MESSAGE FAILED

1391 Words
Nakasimangot akong pumasok ng bahay dahil ang binili kong kamatis ay napisa at muntik pa akong mahagip ng motor. Magkasalubong talaga ang aking mga kilay. Kaya kapag may narinig akong hindi maganda ay sigurado. Matatarayan ko. "Senyora Iska. Bakit po kayo nakasimangot?." Bati sa akin ng yaya namin. Kasasabi ko lang na kapag may hindi maganda akong narinig ay matatarayan ko. Mukhang si yaya ang masasampulan ko. "Huwag mo akong tawaging senyora!." Pagtataray ko. "Ang sungit niyo po ata ngayon madam Iska?." "Huwag mo akong tawaging madam!." "Bakit po kayo galit Iska?." "Wala!." "Ano po ang hawak niyo?." "Kamatis!." "Ahhh kamatis po pala yan. Akala ko po kung ano na." "Tumabi ka nga!." Daming tanong ng yaya namin. Pero kahit ganun siya sobrang bait niya kahit na nasisigawan ko siya at natatarayan. Parang wala lang sa kanya. Laging nakangiti at parang walang problema. Kaya nga pamilya na ang turing ko sa kanya, Kaya sanay na siya sa akin kapag nagtataray ako. "Iska.. Na--" "Bakit na naman!." "Nagluto ako ng paborito niyo pong ulam." Nakangiti nitong sabi. "Ah talaga?. Salamat yaya." Nakangiting sagot ko. "Ayan.. Dapat po laging ganyan senyora madam Iska dapat nakangiti po kayo lagi." "Oo na sinabi ko ng wag na senyora at huwag ring madam!. Makulit ka talaga yaya." Natarayan ko na naman ang masayahin kong yaya. "Oo nga pala. Sumabay ka mamaya sa hapunan ah. Ayokong nakatayo ka." Nakangiting nakasimangot na sambit ko. At pagkasabi kong iyon kay yaya ay tumalikod na ako at isinarado na ang pinto. Inaayos kasi ni yaya ang mga basura para isang kuhanan na lang mamaya ng truck ng basura. "Hello sweety, How are you?." Nakangiting bati ni mommy. Lumapit ako at humalik sa pisngi niya. "I'm good mom. Thanks." At lumapit din ako kay daddy at humalik din sa pisngi nito. Pero dedma ang dad ko busy kasi siya. Lagi na lang at hindi na bago sa akin ang ganun. "Mom.. I go upstair na po. Magbibihis na po muna ako." "Okay honey." Psh! Kailan kaya hindi magiging busy si daddy. Gusto ko rin siyang makabonding minsan. Kahit manood lang ng Tom and Jerry. Oo! Paborito rin kasi ni Daddy yun pusa't daga na yun. Aish! Naalala ko na naman yung video. "G R R!." "Honey.. May problema ba?." Aww narinig pala ni mom. Napalakas ata ang pagkakasabi ko. "Wala po mom." "Ok honey.. Kung may problema ka nandito lang kami ng daddy mo ah. Kausapin mo lang kami." "Ok mom.." [A/N] It's Friday. Iska's POV Nakakamiss naman si Eula.. Hindi kasi siya pumasok kahapon.. Sabagay wala rin naman kaming ginawa buong magdamag. Pero nakakamiss talaga siya matawagan nga. "Teka nasaan na ba yung cellphone ko?." Bulong ko sa sarili. Hindi ko kasi matandaan kung saan ko nalagay. Nagiging makakalimutin na talaga ako. Nang biglang may kumatok sa kwarto ko. "Senyora, Este madam ay Iska pala. Yung cellphone niyo po naiwanan niyo po sa sala. Nakita ko po.." Aish! Naiwanan ko pala sa sala. "Tuloy ka yaya." Pagkapasok ni yaya ay Iniabot na nito sa akin ang cellphone ko. "Oh bakit hindi pa po kayo umaalis?." "Baka po may ipag-uutos po kayo sa akin?." Nagpacute pa si yaya. Psh!. "Wala. Sige na. Salamat po." Lumabas na si yaya at dinayal ko na agad ang number ni Eula para matawagan. Pero out of coverage area. "Bakit kaya hindi ko siya makontak." Sabi ko sa sarili ko habang kagat kagat ang cellphone ko. May lakad pa kami mamayang gabi. Tinanggal ko ang cellphone sa bibig ko. "Itetext ko na nga lang siya. Siguro naman marerecieve niya." Sabi ko habang tinatype na ang itetext ko kay Eula. To: Eula (0999XXXX888) Message: Hi Eula. Hindi kita makontak. Kamusta ka na? Huwag mo kalimutan ang lakad natin ngayon ah. Pupunta tayo ng STYD Store later. -Message Sent- Pagkasent ng text ko ay humiga na ako sa kama ko. Naboboring ako. Dumapa ako, Gumulong na ako pero kaboring talaga. Nang bigla ko maaalala ang ginawang pag-akbay ni Robi. "Psh!! Nakakainis!!." Kinuha ko ang isang unan sa kama saka pinag-hahampas sa ulo ko dahil sa inis. Ayoko talagang maalala yung nangyari na yun sa palengke. Sinabunutan ko na rin ang sarili ko dahil bumabalik sa isip ko ang nangyaring sagutan namin sa bus. "ARRRRRGGHHH!!!." Sigaw ko sa loob ng kwarto. Naasar talaga ako. Ayokong masira ang gabi ko dahil sa mga walang kwentang nangyari nung miyerkules. "Inakbayan ka lang naman ang arte mo!." "Inakbayan ka lang naman ang arte mo!." "Inakbayan ka lang naman ang arte mo!." "URRRRGG!!!!!!!!!!!!!." Paulit-ulit na bumubulong sa isip ko ang mga sinabi niyang iyon. Alam ko may punto siya, Pero hindi dapat ganun ang pagkakasabi niya. "GRRRR!!!." Panggigil ko sa unan ko. "Makapag-ayos na nga!." Sambit ko at sabay balibag ng unan sa kama. Kumuha na ako ng damit na susuotin ko at pumasok na rin ako ng banyo para makaligo. At habang nagshashower ako ay bigla ko na namang naisip ang usapan namin sa bus. "Kahit na. Huwag mo akong kakausapin! Huwag ka na rin sasama sa biyernes!." "Oh bakit sa tingin mo hindi ako makakapunta at makakabili sa STYD Store? Feeling mo naman ikaw ang may-ari. Ang yabang mo." Psh! Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun. Ngayon narealize ko na mali ako. Wala naman talagang masama sa ginawa ni Robi. Kaya kapag nagkita kami mamaya sa mall ay hihingi na ako ng tawad sa kanya. Kasalanan ko naman kasi, Masyado nga akong maarte. Habang naliligo ako ay tumutunog ang cellphone ko. Alam ko sa akin yun dahil naririnig ko ang paborito kong kanta ang California King Bed ni Rihanna. ♪ Chest to chest, nose to nose Palm to palm, we were always just that close Wrist to wrist, toe to toe Lips that felt just like the inside of a rose So how come when I reach out my finger It feels like more than distance between us? In this California king bed We're ten thousand miles apart I've been California wishing on these stars For your heart on me, my California king.. Pero dahil nasa banyo pa ako at puro sabon ang katawan ko ay hindi ako makalabas para sagutin yung tawag. Kaya sinabayan ko na lang ang ringtone ko habang naliligo. Eye to eye, cheek to cheek Side by side, you were sleeping next to me Arm in arm, dusk to dawn with the curtains drawn And a little last night on these sheets So how come when I reach out my fingers It seems like more than distance between us? In this California king bed We're ten thousand miles apart I've been California wishing on these stars For your heart on me, my California kingggggggg..... ♪ Nasobrahan ata sa bandang dulo. Pasensiya na sa mga nakariting kung medyo sintunado ako boses ko. Psh! Tapos na akong maligo at nagtapis na muna ako saka lumabas ng banyo. Hindi pa ako nakapagbihis dahil tinignan ko muna kung sino ang tumawag. Pero hindi nakaregister ang number. Kaya nagtext ako sa number na tumawag. To: 0923-XXXX-666 Message: Who's this? Bakit po kayo napatawag?. -Message Sent- Pagkasent ko ng message ay bumalik na ako sa banyo para makapagbihis. Papasok na sana ako ng pinto ng banyo nang bilang tumunog ang message tone ng cellphone ko. "Ang bilis naman magreply nun." Bulong ko. From: 0923-XXXX-666 Message: Huwag ka nang tumuloy.. "Anong huwag na akong tumuloy? Saan?." Bulong ko sa sarili. Ano kayang pinagtetext ng taong yun. Hindi ako makapagbihis dahil sa kanya. Kaya nagreply ako. To: 0923-XXXX-666 Message: Who's this ba? Saka anong sinasabi mong huwag na akong tumuloy? Where? and why?. -Message Failed- Pero hindi nagsend ang irereply ko sa nagtext. "Ohh gross! Naubusan pa ako ng load. Naku bahala na nga siya! Hindi ko siya kilala." Sambit ko saka ibinato ang cellphone ko sa kama. Pagkabato ko ng cellphone ay agad na akong bumalik sa banyo para makapagbihis na. Pero patuloy na tumutunog ang cellphone ko. Sunod sunod ang mga message tone. Kaya nagmadali na akong magbihis para makita kung sino ang mga nagtetext. At nang makapagbihis na ako ay agad na akong dumiretso sa kama ko. "Where's my phone?." Bulong ko. "Alam ko binalibag ko lang yun sa kama." Dagdag ko. Nang tumunog ulit ang message tone ay hinanap ko kung saan nanggagaling ang tunog. Pagkakita ko ay nasa ilalim lang pala ng kama. Psh!!. Binuksan ko na ang inbox ng messages. Una kong nakita ang magkasunod na text ni Eula. From: Eula Message: Sorry Iska. Lowbat ako kanina. See you later. From: Eula Message: Sorry Iska. Lowbat ako kanina. See you later. Akala ko yun lang ang messages at nang i-scroll down ko pa ay may tatlong messages pa galing sa tumawag kanina. Kaya binuksan ko na ang mga text ng tumawag kanina. From: 0923-XXXX-666 Message: Huwag ka nang tumuloy.. From: 0923-XXXX-666 Message: Huwag ka nang tumuloy.. "Bakit ba paulit-ulit siya!." Naiirita kong sambit sa sarili. At nang buksan ko ang huling text niya ay nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. Kanina ako lang, Bakit ngayon may "kayo na." Sino ba siya..! From: 0923-XXXX-666 Message: Bakit hindi ka nagrereply? Huwag na kayong tumuloy. Sinasabi ko sa'yo mamamatay lang kayo sa pupuntahan niyo. "Sino ka ba!!!." Nasigawan ko na ang cellphone ko. Wala rin akong load para makapagreply. Bwisit siya! Natatakot tuloy ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD