"Candice!" Bulalas niya at tumakbong lumapit sa bagong dating at yumakap ng mahigpit.
"Anong nangyari sa 'yo Bella?" Nag-alalang tanong nito na inilayo ng bahagya ang mukha sa kanya para matingnan siya nito.
"Hindi ko alam kung paano ito sisimulang sabihin sa 'yo Candice, this is so terrifying," humihikbing sagot niya.
"Paano naman kita matutulungan niyan kung hindi mo sasabihin sa akin? Common Bella, Take a deep breathe, and again," sinunod naman niya ang sinabi nito, and somehow gumaan nga ang mabigat niyang naramdaman. Kumuha ito ng tubig sa refrigerator at sumalin sa baso saka ibinigay sa kanya. Nakatulong naman iyon para guminhawa ang pakiramdam niya.
"Ang papa kasi Candice..." She starts telling her, at mataman naman itong nakikinig as if she doesn't want to miss a single word mula sa sinasabi niya.
"Hindi ako makapaniwalang magagawa 'yan ng Tito Roger, Bella, at kilala ko ang tinutukoy mong tao. He's a member of a notorious syndicate Bella. Si Fernando Rosales," hindi maitago ang kilabot sa boses ni Candice ng banggitin ang pangalan ng lalaki.
"Hindi ko rin alam. Hindi ko alam Candice kung bakit nagawa iyon ni Papa. Nitong nagdaang mga buwan ay palagi siyang wala dito sa bahay, at may mga time na humihingi siya ng pera sa akin bagay na hindi ko naman binigyan halaga, dahil masiyado akong nag-e-enjoy sa shop ko, Candice."
"Nag da-drugs kaya ang Tito Roger, Bella?" Nanlaki ang mga mata ni Candice nang itanong iyon sa kanya. Umiling siya at hindi naniniwala sa sinabi nito.
He had something na hindi niya alam, pero hindi ito engage sa droga iyon ang tiyak niya. Wala namang nagbago sa ugali ng ama except lang sa palaging late ito kung umuwi, at nanghihingi ng pera sa kanya. Aside from that wala na itong bagong katangian.
"At ano ang plano mong gawin ngayon Bella?" Tanong ulit ng kaibigan.
"Hindi ko alam Candice. Bukas ang ibinigay niyang palugit sa papa at wala akong maisip kung saan ako kukuha ng ganoon kalaking halaga, bukas na bukas din," she's helpless and worried.
"Subukan mo kayang lumapit kay Greg, tukoy nito sa may-ari ng Travel agency kung saan nagtrabaho siya dati, at kasalukuyang nanliligaw sa kanya si Greg.
"Wala si Greg ngayon sa bansa Candice, matagal pa iyon babalik at ayokong istorbohin siya sa mahalagang bagay na pinagkaabalahan niya," she automatically declined her suggestion.
"Napakalaking kaguluhan ito kung hindi mabigyan ng solusyon bukas Bella, at natatakot ako para sa inyong kaligtasan ni Tito Roger."
"Parang gusto ko na lang mamatay kesa mapunta sa taong hangal ang kaluluwang iyon Candice," nag-uunahan ang mga luha sa kanyang mga pisngi sa tuwing maalala ang sinabi ng lalaki sa kanya kanina. She's dreaming of a fairytale like, love story since kid. At ayaw niyang makasal sa maling tao na nga, masama pa at doble ang edad sa kanyang edad.
"Arabella, take this as your greatest game to win. Huwag tayong mawalan ng pag-asa, at lahat magagawan natin 'yon ng paraan. Mangyari man bukas ang hindi dapat mangyari hahayaan na lang muna natin 'yon, at marami pa tayong maaring gagawin na plano sa susunod na mga araw," makahulugang sabi nito na pilit siya binibigyan ng pag-asa.
Bigla namang lumiwanag ang lahat sa kanya dahil sa sinabi ng kaibigan, at parang bigla siyang nabigyan ng lakas ng loob.
"Tama ka nga Candice, I can handle this," sabi niya sabay pahid sa mga luha.
"Tatawagan mo ako, ano man ang mangyari, Bella," sabi nito ng pauwi na ito.
Nang magpaalam ang matalik na kaibigan na uuwi na ay biglang binalot ulit si Arabella ng matinding pag-alinlangan at takot. Matagal na itong nakaalis pero nanatili lang siyang nakaupo sa kinauupuan niya kanina. Tinatamad siyang gumalaw. Hiniling na sana ay isa lang itong masamang panaginip, at bukas ay magigising siyang walang alalahanin, tulad ng dati. Pero ilang kurot na ang ginawa niya sa sarili wala pa ring pagbabago na nangyari.
Hihintayin niya ang ama at kailangan nilang mag-usap ng masinsinan. Pero ilang oras na ang nakalipas ay wala ni anino ng ama ang dumating. Humahaba na ang kanyang leeg na sumisilip sa bintana 'pag may tumigil na tricycle sa tapat nila pero wala pa rin ito. At nag-alala na rin siya, lalo nang maalala ang niya ang sinabi ni Candice na mapanganib ang pinagkakautangan nito.
Hindi siya mapakali, at hindi pa rin umuuwi ang ama nang maghahating gabi na. Naroong lumabas siya ng gate at tatayo doon pero agad din siyang pumasok sa loob ng bahay dahil pakiramdam niya ay may nagmamasid sa kanya mula sa dilim.
Mag-uumaga na nang matulugan ni Arabella ang paghihintay sa ama. Nakayupyop ang ulo niya sa mesa at hindi na niya nagawang pumasok pa sa kanyang silid. Sinag ng araw ang nagpagising sa kanya, pakiramdam niya ay wala pang isang oras siyang nakatulog. Humahapdi ang matang idinilat niya ang mga 'yon, at napangiwi siya nang maramdaman niya ang pananakit ng kanyang leeg dahil sa hindi komportableng posisyon niya nang matulog.
Agad nagpalinga-linga at umaasang makikita na niya ang ama doon, pero bigo siya at muling nakaramdam ng pag-alinlangan.
What if they abduct and punish him?
Hindi malayong mangyari iyon dahil sa uri ng pagktao ng mga iyon. Tila hindi takot pumatay ng kapwa. Pero pilit niyang inaalis sa isipan ang posibilidad na iyon, at may hanggang mamaya pang palugit itong ibinigay sa kanyang ama.
Pumasok siya sa silid nito upang e-check kung naroon ito, baka hindi niya lang namalayang dumating ito kanina. Pero kahit ilalim ng kama nito ay nahalughog na niya wala pa ring bakas nito doon.
Minabuti niya munang maligo. Pagkabihis ay pumunta siya sa kusina at nagtimpla ng kape, hindi na siya nag-abala pang magluto ng almusal dahil sigurado siyang hindi naman magagalaw iyon, dahil wala siyang ganang kumain. Kahit kape pakiramdam niya ay wala itong kalasa-lasa at napakatabang kahit ilang kutsara na ng asukal ang nailagay niya.
Nagpasya siyang hindi na magbubukas ng shop ng araw na iyon dahil hindi naman siya maka-focus. Binuksan niya ang television pero wala din doon ang kanyang attention kaya minabuti niyang patayin na lang iyon.
Mag-aalas kwatro na ng hapon nang dumating ang kanyang ama. Napatuwid siya ng tayo at sinalubong ito.