CHAPTER 5

1117 Words
"Bakit mo 'yun ginawa Bella?" Agad na tanong ng kanyang ama pagkaalis na pagkaalis ng grupo ni Fernan. "Ayokong papatayin tayo ng lalaking iyon papa, sinabi sa akin ni Candice kung gaano siya ka mapanganib na sindikato," sagot niyang tinapunan ng tingin ang nag-aalalang ama. "Pero sa gagawin mong pagpapakasal sa kanya ay lalo mo lang ipapahamak ang iyong sarili."  "Hindi mangyayari 'yun pa, basta susundin mo lang ang sinabi ko kanina na hindi ka dadalo sa araw ng kasal. At gusto kong bago magplano ng kasal ang taong 'yun ay aalis na kayo ng Palawan," nakita niyang marahas siyang tiningnan ng ama sa kayang sinabi. Magsasalita pa sana ito ng inunahan na niya. "Iyon ang nararapat mong gawin pa, iyon lang ang hinihiling ko sa 'yo," gusto niyang idagdag na dapat iyon ang gawin nito dahil ito naman ang may kagagawan ng lahat. But she chooses not to mention it, at sa plano niya siya dapat mag-concentrate. "At saan naman ako pupunta Bella?" Nagugulahang tanong nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Di po ba sinabi n'yong may pinsan po kayo na taga Davao po? Ang Tito Norbert po?" "Oo nga pero matagal na kaming walang contact ni Norbert at hindi ko alam kung nasa Davao pa siya ngayon." "Ako na po bahalang maghanap sa kanya at ako na rin ang aayos sa pagpunta niyo doon kung sakali." "Meron ako dati na cellphone number niya nakalagay sa wallet ko hindi ko alam kung gumagana pa ito kasi ilang taon na ang nakalipas," may dinukot itong papel na nakatupi sa pitaka nito saka inabot sa kanya. Kinuha niya ito at nakaramdam siya ng lakas ng loob kahit papano. "Sige na po magpahinga na kayo at namumutla po kayo," utos niya dito, napapailing lang ito na sinunod ang utos niya. Nang makapasok ito sa silid nito ay agad na din siyang pumasok sa kanyang silid at kinuha ang cellphone. Huminga muna siya ng malalim bago idinayal ang cellphone number ng kanyang Tito Norbert. She prays so hard na magri-ring ito. Ilang saglit pa ang lumipas ng halos mapalundag siya sa tuwa nang marinig niya ang pag-ring mula sa kabilang linya. "Hello sino ito?" Sabi nito sa bisaya accent. "Si Norbert Robles po ba ito?" Robles ang apelyido nito dahil pinsan ito ng ama sa ina, magkapatid daw ang ina ng kanyang papa at ang ina ng kanyang Tito Norbert. "Oo ako nga ito, sino ba sila?" May pagtataka sa boses nito. "Ako ho 'yung anak ng pinsan mong si Roger po," masigla niyang pagpapakilala at sobrang natuwa talaga siya. "Arabella? ikaw nga ba 'yan Arabella? Naku at dalaga ka na siguro, noong umalis ako diyan sa Palawan eh, limang taon ka pa lang," maririnig mong nagagalak din ito nang malamang siya ang tumatawag. "25 years old na po ako ngayon tito Norbert. Kumusta na po kayo diyan?" "Sabi ko na nga ba eh, may asawa ka na ba?" "Wala pa po Tito," gusto niya sanang idugtong na kaya siya tumawag dahil sa bagay na 'yan pero pinigilan niya ang sarili. "Abay mainam kung ganoon may makakasama pa ang iyong papa. Teka nga pala kumusta naman ang iyong papa?" "Okay naman po siya, kaya nga po ako tumawag kasi po gusto kong magbakasyon ang papa diyan sa inyo kung okay lang po. Gusto ko po kasi makapagpahinga din siya kahit papano po at puro trabaho lang ang inaatupag niya dito," totoo namang masipag ang kanyang ama nitong huli lang sila nagkaproblema ng dahil kay Fernan. At hindi niya iyon masabi sa tiyuhin ngayon. "Aba nagagalak ako kung gagawin niya 'yan at namimiss ko na rin ang iyong papa, hindi lang ako makauwi diyan kasi meron akong trabaho dito, Bella," masaya ito nang marinig ang sinabi niya. "Talaga po Tito, okay lang po magbakasyon ang papa diyan?" "Oo naman kahit anong oras niya gustuhin," natatawa nitong sabi. "Sa lalong madaling panahon po, at aayusin ko ang pagpunta niya diyan." Masaya siya ng magpaalam sa tiyuhin at bukas na bukas din aayusin niya ang pagpunta ng kanyang ama sa Davao. Kinabukasan ay ibinalita niya sa ama ang naging pag-uusap nila ng kanyang Tito Norbert masaya naman ito pero nag-alala pa ring maiiwan siya nitong mag-isa. But she gives him assurance na magiging okay rin ang lahat, sa huli ay nakumbinsi niya na rin ito.  Pagkatapos mag-almusal ay dumiritso siya sa isang mall at naghanap ng ticketing office. Nang makakita ay hindi na siya nag-atubili pa na pumasok at nag-book ng ticket para sa ama. Ang pinakamadali na schedule ang pinili niya para sa ama. Next week ang alis, puno kasi halos ang schedule ng flights dahil summer ngayon at bakasyon. Okay na rin iyon. Pagtapos niyang mai-book ang ama ng ticket ay agad siyang nagtungo sa kanyang shop at magbubukas siya ngayon. Baka maghinala pa si Fernan na may pinagkaabalahan siyang iba. Pagmalaman nitong hindi siya gumawi sa kanyang shop. Nang makababa sa tricycle ay agad niyang nakita si Fernan na nakaupo sa labas ng kanyang shop. Speaking of the devil. Agad itong tumayo nang makita siyang papalapit at isang malaking himala ang hindi ito makitang may kabuntot na mga alipores. "Akala ko kung saan ka na nagpunta," sabi nitong akto siyang gagawaran ng halik sa pisngi. pasimple siyang yumuko at kunwaring hinanap ang susi sa bag upang iwasan ang halik nito. "Tinanghali lang ako nang gising," maikli niyang sagot at ayaw niyang pagdinagdagan niya ang sinasabi ay mahahalata nitong nagsisinungaling siya. "Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" Tanong niya habang ramdam na nakasunod ito sa kanyang likuran nang makapasok siya sa loob ng kanyang shop. "Gusto ko sanang pag-usapan na ang kasal natin," halos abot tenga ang ngiti nito habang nakatitig sa kanyang mukha. Pinigilan niya ang sariling huwag itong irapan. "Iyon din ang gusto ko Fernan ang madaliin ang lahat, wala na rin naman akong kawala sa 'yo eh," sabi niyang ni hindi makatitig dito, parang gusto niyang masuka kapag maisip na magpapakasal siya dito. Kahit may edad na ito ay guwapo at matikas pa rin naman pero hindi niya alam kung bakit para siyang nandidiri sa lalaki. Siguro dahil sa naisip niya na isang masamang tao ito. "Okay, bukas na bukas magpapa-book ako sa isang sikat na restaurant dito sa Palawan para pag-uusapan natin ang ating kasal aking reyna," sabi nitong pasimpleng hinagod ng kamay sa kanyang pisngi, lumayo siya at ayaw niyang mahawakan man lang nito. "Sa bahay na lang Fernan alas tres ng hapon at ayoko nang lumabas pa."  pasimple niya itong itinaboy pagkatapos nitong pumayag na sa bahay sila mag-uusap. Mabilis naman itong tumalima at umalis na. Saka niya lang binitawan ang pinipigil na buntong-hininga nang makitang umalis na ang sasakyan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD