PROLOGUE

334 Words
[A/N] Ang bawat tauhan, lugar at pangyayari ay likha lamang ng aking malawak na kaisipan. -- Mahilig magshopping at magselfie si Iska. Kahit saan siya magpunta ay hindi nawawala ang pagt-take niya ng picture at sabay post sa mga social networking sites. Madalas kasama niya ang kaibigan na si Eula. Pagkatapos ng school ay nagpupunta sila sa mall para tumingin-tingin ng mga damit. Hanggang sa mabalitaan nila na may bagong store at kakaiba ay agad nila'ng pinuntahan. Nang makarating na sila sa mall, nakita nila ang bagong store na STYD o Shop Till You Drop ang pangalan ng clothes store. Nakakapangilabot ang ambiance ng STYD store. Hindi nila alam kung papasok ba sila o hindi. Pero dahil sa mahilig naman si Iska sa adventure ay pinasok din nila ni Eula ang store. Nakabili si Iska ng damit na kakaiba ang design. PASOK NA SA FITTING ROOM ang unang damit na binili niya sa STYD Store. At dahil sa damit na 'yun, kung anu-ano na ang nararamdaman, nakikita at napapanaginipan niya. Hanggang sa dumating sa punto pati ang ginagawa at nangyayari sa kanila ni Eula at mga kaibigan ay nakadesign na sa t-shirts na tinda sa STYD Store. "Iniwan mo kami Iska! Wala kang k'wentang kaibigan! Hinayaan mo kami'ng mamatay sa loob ng store! Hinayaan mo kami'ng masunog!" Ani Robi. "Sarili mo lang ang iniligtas mo! Ikaw lang ang nagtago sa FITTING ROOM! Wala kang k'wenta! Tinuring kita na para ko ng kapatid tapos iiwanan mo lang din pala ako!" Ani Eula. Hindi maintindihan ni Iska ang sinasabi nila Eula at Robi. Hanggang sa tanggalin nila ang mga damit nila--nakita niya na sunog na sunog ang katawan ng mga kaibigan. Naaawa siya sa nangyari sa mga kaibigan. Nasuka habang tinitignan ang mga sunog na katawan ng mga ito. Ano ang bumabalot na misteryo sa STYD Store lalo na sa loob ng FITTING ROOM?  Patay na nga kaya talaga ang mga kaibigan ni Iska? Halina't samahan niyo sila Iska at Eula na tuklasin ang hiwagang bumabalot sa loob ng FITTING ROOM ng STYD Store. i-Hashtag mo na ito ‪#‎FITTINGROOM‬ ‪#‎STYDStore‬
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD