FEELING POSITIVE

967 Words
Eula's POV Iniwanan na rin ako nila mama at papa. At napagpasyahan nilang bukas na lang ako kausapin tungkol sa nakita ko. Pero hindi ko talaga kayang sabihin sa kanila. Ayokong mag-alala sila sa akin. Ngayon pa at graduated na ako. Gusto ko munang makita ako nila mama at papa na nakatoga at ga-graduate bago nila akong makitang patay. Tinawagan ko Iska dahil sa hindi ako makatulog, Gusto ko rin kasi siyang makausap kung tuloy kami sa biyernes, Dahil kinakabahan talaga ako. -Dialing Iska's Number- -Ringing- "H-hello?." Mukhang naistorbo ko ang tulog niya. Halata kasi sa boses ni Iska. "Ahm... Hello Iska.." "Yes E-eula.?" "Tanong ko lang if tuloy tayo sa biyernes?." "Ou bakit.? Hindi ka ba sasama? Magagalit ako sayo kapag nangyari yun." "No.. No.. Sasama ako.. Tinanong ko lang.. Sige goodnight Iska.." "Goodnight Eula.." -Call Ended- Haaay, Gusto kong sabihin sa kanya na baka may mangyaring hindi maganda sa biyernes. Dahil kinukutuban ako at may mga pangitain na hindi maganda. Hindi ko alam kung ano yun pero talagang kinabahan ako. Lumipas ang dalawang oras, Ala-una na ng madaling araw pero gising pa rin ako. Tawagan ko nga ang isa pa namin kaklase. -Dialing Chrislyn's Number- -Ringing- "Hello Chrislyn.." "HELLLLOO!! SINOO 'TO!!?." Ang ingay naman kasi ng paligid niya. Siguro nasa gimikan na naman siya. "Kamusta..?" "HELLLOO?? HINDI KITA MARINIG.." "Sige ingat.." -Call Ended- Buti pa siya nagagawa niyang magpakasaya at malaya siyang nakakapunta sa mga gimikan. Pero hindi ako naiinggit sa kanya, Kasi ako gusto ko talaga makapagtapos ng pag-aaral. "Antok dalawin mo na ako.." Bulong ko sa sarili dahil gusto ko na talagang matulog at maaga pa akong gigising. *Tok tok tok* "Eula, Gising na. Alas-singko na. May pasok ka pa diba?." "Eula.. Gising na anak.." *Tok tok tok*. "Ma, Nandito na po ako sa banyo. Naliligo." "Ah sige, Akala ko natutulog ka pa eh. Magluluto na rin ako ng almusal natin." "Sige po ma." Akala siguro ni mama tulog pa ako. Eh hindi naman talaga ako nakatulog ng maayos. Alas-tres na ako natulog at nagising ako ng alas-kwatro imedya. Bangag pa ako pero hindi ako lasing ah.. Kailangan ko kasing maligo para mahimasmasan kahit papaano at saka papasok ako sa school. Tapos na akong maligo at nakabihis na rin ako ng uniform. "Oh anak, kamusta ka na? Okay na ba ang pakiramdam mo?." Tanong ni papa. "Opo papa, Maayos na po ang pakiramdam ko." Sagot ko habang pinupunasan ng tuwalya ang buhok ko. "Mabuti kung ganun, Alam mo bang hindi kami makatulog ng mama mo sa kakaisip kung ano yung nakita mo." Natigil ako sa pagpupunas ng buhok ko dahil pinaalala ni papa ang nangyari kagabi. "Wala po yun papa. Kalimutan niyo na." Nakangiti kong sambit sa kanya. "Sigurado ka anak? Kasi iba ang pakiramdam ko habang pinagmamasdan kita kagabi. Parang hindi maganda ang nakita mo." Gusto kong sabihin kay papa na hindi talaga maganda ang nakita ko. Pero ayoko silang mag-alala. "Opo papa. Pagod lang po siguro ako at masyadong maraming iniisip." "Oh sige. Sa sabado mamamasyal tayo ng mama mo. Para marelax naman ang isip mo anak." Nakangiting sabi ni papa sabay tapik sa balikat ko. "Sige na bilisan mo ang pagpupunas at bumaba ka na. Kakain na tayo ng almusal." Muntik ng tumulo ang luha ko ng mga sandaling iyon dahil hindi ko inakala at inisip na mag-aalala si papa sa akin ng ganun. Madalas talaga ay wala siyang kibo sa akin. Nangangamusta lang siya madalas at never nagkwento o nagsalita ng mahaba. "Sige po papa." Sagot ko. Bumaba na si papa at ako ay pumasok na sa kwarto para isabit ang tuwalya sa likod ng pinto. Kinuha ko na rin ang bag ko at mga libro. "Anak, Umupo ka na dito sumabay ka na sa amin." Pag-aalok ni mama. "Sige po." Nilapag ko muna sa isang silya ang bag at mga libro ko. At umupo na para makakain ng almusal. Tapos na akong kumain. "Konti pa lang nakakain mo anak ah?." Tanong ni mama. "Busog na po ako ma, Saka marami po kaming gagawin sa school ngayon eh." Pero ang totoo hindi ako nabusog at wala naman kaming masyadong gagawin. "Sige anak, Mag-iingat ka sa pagpasok ah." Pagpapaalala ni papa. "Opo pa... Sige po papasok na po ako.." Pagpapaalam ko. Palabas na ako ng pinto ng tawagin ako ni papa. "Napano yang binti mo? Bakit may sugat?." Tanong niya. "Ah heto po, Nasabit lang po papa." Nakangiti kong sagot kay papa. "Sige anak.. Mag-iingat ha.." Mukhang hindi naniniwala si papa sa sinabi ko. Pero nasabi ko na. Sasabihin ko na lang ang totoo sa sabado pag namasyal kami. Nakalimutan ko pa ngang humalik sa pisngi kanila mama at papa. Kaya mamaya na lang ako hahalik pag-uwi ko. "Good Morning Eula.." Bati sa akin ng kapit-bahay namin. "Magandang Umaga din po sa inyo." Nakangiti kong bati sa kanya. "Ingat ka sa pagpasok Eula, Sayang ang ganda.." Nakangiti niyang pagpapaalala sa akin. Haay bait talaga ng kapit-bahay namin. Araw-araw akong binabati bago ako pumasok ng school. Kaya good vibes ako kapag papasok na. Pero hindi lagi, Kasi kahapon ay halos kamalasan ang mga nangyari sa akin at kay Iska. Sana naman ngayon walang mangyaring masama. Pumara na ako ng masasakyan papasok ng school. "Taxi.." Buti na lang at pinasakay agad ako ng taxi driver. Kahapon kasi nahirapan akong sumakay. "Sa may Intergrated School po ako manong." Sabi ko sa driver at pinaandar na nito ang taxi. Habang nakasakay ako ay kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang f*******: apps. Para magstatus. "OTW to School... Feeling Positive.." Napangiti ako pagkatapos kong magpost. Sigurado ako good vibes ang mga mangyayari ngayong araw. Kaya kinuha ko muna ang earphone ko para magpatugtog ng music. Medyo malayo pa naman ang taxi sa school at mag-uturn pa siya paikot ng monumento circle. -Now Playing- ♪ 'Cause the players gonna play, play, play, play, play And the haters gonna hate, hate, hate, hate, hate Baby, I'm just gonna shake, shake, shake, shake, shake I shake it off, I shake it off Napapasayaw pa ako sa loob ng taxi at sinasabayan ang kanta ni taylor swift. Heartbreakers gonna break, break, break, break, break And the fakers gonna fake, fake, fake, fake, fake Baby, I'm just gonna shake, shake, shake, shake, shake I shake it off, I shake it off ♪ Sa huling kembot ko ay biglang may sumigaw. "HOLDAP 'TO! AKINA ANG CELLPHONE AT WALLET MO!."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD