibig ko. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Nanginginig ang katawan ko na natatakot. Anong ibig sabihin ng lalaki na yun at saan kami hindi dapat tumuloy. "Hi Miss. Pasensiya ka na wrong number ka ng tinawagan." Napaatras ako ng dalawang hakbang dahilan para matumba ako at mapaupo sa gilid ng kama. Pinilit kong kunin ang cellphone ko para sagutin ang sinabi ng babae. Imposibleng wrong number ako kasi siya ang nagtext sa akin. At nang makuha ko na ang cellphone ko ay nagsalita na ako at sinagot siya. "S-s-sino po ba sila?." Tanong ko "I'm Al---" Sasabihin na niya ang pangalan niya ng biglang mag call ended ang phone ko. Sinubukan kong tawagan ulit pero ubos na ang load ko. "Sinong Al? Wala akong kilalang al." Bulong ko sa sarili. At nang mahimasmasan ako ay nagpatuloy na ako sa pag-aayos ng sarili at gamit. Pero hindi talaga mawala sa isip ko ang putok ng b***l na yun. -End of flashback- Nakarating na kami ng 3rd floor at pilit na nagyayaya si Eula na umuwi na kami. Pero gusto ko talagang makabili ng damit kahit na isa lang. Gayon din si Robi. Natatakot man siya mamimili pa rin daw siya ng damit. "Eula wag ka namang KJ. Text lang yan. Nandito na tayo saka konti pa lang ang pila. Tara na.." ani Robi "Pero..." "Wala ng pero pero Eula tara na pumila na tayo." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Walang mangyayari okay? Basta kapag nakabili na tayo lalabas na rin tayo agad." Dagdag ko "Sige na nga.. Basta kapag nakabili na tayo labas na rin tayo agad ah. Kinakabahan kasi talaga ako eh." ani Eula Nakikita ko sa mata ni Eula na talagang natatakot at kinakabahan ito. Kaya nagpasya akong bumili ng pop corn para habang nakapila kami ay may nangangata kami. "Wait lang ah bili lang ako ng pop corn." Pagpapaalam ko kanila Robi at Eula. Tango lang ang sinagot sa akin ng dalawa. Naglakad na ako papunta sa bilihan ng pop corn hindi naman ganun kalayo ang tindahan, Tanaw ko pa kasi sila Robi at Eula kung saan sila nakapila. "Kuya pabili nga po ng tatlo.. Yung large po." "Tatlo po? Mauubos niyo po ba lahat ma'am?." Nagtatakang tanong ng nagtitinda ng pop corn "Hindi lang ako kakain niyan, Kasama ko ang mga kaibigan ko." Sabay turo kung saan naroon sila Robi at Eula. "Saan po ma'am?. Wala naman pong tao dun." Sagot nito sa akin. Anong walang tao? Ang dami nga eh. Nakapila pa. "Hindi mo sila nakikita? Nakapila nga sila. Hinihintay nga namin ang pagbubukas ng STYD Store eh." Tinignan ko ang mukha ng lalaki pero takang taka ito. Parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko. Hindi naman ako nag-iilusyon, Gising na gising ako. "Ma'am nakakatakot po kayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD