RINGING

816 Words
"Sino ka ba kaseee!!!!!!!!!!." Sigaw ko sa cellphone ko. Mababaliw talaga ako nito, Kailangan kong malaman kung sino siya at kung ano ang pinagsasabi niya. "Yayaaaaaaaaaa!!!!!!!!." Sigaw ko habang nakatayo sa tabi ng bintana. Bakit kaya hindi pa umaakyat si yaya. "Yaya!!!!!!!!!!." Sigaw ko ulit. Naglakad na ako palabas ng kwarto ng biglang tumunog na naman ang phone ko. Nag text na naman yung unknown number. Nasa pinto na ako ng kwarto ko at hawak ko na ang door knob pero dahil sa text ay huminto ako at hindi na muna binuksan ang pinto. Babasahin ko muna ang text niya. At habang tinatype ko ang phone code ko ay nanginginig ang mga daliri ko hindi ko alam kung bakit. Nagsimula na rin kumabog ang dibdib ko. Hindi ko mawari kung bakit parang kinakabahan ako. Nang matype ko na ang phone code ko ay binuksan ko na ang messages at pinindot ang inbox. From: 0923-XXXX-666 Message: Sinabi ko na sayo na huwag na kayong tumuloy. Mapapahamak lang kayo. Mamamatay lang kayo. ISKA! Nanlaki ang mga mata ko dahil sa text niyang iyon. Paano niya ako nakilala? Sino ba siya!. "YAYAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!! YAYAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!." Paulit ulit na ako sa pagsigaw ng yaya pero wala pa rin siya. Ano ba kasi ang ginagawa niya. Bago ako lumabas ng kwarto ko para bumaba at tawagin si yaya para utusan magpaload ay inilapag ko muna ang cellphone ko sa lamesa kung saan naroon ang lamp shade. "Nakakainis nasaan na ba si yaya." Pagdadabog ko pagkatapos kong ilapag ang cellphone ko. ♪ Chest to chest, nose to nose .. Biglang nag ring ang cellphone ko. Hindi pa ako nakakalabas ng kwarto ko. Magkadikit ang dalawang palad ko habang pabalik sa pinaglapagan ko ng cellphone ko. Lakas ng kabog ng dibdib ko. Talagang kabado ako ng mga sandaling iyon. Palm to palm, we were always just that close Wrist to wrist, toe to toe... "Ano ba sandali!!." Sigaw ko habang dahan-dahan na naglalakad papunta sa lamesa. Kinakabahan talaga ako. Mukhang aatakihin ako sa puso dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Lips that felt just like the inside of a rose.. At nang makarating na ako sa lamesa ay agad kong hinawakan ang cellphone ko. -Calling 0923-XXXX-666- Pipindutin ko na ang accept call ng biglang mawala ang pagring nito. "Pucha!." Napamura na ako.. "YAYAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!." Tinodo ko na ang sigaw ko. At narinig kong may paakyat ng hagdan, Si yaya na ata yun. "Bakit po senyora?." "YAYA KANINA PA KITA TINATAWAG! KANINA PA AKO PANAY SIGAW! NASAAN KA BA AT ANO BA ANG GINAGAWA MO!!." "Iska, Hindi po kita naririnig.. Nagwawalis lang po ako sa sala." "HINDI MO AKO NARIRINIG? NAKAILANG SIGAW AKO NG YAYA!!." "Hindi po talaga.. Ano po ba yun.?" "Pa load mo ako yaya.." Medyo mahinahon na ang boses ko. Nairita lang naman kasi ako dahil sa takot. "Akala ko ba naman kung ano na.." Sagot ni yaya. Gusto kong tumawa pero nanginginig talaga ako at napansin yun ni yaya. "Iska... May problema ba?.." Tanong ni yaya sa akin. "W-wala p-po.." "Anong wala? Bakit ka nauutal at nanginginig ang mga kamay mo.." "Ahh hindi po yaya. Sige na po pakipaloadan na po ako.." "Sigurado ka Iska?." "Opo yaya sigurado po ako.. BILISAN NIYO NA PO!!!!." Sinigawan ko na naman siya sabay tawa. Yung tawa na "He hi he hi." Lalapitan sana ako ni yaya pero pinatigil ko siya. "Huwag kang lalapit yaya." Tumingin ito sa akin. "Iska paano ako magpapaload? Walang pambayad? Hindi naman pwedeng ihagis mo ang pera sa kinatatayuan ko diba?." Sagot nito. Oo nga naman tama siya. "Ahh... Hehe... Sorry yaya.." Kinuha ko ang wallet ko sa kama at kinuha ang fifty pesos para mapaloadan ako. Iniabot ko na kay yaya ang pera. "Ayan yaya.. Pakipaloadan na po ako at pakibilisan lang po ah. Importante lang po." "Okay senyora." Sagot nito sa akin. "Sinabi nang huwa---.." Natigil ako dahil sigurado sasagot na naman siya. "Sige na yaya umalis ka na." Tumalikod na si yaya at naglakad na ito palabas ng kwarto ko at umupo na ako sa kama. Limang minuto ang nakalipas wala pa rin ang load.. "Ang tagal naman ni yaya..." Naiinip kong sabi sa sarili. Medyo nabawasan na ang kaba ko at nagsimula na ako mag-ayos ng buhok. At habang nagsusuklay ako ay tumunog ang cellphone ko. "Siguro yung load na yun. Hay salamat naman at dumating na." Sambit ko habang patayo sa kinauupuan ko. Pagkakuha ko ng cellphone ay agad kong binuksan ang inbox. Buti naman at dumating na ang load. Ang tagal nun ah halos kalahating oras. "Saang lupalop kaya nagpaload si yaya." Sambit ko. Hindi na ako nagregister pa sa kahit anong unli promo. Tinawagan ko na agad ang nagtetext ng kung ano ano. -Dialing 0923-XXXX-666- "The number you have dialed is either unattended or out of coverage area.  The number you have dialed is either unattended or out of coverage area." "Bakit unattended?." Dinayal ko ulit ang cellphone number. -Dialing 0923-XXXX-666- "The number you have dialed is either unattended or out of coverage area.  The number you have dialed is either unattended or out of coverage area." "URGGGG!! Asaar!!!." Naiinis na ako hindi ko makontak ang number na nagtext at nagmiscall. Sinubukan ko ulit. "Heto kapag hindi pa ito nagring ibabato ko 'tong cellphone ko sa bintana." Seryoso ako sa sinabi kong iyon. -Dialing 0923-XXXX-666- -Ringing- "Oh thanks! Nagring na rin sa wakas."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD