"Tanggapin mo na lang ang lahat Joaquin, you and Sandrine are not meant for each other. Kita mo naman kung gaano kumikislap ang mga mata niya pagmakikita si Dean sa paligid," tinapik ni Apollo ang kanyang mga balikat at kamuntikan pang malaglag ang basong hawak niya na may lamang alak dahil sa lakas nang pagkatapik nito. Nasa private farm nila sila ngayong apat at wala si Dean dahil lumipad ito kahapon patungo sa Paris kasama si Sandrine para sa honey moon nilang dalawa.
"Isa pa ngayon lang kita nakitang parang isang lalaking sakitin ng dahil kay Sandrine, Joaquin. Hindi bagay sa laki ng katawan mo," si Nathan na natatawa habang binubuksan ang canned beer.
"Alam mo Joaquin kung ako ang tatanungin, hindi pag-ibig iyang nararamdaman mo kay Sandrine eh. Paghanga siguro, at natatapakan lang iyang sobrang taas mong ego dahil si Dean ang pinili ni Sandrine," naaaliw naman siyang tinititigan ni Tyler.
"Alam mo Tyler imbes na magkomento ka sa nararamdaman ng iba, mas mabuti siguro na atupagin mo kung paano mapapasaiyo si Alexandria, plus ng minime mo na si Alexander," binato niya ito ng canned beer na agad naman nitong nailagan. Malakas na nagtawanan sina Nathan at Apollo sa sinabi niya kay Tyler.
"Tama naman si Tyler, Joaquin," natatawa pa ring sabi ni Nathan.
"Isa ka pa Nathan, baka mapagkamalan kang cradled snatcher sa kaibigan ni Bea. Your age is almost triple with Amara's," natatawa na rin siya sa sinabi nang makitang nalukot ang mukha ni Nathaniel pagkabanggit sa pangalan ni Amara.
"Idagdag ka pa Apollo na binabantayan kuno ang anak ng mayamang business man na si Mr. Ruiz. I saw how beautiful Sabrina is, sobrang ganda kahit may kasamaan ang ugali. Baka bantay salakay yan ha," agad siyang umilag nang makitang babatuhin siya ni Apollo ng hawak-hawak nitong beer.
"Go to hell Joaquin, at mukhang mas kailangan ka doon. Kaya hindi ka yata nagustuhan ni Sandrine dahil sa matabil ang iyong dila," umiiling sabi ni Nathan na muling uminom sa hawak na baso.
"But frankly speaking, sobrang saya kong makita si Dean na masaya," napaseryoso na sabi ni Tyler.
"True, and he deserves such happiness sa piling ni Sandrine, kaya huwag mo na 'yung ipagkait sa kanya Joaquin. Balang araw makakatagpo ka talaga ng para sa 'yo," matiim siyang tinititigan ni Apollo.
"Hindi ka naman nauubusan ng babae ah," muling biro ni Nathan. Pagkasama niya ang mga pinsan talaga wala kang matitinong makakausap isa man sa kanila.
Pero nagkaroon ng lamat ang solid na samahan nila ni Dean dahil kay Sandrine. Iba sa lahat ng babae si Sandrine eh, iyong tipong moderna na babae physically pero ang puso nito ay napaka-concervative. Halos magkamatayan na sila ni Dean ng ilang beses ng dahil kay Sandrine. Pero sa huli si Dean pa rin ang nagwagi sa puso ng dalaga. At sino siya para maging hadlang sa dalawa, 'di ba? Masasaktan niya lang ang dalawa kung ipipilit niya ang kagustuhan pati sarili niya ay sasaktan niya rin.
At sa araw ng kasal ng dalawa, kitang-kita niya kung gaano kasaya ang dalawa. Masakit man linapitan niya parin ang pinsan at nag-congratulate, isinintabi niya muna ang pansariling damdamin. Mahigpit naman na tinanggap ni Dean ang kanyang pagbati. Naluluha pa itong yumakap sa kanya kahit na iyon ang una nilang paghaharap simula ng alitan nila. At aaminin niya man o hindi, he can't afford to cause mess to that happiness, both Dean and Sandrine deserve.
"Aalis muna siguro ako, at baka matatagalan akong mawawala," napabuntong hininga niyang sabi matapos inisang lagok ang laman ng kanyang baso.
"Where to?" Tanong ni Apollo na muling kumuha ng beer sa cooler.
"Magbabakasyon muna ako pansamantala sa Palawan."
"When?" Tanong naman ni Tyler na natigil sa akmang pag-inom.
"Aayusin ko lang muna ang trabahong maiiwan ko sa opisina, siguro mga dalawang linggo mula sa araw na to."
"We wish you bring your own happiness pagbalik mo ng Batangas, Joaquin," sabi naman ni Nathan na alam ni Joaquin may kasamang biro na naman.
"Alam ni 'yo mahirap pala sa part na hindi kami nag-uusap ni Dean, simula kasi mga bata pa tayo magkakasama na tayo at nagtutulungan kung may problema ang bawat isa. Parang natapon lang ang samahan ng dahil sa isang babae. Naiintindihan ko naman siya dahil pareho lang naman kami na nagkagusto sa iisang babae. Pero pagbalik ko pangako mag-uusap kami ng masinsinan," sabi niyang nakatingin sa malayo.
"Dapat lang Joaquin, napapagitna kasi si Sandrine sa inyong dalawa," si Tyler.
"At simula pa lang kasi alam ko ng si Dean ang gusto ni Sandrine," si Apollo na natatawa nang maalala ang halikan nina Dean at Sandrine na naabutan niya.
"Kahit naman si Dean, I've never seen him as protective as that sa isang babae, tanging kay Sandrine lamang. Kung pwede nga lang ipasok niya sa kanyang bulsa ang asawa saan man ito magpunta," si Nathan.
"Siya nga pala Tyler alam mo na bang babalik na sa Spain si Alexandria?" Baling niya kay Tyler nang maalala ang usapan ni Alex at Bea noong kasal ni Dean. Kita niya naman ang gulat sa mukha nito nang marinig ang sinabi niya. Wala itong sabi-sabi na tumalikod at sumakay sa kotse nito at mabilis na pinaharurot.
"He's in trouble," naiiling na sinundan ng tingin ni Apollo ang papalayong sasakyan ni Tyler.
"Susundan ba natin?" Tanong ni Nathan.
"No need na siguro para magkaroon sila ng privacy ni Alex, hindi naman basagan ng mukha ang susuungin niya na kailangan nating back up-an," sabay pa silang lumingon ng biglang dumating ang isang sasakyan, pareho silang walang bisitang inaasahan.
Kitang-kita niya ang pagkalaglag ng panga ni Apollo nang bumaba sa sasakyan ang isang napakagandang dalaga. Naka mini skirt at off-shoulder ang pang itaas. Tumikhim siya at tiningnan siya nang masama ni Apollo ganoon din ang ginawa nito kay Nathan ng pekeng mapaubo ito.
"Hi Sabrina," halos magkasabay pa nilang bati ni Nathan ngunit tinapunan lang sila nang masamang tingin ng babae.
"Ang kapal ng mukha mo na bawalan si Jonas na pumunta sa bahay, bakit tatay ba kita?" Galit nitong dinuduro si Apollo at parang gusto niyang tumawa ng malakas nang makita ang reaction ng pinsan. Tinaguriang tigasin ngunit parang sa isang babae lang tumitiklop.
Nagkatinginan sila ni Nathan at sumenyas kay Apollo na mauuna na sila. Tiningnan lang sila ni Apollo nang matalim.
"You are also in big trouble," bulong niya ng matapat sa kinatatayuan nito.
Saka niya lang inilabas ang kanina pa niya pinipigilang tawa ng nasa loob na siya ng sariling sasakyan. Natatawa siya sa itsura ni Apollo, parang si Dean lang kay Sandrine, at parang si Tyler kay Alexandria, at Nathan naman kay Amara.
At siya? Hindi pa niya kilala. Magaan na ang dibdib niya ng muling lingunin si Apollo at Sabrina saka nag-drive na paalis.