Eksakto alas tres ng hapon kinabukasan ay pumarada ang van ni Fernan sa labas ng kanilang gate. Lalabas na sana siya upang buksan ang gate nang hawakan siya ng kanyang ama sa braso.
"Anak, baka magbago pa ang iyong isip puwede ka pang umatras ngayon at ako na ang bahala sa kanila." Ipinatong niya ang kamay sa ibabaw ng kamay nitong nakahawak sa kanya saka ito hinarap.
"Pa, do you trust me?" Mahinahong tanong niya sa ama at tumango lang ito bilang sagot.
"Pa, kung naniniwala ka talaga sa akin, hahayaan mo ako sa aking mga desisyon at susundin mo lang kung ano ang sinasabi ko pa, everything will be fine," Nang bitiwan siya nito ay lumabas na siya at tinungo ang gate at binuksan. Pumasok na si Fernan at nakabuntot ang mga tauhan nito at may mga kasama pa itong iba na hindi niya kilala.
Nang makapasok sila sa loob ay inanyayahan niyang maupo ang mga ito. Pinili niyang maupo sa tabi ng ama at malayo kay Fernan. Ayaw niyang magkaroon ito ng chance na makatabi siya.
"Meron na akong kasama na wedding planner aking reyna," bungad nito na mahigpit niyang pinigilan ang sarili na huwag itong pagtaasan ng kilay.
Kinuha naman ng isang bakla ang isang folder na dala nito at inilatag sa mesa. Lumapit siya at tiningnan ang nakalistang wedding packages. At ang mga naroong presyo ay kayamanan ng maituturing at sobrang nakakalula. Kanina pa siya pabuklat-buklat at hindi naman siya interesado.
"This one is suit for you. A magical themed wedding," sabi ng baklang wedding planner na nagpakilala sa pangalang Andy.
No need for a magical themed wedding at masasayang lang 'yan. Gustong niyang isagot dito, bagkus nginitian niya lang ito nang napakatamis.
"Pinakamahal na ba iyan?" Singit naman ni Fernan, na gusto sana niyang ismiran.
"Ito 'yung pinakamahal na package Mr. Rosales," nakangiting sagot ni Andy.
"Hindi naman natin kailangan ng napakamahal na kasal Fernan, mas pipiliin ko pa rin ang simple. Hindi tayo celebrity para mapag-usapan," sagot niyang itinuro ang pinakamura na package. Kalahating milyon ay mahal parin iyon para sa kanya pero wala siyang choice at iyon lang ang pinakamura sa lahat. Isa pa ayaw na niyang mapagod lang siya sa pag-prepare kung hindi siya pipili sa naroong wedding package.
"Okay, 'yan na ang pipiliin namin Andy, at iyan ang gusto ng aking reyna," pumayag na rin ito sa gusto niya.
Hindi mo rin naman mapapakinabangan ang milyones mo Fernan pagdating ng araw na 'yun, kaya huwag ka ng kumuntra sa pinakamura. She thought devilishly while secretly staring at his all out smile face.
Ang wedding gown na pinili niya ay ang pinakamura at pinakasimple na rin. It's useless anyway. Lahat ay napagkasunduan na at nang isuot ni Fernan sa kanyang daliri ang mamahaling singsing na may malalaking bato ay gusto niyang hubarin ito at itapon sa bintana.
Please Bella habaan mo pa ang iyong pasensiya kunting panahon na lang ang hihintayin mo. Naisip niya at tiningnan ang ama na walang imik at nakakuyom ang mga kamay.
"Gusto ko ng mas maaga ang petsa," at nag-suggest siya ng date dalawang linggo mula sa mismong araw na ngayon. Nakita niyang lalong lumapad ang mga ngiti ni Fernan nang marinig ang sinabi niya.
"Makakaya ba ang ganoon kaaga na petsa?" Baling nito sa wedding planner.
"Kayang-kaya Mr. Rosales basta may budget na tayo," nakangiti na sagot ng wedding planner.
"Walang problema, paki-total ng lahat ng babayaran ko," pagkatapos ay may inabot ito kay Santos. Nang pinakita ni Andy ang kabuuan ng babayaran niya ay tahimik lang itong sumulat sa cheque nito. Pinilas at saka ibinigay kay Andy na halata na ikinatuwa naman nito nang makita ang full p*****t na nakalagay sa cheque.
"So wala na ba tayong problema?" Muling tanong nito kay Andy.
"Wala na Mr. Rosales, uumpisahan na namin ang preparation by tomorrow," tiningnan siya at nginitian, gumanti din siya ng pilit na ngiti.
"Narinig mo aking reyna, wala ka ng ibang gagawin kundi ang mag-relax hanggang sa darating ang araw ng ating pag-iisang dibdib," parang bata na tuwang-tuwa na ibinibida sa kanya. Tumango lang siya at bahagyang ngumiti.
Nauna ng umalis ang wedding planner at ang couturier matapos siyang masukatan. Naiwan ang grupo ni Fernan sa kanilang bahay.
"Basta ang usapan natin Fernan na hindi dadalo ang papa sa araw na iyon," mahigpit niyang paalala sa lalaki.
"Hindi ko 'yun nakakalimutan at balewala naman sa akin ang mahalaga ang makasal tayo. Iyon lang Bella," ni hindi tinitingnan ang kanyang Papa.
"Mabuti na iyong malinaw ang lahat Fernan."
Mahigpit pa rin ang pagtutol ng kanyang ama nang makaalis sina Fernan pero buo na talaga ang pasya niya.
Nang makapasok siya sa kanyang silid ay agad niyang tinawagan si Candice at isiniwalat ang plano. Nahintakutan sa narinig si Candice.
"Baka mapapahamak ka sa gagawin mo Bella," hindi maitago ang pag-alala sa boses ng kaibigan.
"Buo na ang pasya ko Candice, ang hinihiling ko lang sa 'yo ay huwag muna tayong magkita at baka idamay ka nila kung sakali."
"Pero Bella matalik tayong magkaibigan hindi pwede na hindi kita dadamayan sa mahirap na pinagdadaanan mo ngayon," hindi ito nakukumbinsi sa mga sinasabi niya.
"Gagawin mo iyang sinasabi ko Candice. At alam mo naman dati pa na malakas ako at kaya ko ang sarili ko."
"Pero iba ang sitwasyon na kinalalagyan mo ngayon Bella. Napaka-delikado at talagang hindi biro."
"Alam ko Candice. Ang mga hinihiling ko sa inyo, iyan na ang pangunahing tulong niyo sa akin. Kaya please lang...," hindi niya natapos ang sasabihin ng muli itong magsalita.
"Okay Bella, pero ipapaalam mo sa akin oras na mangangailangan ka ng tulong," mahigpit nitong bilin bago magpaalam.
Siya man ay walang kasiguruhan sa gagawin niya, but she rather takes the risk, kesa pagsisihan niya ang lahat sa huli. Hindi siya dapat panghinaan ng loob lalo at nakaplano na ang lahat niyang gagawin. Tamang-tama lang ang binigay niyang petsa ng kasal dalawang-linggo mula ngayon, at next week wala na rin dito ang kanyang papa. Lilipad na rin ito patungo sa Davao.
Everything is set, I will just wait the right time to come.