TOM AND JERRY

1338 Words
Iska's POV Nakakaloka talaga ang nangyari kanina. Muntik na akong atakihin sa puso at kung may sakit naman ako sa puso ay malamang tegok na ako. Hahaha. "Saan na yun?." Hinahanap ko yung baso na naiwan ko sa sala. Pero wala talaga. Hanggang sa may magsalita na "Heto ba ang hinahanap mo?." Syempre ako natakot, Alam ko ako lang ang gising ng mga oras na yun. "Mommy! Ginulat mo ako!." "Sorry Honey, Hindi ko sinasadya." "Akala ko kung sino na! Akala ko kung ano na! Takot pa naman ako sa multo." Maiyak-iyak ako ng mga oras na yun. Kaya lumapit sa akin si mommy at niyakap ako. Humihingi siya ng paumanhin. Kahit naman siya nagulat sa biglaang pagsigaw ko, Buti na nga lang at hindi nagising si daddy. Kaya pinaakyat na ako ni mommy sa kwarto at nahiga na ako. Biglang nagring ang cellphone ko. "Ano ba yan. Antok na antok pa ako." Sabi ko sa sarili ko habang naghihikab at nagkakamot ng ulo. Tinignan ko kung sino ang tumatawag sa cellphone. Si Eula pala. "Ano kayang problema." Sambit ko sa sarili. "H-hello?." "Ahm... Hello Iska.." Sa boses niya parang may bumabagabag sa kanya. Ano kayang nangyari. "Yes E-eula.?" "Tanong ko lang if tuloy tayo sa biyernes?." Akala ko ba naman kung ano na. Yun lang pala ang tinawag niya. "Ou bakit.? Hindi ka ba sasama? Magagalit ako sayo kapag nangyari yun." Syempre konting drama. Hihihi. Pero seseryosohin ko kapag hindi nga siya sumama sa akin sa STYD Store sa biyernes. "No.. No.. Sasama ako.. Tinanong ko lang.. Sige goodnight Iska.." "Goodnight Eula.." -Call Ended- Haay naistorbo ang tulog ko ni Eula. Ang hirap pa naman maghanap ng tulog. Oo hinahanap siya, Pwede nga thru online eh. Hahahaha! Inilapag ko na ang cellphone ko sa tabi ng unan ko, Bahala na kung malaglag siya. Malikot kasi ako matulog, Swerte na lang kapag hindi nalalaglag. zzzzzzzz "Good Morning Mom." Sabay halik sa pisngi "Good Morning Dad." Sabay kiss sa cheek. Medyo susyal kasi ang dad ko kaya dapat english. Hahaha. "Good Morning Sweetheart." Sabay na sabi ni mommy and daddy at sabay din silang humalik sa dalawang pisngi ko. Ang sweet talaga nilang dalawa kaya ang swerte swerte ko to have parents like them. Natapos na ako magbreakfast at lumabas na rin ako ng bahay para bumyahe pa Mrt taft. As usual mahaba na naman ang pila ng mrt. Laking pasasalamat ko talaga sa express card. (Promote pa more.) Sa totoo naman kasi. Hindi ka na maabala pa at diretso ka na agad sa waiting area kung saan ka na makakasakay ng tren. Walang hussle na nangyari kaya maaga akong nakarating ng school. At dahil sa maaga ako hihintayin ko na naman si Eula sa harap ng gate. Dahil sigurado ako wala pa siya sa loob. Sa hindi kalayuan ay may nakita akong taxi na papunta dito sa school. Sigurado ako si Eula yun. Hanga rin ako sa kanya kasi kahit na medyo kinakapos sila sa financial ay nagagawa pa rin niyang magtaxi para lang hindi ma late sa unang klase namin. Kaya ng mapansin ko siyang pababa na. "Susyal, Naka earphone." Bulong ko sa sarili ko. "May pakembot kembot pa. Hahahaha." Natatawang sambit ko sa sarili. "HOLDAP 'TO! AKINA ANG CELLPHONE AT WALLET MO!." Sigaw ko. Syempre ang loka natakot. "H-H-HUWAG MO AKONG SASAKTAN, IBIBIGAY KO SAYO ANG KAILANGAN MO." Pag-utal utal nitong sabi. Kaya ako may tinindihan ko pa ang paboboses lalaki. "BILISAN MO AKINA YANG CELLPHONE AT WALLET MO!." Naramdaman kong nanginginig na siya sa takot. At pagkaabot niya sa akin ng cellphone at wallet niya. "HAHAHAHAHAHAHA!! WOW MALI!!." Bonggang bongga ang tawa ko ng mga sandaling iyon. Namutla si Eula sa takot. Kitang kita ko yun. "GRABE KA!! TINAKOT MO AKO ISKA!!. Akala ko totoong holdaper na talaga ang naghoholdap sa akin." Pinaghahampas niya ako ng bag niya. Buti na lang at shoulder bag lang yun at hindi bag pack dahil kung back pack yun malaman magkakapasa na ako sa dami ng hampas niya. "HAHAHAHA! Sorry na Eula. Ang ganda kasi ng kembot mo eh. At halatang good vibes na good vibes ka." "Oo good vibes talaga ako. Kaso dahil sa pang gogood time mo. Nasira iyon.. Akina nga ung wallet ko. Hindi pa ako nakakapagbayad sa driver." Pasimple akong tumatawa habang iniaabot niya ang bayad niya. "Keep the change po manong. Salamat po.." Bigtime talaga. Tawa ulit pero pasimple lang. "Sige tawa lang Iska. Akala mo nakakatawa." Inis na siya sa akin. Kaya naman lalambingin ko na ang kaibigan ko. "Sorry na Eula. Binibiro lang naman kita eh. Peace na tayo." Hinarangan ko siya sa nilalakaran niya at papikit-pikit akong humingi ng tawad sa kanya. Pero natatawa pa rin talaga ako sa reaksyon niya. "Oo na! Tara na pumasok na tayo." "Galit ka pa rin eh." Kaya kiniliti ko na siya sa bewang, Yun kasi ang kahinaan niya. "Mehehehehe. Iska tama na. Mehehhehee." Ang gara ng tawa niya parang kambing. Hahahahaha.. Nakakalibang kaya kiniliti ko pa siya ng kiniliti. "Mehehehehe.. Meeheheheheh... Tama na Iska... Mehehehe.." Tinigil ko na kasi hiningal na ako sa kalokohan ko at nakita kong maluha luha na siya. "Hindi ka na ba galit Eula?." Tanong ko habang hinihingal ako. "Hindi na. Ikaw talaga Iska, Alam na alam mo kung saan ang kiliti ko." Sagot niya habang nagpupunas ng luha. "Syempre kaibigan kita." Inakbayan ko siya at sabay na kaming naglakad papasok ng school. Walang masyadong misteryo ang nangyari sa amin sa loob ng magdamag kaya heto pauwi na kaming dalawa. Pero this time may mga kasabay na kami. Sila Robi at Chrislyn. Ang kikay at ang bully. Sasama raw kasi sila sa biyernes. Bahala sila. "Oi Iska, Don't forget to message me on friday okay?." Sabi ni Chrislyn "Ako rin Iska. Just text me." Sabi naman ni Robi Hello wala naman akong number ni Robi at hindi kami friend ni Chrislyn sa f*******:. "Okay..." Matipid kong sagot. "Oh sige have to go na. Buh-bye..." "Byee.." Nagpaalam na Chrislyn at nakangiti ito. Pero ako nakangisi. Ayoko kaya siya maging friend. Masyado siyang maarte. "Una na rin ako Iska, Eula. Kita kits na lang sa biyernes." Pagpapaalam ni Robi. "Okay sige. Ingat.." Ohh nasabi ko yun? Ang bait ko ata sa kanya. Pero siya hindi. Hindi man lang nga nagpasalamat eh. Hmp!. Tumingin ako kay Eula. Ano kayang pinagkakaabalahan niya. Nakatutok siya sa cellphone niya. Ano kayang meron.? "Uy Eula, Ano ba yang pinapanood mo?." Tanong ko. Tumingin siya sa akin saglit at binalik ang pansin sa cellphone niya. "Sagutin mo naman ako. Ano ba yan?." "Ah wala heto. Tom and Jerry." Sagot niya. "Aiissh!! Akala ko ba naman kung ano na. Patingin nga. Paborito ko yan panoorin eh...." Ayaw niya ipakita sa akin ang cellphone niya. Kaya nakipag-agawan ako. "Patingin ako Eula.... Dali na..." Pero ayaw niya talaga ipakita. Kaya pinilit kong hablutin. At yun nakuha ko ang cellphone niya. "Ayaw mo pang ibigay eh. Gusto mo pang pahirapan. Akala mo hindi ko makukuha noh. Hehehe." Nakangiti pa ako ng sabihin iyon kay Eula. Pero siya hindi na niya kinuha at umupo na lang ito. "Hindi mo ba kukunin ulit?." Tanong ko sa kanya habang winawagayway ang cellphone niya. "Akala ko ba gusto mong panoorin?." Malungkot nitong sambit. Nakonsensiya naman ako. Ibabalik ko na nga lang ang cellphone niya. "Oh heto na..." Iniabot ko na ang cellphone niya. "Ikaw naman, Makikinood lang ako eh. Kasi paborito ko ang tom and jerry." Kokonsensiyahin ko rin siya. Pero nakayuko lang ito. Umiiyak si Eula? Bakit?. "Uy Eula, Sorry na... Huwag ka ng umiyak diyan... Sorry na talaga.." Tsk childish pala itong si Eula. Hindi ko na nga siya bibiruin. "Uy Eula.. Tahan na.. Huwag ka ng umiyak diyan. Uwi na tayo.." Hinihila ko ang kamay niya patayo para makauwi na kami. Pero hinihigit niya ito. Parang ayaw niyang tumayo. "Hindi ako galit Iska.." Nahihikbi nitong sabi. "Eh bakit ka umiiyak?.." Bumalik na naman siya sa pag-iyak. "Sabihin mo Eula. Ano ba meron sa pinanood mo at umiiyak ka ng ganyan." Lalong lumakas ang pag-iyak niya kaya niyakap ko na siya para i-comfort. "Tahan na Eula. Tahan na." Patapik tapik ako sa likod niya. Pero dahil sa ginagawa ko ay patuloy pa rin ang pag-iyak niya. Ayaw naman niya sabihin kung anong problema. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Gusto ko talagang malaman. "EULA! ANO BA! WALA KA BANG BALAK TALAGA SABIHIN SA AKIN KUNG ANO ANG NAPANOOD MO AT KUNG BAKIT KA UMIIYAK!!!." Hindi ko namalayan na nasigawan ko na pala siya. "Sorry Eula... Hindi ko sin---." "ISKA, PATAY NA TAYO!!!!."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD