KAMATIS

1472 Words
Iska's POV Parang may nabunggo ang kotse.. Hindi ako makahakbang.. Nanginginig ang katawan ko. Inisip ko baka nasagasaan si Eula.. Natulala ako saglit at nang bumalik na ako sa katinuan ay binitawan ko ang hawak kong sapatos at tumakbo agad sa unahan ng kotse. "Eul....?" Geez! "Hi Iska.." Kumaway pa siya sa akin. Nakangiti at parang walang nangyari. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa bewang ko. "Ikaw talaga! Halika nga dito Eula!" Nag-alala kaya ako sa kanya. Akala ko nasagasaan na siya. Pero dumila lang siya sa akin. Aish! Lakas mang-asar. Binalikan ko ang sapatos ko. Pero wala ang sapatos ko. "Asan na yun?" Bulong ko. "Heto ba ang hinahanap mo Iska?." Sino yun? Psh! Kinilabutan akong bigla. Dahan dahan akong lumingon. Pero wala namang tao... Lalo akong kinilabutan. "Asan na ba yung sapatos ko." Nagkakamot na ako ng ulo. Wala talaga. "Heto ba ang hinahanap mo..?" "Sino ka ba!" Napasigaw na ako. Pero paglingon ko ulit, Wala namang tao. Napamura tuloy ako ng di oras. "s**t!" Nagulat ako ng makita ko ang sapatos sa paanan ko. "Wala naman 'to kanina." Bulong ko. Napapraning na ako. "Oy Iska.. Ano na.. Uwi na tayo.." Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. "Sino na naman ba yun." Lumingon ako at nakita ko si Eula. Kumaway ito "Tara na Iska!!." Sigaw nito. Kinuha ko na ang sapatos ko at hindi ko muna sinuot at tumakbo na ako kung saan naghihintay si Eula. Kinikilabutan ako at nanginginig pa rin. "Iska. Okay ka na ba? Enjoy dba?." "Anong enjoy dun Eula! Muntik na akong himatayin sa takot!." "Bakit first time mo ba Iska?." "Oo first time lahat ang nangyari. Akala ko nabunggo ka na, Tapos yung sapatos ko biglang nawala tapos bigla rin lumitaw." Tumingin ako sa kanya, Nakangisi siya. Siguro siya ang may gawa. Pero imposibleng makatakbo siya agad. Kaya hindi ko na rin pinansin at naglakad na kami pauwi. "Iska sakay na ako. Salamat." Sabay beso sa pisngi ko. "Sige Eula. Ingat sa pag-uwi." "Ikaw ang mag-ingat kasi lagi kang nakakatulog. Hahaha." Psh! "Oo na." "Bye Iska." "Ingat Eula." Napabuntong hininga ako pagkasakay ni Eula. Mag-isa na naman akong maglalakad papunta sa sakayan ng bus. Haay tinatamad talaga akong maglakad. Pero mas okay kung maglalakad ako kaysa sumakay pa. Malapit lang naman ang sakayan. "Ate paupo lang po saglit. Suotin ko lang po ang sapatos ko." Pagpapaalam ko sa babaeng nagtitinda ng gulay. "Sige po ma'am." Sagot niya. Ngiti ang isinagot ko sa tindera at nang maisuot ko na ang sapatos ko ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. "Salamat po ate." "Ingat po ma'am." Ang bait naman ng tindera na yun. Dahil napangiti niya ako ay naglakad ako pabalik sa pwesto niya at bumili ako ng isang balot ng kamatis. "Ate pabili nga ng kamatis." "Heto po ma'am." "Magkano?." "Sampung piso po." Iniabot ko na ang bayad at ibinigay na ng tindera ang kamatis na binili ko. "Salamat po." Sabi ng tindera "Wala pong anuman." Sagot ko sabay kaway sa tindera Huminto ako saglit para ilagay ang kamatis na binili ko sa bag ko. At nang mailagay ko na ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. "Hi Iska.." Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Pero ang daming tao. Sino kaya sa kanila ang tumawag ng pangalan ko. Hay de bale na nga lang. Pagharap ko. "Iska!." "Ay patay na si mang kanor!" Nagulat naman ako dun. Si Robi lang pala. Pero teka anong ginagawa niya dito?. "Bakit ka nandito?." Tanong ko. "Hirap makasakay eh." Sagot ni Robi. Kahit nabubunggo na ako ay okay lang. Ganun talaga sa kalsada hindi maiiwasan lalo na at nasa palengke pa ako. "Ganun ba? Saan ka ba nauwi?." Tanong ko. "Ahh. Sasakay lang ako ng MRT." Ang layo ng sagot sa tanong ko ah?. "Mag MRT din ako.. Pa Taft." "Pwede makisabay?." Ano raw? Makikisabay siya? Bakit parang ang bait bait niya ata ngayon? Naguguluhan na ako sa kanya ah. "Ang pasaway at mahilig mang bully na si Robi makikisabay sa akin?." Pang-aasar ko sa kanya. "Bakit hindi ba pwede Iska?." "Pwede naman." "Pwede naman pala eh. Tara na!." Sabay akbay sa akin. Feeling close?. "Alisin mo nga ang kamay mo." Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko. "Ano ba! Kung maglalandian kayo dun kayo sa motel!." Sigaw ng babaeng natamaan ng kamay ko. "Pasensiya na po." Pagpapaumanhin ko. "Tignan mo na! Nasabihan pa tuloy akong nakikipaglandian sayo!." "Bakit hindi ba?." "Kapal ng mukha mo! Letse!." Bwisit na yun. Makikisabay na nga lang ang yabang pa. Akala ko talaga mabait na. Psh! Iniwanan ko na siya at naglakad na ako. Kapal ng mukha niya. "Iska! Saglit!." Sigaw niya. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy ako sa paglalakad. Nakakainis siya!. Nakarating na ako ng sakayan ng bus at agad na sumakay sa nakahintong bus. Pero parang may kakaiba akong naramdaman sa pag-akbay niya akin. Sanay kasi ako na ako yung umaakbay pero kay Eula ko lang ginagawa. At si Robi ang unang lalaki na umakbay sa akin ng biglaan. Psh! Naiinis ako kapag naiisip ko. "Saan po kayo ma'am?." Tanong ng konduktor. "MRT lang po." Sagot ko. "Sampung piso po." Iniabot ko na ang bayad ko at ibinigay na sa akin ng konduktor ang ticket. Umandar na ang bus at kinuha ko ang cellphone ko sa bag para makapagstatus sa f*******:. "On my way home. Psh! First time kong maakbayan ng lalaking mayabang. -Feeling Irratated." -Post- Nang maipost ko na ang status ko ay binaling ko na ang tingin ko sa bintana. "Saan po kayo sir?." Tanong ng konduktor. Hindi ko napansin na may katabi na pala ako. Pero hindi ko siya tinignan kaya umurong ako saglit. "MRT lang." Sagot ng lalaki. "Sampung piso po." "Wala po kayong barya sir?." "Wala sa'yo na ang sukli." "Psh! Ang yabang!." Bulong ko sa sarili ko. "Ano sabi mo Iska?." What? Hindi kaya si Robi ang lalaking katabi ko ngayon?. Lumingon ako sa katabi ko at isang malaking ngiti ang nakita ko. "Psh!." Pang-iisnob ko sa kanya. Oo si Robi nga ang katabi ko. "Ano ba yan. Ang dami namang upuan sa tabi ko pa umupo." Bulong ko. "Gusto ko ikaw ang katabi." Bulong niya. Nagbulungan pa kami pero nagkakarinigan din naman. "Ano bang problema mo Robi!?." Naiirita kong tanong. "Bakit ba Iska? Ano bang ginawa ko?." Tanong niya. "Inakbayan mo ako!." "Dahil lang dun? Napaka sensitive mo naman." "Sensitive na kung sensitive. Ayoko lang ng inaakbayan ako ng lalaki." "Bakit tomboy ka ba!?." "Anong sabi mo!!.." Napatingin ako sa mga pasahero, Nakatingin ang karamihan sa aming dalawa ni Robi. Psh! Nakakahiya. "Patawarin mo na miss!." Sigaw ng isang lalaki. "Inakbayan ka lang naman ang arte mo!." Sabi ng babae sa likod ko. Nangingialam? Feeling close?. Sa bwisit ko pumara na ako sa bus. "Para!!." Sigaw ko. At kahit wala pa sa Mrt ay bumaba na ako dahil sa inis. "Wala pa sa MRT ah?." Tanong ni Robi Hindi ko siya sinagot at tatayo na sana ako ng sabihin ni Robi "Hindi pa po siya bababa. Sa MRT pa po kami. Pasensiya na po.". "Bakit ka ba nangingialam? Close ba tayo?." "Iska.. Hindi naman ako nangingialam.. Alam ko hindi tayo close.. Magkaklase lang tayo.. Gusto ko lang ng may kasabay, Sorry kung nabigla ka sa pag-akbay ko. Hindi ko naman alam na magagalit ka. Hindi ko sinasadya.." "Kung ikaw nagagawa mo yun sa ibang babae! Ibahin mo ako!." "Ano ba talaga ikinagagalit mo Iska? Akbay lang yun. Hindi naman kita binastos ah.." Oo nga naman akbay lang. Ay hindi! Basta!. "Kahit na. Huwag mo akong kakausapin! Huwag ka na rin sasama sa biyernes!." "Oh bakit sa tingin mo hindi ako makakapunta at makakabili sa STYD Store? Feeling mo naman ikaw ang may-ari. Ang yabang mo." Parang siya hindi mayabang ah?. Pero hindi ako nakasagot sa sinabi niyang iyon. Oo tama siya kaya tumahimik na ako. Nakakabadtrip lang siya. -MRT na po.- Sa wakas at nakarating na rin ang bus sa MRT. "Excuse me!." Pagtataray ko kay Robi. Nakaharang kasi siya. At nang makababa na ako sa bus. Napansin kong hindi bumaba si Robi. Akala ko mag MRT siya?. "Ano bang paki ko sa kanya." Bulong ko. Umakyat na ako sa taas ng mrt at nakasakay na rin ng tren. Pero yung inis ko ay hindi mawala. Nakakairita talaga siya. Ang yabang niya tapos sa akin ipapasa. Nakakabwisit lang. At nang nasa taft station na ang tren ay lumabas na ako at naglakad na pababa ng station. Pagkababa ko ay naglakad ako papunta sa sakayan ng jeep. Pero mahaba ang pila sa terminal. Pumila na ako dahil mabilis naman mapuno ang jeep kaya hindi naman ako aabutin ng matagal sa pila. Mga limang minuto ay nakasakay na ako at umandar na rin ang jeep. Habang nakasilip ako sa bintana ng jeep ay may napansin akong billboard. Billboard ng STYD Store. Ang angas talaga ng store na yun. "HOY MISS YUNG ULO MO!!." Hinigit ako ng katabi ko sa jeep dahil muntik ng masagasaan ang ulo ko. Hindi ko napansin na nailabas ko na pala ang ulo ko dahil sa kakatingin sa billboard ng STYD. "BALIW KA BA!." Sigaw ng driver. "Pasensiya na po." Nakakahiya... Pero okay lang kasi nakita ko naman ang billboard at nakita ko rin na marami silang bagong stocks. Palihim akong napangiti nun. Narinig ko rin ang ibang pasahero na nagbulungan. "Baliw nga ata." Bulong nung isang babae sa kasama niya. "Wala kayong pakialam." Sagot ko. Tamaan na kung tatamaan sila. "Manong PARA!." Sigaw ko. Sa biglaang para ko ay biglaan din ang pagpreno ng jeep. "Ano ba yan!." Sabi ng isang pasahero. "Aahraaayy." Sabi nung babaeng bumulong na baliw raw ako. Tumingin ako sa babae "Buti nga sayo!." Sabi ko at saka bumaba na ako ng jeep. "Hoy tumabi ka!." Shit muntik na ako dun. Buti na lang at nakaatras agad ako dahil kung hindi patay ako. Tinignan ko ang kamatis na nilagay ko sa bag. Oh gross! Napisa ang mga kamatis >.<.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD