INTRODUKSYON

464 Words
  Marami sa atin ang mahilig magshopping at magselfie, lalo na ang mga kababaihan. Kadalasan makikita sila sa mga clothes store at minsan kapag nasa FITTING ROOM ay nagseselfie sila kapag naisukat na ang mga damit na gusto. Paano kung mabalitaan mo na may clothes store na isang oras lang sa isang linggo kung magbukas at isang oras lang ang store hour. Syempre papasok ang curiosity sa utak mo at pupunta ka.   STYD Store ang kakaibang clothes store. Ang mga designs na binebenta ay sadyang kakaiba, hindi pangkaraniwan. May makikita ka na design na nangyari sa'yo, tulad ng muntik ka ng masagaan, meron sila. Pati ang itsura mo ay gayang-gaya. Hindi ba nakakapagtaka ang ganun? Nakakakilabot.   Kakabukas lang ng STYD Store, biyernes ng araw na 'yon. Dinagsa ang clothes store ng gabing 'yon. Nakakapangilabot na ambiance ang bubungad sa'yo sa STYD Store. At bago ka makapasok ay magpapalista ka muna ng 'yong pangalan bago ka makapasok at kapag tinawag na ang number mo ay lalapit ka na sa entrance door at sasabihin sayo na BAWAL ang CELLPHONE at CAMERA'S. Kailangan mo kasi'ng isurrender 'yon sa security guard dahil bawal magpicture-picture sa loob. Lalo na sa kakaiba nilang FITTING ROOM.   Ang FITTING ROOM ng STYD Store ay makakaibang disenyo, may kamay at paa sa salamin nito. Pagpasok mo ay talagang mapapasigaw ka dahil sa gulat. Pero kung hindi ka naman nagkakape ay hindi ka na magugulat, pero kapag nakabili ka na ng damit sa STYD Store ay asahan mo na ang mga kakaibang mangyayari sayo.   Mananaginip ka na ng mga bagay na hindi kapani-paniwala. Kahit nasaan ka man, nasa tren o bus ay mararansan mo ang mga kakaibang pangyayari sa iyong buhay na akala mo ay totoong nangyari, yun pala ay hindi.   Isang gabi pagkauwi niyo galing sa school, ay nakita mo ang sarili mo na sunog at patay sa laro na 'yong paborito. At ang damit mo na binili ay may gumagalaw na mata, kahit sa picture ay meron. Pero pagtingin mo ay wala, pero nakikita ng ibang tao. At paano kung ang matandang tumulong sa'yo at nagmalasakit ay biglang masagasaan? Ano ang mararamdaman mo? Ang kaibigan mo malakas mang-asar, pero kapag inasar mo ay napipikon. Isang beses niloko mo siyang patay na at naiyak siya. Kalaunan ay nangyari nga ang sinabi mong patay na kayo. Makakapagsalita ka pa ba? O sisisihin mo ang sarili mo hanggang sa kabilang buhay.   Ito ang kwento ng kakaibang FITTING ROOM. Sasalamin sa inyong buhay, paboritong lugar ng mga shopaholic at mga taong mahilig magselfie sa clothes store. Susukatin din nito ang tagal ng iyong buhay, kakaibang mga pangyayari ang sa inyo'y naghihintay!   Inaanyayahan ko kayo na pasukin ang kakaibang FITTING ROOM na aking isinulat. Heto ang MYSTERY/THRILLER na siguradong TRENDING sa inyong mga kaibigan! Tara sukatin na ang damit na 'yong napili at magselfie. PASOK NA SA FITTING ROOM!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD